You are on page 1of 2

ARALIN 3- MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA DAIGDIG

Kabihasnan o sibilisasyon ay isang yugto ng pag-unlad ng isang lipunan. Upang matawag na


sibilisado ay kailangang nagtataglay ng:
1.Matatag na pamahalaan, at maunlad na batas
2.Maunlad na kabuhayan
3.Mayroong sistema ng pagsulat
4. teknolohiya
Mga Sinaunang Kabihasnan
1.Mesopotamia (Kanlurang Asya)- Greek word-meso o pagitan at potamos o ilog. Ito ay lupain sa
pagitan ng dalawang ilog, ito ay ang Ilog Euhprates at Tigris. Ang kauna-unahang kabihasnan at
lundayan ng unang kabihasnan. Matatagpuan sa rehiyon ng Fertile Crescent- paarkong matabang
lupain na nagsisimula sa Persian gulf hanggang Silang baybayin ng Mediterranean Sea.
2. Indus (Timog Asya)- malawak na tangway na hugis tatsulok.. Umusbong sa Lambak-ilog ng Indus.
Mojenjo-Daro at Harappa- mga lungsod na nagging sentrong kabihasnan.
3.Tsino (Silangang Asya)-pinakamatandang kabihasnan. Umusbong malapit sa Yellow River o
Huang Ho.
4. Egypt (Africa)- Umusbong malapit sa Nile River. Tinatawag na “The Gift of Nile”.
5. Mesoamerica- meso- gitna.Lundayan ng unang kabihasnan sa America. Umusbng sa Sinaloa
River Valley sa gitnang Mexico at Gulf of Fonseca at sa lupain ng Yucatan Peninsula.

You might also like