You are on page 1of 18

R.A.

9710
Magna Carta for Women
Jo Ann A. Rosario
Teacher III
• International
CEDAW Convention

Tugon ng
Pamahalaan sa • Anti-Violence
R.A. Against
mga Isyu sa 9262 Women and
Karahasan at Their Children
Diskriminasyon

R.A. • Magna Carta


9710 for Women
Ano ang RA 9710 o Magna Carta for Women?
✓Isang komprehensibong batas para sa
karapatang pantao ng mga kababaihan na
naglalayong wakasan ang lahat ng uri ng
diskriminasyon laban sa mga kababaihan sa
pamamagitan ng pagkilala, paggalang,
pangangalaga, pagbibigay proteksyon at
katuparan at pagsulong ng mga karapatan ng
mga kababaihang Pilipino, lalo at higit pa sa mga
kababaihang nabibilang sa sector na naisasantabi
o di napakikinggan (marginalized sector)
Ano ang RA 9710 o Magna Carta for Women?
✓Isinabatas noong Agosto 14, 2009 na naglalayon
na alisin ang lahat ng uri ng diskriminasyon laban
sa kababaihan.
Ano ang diskriminasyon laban sa kababaihan?
✓Anumang uri ng pagbubukod, pagsasantabi o
pagbabawal dahil sa pagiging babae ng isang
tao, na nagdudulot ng hindi pagkilala, hindi
pakikinabang o hindi pagtamasa ng pantay at
makataong karapatan at Kalayaan, anuman ang
katayuan sa buhay, sa aspeto ng buhay, pulitika,
pangkabuhayan, panlipunan, sibil, pangkultura
at iba pa.
Ano ang diskriminasyon laban sa kababaihan?

✓Anumang batas, polisiya, patakarang


administratibo, o kalakaran na tuwiran o di-
tuwirang nagsasantabi o pumipigil sa
pagkilala at pagtangkilik sa karapatan ng
kababaihan at pananamasa sa oportunidad,
benepisyo at mga pribilehiyo.
Ano ang diskriminasyon laban sa kababaihan?

✓Anumang uri ng diskriminasyon na may


kaugnayan sa iba pang batayan o kondisyon
gaya ng etnisidad, edad, kahirapan, o
relihiyon.
Ano ang mga karapatan ng kababaihan na
tinitiyak sa ilalim ng RA 9710?
✓Ang lahat ng mga karaparan na nakasaad sa
Konstitusyon ng Pilipinas at iba pang
karapatan na nakasad sa mga pandaigdigang
kasunduan na niratipika at nilagdaan ng
Pamahalaang Pilipinas, na tumutugma sa
mga batas ng ating bansa, ay maituturing
na mga karapatan ng kababaihan sa ilalim
ng Magna Carta ng Kababaihan.
Ano ang mga karapatan ng kababaihan na
tinitiyak sa ilalim ng RA 9710?
✓Ang mga karapatang ito ay dapat
matamasa ng walang diskriminasyon,
sapagkat ipinagbabawl ng batas ang
diskriminasyon laban sa kababaihan, ito
man ay kagagawan ng mga pampubliko at
pribadong grupo o indibidwal.
Ano ang mga karapatan ng kababaihan na
tinitiyak sa ilalim ng RA 9710?
✓Patas na pagtrato sa babae at lalaki sa
harap ng batas.
✓Proteksyon sa lahat ng uri ng karahasan na
dulot ng estado.
✓Pagsigurado sa kaligatsan at seguridad ng
kababaihan sa panahon ng krisis at sakuna.
Ano ang mga karapatan ng kababaihan na
tinitiyak sa ilalim ng RA 9710?
✓Pagbibigay ng patas na karapatan sa
edukasyon, pagkamit ng scholarships at
iba’t iba pang uri ng pagsasanay.
Pinagbabawalan nito ang pagtanggal o
paglalagay ng limitasyon sa pag-aaral at
hanapbuhay sa kahit anong institusyon ng
edukasyon dahil lamang sa pagkabuntis
nang hindi pa naikasal.
Ano ang mga karapatan ng kababaihan na
tinitiyak sa ilalim ng RA 9710?
✓Karapatan sa patas na pagtrato sa larangan
ng palakasan (sports)
✓Pagbabawal sa diskriminasyon sa mga
babae sa trabaho sa loob ng gobyerno,
hukbong sandatahan, kapulisan at iba pa.
Ano ang mga karapatan ng kababaihan na
tinitiyak sa ilalim ng RA 9710?
✓Pagbabawal sa di-makatarungan na
representasyon sa kababaihan sa kahit
anong uwi ng media.
✓Iginagawad ng batas na ito ang
pagkakaroon ng two-month leave na may
bayad sa mga babae na sumailalim sa isang
medical na operasyon, pagbubuntis o
gynecological na mga sakit.
R.A. 11210 Expanded Maternity Leave Law
✓Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte
noong Pebrero
✓Mula sa 60 araw na paid maternity leave para
sa lahat ng working mother sa government at
private sector
✓Maaaring palawigin pa ng 30 araw without pay
✓Nakapaloob din sa Expanded Maternity Act of
2018 na ang 7 araw ay maaaring ilipat sa ama
upang maging 14 days ang paid paternity leave
Sino ang saklaw ng Magna Carta of Women?
✓Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang
edad, pinag-aralan, trabaho o hanapbuhay,
propesyon, relihiyon, uri o pinagmulang
ethnicity ay saklaw ng Magna Carta.
✓Mga batang babae, matatanda, may
okapansanan, mga babae sa iba’t ibang
larangan, Marginalized Women, at Women
in Especially Difficult Circumstances
Sino ang kabilang sa marginalized na sektor?
✓Mga kabilang sa pangunahing mahirap o mahina
na grupo
✓Nabubuhay sa kahirapan
✓May maliit o walang access sa lupa
✓Kulang sa serbisyong panlipunan at pang
ekonomiya gaya ng edukasyon, tubig at
kalinisan, oportundad sa trabaho, seguridad sa
pabahay, pisikal na imprastraktura at ng Sistema
ng hustisya
Sino ang Women in Especially Difficult
Circumstances?
Sila ang mga babaeng nasa panganib na
kalagayan o mahirap na katayuan tulad ng:
1. Biktima ng pang- aabuso at karahasan at
armadaong sigalutan
2. Mga biktima ng prostitusyon, “illegal
recruitment”, “human trafficking”
3. Mga babaeng nakakulong

You might also like