You are on page 1of 21

HACIENDO

HACIENDO
HACIENDO
HACIENDO HACIENDO
HACIENDO
HACIENDO
HACIENDO
ACIENDO
HACIENDO HACIEND
HACIENDO
HACIENDO
HACIENDO
HACIENDO

HACIENDO HACIENDO

HACIENDO
CIENDO HACIENDO HACIEN
HACIENDO
HACIENDO
HACIENDO HACIENDO
HACIENDO HACIENDO
HACIENDO HACIENDO

CIENDO HACIENDO
HACIENDO

HACIENDO
HACIENDO
HACIENDO
HACIENDO
TALAAN NG NILALAMAN

PANIMULA 0

EDITORYAL 1
BALITANG PANLALAWIGAN 3
4
KROSSWORD 5

ANG SAMPAGUITA 12

ANG AKING KAIBIGAN 14


PLANO 18
"LAKSA-TAKSANG BAKIT" 19
ANGAW BIBIG 22
LIWANAG SA MADI.. 24
DALAGANG MAY DALA 25
BUGTONG 25
PAGHAHANDOG 25
PASASALAMAT 27

PANIMULA
Marami sa kabataan ang hindi mabitawan ang
kanilang teknolohiya. Kaya kung ikaw ito, basahin
mo ito. Nakapaloob dito ang aming mga awtput
tungkol sa ibat ibang uri ng pahayagan. Sa bawat
pahina ng literary folio na ito, marami kang
matututunan dito. Malalaman mo rin dito ang mga
pangyayari sa ating lugar, pati na rin sa labas ng
ating bansa sa tulong ng balitang panlalawigan at
pandaigdig. Kung gusto mo namang basahin ang
mga kuro-kuro na isinulat tungkol sa isyu,
pangulong tudli o editoryal ang iyong bigyan ng
pansin. Kung gusto mong maglibang, pumunta sa
komiks at libangan. At kung gusto mo namang
magbigay ng moral/aral, iyong basahin ang dagli.
Marami ka pang pagdadaanan sa pagbasa nito.
Alam kong may pinagdaraanan ka sa iyong
buhay. Nandito ang aming proyekto upang lutasin
ang mga suliranin mo sa buhay. Tutulungan ka
nitong magkaroon at mamulat tungkol sa reyalidad
at katotohanan. Kayang kaya mo 'yan.
EDITORYAL
Sandamakmak na Basura
PATAAS ng pataas ang populasyon ng mga
tao sa loob at labas ng bansa. Kasabay nito ang
pagdami ng mga basura sa iba't ibang parte ng
mundo. Hindi natin maiiwasan ang pagkakalat
ng mga tao na nagdudulot ng pagkasira ng ating
kalikasan, kagaya ng pagkakalbo ng bundok,
matinding pagbaha, pabago-bagong klima,
matinding global warming, at marami pang iba.
Dahil sa pagtatapon sa yamang tubig gaya ng
ilog, maraming isda ang namamatay. Gayundin
ang pagtatapon ng plastik na isa sa sanhi ng
pagkakaraoon ng baha na nagdudulot ng
pinsala sa mga tao.
NAGHAHANAP pa rin ng solusyon ang mga
may matataas na posisyon o tungkulin ng bawat
pamahalaan. Ngunit, madaming mga tao ang
pinagpapatuloy ang gawain na ito. Kaya
patuloy na nasisira ang ating kalikasan.
ANG mga miyembro ng ilang organisasyon
ay nagboluntaryong maglinis ng ating mga
lugar. Mahigit limang araw ang ginugol nila
upang matapos ang paglilinis na ito.
NAGSAGAWA na rin ang mga kapulisan
upang suriin ang mga basurahan at paligid kung
malinis at kung hiwalay ang mga nabubulok sa
'di nabubulok. Nagpatupad din ng ilang batas
para sa pagbabawas ng basura sa ating paligid.
May multa ito simula 200 pesos pataas at
pagkabilanggo ng 1 araw hanggang isang
buwan. Kaya pinag-iingat at nagbibigay babala
sa mga taong lalabag dito. Maaring mas lumala
pa ang parusa kung hindi sila makikinig.
Sinisiguarado ng mga kapulisan na
mapaparusahan at hindi makakatakas mula sa
kanila ang mga ito.
BALITANG PANLALAWIGAN

Tilapia, binebenta ng mura dahil sa


Fish Kill

MURA at abot kayang tilapia sa


lake of cebu. Ang industriya ng
Tilapia sa bayan ay nawalan na ng
mahigit 10 milyon na nakakaapekto
sa humigit kumulang 30 porsyento.
Lokal na pamahalaan ng lake cebu
sa south cotabato. Martes, Enero 17,
inihayag ang mga planong
magpatupad ng moratorium.
Ang Lake Cebu ang pinakalamaki sa tatlong lawa sa bayan at
tahanan ng higit sa 5,000 fish cages, karamihan ay para sa tilapia, na
sumasakop sa halos ikatlong bahagi ng lugar ng lawa. Ang kamahong ay
nangyayari taon-taon. Ngunit, ito ay naging madalas sa mga nakaraang
taon sa kabila ng pagsisikap na pangangalagaan ang lawa. Iminungkahi
ng Provincial Development Council (PPC) sa DSouth Cotabato ang
paglikha ng Lake Cebu Development Authority, isang autonomous body
na nangangasiwa at magkokontrol sa mga aktibidad sa ekonomiya sa
loob ng lawa. Halos isang dekada na ang nakalipas, inirekomenda ng
Bereau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na lansangin ang
mga sobrang Fish cage, ngunit sa kabila ng hakbang na ito, tumaas ang
mga bilang. Nakikita ng mga eksperto ang pagsisikap ng isda. Sinabi ni
Sigfred Flaviano, Provincial Environment Management Officer, na ang
kailangan ng Lake Cebu ay isang self governing body na may mandato
na pangasiwaan at pamahalaan ang mga programa sa kapaligiran na
magtitiyak sa pangangalaga, proteksyon, at pag-unlad ng lawa.
KROSS WORD
Hanapin ang mga sumusunod:

FHM COSMOPOLITAN
YES! MEN'S HEALTH

M E N S H E A L T H B C

S S C O N S N D 3 A A D

T R A B S R L I I B D B

F D N K R K D O R T E M

H B D R K S B K B H O N

M O Y N O E N N K G G K

K C N L D Y O J O J P P

E N T R E P R E N E O R

N A T I L O P O M S O C

N B A C K J L N Z A B D

METRO CANDY
ENTREPRENEUR T3
ANG AKING SAMPAGUITA

Oh, Aking Sampaguita


Kay ganda ng iyong mga mata
Tuwing ika'y aking nakikita
Akoy nabibighani, Aking sinta

Sa bawat sulyap
Ngiti ko'y abot ulap
Tuwing tayo'y nag uusap
Araw ko'y lalong sumasarap

Nawa'y mabalik, Ating nakaraan


Noong ako ay mayroon pang karapatan
Sapagkat ikaw ang aking kasiyahan
Ikaw lang sapat na, magpakailanman

Alam kong hindi na ako


Ngunit ikaw pa rin ang mahal ko
Hindi kaylanman ako susuko
Maging akin ka lamang muli mahal ko

Ako ay patuloy na umaasa


Sana'y matigil na ang pagdudusa
Kung ito man ay iyong mabasa
Iniibig pa rin kita, Oh aking Sampaguita
PLANO
""Toti anak, magbebertdey ka na
naman bukas, matanong nga kita, ano
ba talaga ang plano mo sa buhay?"
tanong ng ina. "E Nay, simple lang
naman ang ambisyon ko e. Magkaroon
ng magandang trabaho, makapag
asawa, magkaroon ng milyones at
makabili ng magandang sasakyan.
Kapag natupad ko ang lahat ng iyon ay
magiging maginhawa na rin ang ating
buhay" ani toti.
LAKSA-TAKSANG BAKIT

Nag aayos ng kwarto si Beth habang nakakunot ang


noo, dahil darating ang bagong parte ng kanilang
pamilya, si Anicka. Hindi matanggap nib eth na mag
aampon ang kaniyang mga magulang at iniisip niyang
hindi siya sapat para sa magulang niya. “Bakit?, Bakit?”
animo"y tanong sa kaniyang isipan. Hindi nagtagal,
dumating na si anicka upang makita niya ang kaniyang
bagong pamilya at ipinakilala na si Anicka kay Beth.
Ngunit, tinalikudan lamang ito ni Beth at sinabing
“Bakit, Bakit” habang papunta sa kaniyang silid.
Sinundan ito ni anicka upang humingi ng paumanhin at
ayaing magmeryenda. Tinulak lamang ito ni Beth at
sinabing “Bakit ikaw pa?’. Nakita ng mga magulang ni
Beth kung paano tratuhin nito si Anicka. Naisip nilang
kausapin ito ng masinsinan. Lumapit ang ina ni Beth at
hinawakan ito sa mga pisngi habang ang kaniyang ama
ay nakaalalay kay Anicka. “Siguro ay ito na ang tamang
oras para malaman mo ang katotohanan”, ani ng ina ni
Beth. Tila naguluhan si Beth at tinitigan ng maayos ang
nanay at tatay niya. “ Anak, ikaw ay kagaya din ni
anicka. Hindi ka rin sa amin nanggaling pero mahal kita
na parang tunay kong anak. Sana ay magawa mong
tanggapin si Anicka sa buhay natin”. Napatulala na
lamang si Beth at sinabing, “Bakit, Bakit”.
ANGAW BIBIG

“ Nako, buntis ‘yan!”, sambit na naman ni Aling


Marites at kaniyang mga kumare, habang
nakatingin sa dalagang si Elma. Si Elma ay
mapapansin na puro kasalungat ng kaniyang
kasarian ang mga kaibigan. Dahil rito, siya ang
madalas na laman ng usapan nina Aling Marites
t’wing magkakakwentuhan ang mga ito. Sumunod
na araw, si Elma ay nagtungong tindahan upang
bumili ng suka at sa kasamaang palad ay naroom
din sina Aling Marites. Nakarinig siya ng ilang mga
parinig at hindi na siya nakapagtimpi. “Bakit po ba
ang hilig niyong makialam sa buhay ng iba? Hindi
ho ako gaya ng sinasabi niyo!”. Bago pa
makapagsalita si Aling Marites ay nilayasan na
niya ito. Makalipas ang ilang buwan ay lumipat na
ng tirahan si Elma para sa sariling kapayapaan. Sa
kabilang banda, may itinatago palang malaking
sikreto ang anak ni Aling Marites. Mangiyak
ngiyak na lumapit ang anak nito sa kaniya, hawak
ang tiyan na bilog at Malaki na. Ang tanging
nasambit na lamang niya ay, “Nako, buntis ka!”.
LIWANAG SA DILIM

Tila kumakapa sa madilim na paligid ang dalaga na


nagngangalang Myrna. Si Myrna ay isang batang
may pangarap tulad ng iba ngunit ang kanyang
pangarap ay simple lamang, ang makakitang muli.
Gusto niyang maging isang guro ngunit dahil sa
kanyang kondisyon ay malabo ito mangyari. Ngunit,
hindi siya pinanghihinaan ng loob. Nagsusumikap
siya upang makapag aral ng mabuti at makapagtapos
sa pag-aaral. Lingid sa kaalaman ng iba, ang
kaniyang ina ay may karamdaman din. Hindi
nagtagal ay lalong lumala ang sakit ni Myrna at
tuluyang nanlabo ang kanyang mga mata. Sunod-
sunod na kamalasan ang nangyari at naranasan niya
hanggang sa muntik na siyang sumuko. Ngunit kay
Buti pa rin ng tadhana at may tumulong sa kanila
upang malampasan nila ang kanilang mga problema.
Isang Social Worker ang lumapit sa kanila upang
hikayatin na humingi ng tulong sa sangay ng
gobyerno upang maisagawa ang libreng operasyon.
Pumayag si Myrna at hindi nagtagal ay naoperahan
ito. Nabigyang lunas din ang sakit ng kanyang ina. Sa
kasalukuyan, si Myrna ay nag-aaral sa kolehiyo para
makapagtapos siya sa gusto niyang kurso.
DALAGANG MAY DALA
Sa Kasalukuyan, maraming kabataan ang
maagang nabubuntis o tinatawag na early
pregnancy or teenage pregnancy. Ang teenage
pregnancy ay kung ang isang babae ay
nagdadalang-tao sa edad na 19 na taon pababa, o
sa panahon na siya ay teenager pa. Lalo na nung
nakaraang pandemya tumaas ang teenage
pregnancy rate lalo na sa bansang Pilipinas. isa ito
sa dahilan kung bakit nahinto sa pag-aaral ang
ilang mga kabataan. Madaming mga magulang ang
nag-aalala sa kapakanan ng kanilang mga anak
kaya maraming mga magulang ang nag-higpit at
nag-bawal na lumabas sa kanilang mga anak.
ngunit maraming kabataan ang tumutol dito pero
wala na silang magawa. Kaya nararapat lamang na
imulat natin sila sa sex education, makakatulong ito
para maging aware sila sa kanilang mga ginagawa
at para makaiwas sa ganitong pangyayari. Bukod
dito, maraming kabataan ang gustong magpalaglag
dahil lamang sa mga pambabatikos ng ibang tao sa
kanila. Dahilan din ng maraming problema sa loob
ng bahay at personal na suliranin ang nagdudulot
ng maagang pagbubuntis.
ISANG GABI SA PILING NG
MAYNILA
PAGHAHANDOG
Hinahandog namin ang aming literary folio sa
aming guro sa Filipino at sa mga estudyante sa
PINHS. Unang-una ihahandog namin ito sa aming
guro sa Filipino na si Ma'am May C. Mendoza,
sapagkat siya ang nagpagawa nito sa amin at siya rin
ang gumabay sa aming paggawa. Ito rin ay
inihahandog namin sa aming punong-guro ng
paaralan. Ihahandog din namin ito sa aming mga
kaklase upang magbigay at magdagdag ng
impormasyon at para narin maging mulat sila sa
realidad at katotohanan sa tulong ng nilalaman nito.
Isa sa layunin namin ay maging isang inspirasyon ito
sa oras ng kakulangan at sa oras din sila ang gagawa
ng literary folio. Hinahanda namin ito sa aming mga
magulang at sa iba pa para ang literary folio na ito
ay maging silbing lakas upang maiwasan ang mga
negatibong pangyayari na hinaharap sa buhay.
Ihinihandog din ito sa mga mahihilig magbasa upang
maipasa nila ang mga lungkot at pag-iisa nila sa
buhay. At bandang huli inihahandog namin ito sa
aming mga sarili na sumisimbolo ng aming
tagumpay sa paggawa ng aming plano ang literary
folio.
PASASALAMAT

Napakalaki na ng aming pasasalamat sa


paggawa ng literary pa nila ito. unang-una
nagpapasalamat kami sa aming mga sarili.
sapagkat napagtagumpayan namin ang
hamon na ito na nagdulot sa amin Ang
kasipagan. Pangalawa. Nagpapasalamat din
kami sa Diyos at siya ang dahilan kung bakit
namin napagtagumpayan at nagtapos ng
maayos ang aming literary folio.
Nagpapasalamat din ako sa aming guro sa
Filipino si maam may mendoza. Ang aming
guro ang nagbigay ng ganitong karanasan at
salin Ang gumabay sa amin sa paggawa nito.
pasasalamat rin para sa mga nagbabasa
mambabasa at sa mga susunod na babasa ng
aming literary folio.
ITO AY IHINAHANDOG NG PANGKAT
DALAWA

GWEN CARINGAL
FERDINAND DIZON
MARK ALLEN TAPAY
KIMBERLY ANN ANDAL
ALEXANDRA BALDEO
HEARTLYN CANALES
TRIXIA NICOLE DE TORRES
AUREA ALYSSA FRANCISCO
JILLIAN JOYCE MAERSTRE
CHRISBELLE PARENO

IHINAHANDOG KAY:

MAY C. MENDOZA

You might also like