You are on page 1of 3

Sa Muling Pag-alala

Ni Frynx Jypsy N. Mañalac

Tauhan:
Romano - Ang pangunahing tauhan ng kwento. Dating kasintahan ni Teresa
Teresa - Naging empleyado ni Romano
Jester - Kaibigan nina Romano at Teresa
Neri - Kababata ni Jester na kaibigan rin nila Romano at Teresa at nagkaroon ng lihim na
pagtingin para kay Romano.

Tagpuan:
Opisina ni Romano
Karinderya

BALANGKAS

Panimula
Nagsimula ang istorya sa muling pagkikita nina Romano at Teresa noong si Teresa ay
naghahanap ng pagtatrabahuhan, kasabay neto ang pagbalik ng mga alala na minsan
naring nilimot ni Romano.

Pataas na aksyon
Lumipas ang ilang araw ay paunti-unting nagbabago ang pakiramdam ni Teresa para kay
Romano pero hindi sa mabuting paraan at dalian itong naramdaman ni Romano dahil sa
galaw na pinapakita o ipinaparamdam ni Teresa. Kaya’t kaniyang kinompronta si Teresa
upang hindi tuluyang mabaliw si Romano kakaisip kung bakit nga ba biglang nagbago.

Kasukdulan
Niyaya ni Romano si Teresa para kumain sa karinderya na malapit sa kanilang lugar, ngunit
ang pakay ni Romano ay kausapin si Teresa para malinawan ang kanyang pag-iisip ngunit
nangyari ang inaasahan ni Romano, siya ay kinompronta narin ni Teresa na gusto niya ng
bumitaw at iwan si Romano dahil nalaman ni Teresa na si Neri ay unti unti naring nahuhulog
kay Romano at umiwas si Teresa dahil ayaw nitong masira ang kanialng pagkakaibigan.
Ngunit ayaw maniwala ni Romano na talagang nangyayari ang lahat ng iyon at hindi ito
panaginip.

Pababang aksyon
Makalipas ang ilang buwan ay unti unti naring natatanggap ni Romano ang mga bagay
bagay at kasabay neto ay ang pilit na paglimot niyo kay Teresa. Pinutol ni Romano lahat ng
koneksyon at kontak nito kay Teresa upang mas mapabilis ang proseso ng pagkalimot.

Wakas
Dalawampung taon nang makalipas at si Romano ay naging isang tanyag na Businessman.
Ginawa nitong inspirasyon ang kapaitan ng nakaraan upang tumungtong sa kaniyang
kinatatayuan ngayon. Nakapagtayo ng sariling kompanya si Romano at naghahanap ng
taong nangangailangan ng trabaho. Dahil dito ay muli silang nagkita ni Teresa na siya
namang naghahanap ng mapagtatrabahuhan. Sa muli nilang pagkikita ay pagsisisi ang
naramdaman ni Teresa at pagbalik naman ng mga alala para kay Romano at tsaka lamang
napagtanto ni Romano na, kahit anong pilit na kalimutan ang nakaraan ay babalik parin ito
sa pagdating ng araw. Sa muling pag-alala ay ngiting may halong kalungkutan nalamang
ang nadarama.

Isyu
Ang isyu o usapin sa kwentong ito ay ang biglang paglisan o pagiwan ni Teresa kay Romano
dahil sa ayaw nitong masira nag pagkakaibigan nito kay Neri.

Aral
Ang aral sa kwentong ito ay, matuto tayong tanggapin ang mga bagay bagay na nangyayari
sa ating buhay dahil kung ating pilit na ikukulong ang sarili natin sa pangyayaring iyon ay di
tayo uusbong kasabay ng panahon.

Tema
Sawi sa pagibig
Pagtanggap o Acceptance
Pagbangon sa pagkakadapa

You might also like