You are on page 1of 55

Pangangalaga sa

Sariling Kasuotan
Basahin mo at
unawain ang
sitwasyon
Ang
Ligaya ng
isang Ina
Kaligayahan ang
naramdaman sa sarili ni
Aling Siony habang
pinagmamasdan niya ang
kanyang tatlong anak na
pawang mga mag-aaral pa
sa Elementarya at
Sekondarya.
Bagamat maaga silang
naiwanan ng kanyang
kabiyak ay pinagbuti
niya ang pagpapalaki sa
kanyang mga anak lalo’t
higit ang paglalaan ng
oras sa pangangalaga ng
kasuotan.
Pagdating ng bahay
buhat sa paaralan,
ang kanyang bunsong
si Alex ay agad
naghanger ng
kanyang napawisang
uniporme.
Totoo nga pala,

Nanay na kapag ang


pinawisang damit ay
di pinahanginan ito
ay nagiging sanhi ng
masamang amoy sa
katawan.
Maaari ring dahilan
ng pagkakaroon ng
mantsang tagulamin
sa kasuotan”.
Tumango si Aling
Siony na may ngiti sa
kanyang mga labi.
Naalaala niya si Alex
na bata pa nang
pagsabihan niya itong
ilagay sa shoe rack
ang sapatos na
ginamit upang di
nakakalat.
Malaki na ang
ipinagbago ng aking
anak, ang nasambit ni
Aling Siony. Dati-
rati’y . . . siyang
pagdating ni Leony
buhat sa labahan
Betty, nasaan
ka? Bakit may
mantsa ng
chewing gum
ang palda mo?
Lagyan mo agad
ito ng yelo at
kuskusin ng
mapurol na
kutsilyo ang
chewing gum.
Pati ang iyong
bulsa ay butas na.
Sulsihan mo nga
agad ito nang hindi
na lumaki ang sira.
Salamat po,
Panginoon.
Masunurin ang aking
mga anak. May
naituro ako sa kanila,
ang sambit ni Aling
Siony.
Talakayin ang
sitwasyong binasa at
isa-isahin ang mga
pamamaraan nang
pagpapanatiling malinis
ang kasuotan.
Mahalagang pangalagaan
mo ang iyong mga
kasuotan. Dapat na
manatiling maayos at
malinis ang mga ito tuwing
kailangan mong gawin.
Pag-aralan ang mga
larawan at isulat ang
paraan ng
pangangalaga ng
kasuotan ang
isinasaad.
TANDAAN NATIN
Maraming uri ng
kasuotan ang ating
ginagamit.
Mahalagang batid o alam
natin ang mga paraan ng
pag-aalaga nito.
GAWIN NATIN
Panuto:
Magtala ng iba’t ibang
paraan ng pangangalaga
sa pansariling kasuotan.
Isulat ito sa tsart.
PAGYAMANIN NATIN
 
Sipiin ang tseklis at
sagutan pagdating sa
inyong tahanan.
Palagdaan ito sa
inyong mga magulang.
 
KAGAMITAN INAYOS HINDI INAYOS
   

1. Mga gamit
sa paaralan
   
2. Mga
unipormeng
ginamit
   
3. Mga
sapatos
   
4. Mga damit
panloob
   
5. Mga damit
na nilabhan
ALAMIN NATIN
Ang Pagsusulsi
Ang damit na may sira,
tastas o punit ay
kailangang kumpunihin
agad bago labhan o itago
upang maisuot pang muli.
Ang pagsusulsi ay ang
pagdurugtong ng mga
sinulid na naputol sa
bahagi ng damit sa
pamamagitan ng pagtahi
na gumagamit ng pinong
sinulid,
matulis at matalas na
karayom, at pagtututos
ng dalawang
magkahiwalay na bahagi
ng nasirang damit.
Mga Uri ng
Punit ng Damit
at ang Paraan
ng Pagsusulsi
1.Tuwid na punit –
sa tuwid na punit ay
pagtatapatin at
tatahian ng pampatibay
na tahi na tinatawag na
palipat-lipat.
at simulan ang tahing
tutos, ito’y pinong tahi na
salit-salit at pantay-
pantay, ngunit sa mga dulo
ng tahi ay hindi papantayin
ang hilera upang hindi
pagsimulan ng sira.
2. May sulok –
pagtapatin ang mga
gilid ng punit at ang
sulok na bahagi. Tahiin
ng pampatibay na
tahing palipat-lipat.
Gawing lapat at may sapat
na luwag o sikip ang tahi.
Ilampas ang tusok ng
karayom sa pagsisimula
ng mga tahing tutos.
Ang bahagi ng sulok ay
dapat na may
magkapatong na mga
tutos mula sa pahalang
at pahabang tahi.
Ang mga tutos ay dapat
salit-salit at pantay-
pantay ngunit hindi
tuwid ang mga dulo ng
mga tutos upang hindi
pagsimulang muli ng
punit.
3. Paihilis – ang
pagsusulsi ng pahilis
na punit ay maari mo
na ring subukin sa
mga punit ng iyong
sirang damit.
Iakma ang mga gilid
ng hilis nap unit at
tahian ng
pampatibay na
tahing palipat-lipat.
Ilampas na bahagya
ang tusok ng karayom
upang magsimula ng
tahing tutos sa pahilis
na punit.
Iayon ang mga
tahing tutos sa
hibla ng tela ng
damit. Tahiang
muli ng pabalik.
 Pagtatagpi –
Ang wastong pagtatagpi
ay dapat naaayon sa
hilatsa ng damit, kakulay,
katugma ng dibuho
hangga’t maari.
Kung ang punit ng damit
ay pabilog at may
himulmol, linisan at
gupitin ang mga sinulid
na naklawit upang di ito
kumalat muli sa
paglalaba.
Gupitan ang mga
gilid upang
matiklop ito at
maging parisukat
o parihaba.
LINANGIN
NATIN
1.Bibigyan ang bawat pangkat
ng retaso ng tela na may
punit.
2.Tukuyin ang uri ng punit
3.Mula sa mga natalakay na
pamamaraan ng pagsasa-
ayos ng sira ng kasuotan at
sulsihan.
 
Pangkat 1 - Tuwid na punit
Pangkat 2 – May sulok/
tatlong sulok nap unit
Pangkat 3 – Pahilis na
Punit
Pangkat 4 - Pagtatagpi
 
TANDAAN
NATIN
Ayusin ang payak na sira
ng kasuotan sa
pamamagitan ng pananahi
sa kamay upang maging
kaaya-aya itong tingnan
kapag isusuot muli ang
damit.
GAWIN NATIN
Pag-aayos ng mga bata ng
kanilang dalang damit na may
sira.
Hayaang pahalagahan ng
mga mag-aaral ang ginagawa
sa pamamagitan ng
pagmamarka sa tseklis.
Mga Pamantayan Oo Hindi
   
1. Natapos ba ang
proyekto sa tumpal
na panahon?
   

2.Nasunod ba ang
wastong
pamamaraan sa
pagkukumpuni ng
damit?
   

3. Nagawa ba nang
tama ang pagsusulsi
sa mga punit at
pagtatagping butas?
   

4. Nakumpuni ba ang
mga punit at butas
nang wasto?
   

5. Malinis ba ang
pagkagawa sa
gawain?

You might also like