You are on page 1of 16

2

MAPEH -Music
Ikaapat na Markahan – Modyul: 2

Aralin 2- Texture
MAPEH Music – Ikalawang Baitang
Self-Learning Module
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Aralin 2: Texture

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Shella B. Molino
Editor: Eliezer B. Elman
Tagasuri: Meriam A. Reyes,EdD
Tagaguhit: Edna F.Gorre
Taga-anyo: Shella B. Molino
Taga-disenyo ng Pabalat: Jay Sheen A. Molina
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Natividad G. Ocon, CESO VI – Schools Division Superintendent
Meilrose B. Peralta–OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Magdaleno Duhilag Jr. – REPS MAPEH
Reynaldo M. Pascua, CESE–OIC- CID Chief
Dr.Hazel G. Aparece - EPS In-Charge of LRMS
Antonio R. Pasigado, Jr. - ADM Coordinator
Eliezer B. Elman – EPS MAPEH

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon –Rehiyong SOCCSKSARGEN


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
2

MAPEH Music
Ikaapat na Markahan – Modyul:2
Aralin 2- Texture
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang MAPEH Music
Ikalawang Baitang ng Self-Learning Module (SLM) para sa araling
Texture.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon
upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan
ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan
at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa MAPEH Music Ikalawang Baitang ng
Self-Learning Module (SLM) ukol sa texture.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-


Balikan
aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong


Tuklasin
aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
awitin, larawan, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

iii
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para


Pagyamanin
sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Naglalaman ito ng mga
Isaisip
katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
Isagawa
makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong
Tayahin
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Gawain
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

iv
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang
sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan


ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa


modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong
guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay
o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka


ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na
pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Aralin TEXTURE
2

Alamin

Sa araw na ito ay pag-aaralan mo ang texture.


Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa mo na
ang sumusunod:

Nakikilala ang isahan na linyang pangmusika at


maramihan na linyang pangmusika ayon sa daloy ng musika
at paraan ng pagkaka-awit. (MU2TX-IVd-f3)

Subukin

Panuto: Basahin at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito


sa patlang bago ang bilang.

_________1. Ito ang tawag sa manipis at makapal na tunog sa


musika.
A. Texture B. Anyo
C. Ritmo D. Dynamics

_________2. Ano ang tawag sa may iisang melody lamang na


inaawit ng lahat?
A. single musical line B. double lines
C. multiple musical lines D. rythmic pattern

_________3. Ano naman ang tawag sa mga tunog na inaawit


nang sabay ng iba’t ibang pangkat ng mang-aawit?
A. multiple musical line B. single musical lines
C. rythmic pattern D. double lines

_________4. Ang awit ay may manipis na tunog kapag isang


melody lamang ang dumadaloy.
A. tama B. ewan

1
C. mali D. wala sa nabanggit

_________5. Ano ang mangyari sa isang musika kapag


maraming tinig,tunog o melody ang magkakasabay?
A. may manipis na texture B. walang tunog
C.may makapal na texture D. maingay na tunog

Balikan
Awitin ang kantang “ Sampung mga Daliri” sa iba’t-
ibang tempo (mabagal o mabilis).

“Sampung mga Daliri”


Sampung mga daliri, Kamay at paa,
Dalawang tainga, dalawang mata
Ilong na maganda,
Maliliit na ngipin, Masarap kumain,
Dilang maliit, nagsasabing huwag
kang magsinungaling

2
Tuklasin
Ano - anong mga musika ang gustong-gusto mong
pakinggan? Bakit ito ang gusto mo?

Awitin ang kantang “ Nasaan si Tatay” nang sabay- sabay o


unison kasama ang kapamilya. Pagkatapos ay awitin itong muli
sa paraang round song.

“Nasaan si Tatay”
( Tune: Are you Sleeping)

Nasaan si tatay, nasaan si tatay


Nandito siya, nandito siya
Kumusta ka tatay,kumusta ka tatay
Mabuti naman, mabuti naman
(Maaring palitan ang salitang tatay sa nanay, ate, kuya, at bunso)

Suriin

1. Tungkol saan ang awit?


2. Paghambingin ang dalawang paraang ginawa mo sa pag-
awit ng “ Nasaan si Tatay”.
Aling paraan sa pag-awit ang manipis ang tunog?
Alin ang makapal?

3
3. Anong bagay ang naiisip mo na makapaglalarawan kapag
inawit ito ng lahat ng isang tunog o melody lamang?
4. Anong bagay naman ang maiuugnay kapag inawit ito sa
paraang round song kung saan nagpatong-patong ang mga
tinig?
5. Ano ang tawag sa manipis at makapal na tunog sa musika?

Pagyamanin
Awitin ang kantang“Maliit na Pitsel” nang sabay- sabay o
unison. Humanap ng kasama sa pag-awit maaaring kaibigan,
kamag-anak o kapamilya.

“Maliit na Pitsel”
(Tune: I’m a Little Tea Pot)

Ako ay maliit na pitsel


Heto ang tainga
Heto ang bibig
Pag ako’y puno na
Inumin Isalin at ubusin

4
Isaisip
Tandaan:

• Texture ay ang manipis at makapal na tunog sa musika. Ang


kapal ng tunog ay maaaring maipapakita sa paraang round
song, partner song, koro na may dalawa o apat na tinig at
pinagsamasamang tunog ng mga instrumento nang sabay-
sabay. Ang nipis ng tunog ay maipapakita sa paraang unison
o sabayang pag-awit, solo o isahang pag-awit at isang tunog
ng instrumento.


Isagawa
Panuto. Basahin ang bawat sitwasyon. Isulat sa patlang ang
Manipis na texture kung nababagay sa isang melody lamang ang
naririnig o single musical lines at Makapal na texture kapag
maraming tunog ang sabay-sabay na naririnig o multiple musical
lines.
___________1. Ang buong klase ay umaawit ng” Lupang Hinirang”
ng sabay- sabay o unison.
___________2. Si Rita ay umaawit ng” Leron, Leron Sinta” na
sinasaliwan ng gitara.
___________3. Ang pangkat ni Ruben ay umaawit ng” Bahay
Kubo” ng sabay- sabay o unison at ang pangkat ni Alex inawit
ang kanta sa paraang round song.
___________4. Ang ikalawang baitang ay umawit ng”Himno ng
Rehiyon Dose” ng sabay- sabay.
___________5. Inawit sa pangkat ni Lito ang” Ang Maliit na
Gagamba” sa paraang round song at sinasaliwan ng iba’t- ibang
instrumento.

5
Tayahin
Isulat ang SML kung Single Melodic Line (iisa lamang ang tunog
o melody) at MML kung Multiple Musical Lines (magkaiba ang tunog
o melody ) ang bawat bilang.
__________1. Si Ana ay umawit ng” Bahay Kubo” na sinasaliwan ng
piano.
__________2. Inawit sa pangkat ni Ruben ang” Sitsiritsit
Alibangbang” sa paraang round song at sinasaliwan ng iba’t-
ibang instrumento.
__________3. Ang unang pangkat ay umawit ng”Ako ay Pilipino”
ng sabay- sabay.
__________4. Inawit ni Kiko ang” May Tatlong Bebe” at sinasaliwan
ng tambol.
__________5. Ang pangkat ni Mayet ay umaawit ng”
Tong,Tong,Tong,Pakitong-kitong” na sinasaliwan ng piano at
tambol.

Karagdagang Gawain

Pumili ng isang paboritong awitin o musika. Pagkatapos tukuyin


ang texture sa awit.

Pamagat ng awit ______________________________.


Ang texture sa awit ay may____________________.

6
7
Karagdaga
ng Gawain Tayahin
Maaaring 1. SML
iba- iba ang
2. MML
mga sagot
dito. 3. SML
4. SML
Isagawa 5. MML
1. Manipis
na Texture
2. Manipis
Sububukin
na Texture
1. A
3. Makapal
na Texture 2. A
4. Manipis 3. A
na Texture
4. A
5. Makapal
5. C
na Texture
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Jennifer O. Artiaga, et. al., Music, Art, Physical Education and
Health – Ikalawang Baitang, Kagamitan ng Mag-aaral sa
Sinugbuanong Binisaya, Unang Edisyon, Rex Book Store, Inc.,
Philippines.,2013

8
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing layunin na ihanda at tugunan
ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay
batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral ng
SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng
paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0.
Malugod naming hinihimok ang pagbibigay ng puna, komento at
rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893
Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like