You are on page 1of 6

Basahin Natin

Kabanata 31 Hanggang 40 ng Noli Me Tangere


Sinimulan ni Padre Damaso ang sermon, ngunit nang makita
si Ibarra, ang pagbabahaggi ng mabuting balita ay natuon sa
pagpaparinig sa binata. Habang nasa simbahan, binulungan
ni Elias si Ibarra na huwag lalapit sa mekanismo na
magbababa ng panulukang bato. Pagkatapos ay bigla na
lamang itong nawala.

Oras na ng paglalagay ng unang pundasyon ng bahay


paaralan. Inaasahan si Ibarra na mamuno sa seremonya ng
paglalakay ng kahon ng mga alaala sa hukay (time capsule),
ngunit tumanggi siya. Nang mailagay ang kahon, inasahan ang mga
importanteng tao na magpala ng isang tumpok na lupa sa hukay. Hindi na nakatanggi si Ibarra dito.
Nagulat ang lahat nang biglang mahulog ang napakabigat na panulukang bato, ngunit sa halip na si
Ibarra ay naipit nito ang taong dilaw.

Umuwi si Ibarra pagkatapos ng seremonya at pinuntahan naman siya ni Elias. Pinasalamatan niya ito
at nag-usap sila. Nalaman niya na napakatalino pala ni Elias. Muli, binilinan siya nitong mag-ingat.

Dumalo si Ibarra sa pananghalian kina Maria Clara dahil hindi niya inakalang darating si Padre
Damaso. Kung ano-ano ang sinabi nito tungkol sa kanya ngunit naging magalang siya at matimpi.
Hindi na nga lamang niya napigilan nang alipustahin nito ang kanyang tatay. Papatayin niya sana ang
prayle ngunit napigilan siya ni Maria Clara. Hati ang opinion ng mga mamamayan sa nangyari. Sahuli,
pinatawan ng ekskomulgasyon si Ibarra tulad ng inaaasahan ng ilan. Hindi na rin matutuloy ang ksala
nil ani Maria Clara.

Gayunpaman, dumating ang Kapitan Heneral. Hanga ito kay Ibarra kaya nagkaroon ng pag-asang
matulungan siyang maalis ang ekskomulgado/ekskomunyon niya. Kinagabihan ay nagkaroon ng
prusisyon. Habang nagaganap ito, pinaglalaruan naman ni Donya Consolacion si Sisa.

Natapos ang prusisyon at sinimulan ang palabas. Dumating ang dalawang sibil para ipatigil na ito
dahil maingay ngunit pinigil sila ng mga tao. Tuluyang nagkagulo ngunit gumawa ng paraan si Elias
para ito ay mahinto.
1

Copyright © 2018 Quipper Limited


Aralin 1
Buong ng Kabanata 31 Hanggang 40

Kabanata 31: Ang Sermon

Isa sa espesyal na bahagi ng


pagdiriwang ng pista ng San
Diego ang misa na
pangungunahan ni Padre
Damaso. Maraming mamamayan
ang dumalo sa misa kaya
masyadong mainit sa loob ng
simbahan. Sinimulan ni Padre
Damaso ang kaniyang misa gamit
ang wikang Espanyol. Dahil
hindi naiintindihan ng sakristan
ang wikang gamit ng pari, inakala
niyang ang pagkumpas ni Padre
Damaso ay nag-uutos na isara ang pinto ng simbahan kaya lalong nawalan ng hangin sa loob. Pinuri
ni Padre Damaso si San Diego na isa ring paring Pransiskano bilang paggunita sa lahat ng kaniyang
mga ginawa. Ngunit, nang makita ng pari si Ibarra, ang mga papuring binabanggit ay naging mga
pagaalimurang pinapatungkol sa binata. Ayon sa kaniya, “kung may masamang bahagi kayo na
naguudyok sa inyo sa pagkakasala, putulin ninyo, inyong itapon sa apoy.” Ayon sa isa sa dalawang
binatang mag-aaral, ay mauna munang magpaputol si Padre Damaso. Samantala, si Elias ay nasa loob
din pala ng simbahan. Nilapitan niya si Ibarra at binulungang mag-ingat ang binata. Huwag raw
pumanog sa hukay at huwag lalapit sa paglalagay ng panulukang bato sa itatayong paaralan.

Kabanata 32: Ang Panulukang Bato

Kinakabahan si Ibarra nang mga sandaling isinasagawa na ang seremonya ng paglalagay ng


panulukang bato. Naalala niya ang babala sa kaniya ni Elias. Tinanggihan niya ang paglalagay ng
kahitang Kristal na naglalaman ng mga alalang pangkasaysayang kaugnay sa itatayong paaralan.
Ngunit hindi na niya natanggihan ang paglalagay ng palitada sa panulukang batong paglalapatan ng
batong nakabitin. Nang mga sandaling iyon ay naging mabilis ang mga pangyayari. Biglang bumagsak
ang batong nakabitin, patay ang taong madilaw na may hawak at may kontrol sa tali. Nasindak ang
lahat sa mga nangyari.

Copyright © 2018 Quipper Limited


Kabanata 33: Malayang Pag-iisip

Umuwi si Ibarra matapos ang nangyari sa seremonya. Sinadya siya ni Elias. Labis-labis na
pinasalamatan ng binata si Elias. Sa pag-uusap ng dalawa ay napagtanto ni Ibarra na hindi ordinaryong
mamamayan si Elias. Hinangaan niya ang kausap sa talinong taglay. Ayon kay Elias ay may mga
kalaban si Ibarra mula sa mataas na antas ng lipunan hanggang sa ibaba at isa na rito ang taong madilaw
na namatay. Sa naganap sa seremonya ay higit na pag-iingat ang dapat daw gawin ni Ibarra.

Kabanata 34: Ang Tanghalian

Sa pananghalian ay napuna ng ilan ang sermon na ibinigay ni Padre Damaso sa misa. Kani-kaniyang
usapan ang naganap maliban sa tahimik na si Padre Salvi. Malapit nang matapos ang pananghalian
nang dumating si Padre Damaso. Pagkaupo ay agad na pinulaan ng pari ang arkitekto ng paaralang
ipapatayo ni Ibarra. Hindi nagkasya sa ganoong pamumula si Padre Damaso, maging ang mga Indiyo
at Mestiso ay kaniya na ring pinulaan, mga pamumulang ipinapatungkol muli kay Ibarra. Labis ang
pagtitimpi ng binata. Ngunit hindi na siya nakapagpigil nang maging ang kaniyang ama, si Don Rafael
ay banggitin ni Padre Damaso. Agad na tumayo si Ibarra at lumapit sa pari. Binayo niya saulo si Padre
Damaso. Nang tumayo ang pari ay sinunggaban niya sabatok at niliglig. Nanginginig sa galit si Ibarra.
Hindi makaimik ang lahat sa bawat tanong ng binata. Ayon sa kaniya ay hinusgahan na si Padre
Damaso. Ambang uundayan na ni Ibarra ng sundang ang pari, ngunit agad siyang pinigilan ni Maria
Clara. Nakiusap ang dalaga na huwag ituloy ang binabalak ng binata. Agad na binitiwan ni Ibarra ang
sundang at mabilis na umalis.

Kabanata 35: Usap-usapan

Nahati ang opinyon ng mga mamamayan ng San Diego. May mga kumampi kay Padre Damaso na mga
nagbigay ng negatibong pahayag patungkol kay Ibarra. May mga kumampi at pumuri naman kay
Ibarra, ang mga taong labis na nagpapahalaga at nagmamahal sa kanilang mga magulang. Ayon sa iba,
tiyak daw na mahahatulan ng pagka-ekskomulgado at mahahatulang pilibustero si Ibarra.

Copyright © 2018 Quipper Limited


Kabanata 36: Unang Pangonorin

Gaya ng inaasahan, pinatawan ng


ekskomunyon si Ibarra.Kinausap
naman ni Padre Damaso si Kapitan
Tiago na pawalang bisa ang
kasunduang pagpapakasal nina
Ibarra at Maria Clara, kahit pa tunay
na nag-iibigan ang dalawa. Labis-
labis na ikinalungkot at iniyak ni
Maria Clara ang desisyon ni Padre
Damaso para sa pagiibigan nila ni
Ibarra.

Kabanata 37: Ang Kanyang Kataas-taasan

Samantala, dumating naman ang Kapitan Heneral. Gaya ng inaasahan, maraming naghihintay sa
Kapitan Heneral upang siya ay kausapin, kasama sa mga naghihintay ang mag-aaral na nakasuntukan
ni Padre damaso at ang mga pari. Nais sana ng kapitan Heneral na si Ibarra ang agad niyang makausap
ngunit wala pa ang binata, kung kaya ang inuna niyang kausapin ay ang binatang magaaral na
nakasuntukan ni Padre damaso. Ang pangyayaring ito, ay ikinainis ng mga pari, kung kaya minabuti
na nilang umalis. Kinausap din ng Kapitan Heneral si Maria Clara. Pinahihiling niya ng isang
kahilingan ang dalaga, ngunit hindi na ito nagawa ni Maria Clara sapagkat dumating na si Ibarra.
Naging mabuti ang pag-uusap nina Ibarra at Kapitan Heneral. Sa katunayan ay ibinilin pa ng Kapitan
Heneral sa alkalde ang pagbabantay kay Ibarra, upang masiguro ang kaligtasan ng binata.

Kabanata 38: Ang Prusisyon

Gabi ng prusisyon, inis na inis si Pilosopong Tasyo sa kaniyang mga nakikita. Hindi siya kumporme
sa ginagawang prusisyon at paulit-ulit na dasal. Ayon sa kaniya ay kabalintunaan ang ginagawa ng
kaniyang mga kababayan. Nang sumapit na sa tapat ng bahay nina Kapitan Tiago ang prusisyon ng
birhen ay narinig ng lahat ang awit ni Maria Clara. Punumpuno ng kalungkutan na ipinagtaka ni Ibarra
at iba pang nakarinig.

Copyright © 2018 Quipper Limited


Kabanata 39: Donya Consolacion

Sa bahay naman ng alperes ay pinagkakatuwaan ni Donya Consolacion si Sisa. Pinaaawit niya ang
baliw. Hindi maintindihan ni Sisa ang nais sabihin ng Donya, sapagkat ang asawa ng alperes ay
nagpipilit na magsalita ng wikang Espanyol na nagiging katawa-tawa ang mga pahayag na kaniyang
binabanggit. Tinagalog ng kawal ang nais sabihin ng Donya, umawit si Sisa. Ngunit pinatigil rin siya
ng Donya Consolacion. Nais naman ng Donya na sumayaw si Sisa, upang maunawaan siya ng baliw
ay ipinakita niya kay Sisa ang nais niyang ipagawa. Ngunit sadyang ayaw sumayaw ni Sisa. Nilatigo
ng Donya ang baliw. Dumating ang alperes at sinaway ang asawa. Iniutos sa kawal na pabihisan sa
katulong na babae si Sisa, pakainin, at bigyan ng maayos na matutulugan. Nag-away ang magasawang
alperes at Donya Consolacion.

Kabanata 40: Karapatan at Kapangyarihan

Ikasampu na ng gabi. Maliwanag pa rin sa plaza at patuloy na nagsisindi ng mga kuwitis. Nagsimula
na rin ang palabas. Naroon ang mga pari, ngunit ang tingin ni Padre Salvi ay wala sa palabas, na kay
Maria Clara. Dumating ang dalawang sibil at pinatitigil ang palabas dahil naiingayan daw ang alperes
at kaniyang asawa. Hindi pinakinggan ang dalawang sibil, kung kaya umakyat sa entablado ang dalawa
at pinagpapalo ang mga musikero. Nagalit ang mga tao, pinagbabato nila ang mga sibil at hinuli ng
kuwadilyero ni Don Felipo. May mga sumigaw na sunugin ang kuwartel ng mga sibil. Nagkagulo sa
plaza. Nahirapan si Don Felipo na papayapain ang mga tao. Humingi siya ng tulong kay Ibarra, ngunit
hindi rin alam ni Ibarra kung paano patitigilin ang kaguluhan. Nakita niya si Elias, nakiusap siya na
tulungan siyang papayapin ang mga nagkakagulo. Nagawa ni Elias na mapapayapa ang sitwasyon.
Samantala, bumalik si Padre Salvi sa plaza, nag-aalala siya kay Maria Clara na baka hinimatay ang
dalaga at kalong-kalong ni Ibarra.

Copyright © 2018 Quipper Limited

You might also like