You are on page 1of 11

Department of Education

NATIONAL CAPITAL REGION

Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan
AGRIKULTURA

Ika-apat na Baitang

PAMANTAYAN NG PAGKATUTO:
1.8 Naisasagawa ang masistemang pangangalaga ng tanim sa
pamamagitan ng:
1.8.1 Pagdidilig at Pagbubungkal ng Lupa

EPP4AG-0e-8
1
PAANO GAMITIN ANG SLeM

Bago simulan ang SLeM, kailangang isantabi muna ang lahat ng


inyong pinagkakaabalahan

upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-aaral gamit ang


SLeM na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para

makamit ang layunin sa paggamit nito.

1.
Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng

SLeM.
2.
Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa
inyong kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito
dahil madali mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3.
Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa SLeM.
4.
Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga
kasagutan.

5.
Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang

malaman ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging


batayan kung may kakailanganin ka pang dagdag na

2
pagsasanay para lalong malinang ang aralin. Lahat ng iyong
natutuh an ay gamitin sa pang-araw-araw na gawain.
6.
Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag -aaral gamit ang
SLeM.

MASISTEMANG PANGANGALAGA NG TANIM:


PAGDIDILIG NG HALAMANG ORNAMENTAL AT
PAGBUBUNGKAL NG LUPA

Inaasahan
Ikaw ba ay may mga tanim na halaman sa inyong bakuran? Alam mo ba
kung paano ito alagaan? Kaya sa tulong ng SLEM na ito, ikaw ay
inaasahang:
1. maisasagawa ang mga masistemang pangangalaga ng mga tanim
na halamang ornamental sa pamamagitan ng pagdidilig at
pagbubungkal ng lupa.

Unang Pagsubok

Panuto: Basahin at unawain ang pangungusap sa bawat bilang.Hanapin


ang mga sagot sa ibaba sa loob ng kahon upang mabuo ang diwa ng
pangungusap.Isulat ang sagot sa patlang ng bawat bilang.
3
1. Kung hindi umuulan, ang mga tanim ay dapat ______ ng dalawang
ulit sa loob ng isang araw, sa umaga at hapon.
2. Sa pagdidilig sa hapon, tiyaking madidilig ang mga tanim sa oras na
may _______ pa at matutuyo ang mga halaman bago magdapithapon
3. Upang makapasok ang hangin o oxygen sa ugat ng halaman
kailangang _________ at ________ ang lupa sa paligid nito nang isa o
dalawang ulit sa isang lingo.
4. Maaaring ________ ang halaman kung hindi agad matutuyo ang
tubig na idinilig dito.
5. Kung ang halaman ay mga punla pa o bagong lipat, puwede itong
diligin nang _________ sa loob ng isang araw.
MAGKASAKIT ARAW
BUNGKALIN AT BUHAGHAGIN APAT NA ULIT

DILIGIN

Balik-Tanaw
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap sa
ibaba. Iguhit ang masayang mukha kung ang pangungusap ay
nagpapakita ng paraang tuwirang pagtatanim at malungkot na
mukha kung ito ay hindi nagpapakita ng tuwirang pagtatanim. Isulat
ang iyong sagot sa patlang sa unahan ng bilang.

____1. Ang tuwirang pagtatanim ay ang pagtatanim na gamit ang sanga sa


pagtatanim.
____2. Sa paraang di-tuwirang pagtatanim ang halaman ay hindi na
kailangang diligan.
____3. Inililipat na ang punla kapag may anim hanggang pitong dahon sa
di-tuwirang pagtatanim.
____4. Kailangang tuyo ang lupa sa kahong punlaan kapag ilalagay ang
butong itatanim sa tuwirang pagtatanim.
____5. Ang di tuwirang pagtatanim ay ang paglilipat ng punla sa kamang
taniman

4
Maikling Pagpapakilala ng Aralin
Masistemang Pangangalaga ng mga Tanim sa
Pamamagitan
ng Pagdidilig at Pagbubungkal ng Lupa
Ang masusing pangangalaga sa mga pananim ay mahalaga. Ang
mga halaman sa murang gulang ay tutubo nang
malulusog kung mapapangalagaan sa wastong paraan. Isang
malaking kasiyahan naman sa atin ang makitang malulusog at malalago
ang mga halaman na itinanim.
1. Ang mga halaman na malalim ang paglaki ng ugat ay kayang lumago
kahit hindi diligan araw-araw dahil nakakakuha ang mga ito ng tubig mula
sa malalim na bahagi ng lupa (subsoil). Ang mga ugat ang siyang
nakakasipsip ng tubig. Samantala, ang mga halaman na mababaw lamang
ang ugat ay umaasa sa araw-araw na pagdidilig.
Tiyakin na ang dami ng tubig na ididilig ay angkop sa uri ng halaman.
Gamitin sa pagdidilig ang tubig na ginamit sa bahay. Tiyakin lamang na
walang halong mantika o sabon ito.
Gawin lamang ang pagdidilig sa umaga at sa hapon. Iwasan ang pagdidilig
tuwing matindi ang sikat ng araw. Ito ay magiging sanhi ng pagkalanta ng
mga dahon na maaring ikamatay ng mga pananim.Diligin ang mga
halaman bago sumikat ang araw sa umaga at dapithapon.

Mga Kagamitan sa Pagdidilig at Pagbubungkal ng Lupa

1. Asarol- ito ay ginagamit sa pagbungkal ng lupa upang


ito ay mabuhaghag.

2.Kalaykay- ginagamit ito sa pag-


alis ng malalaki at matitigas na
tipak ng lupa at bato sa taniman.

3.Piko- ang piko ay ginagamit


panghukay ng matigas na lupa.

5
4.Dulos- ay ginagamit sa pagbubungkal ng lupa sa paligid
ng halaman. Mahusay rin itong gamitin sa paglilipat ng
mga punla.

5. Regadera – ginagamit ito sa pagdidilig. Ito ay may


mahabang lagusan ng tubig na may maliliit na butas sa
dulo.

6. Pala- ginagamit sa paglilipat ng lupa. Ginagamit din ito


sa paghuhukay ng butas o kanal sa lupa at
pagsasaayos ng lupa sa tamang taniman.

7. Tulos at Pisi- ang mga ito ay ginagamit na gabay sa


paggawa ng mga hanay sa tamang taniman sa
pagbubungkal ng lupa. Itinutusok ang may tulos sa
apat na sulok ng lupa at tinatalian ng pisi upang
maging gabay.

Kahalagahan ng Pagbubungkal ng Lupa


1.Madaling darami ang ugat ng mga halaman.
2.Madaling mararating ng tubig ang mga ugat.Higit na
malusog ang halaman kapag maraming ugat. 3.Maluwag
na makakapasok ang hangin sa halaman.
Dapat isaalang –alang sa Pagbubungkal ng Lupa
1. Bungkalin ang lupa kung ito ay mamasa–masa. Ito ay
ginagawa sa hapon o sa umaga.
2. Gawing katamtaman ang pagbubungkal. Bungkalin ng
mababaw lamang ang mga halaman.

6
Gawain
Gawain 1: I-TAMA MO!
Panuto:Basahin at unawain ang nilalaman ng bawat pangungusap. Isulat
ang salitang WASTO kung ang pangungusap ay nagpapakita ng
pamamaraan sa pagdidilig ng halaman at DI WASTO naman kung
ito ay hindi nagpapakita ng pamamaraan.Isulat ang iyong sagot sa
patlang sa unahan ng bawat bilang.
_____ 1. Dapat gawing regular ang pagdidilig ng mga pananim na gulay.
_____ 2. Ang dalas at dami ng tubig sa pagdidilig ay pare-parehas sa lahat
ng uri ng pananim.
_____ 3. Ang mga tubers at bulbous plants ay kailangang diligin araw-
araw.
_____ 4. Dapat siguraduhing hindi masobrahan sa tubig ang mga pananim
kapag tag-ulan.
_____ 5. Panatilihing tuyo ang lupa.

Gawain 2: E-AYOS MO!


Panuto: Pag aralan ang ginulong salita sa ibaba.Ayusin ang mga titik
upang mabuo ang salita na tinutukoy sa bawat bilang.
1. Ginagamit sa pagbubungkal ng lupa sa paligid ng halaman.
Mahusay rin itong gamitin sa paglilipat ng mga punla.Isulat sa guhit ang
iyong sagot.
S O L U D
_______________________
2. Ginagamit sa pagbubungkal ng lupa.
L R O S A A
________________________
3. Ginagamit sa pagdidilig ng halaman.
R A G E D R A
____________________________
4. Ginagamit ito upang linisin ang kalat sa bakuran tulad ng tuyong dahon
at iba pang uri ng basura.

7
Y A L K A K A Y
_______________________________
5. Ginagamit sa paglilipat ng lupa.
P A A L
______________________

Gawain 3: E-TAMA ANG MALI!


Panuto: Unawain ang mga pangungusap sa bawat bilang sa ibaba. Isulat
ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpakikita ng
masistemang pangangalaga ng tanim at MALI naman kung hindi
nagpapakita. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Bungkalin ang lupang nakapaligid sa halaman upang makahinga ang
mga ugat.
2. Gawing mababaw lamang ang pagbubungkal na lupa lalo na sa mga
halamang pino ang ugat at malalambot ang tangkay.
3. Diligan ang mga halaman sa tanghaling tapat.
4. Gawing regular ang pagtatanggal ng mga damong ligaw sa paligid ng
halaman.
5. Subaybayan ang paglaki ng halaman

Tandaan

Ano ang mga dapat isaalang-alang sa pangangalaga ng mga


tanim na halaman?
Ang masusing pangangalaga sa mga pananim ay mahalaga. Ang
mga pananim sa murang gulang ay tutubo nang malulusog kung
mapapangalagaan sa wastong paraan. Dapat isaalang-alang ang mga
masistemang paraan ng pangangalaga sa pananim tulad ng pagdidilig at
pagbubungkal ng lupa.
8
Pag-alam sa mga Natutuhan
A. Panuto: Hanapin sa word puzzle ang tinutukoy ng mga pangungusap sa
ibaba. Bilugan ang nahanap na salita at isulat sa guhit sa bawat bilang.

E P A G B U B U N G K A L O D
D R E D F A A A E G F S L R U
P H O S P H S S U S E A A F L
G P A K Y A A A N E E D N S O
R E G A D E R A E R I E S E S
U N A K A K O L I B A N G N O
O F G E S O L R W R O F K E R
S U H Y E T R Y R E R Q A S T
A O N N I T R O G E N I N G U
E N P A I T I D I L I G E G M

1.Isang gawain pangangalaga sa halaman na ginagawa araw –araw.


_______________________________
2.Ginagawa sa halaman upang ito ay makahinga
________________________________ 3.Ginagamit
sa pagdidilig ng halaman.
__________________________________
4.Pambungkal ng lupa

5.Ginagamit pambungkal ng lupa sa paligid ng halaman.


__________________________________

9
Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap.Isulat ang titik ng


tamang sagot sa sagutang papel.
__1. Ginagamit ito sa pagdidilig ng halaman.
A. asarol C. pala
B. kalaykay D. regadera
__2. Ginagamit sa pagbubungkal ng lupa sa paligid ng halaman. Mahusay
rin itong gamitin sa paglilipat ng mga punla.
A. dulos C. pala
B. kalaykay D. tinidor
__3. Ang pagdidilig ng halaman ay ginagawa tuwing ________.
A. gabi C. umaga at hapon
B. maghahapon lang D. tanghaling tapat
__4. Ang pagbubungkal ng lupa sa paligid ng halamang taniman ay
kailangan upang makahinga ang mga _____ ng mga tumutubong
halaman, yumabong at lumago nang husto.
A. bulaklak C. ugat
B. dahon D. tangkay
__5. Ito ang ginagamit upang mapapanatiling mahalumigmig ang lupa?
A. kawayan C. plastik
B. mulch D. organiko

__6. Kailangan nasa tamang_____ ang isinasagawang pagbubunkal ng


lupa.
A. babaw B. laki C. lalim D. taas
__7. Alin sa mga sumusunod ang DAPAT iwasan sa pagdidilig ng
halaman?
A. diligan ang halaman tuwing umaga
B. diligan ang halaman araw-araw
C. Diligan ang halaman tuwing hapon
D. Diligan ang halaman tuwing matindi ang sikat ng araw
___8. Ito ang mga dapat taglayin ng lupa bago taniman.
A. mga basura C. nitrogen,phosphorus at potassium
B. mga kemikal D. bato at buhangin

10
___9. Bakit kailangang bungkalin ang lupa sa paligid ng halaman?
A. upang makahinga ang mga ugat ng mga tumutubong halaman,
yumabong at lumago nang husto
B. upang putulin ang mga ugat ng halaman
C. upang lagyan ng butas ang lupa
D. upang sirain ang mga tangkay
___10. Ito ang kagamitan na ginagamit sa paglilipat ng lupa.
A. dulos B. kalaykay C. pala D. regadera

Sanggunian:
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4 pp.364
Inihanda ni:
MANUNULAT: SONNY C. BENITEZ
Posisyon: Guro III
Paaralan: Paaralang Elementary ng San Jose Sangay
ng mga Paaralang Panlungsod: Makati City
TAGAGUHIT:
Posisyon:
Paaralan:
Sangay ng mga Paaralang Panlungsod:
Mga TAGASURI NG WIKA:
EDITHA V. VILLAMOR- Master Teacher 1
Paaralan: Paaralang Elementary ng Kuta Bonifacio
MELLANY R. ARANDIA - Master Teacher 1
Paaralan: Paaralang Elementary ng Comembo
Sangay ng mga Paaralang Panlungsod: Makati City
DR. CELEDONIA T. TENEZA, EPS
SDO DepEd Makati

11

You might also like