You are on page 1of 2

Charleson Kurt G.

Ong SSC 10 – Michael Faraday

FILIPINO | Quarter 2, Modyul 5


Gawain 4: Grasps

Sa pinakapayak na paglalarawaang, ang isang panitikan o panulatan ay ang pagsulat ng tuwiran o


tuluyan at pagtula na nag-uugnay sa isang tao. Subalit upang maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay
na babasahin o patalastas lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at
diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid, may hugis ang mga ito, may punto de bista
at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang sulating pampanitikan. Nagsasalaysay ng buhay,
pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba't ibang uri
ng damdaming tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti,
pagkasuklam, sindak at pangamba. Ito ang isang dahilan kung bakit pinag-aaralan ang larangan ng
literatura sa mga paaralan.

Sa pinakapayak na paghahati, dalawa ang anyo ng panitikan: ang mga Piksyon at ang
mga Di-piksiyon na mga sulatin at babasahin. Ginagamit ng mga manunulat ang kanilang
imahinasyon para sa pagsulat ng mga akdang bungang-isip lamang. Para sa pangalawang anyo ng
panitikan, bumabatay ang may-akda sa mga tunay na balita at iba pang kaganapan, ayon sa
kaniyang mga kaalaman hinggil sa paksa. Mayroong higit dalawampu’t-lima na akdang pampanitikan;
ilan sa mga pinakasikat ay ang nobela, pabula, maikling kwento, sanaysay, talumpati, alamat,
kuwentong bayan, at epiko.

Malaki ang kontribusiyon ng Panitikan sa Kasaysayan sapagkat dito natin makikita kung ano
ang buhay ng mga tao noon. Ang panitikan din ay nagsisilbing patunay sa mga pangyayari sa
nakaraan. Tulad ng mga sulatin ni Jose Rizal na nagpapatunay sa kalupitan na sinapit ng mga
Pilipino noong panahon ng Kastila.
Charleson Kurt G. Ong SSC 10 – Michael Faraday

FILIPINO | Quarter 2, Modyul 5


Gawain 5

“Kaligtasan Para sa Kinabukasan”


Magmula ng maminsala itong pandemyang covid 19, buong mundo ay napinsala, para tayong tumigil sa
lahat ng dati nating ginagawa . Ang virus na ito ay nakakahawa na kahit na sino , mapabata man, matanda,
mayaman, mahirap, lahat tayo ay parehong makakuha ng sakit na ito.

Dahil sa covid 19 maraming mga tao ang nawalan ng buhay , nawalan ng kanilang mga trabaho, at
napahiwalay sa kani -kanilang pamiya . Hindi natin maikakaila na dahil dito, nagbago na ang uri ng ating
pamumuhay. Ito ay nangangailangan na maging manatili tayong maingat sa pang -araw-araw nating
pamumuhay. Ang bawat isa sa atin ay may kakayahan para mapigil ang pagkalat nito at maporotektahan
and ating sarili, pamilya at komunidad.

Natural lang sa atin ang maghanap ng social interaction, pero sa mga panahon na ito, kailngan nating
iprayorita ang kaligtasan ng ating sarili, pamilya at mga tao sa ating komunidad. Kung gusto nating
maibalik na sa normal ang lahat. May mga bagay tayong magagawa.

Lahat ay naapektuhan ng pandemyang ito, pero sa tingin ko isa sa mga naapektuhan talaga nito ay ang
mga kabataan kagaya ko. Dahil sa pandemya ang ibang kabataan ay hindi na makapag aral o di kaya
makaaral sila pero nahihirapan naman dahil sa kakulangan ng kagamitan. Ang iba wala na halos makain
dahil ang mga magulang nawalan ng hanapbuhay.. Pero kahit ano pang sitwasyon ang meron tayo ay dapat
pa rin nating alagaan ang ating kalusugan dahil ito lang ang meron tayo na nakakakapagpabuhay sa atin
habang ang pagsubok na ito ay panandalian.Bilang isang kabataan magagawa lang natin ito kung tayo
kumain ng maayos at masustansiyang pagkain, matulog ng maayos. Mag aral pa rin ng Mabuti at sumunod
sa mga patakaran na ipinatutupad at nang maprotektahan natin ang ating mga sarili. Mamalagi lamang sa
ating mga tahanan, tumulong sa mga gawaing bahay at mag ehersisyo. Marami tayong nagagawa sa ating
pananatili sa bahay, hindi natin namamalayan na mas napapahalagahan na pala natin ang oras natin sa
ating pamilya at sarili. Ang pandemyang ito ay naging daan na rin nman upang magawa natin ang mga
bagay gaya ng pag-aalaga ng saril.

Marami tayong naging reyalisasyon sa pandemyang ito at isa na dito ang ating kaligtasan . Dahil
diyan, importanteng pahalagahan natin ang ating sariling kaligtasan, sapagkat sa pamamagitan ng pagiging
ligtas ay nakakatulong rin tayo kahit papaano sa pagkawala ng pandemyang ito at nang maipagpatuloy
natin ang ating pangarap tungo sa ating magandang kinabukasan at pandaigdigang tagumpay sa
pakikipaglaban at pagpuksa sa pandemya!

You might also like