You are on page 1of 4

Wikang Pambansa

         Ang Wikang Pambansa ay isang wikang magiging daan ng pagkakaisa at pag-unlad bilang simbolo
ng kaunlaran ng isang bansa. Kinikilala rin ito bilang pangkalahatang midyum ng komunikasyon sa isang
bansa. Kadalasan, ito ang wikang ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay ng lahat ng
mamamayan ng isang bansa.

         Narito ang ilang mga pagbabagong naganap sa pagkakaroon natin ng isang wikang pambansa.

         Ayon sa Saligang Batas ng Biak na Bato, Tagalog ang magiging opisyal na Wika ng Pilipinas. Sa
pagpili ng wikang pambansa, ang Konstitusyon ng 1935, Artikulo XIV, Sek. 3 ay nagsasaad na "Ang
Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang
pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi nag tatadhana ng iba ang
batas, ang Ingles at Kastila ang patuloy ng gagamiting mga wikang opisyal".

         May walong pangunahing wika sa bansa, ang Tagalog, Cebuano, Ilokano, Hiligaynon, Bikol,
Samar-Leyte o Waray, Pampango o Kapampangan, at Pangasinan o Pangalatok. Ang Suriang Wikang
Pambansa (SWP) ay itinatag noong Nobyembre 13, 1936 ng Batas Pambansa Blg. 184 (binuo ng
Saligang Batas Pambansang Asamblea). Pinili ang Tagalog bilang batayan ng bagong pambansang wika
at ipirinoklama ito ng Pangulong Quezon. Pinili ang Tagalog bilang Wikang Pambansa dahil ito ay
malawak na ginagamit sa mga pag-uusap ng mga Pilipino at marami din sa bansa ang nakakaintindi ng
wikang ito. Ayon sa Saligang Batas ng 1973 - Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga
hakbang tungo sa paglinang at pormal na adapsyon ng Wikang Pambansa na tatawaging FILIPINO.

Wikang Opisyal 
         Ang wikang opisyal ay isang wika o lenggwahe na binigyan ng bukod-tanging istatus sa saligang
batas ng mga bansa, mga estado, at iba pang teritoryo. Ito ang wikang kadalasang ginagamit sa
lehislatibong mga sangay ng bansa, bagama't hinihiling din ng batas sa maraming bansa na isalin din sa
ibang wika ang mga dokumento ng gobyerno. Bago maging opisyal ang isang wika, maraming pag-aaral
ang isinagawa upang malaman kung ano ang pinaka-karapatdapat na wika para sa bansa. Tiniyak ng
gobyerno na tama ang pagpili ng wika para sa buong kapuluan at nabigyang daan ito sa pamamagitan ng
pagsaalang- alang ng ibat' ibang salik. Ayon kay Virgilio Almario, ang wikang opisyal ay ang itinadhana
ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Ang wikang pambansa ay ipinahayag
bilang opisyal na wika simula Hulyo 4, 1946. Ayon sa Konstitusyon ng 1973 (Artikulo XV, Sek. 3),
“Hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles at Filipino ang magiging opisyal na wika.”,
Ayon naman sa Kasalukuyang Konstitusyon (Konstitusyon ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6 & 7), “Ang
Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Ukol sa mga layunin ng
komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang ibang
itinatadhana ang batas, Ingles.

Wikang Panturo
         Ano ang tinatawag na “Wikang Panturo”? Ang wikang panturo ang wikang opisyal na ginagamit sa
pormal na edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa pagturo at pag-aaral sa mga eskwelahan at ang wika
sa pagsulat ng mga aklat at kagamitan sa pagturo silid-aralan. Ang tinatag na pambansang sistema ng
edukasyon ng mga Amerikano sa umpisa ng ika-20 siglo ay monolingguwal. Ang ibig sabihin, may isang
wikang panturo- ang wikang Ingles. Nagsimula ipagamit ang Wikang Pambansa bilang wikang panturo sa
panahong Komonwelt at para sa edukasyon ng mga magiging guro ng Wikang Pambansa. Bago
sumiklab ang ikalawang Digmaang Pandaigdig ay may mga guro nang nagtuturo ng Wikang Pambansa.
Sa isang sirkular noong 3 Mayo 1940, iniatas ni Direktor Celedonio Salvador ng Kawanihan ng
Edukasyon ang pagtuturo ng Wikang Pambansa bilang regular na asignatura sa ikaapat na taon sa
paaralang sekundarya. Pagkaraan ng digma, unti-unting binuksan ang mga asignatura sa elementarya at
sekundarya na nagtuturo ng wika at panitikan at gumagamit ng Wikang Pambansa bilang wikang panturo.
Barayti ng Wika
          Ayon kay Tudtod, (2020), ang wika rin ay may iba’t-ibang barayti. Ito ay sanhi ng pagkakaiba ng uri
ng lipunan na ating ginagalawan, heograpiya, antas ng edukasyon, okupasyon, edad at kasarian at uri ng
pangkat etniko na ating kinabibilangan. Narito ang ilan sa mga barayti ng wika.
1.) Idyolek – Ipinapahayag ng barayting ito na bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pamamahayag at
pananalita na naiiba sa bawat isa. Gaya ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika na
nagsisilbing simbolo o tatak ng pagkatao ng isang indibidwal. Ito ay mga salitang namumukod tangi
lamang na magagawa at katangian ng isang tao.
Mga halimbawa ng Idyolek:
“Magandang Gabi Bayan” ni Noli de Castro
“Hindi ka namin tatantanan” ni Mike Enriquez
“Hoy Gising!” ni Ted Failon
2.) Dayalek – Ito ay barayti ng wika na nalilikha ng dimensiyong heograpiko. Ito ang salitang gamit ng
mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na kanilang kinabibilangan. Tayo ay may iba’t-ibang uri
ng wikang panrehiyon na kung tawagin ay wikain. 
Meron tatlong uri ng Dayalek:
Dayalek na heograpiko (batay sa espasyo)
Dayalek na Tempora (batay sa panahon)
Dayalek na Sosyal (batay sa katayuan)
3.) Sosyolek o Sosyalek– Wikang ginagamit ng bawat partikular na grupo ng tao sa lipunan. Maaaring
ang grupo ay nagkakaiba ayon sa edad, seks, uri ng trabaho, istatus sa buhay, uri ng edukasyon, atbp.
         Makikilala ang iba't ibang barayti ng wika sa pagkakaroon ng kakaibang rehistro na tangi sa
pangkat na gumagamit ng wika.
Mga halimbawa ng sosyolek:
Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day!
Wow pare, ang tindi ng tama ko! Heaven!
4.) Etnolek – Isang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga etnolinggwistang grupo.
Dahil sa pagkakaroon ng maraming pangkat etniko sumibol ang iba’t ibang uri ng Etnolek. Taglay nito
ang mga wikang naging bahagi ng pagkakakilanlan ng bawat pangkat etniko.
Mga Halimbawa ng Etnolek:
Vakuul – tumutukoy sa mga gamit ng mga ivatan na pantakip sa kanilang ulo tuwing panahon ng tag-init
at tag-ulan
Bulanim – salitang naglalarawan sa pagkahugis buo ng buwan
Laylaydek Sika – Salitang “iniirog kita” ng mga grupo ng Kankanaey ng Mountain Province
5.) Ekolek - Ito ay tumutukoy sa mga salita, kataga, o mga parirala na ginagamit ng bawat miyembro ng
pamilya sa loob ng bahay. Ito ay ang mga nakasanayang tawag sa bawat miyembro, bahagi ng tahanan,
o kanilang mga gawain sa loob ng bahay.
Mga Halimbawa ng Ekolek:
Nanay – mom – inay – nanay – mudra – mamshie
Tatay – dad – itay – tatay – pudra – pappy
Lababo – batalan – hugasan – urungan
bunso – baby – beh
lola – apo – inay – mamu – granny – inang – mommy lola
lolo – ingkong – itay – papu – lo – itang – papa lolo
silid – room – guest room – kuwarto
6.) Pidgin – Ito ay barayti ng wika na walang pormal na estraktura. Ito ay binansagang “nobody’s native
language” ng mga dayuhan. Ito ay ginagamit ng dalawang indibidwal na nag-uusap na may dalawa ring
magkaibang wika. Sila ay walang komong wikang ginagamit. Umaasa lamang sila sa mga “make-shift” na
salita o mga pansamantalang wika lamang.
Mga Halimbawa ng Pigdin:
Ako kita ganda babae. (Nakakita ako ng magandang babae.)
Kayo bili alak akin. (Kayo na ang bumili ng alak para sa akin.)
Ako tinda damit maganda. (Ang panindang damit ay maganda.)
7.) Creole – mga barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalo-halong salita ng indibidwal, mula
sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay naging pangunahing wika ng partikular na lugar. Halimbawa dito
ay pinaghalong salita ng Tagalog at Espanyol (ang Chavacano), halong Arican at Espanyol (ang
Palenquero), at ang halong Portuguese at Espanyol (ang Annobonese).
Mga Halimbawa ng Creole:
Mi nombre – Ang pangalan ko
Di donde lugar to? – Taga saan ka?
Buenas dias – Magandang umaga
8.) Register – Register ang tawag sa isang salita o termino na mayroong iba’t-ibang kahulugan ayon sa
larangan o disiplinang pinaggamitan nito. Kasama rito ay ang mga espesyalisadong termino gaya ng mga
salitang siyentipiko o teknikal na ginagamit sa mga piling larangan
Mga Halimbawa ng Register:
Mga salitang jejemon
Mga salitang binabaliktad
Mga salitang ginagamit sa teks
Mga salitang ginagamit ng mga iba’t-ibang propesyon gaya ng mga doctor
Bukod rito, mayroon din tayong tinatawag na bilinggwalismo at multilinggwalismo.
         Ang bilinggwalismo ay kakayahang gumamit ng dalawang wika na halos parehas ang kasanayan.
Sa madaling salita, ang konsepto ng bilinggwalismo ay paggamit ng dalawang wika o kakayahang
gumamit at makaunawa ng dalawang wika.

Ang Patakarang Edukasyong Bilinggwal 1973 at 1987


         Hindi matatawaran ang kahalagahan ng wika bilang kasangkapan sa pagkatuto. Natutong
magsalita ang mga bata ayon sa wikang naririnig niya sa kanyang mga magulang.

         Nang pagtibayin ang Bagong Saligang Batas ng 1973, nagsimula na rin ang bilinggwalismo sa
edukasyon ng Pilipinas. Itinakda sa Saligang Batas ng 1973 at ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang
pagkakaroon ng patakarang bilinggwalismo sa mga paaralan. Layunin nitong makalikha ng isang
bansang bilinggwal na may mamamayang may sapat na kakayahan at kaalaman sa mga wikang Ingles at
Filipino.

         Ngayon, hindi na bilinggwalismo kundi multilinggwalismo ang pinaiiral na patakarang pangwika sa


edukasyon. Ang pagpapatupad ng mother tongue-based multilingual education o MTB-MLE ay
nangangahulugan ng paggamit ng unang wika ng mga estudyante sa isang partikular na lugar.
Halimbawa, sa Ilokos, Ilokano ang wikang panturo sa mga estudyante mula kindergarten hanggang
ikatlong baitang. Ituturo naman ang Filipino at Ingles pagtuntong nila sa ikaapat na baitang pataas.
Ipinatupad ang ganitong pagbabago sa wikang panturo dahil napatunayan ng maraming pag-aaral na
mas madaling natututo ang mga bata kapag ang unang wika nila ang ginamit na panturo. Mas madali rin
silang natututong makabuo ng kritikal na pag-iisip kapag naturuan sila sa kanilang unang wika.

         Sa paglipas ng panahon maraming uri ng salita ang nabuo at patuloy na ginagamit ng mga tao. May
mga salitang iba’t iba ang baybay, ngunit sa pangkalahatan ay iisa lamang ang tinutumbok na kahulugan.
Ito ang uring mga wika na kung tawagin ay “Homogenous”. Mula sa isang pang-uri na salita na ang ibig
sabihin ay pare- pareho o pagkakatulad.
         Ang Homogeneous ay pagkakatulad ng mga salita, ngunit dahil sa paraan ng pagbabaybay at
intonasyon o aksent sa pagbibigkas ito ay nagkakaroon ng ibang kahulugan.

         Sa Heterogenous naman ay nauuri ang mga wika sa iba’t ibang baryasyon o barayti. May mga
aspetong sumasaklaw sa pagkakaiba-iba nito, gaya ng heograpiya, kasarian, edad, grupo, antas ng
pamumuhay at uri ng sosyodad na ginagalawan ng nagsasalita. Maihahanay din sa Heterogenous ang
mga salitang di pormal at mga naimbento lamang ng mga iba’t ibang grupo sa ating lipunan. Ito ay mga
salitang ginagamit sa iba’t ibang pamamaraan at istilo pero ang kahulugan ay iisa din lamang. Ito ang
mga salitang nabuo sa mga kalye o mga pabalbal na uri ng mga salita. Gaya ng tinatawag na gay linggo
o salita ng mga bakla, ang tawag nila sa ama nila ay fudra o fader, mudra, maderaka o mama naman sa
kanilang ina. Magkakaibang bansag, magkakaibang baybay, magkakaibang tunog ngunit iisa rin ang ibig
sabihin, ina at ama.

         Ang unang wika ay tinatawag ding wikang sinuso sa ina o inang wika sa kadahilanang ito ang
unang wikang natutuhan ng isang bata. Tinatawag na taal na tagapagsalita ng isang partikular na wika
ang isang tao na ang unang wika ay ang wikang pinag-uusapan. Halimbawa, taal ng Tagalog ang mga
tao na ang unang wika ay Tagalog. May nagsasabi rin na sila ay katutubong tagapagsalita ng isang wika.

         Ang pangalawang wika ay tumutukoy sa alinmang wikang natutuhan ng isang tao matapos niyang
maunawaang lubos at magamit ang kanyang sariling wika o ang kanyang unang wika. Halimbawa,
Hiligaynon ang unang wika ng mga taga-Ilo-ilo. Ang Filipino ay pangalawang wika para sa kanila. Ang
ingles, Nipongo, Pranses, at iba pang mga wikang maaari nilang matutuhan ay tinatawag ding
pangalawang wika.

         Samantala ang ikatlong wika naman ay ang wikang nagagamit ng isang tao sa pakikiangkop niya
sa lumalawak na mundong kanyang ginagalawan.

You might also like