You are on page 1of 2

Mikel: goodmorning marktwain, im mikel arthas h. rosios.

Paulo: and im Paulo jose, we're gonna be your news anchor and for today, feb." "
2023, we bring to you the excites for this week.
Mikel: narito ang inyong mga balita mula sa inyong lingkod, tatalakayin natin ang
mga bansang nauna sa paggalugad. Sa panahon ng kasaysayan,
maraming mga bansa ang naglakas-loob na lumusob sa mga kahinaan at hamon ng mundo
upang maabot ang mga bagong lupain, kalakal, at kultura.
At sa ating pag-aaral, titingnan natin ang mga kaganapan sa likod ng mga
pagsalakay, at kung paano nila ito isinagawa.
Paulo: simulan natin sa dinastiyang ming sa tsina.
Jade/Yaehl: ang mga bansang nanguna sa paggalugad ay noong ika-15 siglomay mga
serye na rin ng ekspedisyong
isinagawa ang mga emperor ng Dinastiyang Ming sa Tsina. Si Zheng He ng Tsina ay
nakapagsagawa ng mga eskpedisyon sa Timog- Silangang Asya, India, Arabia at
maging sa silangang bahagi ng Africa ang Europe ay nahati sa mga nation-state na
nagpaligsahan sa kapangyarihan sa pamamagitan ng pagpapalawak ng teritoryo.
nanguna ang portugal at spain sumunod ay ang netherlands england at france

Paulo: yun nga ano paulo, si Zheng He pala ang nanguna sa pag-ekspidisyon ng tsina
sa iba't ibang bansa
Mikel: tama ka jan paulo, sundan naman natin nito ng portugal

Jade/Yaehl: Ang Portugal ay ang kauna-unahang bansang Europeo na nagkaroon ng


interes sa paglalayag sa Karagatang Atlantiko.
Malaki ang naging ambag ni Prinsipe Henry sa tagumpay ng Portugal sa larangang ito.
Inanyayahan niya ang mga mahuhusay na mandaragat, taga-gawa ng mapa, matematisyan
at astronomo na mag-aral ng siyensiya ng nabigasyon sa bansa.
Siya ay patron ng mga manlalakbay kaya ikinabit sa kanyang pangalan ang katawagang
The Navigator.

Jade/Yaehl: Ang pinakamahalagang tagumpay ng Portugal ay nang narating ni Vasco da


Gama ang India noong 1498.
Ang nasabing ekspedisyon ay umikot sa Cape of Good Hope, tumigil sa ilang mga
trading posts sa Africa upang makipagkalakalan hanggang narating ang Calicut,
India.
Siya ang kauna-unahang Europeong nakarating sa India sa pamamagitan ng paglalayag
sa dagat at siya'y kinilala bilang bayani sa Portugal.
Nagpatuloy ang Portugal sa paggalugad ng iba't ibang bahagi ng mundo.
Isa sa mga mahahalagang natuklasan ay ang bansang Brazil sa pamamagitan ng
manlalayag na si Pedro Alvares Cabral.
Kalaunan, ang bansang ito ay ganap na sinakop ng mga Portuges.

Mikel: Dumako naman tayo sa spain

Jade/Yaehl: Ang pagpapakasal at pagsasanib ng kaharian nina Haring Ferdinand V ng


Aragon at Reyna Isabella I ng Castille ay naging hudyat sa Spain na maghangad ng
kayamanan sa Silangan.
Silaay nagpadala ng mga ekspedisyon sa Silangan na pinamumunuan ni Christopher
Columbus.
Christopher Columbus.
Si Christopher Columbus ay isang Italyanong nabigador.
Siya ay sinuportahan ni Reyna Isabella I na ilunsad ang kanyang unang ekspedisyon
noong 1492 sa pagnanais na mapalaganap ang Kristiyanismo sa Silangan.
Ang hangarin ni Columbus ay makarating sa India na ang gagamiting daanan ay ang
pakanluran ng Atlantiko.

Jade/Yaehl: Hanggang sa marating niya ang mga isla ng Bahamas na kanyang inakalang
India, dahil sa kulay ng mga taong nanirahan dito na tinawag niyang mga Indians.
Naabot din niya ang Hispaniola (Haiti at Dominican Republic sa kasalukuyan) at ang
Cuba.
Sa mga lugar na ito may maraming ginto na sapat sa pangangailangan ng Spain.
Hindi narating ni Columbus ang Asya ngunit kumalat ang balita tungkol sa kanyang
ginawang paglalayag sa buong Europe at ito ang naka-engganyo sa iba pang manlalayag
na patuloy na humanap ng ruta papuntang Asya.
Kinalaunan, sa patuloy na paggagalugad sa mga kontinente ng America at Caribbean
Islands ay tumambad sa kanila ang yaman ng lugar at nakakita ang mga kapitalista o
negosyante (na siyang namumuhunan o gumagastos sa mga paglalayag) ng maraming
pwedeng pagkakitaan sa mga lugar na ito.
Ito ang nagbigay-daan sa pananakop sa America ng mga bansa sa Europe.
Sa kanyang pagbalik sa Spain, siya ay ipinagbunyi at binigyan ng titulong Admiral
of the Ocean Sea, Viceroy at Gobernador ng mga islang kanyang natagpuan sa Indies.
Narating niya ang mga isla sa Carribean, at tatlo pang ekspedisyon ang kanyang
pinamunuan bago siya namatay noong 1506..

You might also like