You are on page 1of 2

Enero 14, 2022

KGG. KEVIN JASPER CRUZ


SK FEDERATION PRESIDENT
MALABON CITY

Kgg. Kon. Cruz:

Ito ay isang imbitasyon upang maging CO-PRESENTER ng “Ka-Tiktok Ko Ang Vice Ko Dance
Competition 2022” para sa FINALS PHASE na gaganapin sa darating na Marso. Sa kasalukuyan ay nagaganap
ang AUDITION PHASE kung saan maaaring magsumite ang mga Malabonian edad 18 pataas ng kanilang
1-minutong Tiktok video clip na may tema, lugar, produkto o anumang tatak Malabon. Sa Finals phase ay
magtutunggali ang 21 representatives ng 21 barangay sa lungsod para makamit ang titulo bilang Grand Champion ng
kompetisyon. Para sa kumpletong detalye, mechanics at poster ay makikita ito sa attachment.

Lubos na naapektuhan ang mga negosyo at turismo sa pandemya. Ito ay isang munting pamamaraan
upang ipakita na bagamat may pagsubok ay nagagawa pa rin nating maging masaya at sabayan ng indak ang
hamon ng buhay.

Bilang co-presenter ay makakasama ang pangalan at logo ng iyong opisina sa lahat ng online
advertisements, tarpaulins, at posters ng kompetisyon. Bilang iyong partisipasyon ay gagawa tayo ng isang Tiktok
promotional video na gagamitin sa promosyon ng kompetisyon.

Kalakip nito ang paanyaya para sa bawat SK COUNCIL ng 21 mga Barangays na pumili sila ng isang
establishment o landmark sa loob ng kanilang Barangay kung saan sila maaaring mag-TikTok na kasama ang
inyong lingkod, at tayo ay magkasalu-salo pagkaraan ng gawaing ito para sa muling pagpapasigla ng
Kabuhayan at Turismo sa ating lungsod.

Hihintayin ko ang iyong tugon sa aking imbitasyon upang ating matukoy ang iskedyul kung kailan maaaring
i-shoot ang Tiktok video. Maraming salamat.

Hataw tayo para sa ekonomiya!

Ka-Tiktok Mo,

KGG. BERNARD C. DELA CRUZ


Bise Alkalde
Contest Poster, Mechanics & Prizes

Ang mga interesadong sumali ay maaaring magregister sa bit.ly/KaTikTokKoAngViceKo.

You might also like