You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A
DIVISION OF QUEZON
DISTRICT OF PLARIDEL
PLARIDEL CENTRAL SCHOOL
UNANG MARKAHAN
SUMATIBONG PAGSUSULIT SA EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN 5
(WRITTEN)

Pangalan: ______________________________________ Puntos: ________________


Baitang at Seksyon: _____________________________ Petsa: _________________

Pagsusulit I
Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) ang gawaing nagpapakita ng pangangalaga sa kasuotan at ekis ( X ) kung
HINDI. Isulat ang sagot bago ang bawat bilang.

_______1. Ihanger ang mga malilinis na damit panlakad.

_______2. Mantsahan ang damit.

_______3. Pagtatahi sa mga butas ng damit.

_______4. Pagtutupi ng damit.

_______5. Huwag banlawan ang mga damit.

Pagsusulit II.
Panuto: Lagyan ng bilang 1 - 5 ang kahon ang tamang paglalaba ng damit.

1. Sabunin nang una ang mga puti at bigyan pansin ang kuwelyo, kilikili, bulsa at mga laylayan.

2. Banlawang mabuti ang mga damit.

3. Ihanda ang sabon, palanggana, tubig, eskoba (pang-alis ng makapal na dumi sa pantalon, hanger,
at mga sipit ng damit)

4. Isampay gamit ang sipit o hanger sa nasisikatan ng araw ang mga puting damit at ang mga de-
kolor sa di-gaanong nasisikatan ng araw upang hindi kaagad mangupas.

5. Basain isa-isa ang mga damit.

Pagsusulit III.
Panuto: Isulat ang TAMA sa patlang kung wasto ang ipinapahayag ng pangungusap at MALI kung hindi.

_____1. Ang kagandahan ng damit ay nakasalalaay kung paano ito pinaplantsa.


_____2. Pinakamahalagang gamit sa pamamalantsa ay ang kabayo at plantsa.

_____3. Isaksak ang plug ng plantsa kahit basa ang kamay.

_____4. Napakaayos at napakalinis tingnan ng kasuotang hindi na naplantsahan.

_____5. Tiyaking malinis at walang kalawang o dumi ang kabayo at plantsang gagamitin.

_____6. Ang emery bag ay hindi bahagi ng makina.

_____7. Si Elias Howe ang nakaimbento na makinang de pedal.

_____8. Ang needle clamp ay bahagi ng makinang de pedal.

_____9. Ang didal ay bahagi ng isang makina.

_____10. May ibat-ibang sukat ng karayom sa pananahi sa makina.

You might also like