You are on page 1of 7

Sa Ngalan ni Allah, ang Pinakamahabagin, ang Pinakamaawain

‫ و بعد‬,‫الحمد هلل رب العالمين و الصالة و السالم على أشرف األنبياء و المرسلين محمد صلى هللا عليه و سلم‬,

‫اللّهم َعلِّ ْم َنا ما َي ْن َفعُنا وا ْن َفعْ نا بما َعلَّ ْم َتنا وزدنا علما تنفعنا به يا رب العالمين‬.

‫سبحانك ال عِ ْل َم لنا إال ما َعلَّ ْم َتنا إ ّنك أنت الحكي ُم العليم‬.

َ ‫اللهم َأ ْطل ِْق َأ ْلسِ َن َتنا بتالو ِة كتابك ال ُم َع َّظم وكالمك المطهَّر على ال َّنحْ ِو الذي يُرْ ضِ ْي‬
‫ك ع َّنا يا ربَّ العالمين‬

Ang lahat papuri at pasasalamat ay sa Allah lang, ang kapayapaan at Pagpala ay sumanawa sa
pinakamarangal sa mga propeta at sugo na si Muhammad naway itampok sya ng Allah.

INTRODUCTION:

Ang salitang Qur’an ay nanggaling sa salitang Arabik na qara’a na ang ibig sabihin ay basa. Ang Qur’an ay
nangangahulugan ng Basahin, Bigkasin, Ipahayag, o Ipagbadya. Ang Qur’an bilang kanyang pangalan ay
mahigit sa limampung beses na binabanggit ng Allah bilang pangalan ng Aklat Ang Allah ay nagwika sa
kanyang banal na aklat,

ٗ ِ‫ٱختِ ٰلَ ٗفا َكث‬


]82 :‫﴾ [النساء‬٨٢‫يرا‬ ْ ‫﴿َأفَاَل يَتَ َدبَّرُونَ ۡٱلقُ ۡر َء ۚانَ َولَ ۡو َكانَ ِم ۡن ِعن ِد غ َۡي ِر ٱهَّلل ِ لَ َو َجد‬
ۡ ‫ُوا فِي ِه‬

“Hindi baga nila isinasaalang-alang ang Qur’an ng may pagpapahalaga? Kung ito’y nanggaling mula sa iba
at hindi sa Allah, katotohanang sila’y makatatagpo roon ng maraming pagkakaiba-iba.” [Qur’an, 4:82]

]2 :‫﴾ [يوسف‬٢ َ‫﴿ِإنَّٓا َأن َز ۡل ٰنَهُ قُ ۡر ٰ َءنًا ع ََربِ ٗيّا لَّ َعلَّ ُكمۡ ت َۡعقِلُون‬

“Katotohanang Aming ipinahayag ang Qur’an sa Arabik upang ito’y inyong maunawaan (at
makapagkamit ng karunungan)” [Qur’an 12:2]

Ang pamagat ng dakilang aklat na ito ay iginawad ng Allah. Hindi ang mga Muslim ang nagbigay ng
pangalan nito. Taliwas sa ibang pananampalataya, halimbawa’y ang Kristiyanismo, ang pangalan ng
kanilang “banal” na aklat ay ibinigay ng tao. Hindi kailanman mababasa sa Biblia na sinabi ng Panginoong
Diyos o maging ni Moises at Hesus (sumakanila nawa ang kapayapaan) na ang aklat na ibinigay sa kanila
ay tinatawag na Biblia. Ang salitang biblia ay galing sa Griyegong salita na biblos na ang ibig sabihin ay
aklat. Hindi ito tinawag na gayon ng Diyos kundi iginawad lamang ng tao.

Sa Qur’an, lagi nang ang Allah ang nagsasalita. Ito’y walang halo ng salita ni Propeta Muhammad
(sumakanya nawa ang kapayapaan), ng kanyang mga kasamahan o ng isang mananalaysay. Ito’y nasa
anyo na patula, patalumpati, pasalaysay at tagubilin. Ito’y ipinahayag ng Allah sa wikang Arabik at ito
lamang ang tanging aklat ng kapahayagan na nananatili sa kanyang orihinal na wika magpahanggang sa
ngayon. Ang mga nangaunang aklat ay nawala na at nasusulat sa ibang wika na hindi mga wika ng mga
nangaunang propeta. Dagdag pa rito, ang mga aklat na yaon ay nabawasan, nadagdagan at nahaluaan
na ng mga salita ng tao. Dahil dito, kinakailangan na magpadala muli ang Allah ng isang aklat-, ang
Qur’an, hindi upang baguhin ang mga pangunahing turo na ibinigay Niya sa mga nangaunang Propeta
kundi upang ibalik na muli ang mga nangawalang turo sa kanilang orihinal na kadalisayan.

Ang tunay na Muslim ay naniniwala sa Qur’an bilang Huling Kapahayagan ng Diyos para sa
sangkatauhan. Ito ay ipinahayag kay Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan) sa
pamamagitan ni malaikah Jibreel Alayhissalam. Dito ay ibinigay ng Allah ang kabuuan at kaganapan ng
Kanyang relihiyon. Ang Qur’an ang pinakadalisay na pahayag sa mga tao sa kawastuan at katotohanan.
Ang Qur’an ay hindi isinulat o inakda ng tao. Ang Allah ang may akda ng Qur’an. Ito rin ay Kanyang
iningatan sa habang panahon upang di mabahiran ng alinlangan at malagyan ng kamalian.

Winika ng Allah sa Qur’an:

َ ۛ ‫﴿ ٰ َذلِكَ ۡٱل ِك ٰتَبُ اَل َر ۡي‬


]2 :‫﴾ [البقرة‬٢ َ‫ب فِي ۛ ِه ه ُٗدى لِّ ۡل ُمتَّقِين‬

“Ito ang Aklat (ang Qur’an), na dito’y walang alinlangan, isang patnubay sa mga matutuwid” [Qur’an,
2:2]

]192 :‫﴾ [الشعراء‬١٩٢ َ‫َنزي ُل َربِّ ۡٱل ٰ َعلَ ِمين‬


ِ ‫﴿ َوِإنَّهۥُ لَت‬

“At katotohanan, ito (ang Qur’an) ay isang kapahayagan mula sa Panginoon ng lahat ng sandaigdigan”
[Qur’an, 26:192]

]1 :‫﴾ [الحجر‬١‫ين‬ ِ َ‫ت ۡٱل ِك ٰت‬


ٖ ‫ب َوقُ ۡر َء‬
ٖ ِ‫ان ُّمب‬ َ ‫﴿ا ٓل ۚر تِ ۡل‬
ُ َ‫ك َءا ٰي‬

“Tunay ngang Kami lamang ang nagpahayag sa Kasulatan at katotohanang Kami ang Tagapangalaga
nito.” [Quran, 15:9]

]115 :‫﴾ [األنعام‬١١٥‫ص ۡد ٗقا َوع َۡداٗل ۚ اَّل ُمبَ ِّد َل لِ َكلِ ٰ َمتِ ِۚۦه َوهُ َو ٱل َّس ِمي ُع ۡٱل َعلِي ُم‬
ِ ‫ك‬ ُ ‫﴿ َوتَ َّم ۡت َكلِ َم‬
َ ِّ‫ت َرب‬

“At ang salita ng inyong Panginoon ay natupad sa katotohanan at katarungan. Walang sinuman ang
maaaring bumago ng Kanyang mga salita. At Siya ang lubos na Nakakarinig, ang ganap na Maalam”
[Qur’an, 6:115]

Ang Qur’an ay ipinahayag ng Allah sa wikang Arabik at ang bawat Muslim ay naniniwala na ang bawat
titik ng Qur’an ay salita ng Allah. Ang Qur’an ay di lamang mga salita ng Allah na pang-ispirituwal kundi
ito ay naglalaman ng banal na batas para sa sangkatauhan na tumatalakay at nagbibigay solusyon sa
lahat ng bagay na kaakibat ng tao sa pamumuhay. Gayundin sa mga bagay na pampulitikal,
pangkabuhayan, pangsikolohikal, sibil, pribado at publiko at marami pang iba na angkop sa lahat ng
lugar at panahon, pangnakaraan, pagkasalukuyan at panghinaharap ng walang pagkupas o di-
pagkakaangkop sa situwasyon. ( nagsisilbing manual or guide ang qur-an sa tao.)
Ang tunay na Muslim ay naniniwala na ang Kapahayagan ng Diyos ay ibinigay Niyang lahat sa Qur’an
upang maging patnubay ng sangkatauhan bilang batas sa lahat ng panahon. Tangi rito, ibinigay rin
naman Niya ang ibang pahayag sa pamamagitan ng mga gawa, tradisyon at mga sawikain ni Propeta
Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan) na tinatawag na Ahadith sapagkat walang higit na
makapagpapaliwanag at makapagbibigay kahulugan sa nilalaman ng Qur’an kundi ang Propeta ring
Kanyang sinugo.

ANG REBELASYON

Ang salitang “Qur’an” ay isang ‘pangngalang makadiwa’ na may pagkakatulad sa kahulugan ng salitang
qirā’ah, sapagka’t ang parehong salitang ito ay nagmula sa pandiwang qarā’a na ang ibig sabihin ay
basahin o bigkasin. Gayunpaman, batay sa kasaysayan, ang terminong Qur’an ay tuwirang tumutukoy sa
Aklat na inihayag ng Allah sa pamamagitan ng Kanyang Mensahero na si Angel Jibrilu kay Propeta
Muhammadr nang pakaunti-pakaunti sa loob ng 23 taon.

]102 :‫﴾ [النحل‬١٠٢ َ‫وا َوه ُٗدى َوب ُۡش َر ٰى لِ ۡل ُم ۡسلِ ِمين‬ ِّ ‫ك بِ ۡٱل َح‬
ْ ُ‫ق لِيُثَبِّتَ ٱلَّ ِذينَ َءا َمن‬ ۡ
ِ ‫﴿قُ ۡل نَ َّزلَهۥُ رُو ُح ٱلقُد‬
َ ِّ‫ُس ِمن َّرب‬

“Sabihin mo (sa kanila O’Muhammadr); ‘Ang Ruhul Qudus (Banal na Espiritu na si Anghel Jibril) ang
nagbaba ng Qur’an na ito mula sa iyong Rabb nang makatotohanan, upang maging matibay at
mapatatag (ang pananampalataya) ng mga naniwala at bilang isang pamamatnubay at magandang balita
sa mga yaong isinusuko ang sarili (sa Allah bilang mga Muslim).” Surah An-Nahl, 16:102

١٩٢ َ‫َنزي ُل َربِّ ۡٱل ٰ َعلَ ِمين‬


ِ ‫﴿ َوِإنَّهۥُ لَت‬

١٩٣ ُ‫نَزَ َل بِ ِه ٱلرُّ و ُح ٱَأۡل ِمين‬

١٩٤ َ‫ك لِتَ ُكونَ ِمنَ ۡٱل ُمن ِذ ِرين‬


َ ِ‫َعلَ ٰى قَ ۡلب‬

١٩٥‫ين‬
ٖ ِ‫ان َع َربِ ٖ ّي ُّمب‬
ٍ ‫بِلِ َس‬

]196-192 :‫﴾ [الشعراء‬١٩٦ َ‫وَِإنَّهۥُ لَفِي ُزب ُِر ٱَأۡل َّولِين‬

“ At katotohanan na ito ay isang rebelasyon mula sa Rabb ng al-Ālamin, na ibinaba ng ‘Ruhul Amin’
(tumutukoy kay Anghel Jibril) sa iyong puso, sa wikang Arabic, upang ikaw ay maging isang
tagapagbabala. At katiyakan, ito (ang Banal na Qur’an at pagkakahayag nito kay Propeta Muhammad) ay
binanggit sa mga kasulatan(i.e. sa Tawrah at sa Injeel) ng mga naunang tao.” Surah Ash-Shu’ara, 26: 192-
196

Sa tuwing may magaganap na suliranin o sa tuwing nanaisin ng Allah na magbigay ng natatanging payo
kay Propeta Muhammadr at sa kanyang mga Sahabāh (kasamahan), isusugo ng Allah si Anghel Jibril na
may ilang bahagi ng Qur’an at pagkatapos ito ay bibigkasin niya kay Propeta Muhammadr. Na
samakatuwid, ang Qur’an ay hindi inihayag nang minsanan lamang sa kumpleto nitong kabuuan, na
tulad ng mga naunang Aklat ng Rebelasyon, kundi ito ay baha-bahagi na inihayag sa loob ng ilang
panahon. Batid natin na si Muhammadr ay hindi marunong bumasa at sumulat kaya napakahalaga sa
kanya na maisaulo niya ang bawa’t rebelasyon na ihahayag sa kanya.

Noong una, kapag binabasa ni Anghel Jibril ang ilang bahagi ng Qur’an sa kanya, sinisikap ng Propeta na
bigkasin ito kaagad pagkatapos itong basahin sa kanya; salita bawa’t salita. Subali’t nang lumaon, sinabi
ng Allah kay Anghel Jibril na sabihin sa Propeta na huwag ganito ang pamamaraan na gawin niya, sa
halip ay pakinggan niya munang maige ang pagbibigkas ng Qur’an bago niya ito bigkasin.nang ginawa ito
ng propeta, sinanhi ng Allah na magkaroon siya ng kakayahan na maalaala at maisaulo itong lahat nang
walang kahirap-hirap sa kanyang panig.

١٦‫ك لِت َۡع َج َل بِ ِٓۦه‬ ۡ ‫﴿اَل تُ َح‬


َ َ‫رِّك بِ ِهۦ لِ َسان‬

١٧ُ‫ِإ َّن َعلَ ۡينَا َجمۡ َعهۥُ َوقُ ۡر َءانَ ۥه‬

١٨ُ‫فَِإ َذا قَ َر ۡأ ٰنَهُ فَٱتَّبِ ۡع قُ ۡر َءانَ ۥه‬

]19-16 :‫﴾ [القيامة‬١٩ُ‫ثُ َّم ِإ َّن َعلَ ۡينَا بَيَانَ ۥه‬

Sinabi ng Allah sa Qur’an: “Huwag mong igalaw ang iyong dila upang dali-daling (matutunan) ito.
Katiyakan lilikumin Namin ito at ipagkakaloob sa iyo ang kakayahan na mabigkas ito. Na kung kaya,
kapag binigkas na Namin ito sa iyo (sa pamamagitan ni Anghel Jibril), ay saka mo sundan ang resaytal o
paglalahad nito. Nasa sa Amin na gawin itong maliwanag (sa iyo).” Surah al-Qiyaamah, 75: 16-19

Sa tuwing makakatanggap siya ng rebelasyon mula kay Anghel Jibril ay inuutusan siya na ipasulat niya ito
sa kanyang mga tagasulat batay sa tagubilin sa kanya. Kung papaano niya ito ipinasulat ay gayundin ang
pagkakasa-ayos nito sa ngayon. Gayunpaman, ang Qur’an ay inihayag na tulad nang pagkakasunod-
sunod na kaayusan nito sa ngayon, kundi inihayag ito nang pakaunti-pakaunti, batay sa mga pangyayari
o kung nanaisin ng Allah na bigyan sila ng natatanging payo, na tulad ng nabanggit sa una. At taun-taon
sa tuwing buwan ng Ramadan ay binibigkas niya ito sa harapan ni Anghel Jibril. At sa dakong huli ng
kanyang buhay, bago siya pumanaw ay binigkas niya nang 2 beses ang buong Qur’an sa harapan ni
Anghel Jibril.

Naibahagi ng Propeta ang buong Qur’an sa kanyang mga Sahabah bago siya namatay. Gumamit siya ng
iba’t ibang pamamaraan upang makatiyak na naisaulo nila ito at naitala, na tulad nang pagkakapahayag
sa kanya: Binibigkas nang malakas ang mga talata ng Qur’an sa oras ng Salah (sa Jama’ah o mga
kongregasyon na mga Salah.) Sa ganitong paraan ay makakasanayan nila na naririnig ang mga bahagi ng
Qur’an araw-araw.

Bagama’t wala pang papel sa Arabia noon, ang mga talata ng Qur’an ay naisulat sa mga dahon ng ‘date
palm’ ( o mga palmera ng datiles), sa mga lapad na bato, sa mga kahoy, o di kaya ay sa mga balat ng
kahoy, sa mga pinatuyong balat ng hayop at maging sa mga buto ng tupa o mga kamelyo (yaong mga
malalapad na buto na nasa balikat ng mga ito) ay pinagsusulatan din. Sa ganito, napanatili ang mga
talata ng Qur’an sa mga puso ng mga mananampalataya.

Ang kahalagahan at kainaman ng Pag-aaral ng qur-an:

1. Nadadagdagan nito ang iyong Iman:

]2 :‫﴾ [األنفال‬٢ َ‫﴿ِإنَّ َما ۡٱل ُم ۡؤ ِمنُونَ ٱلَّ ِذينَ ِإ َذا ُذ ِك َر ٱهَّلل ُ َو ِجلَ ۡت قُلُوبُهُمۡ َوِإ َذا تُلِيَ ۡت َعلَ ۡي ِهمۡ َءا ٰيَتُهۥُ َزاد َۡتهُمۡ ِإي ٰ َم ٗنا َو َعلَ ٰى َربِّ ِهمۡ يَتَ َو َّكلُون‬

Ang mga sumasampalataya ay sila, na kung ang Pangalan ni Allah ay nababanggit, ay nagkakaroon
ng pangamba sa kanilang puso at kung ang kanyang mga talata (qur-an) ay dinadalit sa kanila (na
katulad ng ganitong mga talata) ay nagpapaalab sa kanilang pananalig at sila ay naglalagay ng
.kanilang pagtitiwala sa kanilang panginoon

Napapanatili nito ang magagandang pag-uugali at napapalayo nito sa mga .2


masasamang pag-uugali

‫ (اتق هللا حيثما كنت واتبع السيئة‬:‫ هللا صلى هللا عليه وسلم قال‬L‫عن أبي ذر ومعاذ بن جبل أن رسول‬
.‫ حديث حسن‬:‫الحسنة تمحها وخالق الناس بخلق حسن) رواه الترمذي وقال‬

Ito ay isinalaysay mula kay Abu Dhar at Muadh bin Jabal na ang Sugo ng Allah (sumakanya nawa ang
kapayapaan at pagpapala ni Allaah) At sinabi ng kapayapaan: "Matakot sa Diyos saan ka man
naroroon at sundin ang masamang mabuting nabura at ang Lumikha ng mga tao sa pamamagitan ng
.paglikha Hassan) ay isinalaysay ni al Tirmidhi at nagsabi: Hadith Hassan

.Malalaman niya ang mga kwento na napaloob sa qur-an .3

]3 :‫﴾ [يوسف‬٣ َ‫ك ٰهَ َذا ۡٱلقُ ۡر َءانَ َوِإن ُكنتَ ِمن قَ ۡبلِ ِهۦ لَ ِمنَ ۡٱل ٰ َغفِلِين‬
َ ‫ص بِ َمٓا َأ ۡو َح ۡينَٓا ِإلَ ۡي‬ َ َ‫ك َأ ۡح َسنَ ۡٱلق‬
ِ ‫ص‬ َ ‫﴿ن َۡحنُ نَقُصُّ َعلَ ۡي‬

Isinalaysay Namin s aiyo (O Muhammad) ang pinakamagagandang kasaysayan sa pamamagitan ng


aming mga pahayag sa qur’an. At bago pa ang pahayag na ito, ikaw ay kabilang sa kanila na walang
.kaalaman hinggil dito (ang Qur-an)

.Ang pagkakaroon ng gantimpala mula sa Allah sa pagbabasa nito .4

Ang pagbabasa ng Qur-an ay ang pinakamalaking pamamaraan ng pag ala ala kay Allah at napapaloob
rito ang napakaraming mga hasanah (good deed) sa pagbabasa nito kahit pa sa mga karaniwang araw
lamang kaya hindi natin aakalain kung gaano na lamang kalaki ng gantimpala ng pagbabasa nito sa
buwan ng Ramadhan kung saan pinaparami ng Allah ang bawat isang gawain rito ng higit sa 700 beses
hanggang sa hindi na natin alam kung ilang beses ito pinarami ng Allah.
Narito lamang ang ilan sa mga paglalarawan kung gaano kalaki ang gantimpala ng pagbabasa ng Qur-an
at ang kahalagahan nito:

Ang sinuman ang magbasa ng letra lamang mula sa qur-an ay gagantimpalaan siya ng Allah ng isang
kabutihan at ito ay kanyang paparamihin hanggang sampung beses. Sinabi ng rasulullahi sallahu alayhi
wa sallam. { ٌ‫ َولَكِنْ َألِفٌ حَ رْ فٌ َواَل ٌم حَ رْ فٌ َومِي ٌم حَ رْ ف‬، ٌ‫ اَل َأقُو ُل ﴿الم﴾ حَ رْ ف‬،‫ َوالحَ سَ َن ُة ِبعَ ْش ِر َأمْ َثا ِلهَا‬،‫هللا َفلَ ُه ِب ِه حَ سَ َن ٌة‬
ِ ‫ب‬ ِ ‫} َمنْ َقرَ َأ حَ رْ ًفا مِنْ ِك َتا‬

“ Sinuman ang magbasa ng isang letra lamang sa qur-an ay mapapasa kanya ang Mabuti at itong Mabuti
ay paparamihin ng Allah hanggang sa sampung beses, (dugtung ng ng rasulullahi saws sa kanyang
hadith) hindi ko sinasabi na ang alif,laam,meem ay iisang harf lang yan ay kundi ang alif ay harf ang laam
ay harf, ang meem ay harf, ito ay tatlong letra na kung saan kapag binasa mo ay mapapasaiyo ang
tatlompung kabutihan.

Pangkaraniwang araw lamang yun mas dadami pa ito ng doble doble depende sa pagpapalalim mo sa
pagbabasa nito at kung gagawin mo ito sa buwan ng Ramadhan.

Sa pag-aaral din ng qur-an ay gagantimpalaan tayo ng Allah sa dalawang gantimpala at kapag


ipinagpatuloy mo ang pag-aaral ng qur-an ay mapapabilang ka sa sinabi ng rasulullahi saws sa kanyang
hadith na {- ‫ َوالَّذِي يقرَ ُأ‬،ِ‫الَّذِي َي ْقرَ ُأ القُرْ آنَ َوهُو ما ِه ٌر ِب ِه معَ ال َّس َفر ِة الكِرَ ِام البَرَ رَ ة‬ :‫ قا َل رسو ُل هَّللا ِ ﷺ‬:‫ت‬
ْ َ‫وعن عائشة رضي هَّللا عنها قال‬
ٌ  ‫اق لَ ُه َأجْ ران‬
‫متفق عَ لَ ْي ِه‬ ٌّ ‫القُرْ آنَ و َي َت َتعْ َت ُع فِي ِه َوهُو علي ِه َش‬.}

Sinabi ng Rasulullahi saws ang bihasa o magaling sa pagbabasa ng qur-an ay makakasama niya o
magiging kaantas niya ang mga malaikah at siya naman na pinag-aaralan niya o binabasa niya ang qur-an
at siya ay nabubulol bulol sa kanyang pagbabasa dahil sya ay nahihirapan at siya ay nahihirapan sa
kanyang pagbabasa ay mapapasa kanya ang dalawang gantimpala: ang gantimpla niya sa pagbabasa niya
ng qur-an at gantimpala sa kanyang pagsusumikap na basahin ang qur-an kahit na sya ay nahihirapan.

- Ang Qur-an ay magsisilbing tagapamagitan sayo sa araw ng paghuhukom na kung saan magsasaksi ito
na binabasa mo siya ng madalas noong nasa mundo kapa at sya ay ililigtas niya ang mga taong ‘to. Sinabi
ng rasulullahi saws {‫«اقرؤوا القرآنَ فإ َّنه‬ :‫ سمعتُ رسول هللا صلى هللا عليه وسلم يقول‬:‫عن أبي أمامة الباهلي رضي هللا عنه قال‬
‫ِيعا ألصحابه‬
ً ‫شف‬َ ‫}يأتي يوم القيامة‬

Sinabi ng rasulullahi saws: “ Basahin niyo ang qur-an dahil katotohanan na itong qur-an ay darating sa
araw ng paghuhukom na nililigtas niya, mamagitan sya sa mga taong binasa sya nung sila ay nasa
mundong ibabaw pa lamang.

Sa bawat pagbabasa mo ng qur-an o mga ayah na binabasa mo ay itataas ka ng Allah. Sinabi ng


rasulullahi saws sa kanyang hadith {

‫ فإن‬،‫ ورتل كما كنت ترتل في الدنيا‬،‫ اقرأ وارتق‬:‫" يقال لصاحب القرآن‬ : ‫ قال رسول هللا صلى هللا عليه وسلم‬:‫عن عبد هللا بن عمرو قال‬
‫"منزلتك عند آخر آية تقرؤها‬.  }
“ Sasabihin sa taong itinuring niya ang qur-an na parte ng kanyang buhay nung sya ay nabubuhay sa
mundong ibabaw pa lamang sasabihin sa kanya sa pagpasok niya ng Paraiso (iqra) magbasa ka (wartaqi)
at itataas ka ng Allah (warattil kama turattil fiddunya) at basahin mo ang qur-an kagaya ng kung paano
mo sya binasa nung nasa mundong ibabaw ka pa lamang, dahil sa katotohanan na ang maging lugar mo
sa Paraiso ay ang huling ayah na binasa sa qur-an, so paano na lamang kung buong qur-an na iyong
binasa .

- Sa pagpasok ng mga tao sa paraiso ay papatayuin muna bawat isa sa pintuan ng paraiso at sasabihan
ng mga malaikah (anghel): [mag basa ka ng tulad ng kung papaano ka mag basa sa mundo at ang iyong
magiging antas sa paraiso ay nakadepende sa dulo ng ayah na mababasa mo]. Ibig sabihin ay kung ilang
talata ang mababasa mo sa pamamagitan ng iyong memorya ay siya ring taas ng iyong antas sa paraiso.

- Kapag binasa mo ang Qur-an ng araw araw ay hindi ka mapapabilang sa mga taong tinatakan ng Allah
ang kanilang mga puso ng pagkalimot sa pag ala ala sa kanya.
Ang lahat ng iyan ay katumbas lamang ng pangkaraniwang araw at kung maisasagawa mo ang dakilang
pagsamba na ito (pagbabasa ng Qur-an) sa Ramadhan o sa ibang mga araw na dinodoble doble ng
maraming beses ng Allah ang mga gawa rito ay mas malaking gantimpala ang iyong makukuha.

Naway gabayan tayo ni Allah sa pamamagitan ng liwanag ng Qur-an at gawaran ng malalim na pang
unawa sa Islam.

Wa sallallahu wa sallama ala nabiyyinah muhammad wa ala alihi wa sahbihi ajmain waba’d, assalamo
alaikom warahmatullahi wabarakatuho.

You might also like