You are on page 1of 2

Tugon ng Pamahalaang Pilipinas sa mga Isyu ng Kasarian at Diskriminasyon

- Karaniwang inilalarawan bilang “International Bill for Women”, “The Women’s Convention”, o
“United Nations Treaty for the Rights of Women”
- Ito ang kauna-unahan na komprehensibo at tanging internasyunal na kasunduan na
tumatalakay sa karapatan ng kababaihan
- Karapatan sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan, at pampamilya
- Inaprubahan ng UN General Assembly noong Disyembre 18, 1979
- Pumirma ang Pilipinas noong Hulyo 15, 1980 at niratipika ito noong Agosto 5, 1981 na may
tungkulin na igalang, ipagtanggol, at itaguyod ang karapatan ng kababaihan

Paano nilalayon ng CEDAW at sa tulong ng mga State Parties na wakasan


ang Diskriminasyon sa Kababaihan

1. Itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan.


2. Prinsipyo ng obligasyon ng estado. May mga responsibilidad ang estado sa kababaihan na
kailanman ay hindi nito maaaring bawiin.
3. Ipinagbabawal ang lahat ng aksiyon o patakarang umaagrabiyado sa kababaihan.
4. Sugpuin ang anumang paglabag sa karapatan ng kababaihan hindi lamang ng mga institusyon
at opisyal sa gobyerno, pati na rin ang mga pribadong individual o grupo.
5. Baguhin ang mga stereotype, costumbre (kostum), at mga gawi na nagdidiskrimina sa babae.

Ano ang epekto ng pagpirma at pagratipika ng Pilipinas sa CEDAW?

1. Ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang nagdidiskrimina


2. Ipatupad ang lahat ng patakaran para wakasan ang diskriminasyon at maglagay ng mga
epektibing mekanismo at Sistema kung saan maaaring humingi ng hustisya ang babae sa
paglabag ng kanilang karapatan
3. Itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng iba’t-ibang hakbang, kondisyon, at
karampatan na aksiyon
4. Gumawa ng pambansang ulat kada apat (4) na taon tungkol sa mga isinagawang hakbang
para matupad ang mga tungkulin sa kasunduan
Ang R.A. 9262 o ang Anti-Violence Against Women and their Children Act ay ang batas na nagsasaad
ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak.

 Kababaihan
- Kasalukuyan o dating asawa na babae
- Kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki
Sino-sino ang - Nagkaroon ng anak sa isang karelasyon
puwedeng mabigyan
ng proteksiyon ng
 Anak
batas na ito?
- Anak ng babaeng inabuso
- Wala pa sa edad na labing-walo (18), lehitimo
man o hindi
- Anak na may edad labing-walo pataas na wala
pang kakayahan alagaan o ipagtanggol ang sarili

Sino-sino ang - Kasalukuyan at dating asawa na lalaki


posibleng - Kasalukuyan at dating kasintahan
magsagawa ng - Mga ka-live in partners na lalaki
krimen at kasuhan - Mga lalaking nagkaroon ng anak sa babae
ng pang-aabuso at - Mga lalaking nagkaroon ng sexual or dating
pananakit? relationship sa babae

You might also like