You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION I
PANGASINAN SCHOOLS DIVISION OFFICE II
MANAOAG DISTRICT I
BISAL-BUCAO ELEMENTARY SCHOOL

LEARNERS ACTIVITY SHEETS (LAS) IN EPP HOME ECONOMICS 4


2ND QUARTER
S.Y. 2022-2023

WEEK 1 Learning Competency with code


Napangangalagaan ang sariling kasuotanEPP4HE-Ob-3
Naiisa-isa ang mga paraan ng pagpapanatiling malinis ang kasuotan.

Background Information for Learners


 Mahalagang pangalagaan mo ang iyong mga kasuotan. Dapat na manatiling maayos at malinis
ang mga ito tuwing kailangan mong gamitin.
Mga Gawain
Gawain 1: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapakita ng ng tamang pangangalaga sa
kausotan at MALI naman kung hindi.
1. Huwag umupo kung saan-saang lugar nang hindi marumihan ang damit o pantalon.
2. Ingatan ang palda ng uniform o anumang damit na may pleats. Huwag hayaang magusot ito sap
ag-upo.
3. Hayaang matuyo ang mantsa sa damit bago labhan.
4. Gumamit ng bleach sa mga di kulay na damit.
5. Magsuot ng palda kapag magjajogging.
6. Isuot ang pinakamagandang damit kapag matutulog.
7. Kapag natastas ang laylayan ng damit, tahini ito kaagad pag-uwi sa bahay upang hindi na
lumaki.
8. Ilagay sa tamang lalagyan ang mga damit upang mapangalagaan ang mga ito.
9. Magsuot ng maluwag na mga damit kapag matutulog upang maging maginhawa ang
pakiramdam.
10. Huwag ilagay sa tapat ng araw ang mga sinampay na dekolor upang hindi agad kumupas ang
kulay ng mga ito.
11. Ipaaraw ang pinagpawisang damit upang agad na matuyo at magamit muli.
12. Bago umupo ay maglagay muna ng sapin upang hindi marumihan ang suot na pantalon o palda.
13. Gawing panlao ang mga damit na ginagamit sa pagpasok.
14. Ilaba agad ang damit na may butas.
15. Hindi natin kailangang pangalagaan ang ating mga kasuotan.

You might also like