You are on page 1of 1

REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN

TERMS TO REMEMBER:
 Kolonyalismo: Direkta o tuwirang pananakop ng isang malakas na bansa sa isang
mahinang bansa. Ang layon nitong makamit ang pagkuha ng kayamanan ng isang
bansa.
 KOLONYA – sa mga teritoryo at mga mamamayan na napasailalim sa
kapangyarihan at pagkontrol ng ng isang mananakop.
 KOLONYALISTA – Bansang mananakop
 IMPERYALISMO - Ito ay ang panghihimasok, pagkontrol at pag-iimpluwensiya sa
mahihinang bansa.
 DAHILAN NG PANANAKOP (God – Pagpapalaganap ng Kristyanismo, Gold –
Paghahanap ng kayamanan, at Glory - Paghahangan ng katanyagan at karangalan)
 CARAVEL – Sasakyang pandagat
 MARCO POLO – Lahat ng kanyang napupuntahan ay kanyang nililimbag sa
kanyang libro, kaya’t nang nabasa ito ng mga Europeo, ito ang naging daan upang
manggalugad sila.
 COMPASS – Nagbibigay ng tamang direksyon habang naglalakbay
 ASTROLABE – Pagtukoy sa taas ng bituin
 PORTUGAL AT SPAIN – dalawang bansa na nanguna sa eksplorasyon
 PRINCE HENRY - Tinaguriang “The Navigator”. Naging pangunahing
tagapagtaguyod ng mga paglalayag sa pamamagitan ng pag-aanyaya ng mga
mandaragat. Narating niya ang Azores, isla ng Madeira at sa mga isla ng Cape
Verde.
 BARTHOLOMEU DIAS - Noong 1488 ay natagpuan niya ang pinakatimog na
bahagi Africa na naging kilala sa katawagang Cape of Good Hope.
 VASCO DA GAMA - Narating niya ang Calicut, India. Dito natagpuan niya ang
mga Hindu at Muslim na nakikipagkalakalan ng mahuhusay sa seda, porselana at
mga pampalasa.
 PEDRO CABRAL - Natuklasan niya ang bansang Brazil at sinundan ang rutang
binagtas ni Vasco da Gama.
 CHRISTOPHER COLUMBUS - “Admiral of the Ocean Sea” Viceroy at
Gobernador ng mga isla na kanyang matatagpuan sa Indies Narating niya ang isla
ng Carribean at Timog America.
 AMERIGO VESPUCCI - Pinaliwanag niya na si Christopher Columbus ang
nakatuklas ng “Bagong Mundo” o “New World” nang lumaon ay isinunod sa ni
Vespucci at nakilala bilang “America”
 POPE ALEXANDER VI - Nagtalaga siya ng Line of Demarcation upang maiwasan
ang tunggalian ng Portugal at Spain.

You might also like