You are on page 1of 2

Ano ang Saklaw at Limitasyon?

• Ang saklaw at limitasyon o scope and limitation sa Ingles ay isang parte ng pananaliksik kung saan
nilalagay ng manananaliksik ang isang maikling testamento na naglalaman ng pangunahing gamit o
dahilan ng sinasagawang pag-aaral.

• Makikita sa saklaw at limitasyon kung kalian magsisimula ang pag-aaral at kung hanggang kalian ito
matatapos.

• Nakalagay din dito ang lugar kung saan mangyayari ang pananaliksik o ang demograpiya ng pag-aaral,
ano ang gustong malaman.

• Ipinapaliwanag din sinasabi ang dahilan ng pag-aaral.

• Sinasaklawan din dito ang bilang o dami ng respondent.

• Ang saklaw at limitasyon ay isa sa mga bahagi ng pananaliksik. Nilalagay ito upang maging malinaw ang
pag-aaral at hindi malito ang mga mambabasa tungkol sa saklaw ng pag-aaral.

NARITO ANG NILALAMAN NG SAKLAW AT LIMITASYON

1. Mga usapin

2. Lugar ng pananaliksik

3. Bilang o dami ng respondent

4. Demograpiya ng pag-aaral

5. Kabuuang haba ng ginawa o gagawing pananaliksik

Ano ang Balangkas?


- Ang balangkas ay isang nakasulat na plano ng mahahalagang bahagi ng isang sulatin na nakaayos
ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga ito. Mahalagang bahagi lamang ang nakapaloob dito upang
magsilbing patnubay sa gagamitin ukol sa magiging nilalaman ng isang sulatin

Mga Uri ng Balangkas


Pamaksang Balangkas (topic outline)

- Ito ay binubuo ng salita o parirala lamang dahil matipid ito sa pananalita o pahayag. Madalas
ginagamitan ito ng mga pangngalang-diwa (gumagamit ng panlaping makangalan na pag.
Pangungusap na Balangkas (sentence outline)

- Ito ay binubuo ng mga buong pangungusap na naglalaman ng pangunahing ideya at maynor na


ideya.

Patalatang Balangkas (paragraph outline)

- Ito ay binubuo ng mga pangungusap na naglalahad ng nilalaman ng buong mga talata ng sulatin.

You might also like