You are on page 1of 10

PANAHON NG PAGTUKLAS AT PAGGALUGAD NG MGA BANSA SA EUROPE

Ito ay nagsimula noong 15th na siglo at nagtapos noong 17th na siglo na kung saan ang mga
European ay nagsimulang tuklasin at galugarin ang mundo sa pamamagitan ng paglalayag sa
karagatan upang makahanap ng bagong rutang pangkalalakan at matamo ang kapangyarihan at
kayamanan.

Bakit naisip ng mga bansa sa Europe na maglayag sa Silangang bahagi ng mundo?


1. Paglalakbay ni Marco Polo. Napukaw ang interes ng mga
European dahil sa paglalakbay ni Marco Polo sa Silangan. Siya
ay isang Italyanong merchant na nag-umpisang maglakbay sa
Asia kasama ng kanyang ama. Naging kilala siya dahil sa libro
niyang The Travels of Marco Polo o Il Millione na kung saan
isinaad niya ang kanyang mga karanasan at obserbasyon
tungkol sa paglalakbay niya sa Asia partikular na ang China at
Mongolia. Gayunpaman, ang libro niya ay hindi niya isinulat o
akda bagkus isinulat ito ni Rustichello of Pisa. Ikinuwento ni
Marco habang nasa kulungan siya kay Rustichello ang kanyang
paglalakbay at pakikipagsapalaran sa loob ng 24 na taon sa Asia. https://www.britannica.com/biography
/Marco-Polo
2. Pagbagsak ng Imperyong Byzantine. Noong napasakamay ng mga Seljuk Turks ang
Constantinople nakuha nila ang ibang rutang pangkalakalan sa pagitan ng Asya at Europe.
Nagpataw sila ng mga buwis sa mga produktong galing Asia na dadalhin sa Europe. Dahil dito,
sinikap ng mga mangangalakal na mga European na maghanap ng bagong rutang pandagat
upang maiwasan ang pagbabayad ng buwis sa mga Seljuk Turks.

Anu-ano ang mga dahilan ng paglulunsad ng paggagalugad?


1. God (Kristiyanismo o relihiyon). Malaki ang papel na ginampanan ng relihiyon sa isinasagawang
paggalugad dahil itinuturing parin itong pagpapatuloy ng Krusada (serye ng kampanya noong
Panahon ng Medyibal upang mabawi ang Holy Land sa mga Muslim). Dagdag pa nito, isa itong
paraan upang ipalaganap ang relihiyong Kristiyanismo at mapadami ang miyembro nito. Kung
kaya’t sa bawat ekspedisyong inilulunsad may mga kasamang misyonero.

2. Gold (Kayamanan). Sa paggagalugad din umaasa ang mga European sa mga bagong bansang
mapagkukunan ng kayamanan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga bullion (na gawa sa
ginto at pilak) na mahalaga sa patakarang merkantilismo. Malaking tulong din sa pag-unlad ng
kanilang bansa kung makakukuha ito ng mga produktong mahalaga sa kalakalan tulad ng asukal,
seda, rekado at pampalasa (spices).

3. Glory (Kapangyarihan o Katanyagan). Nagkaroon ng tiwala ang mga tao sa kanilang kakayahan
sa Panahon ng Renaissance kaya ang paghahanap ng mga lupain o dako na hindi pa
natutuklasan ay isang paraan upang makakuha sila ng katanyagan. Ang pagkakaroon ng
maraming kolonya ay nagpapakita ng kapangyarin. Gayundin, ang kanilang tagumpay sa
paglalayag ay nagbibigay ng
karangalan sa bansang kanilang pinagsisilbihan.

4. Pagkatuklas ng Makabagong Teknolohiya. Sa panahong ito, naimbento ang kompas (compass),


isang instrumentong tumutukoy sa direksiyon ng hilaga, at astrolabe na instrument namang
tumutukoy sa posisyon o latitud ng lugar na kinaroroonan ng isang barkong naglalayag gamit ang
posisyon ng mga bituin. Naimbento rin ang barko na tinatawag na caravel, isang sasakyang
pandagat na may tatlo hanggang apat na poste na pinagkakabitan ng layag. Malaki ang tulong
ng mga instrumento at sasakyan upang tangkain ng mga European na maglayag sa karagatan.

Astrolabe Caravel

https://owlcation.com/stem/History-of- https://nautarch.tamu.edu/shiplab/01G
the-Astrolabe-and-How-to-Make-One eorge/caravela/htmls/Caravel%20Histo
ry.htm44
Anu-anong mga bansa sa Europe ang nanguna sa Paggalugad?
PORTUGAL SPAIN FRANCE

https://en.wikipedia.org/wiki/Flag https://www.reddit.com/r/vexillol https://en.wikipedia.org/wiki/Flag


_of_Portugal ogy/comments/2lfag2/flag_of_spai _of_France
UNITED KINGDOM THE NETHERLANDS
n_with_the_correct_coat_of_arms
/

https://en.wikipedia.org/wiki/Flag_ https://en.wikipedia.org/wiki/Flag
of_the_United_Kingdom _of_the_Netherlands

BANSANG PORTUGAL
Ang Portugal ang nangunang bansa sa paglalayag upang mahanap ang ruta sa pakikipagkalakalan
sa India. Sinasabi na ang India ay mayaman sa mga rekado at pampalasa. Dahil sa hindi makatawid ang
Portugal sa Mediterranean Sea at North Africa dahil sa mga Muslim naghanap sila paraan upang
makahanap at maisakatuparan ang kanilang mga layunin.
Ito ang mga sumusunod na manggagalugad na Portugese:

PRINCE HENRY THE NAVIGATOR


• Pinangunahan ni Prinsipe Henry ng Portugal o kilala din bilang
Henry the Navigator ang pagpapadala ng mga ekspedisyon
upang galugarin ang baybayin ng Africa at upang mahanap ang
ruta sa timog patungong India.
• Siya ay nagbigay-tulong o subsidiya sa bawat indibidwal o
pangkat na nagnanais makagawa ng mga sasakyang pandagat
upang makabuo ng plota na siyang maglalakbay palabas sa
Portugal.

https://nn.wikipedia.org/wiki/Henr
ik_Sj%C3%B8fararen
Bakit siya pinangalanang “Henry the Navigator?”
• Bagama’t hindi siya nakapaglayag, iginawad ang titulong ito dahil sa kaniyang natatanging
kontribusyon sa pagpapaunlad sa mga paglalayag.

BARTOLOMEU DIAS
• Siya ang kauna-unahang European na nakapaglayag sa
katimugang bahagi ng Africa na naging daan upang mabuksan ang
bagong ruta mula Europe papuntang Asia.
• Siya isang kilalang manlalayag na Portuges kung saan kaniyang
natuklasan ang lugar na tinawag niyang Cape of Storms na
matatagpuan sa katimugang bahagi ng Africa. Kalaunan, tinawag
at pinalitan itong Cape of Good Hope.

Bakit niya ito tinawag na Cape of Storms?


• Sa kadahilanang malalakas ang mga bagyo at alon ang mayroon sa
https://www.pinterest.ph/pin/569 lugar na ito.
98751519532793/

KAUNTING KAALAMAN:
Pinalitan ni Haring John II ang pangalan na Cape of Storms sa Cape of Good Hope dahil isa itong
palatandaan na maaari nang marating ng mga Portuges ang Asia sa pamamagitan ng
paglalayag sa karagatan na siyang pinagmumulan ng mga rekado. Bukod pa rito ay upang
mahikayat ang iba pang manlalayag na dumaan sa rutang natuklasan.

VASCO DA GAMA
• Sa matagumpay na paggalugad sa Africa at pagkakatuklas ng
Cape of Good Hope, pinangunahan ni Vasco da Gama ang
paghahanap ng ruta patungong Silangan.
• Sa kaniyang ekspedisyon, binuo ang mga apat na barko na
pinangalanang Sao Gabriel, Sao Rafael, Berrio at isang barko na
para sa imbakan ng mga pagkain.
https://collections.rmg.co.uk/colle
ctions/objects/14176.html
KAUNTING KAALAMAN:
PADRAO

Ang padrao ay isang malaking batong krus kung saan itinitirik ito ng mga Portuges sa bawat lupaing
kanilang matutuklasan bilang tanda ng kanilang pag-angkin sa mga ito. Taong 1948 nang marating
ni da Gama ang Calicut, India at sila’y nagtirik ng isang padrao.

PEDRO CABRAL
• Siya ay isang Portugese na manlalayag na sinasabing unang
European na nakarating at nakatuklas sa Brazil. Natuklasan niya
ang Brazil dahil naglayag siya pakanluran upang maiwasan ang
malalaking alon at malakas na hampas ng hangin.
• Ipinarating sa hari ng Portugal ang kanyang natuklasan at
inangkin at ginawang kolonya ang teritoryo ng Brazil. Sa
kasalukuyan, malaki ang impluwensiya ng Portugal sa Brazil
dahil Portugese ang pinakaginagamit na linggwahe sa
pakikipagtalastasan at komunikasyon.

KAUNTING KAALAMAN:
SCURVY
Hindi naging madali ang pamumuhay ng mga manlalayag sa barko dahil sa mga iba’t ibang sakit na
kanilang kinakaharap. Ang isa sa mga kumitil sa maraming buhay na manlalayag ay ang tinatawag na
scurvy. Ang scurvy ay isang uri ng karamdaman na kung saan ang pagkakaroon ng kakulangan sa
Vitamin C ng katawan ay nagdudulot ng pagdurugo ng gilagid at balat, at mabilis na panghihina o
panlulupaypay ng katawan.

Tignan sa ibaba ang mapa ng rutang dinaanan ng mga manlalayag na Portugese.


https://www.sutori.com/story/portuguese-exploration--
svdoG282utUPKkYegeMvDf4h
BANSANG SPAIN
Ang mga bansang nanguna sa paglalayag ay ang Portugal at Spain. Dahil dito, hindi maiiwasan
ang pagkakaroon ng hidwaan at pagtutunggali pagdating sa mga rutang dinaraanan. Kung kaya’t upang
maiwasan ang pag-aaway ng dalawang bansa nagkaroon ng Treaty of Torsedillas.
KAUNTING KAALAMAN:
TREATY OF TORSEDILLAS

Upang maiwasan ang awayan ng Portugal at Spain, gumawa ng kasunduan si Pope Alexander VI.
Sa kasunduan, nagkaroon ng Line of Demarcation o hanggagan ng paggagalugad. Nagbigay ito ng
karapatan sa Spain na angkinin ang mga lupaing natuklasan at matutuklasan sa rutang pakanluran
mula sa Europa habang ang Portugal ay maggagalugad pasilangang ruta.

https://www.pinterest.ph/pin/571
957221398594184/

CHRISTOPHER COLUMBUS
• Siya ay isang Italyano na pinondohan ng pamahalaan ng Spain ang
kaniyang paggagalugad. Sinubukan niyang maglayag pakanluran.
• Gamit ang tatlong barko (Santa María, Pinta, at Niña) sa
paglalayag, tinawid niya ang Karagatang Atlantiko at nakarating sa
Bahamas. Ito ang nagbigay daan sa pagtuklas ng Bagong Daigdig
(New World).
• Inakala ni Columbus na nakarating siya sa India kaya tinawag
niya ang mga tao rito na mga Red Indians dahil sa mamula mula
nilang balat. Dahil dito nag-umpisang tawagin ang mga tao na
nakatira sa kontinente ng America na American Indian. Subalit sa
https://en.wikipedia.org/wiki/Chris
topher_Columbus

AMERIGO VESPUCCI
• Siya ay isang Italyano na pinatunayan na ang New World na
nadiskubre ni Columbus ay hindi parte ng Asia.
• Ang isa sa layunin niya ay patunayan na hindi parte ng Asia ang
mga nadiskubreng lupain ni Columbus. Nakarating siya sa South
America sa lugar ng kasalukuyang Guyana.
• Ang pangalan ng kontinete ng America ay galing sa kanyang
pangalan.
Bakit sa pangalan ni Amerigo ipinangalan ang kontinente ng
America kung gayong mas naunang nakarating si Columbus sa New
World?
• Dahil kay Martin Waldseemuller na isang German cartographer
https://fr.wikipedia.org/wiki/Ameri
go_Vespucci
(gumagawa ng mapa) na nag-imprenta ng bagong mapa at
binigyan pangalan ang New World bilang kontinente ng
America.

VASCO DE BALBOA
• Siya ay isang Spanish na mananakop at manlalayag na nakarating
sa Panaman. Dinaanan nila ang Isthmus of Panama at ang unang
European na manlalayag na nakakita at nakarating sa tinatawag
nilang Great South Sea o ang Pacific Ocean.

https://www.pinterest.ph/pin/459
085755755263193/

https://www.britannica.com/biogr https://www.alamy.com/stock-
aphy/Juan-Ponce-de-Leon photo-hernando-de-soto-
PONCE DE LEON HERNANDO DE SOTO
c149614971542-spanish-explorer-
• Siya ay isang Spanish na manlalayag at unang • Siya and-conquistador-colored-
ay isang Spanish na manlalayag at
43291674.html
https://www.onthisday.com/peopl http://www.elpasoinc.com/lifestyl
e/francisco-pizarro e/the-truth-about-
FRANCISCO PIZARRO FRANCISCO DE CORONADO
coronado/article_8a7626f6-7a99-
• Siya ay isang Spanish na mananakop at • Siya ay isang Spanish na mananakop
11ea-9859-6f44288d80be.html at
manlalayag na nakarating sa Peru. manlalayag na hinahanap ay mitolohiyang
• Sa Peru, mayroon siyang narinig na lugar na tinatawag na Seven Golden Cities of
mayamang pamayanan sa kabundukan. Cibola sa Mexico hanggang timog-kanluran
Ang tinutukoy na sibilisasyon ay ang Inca. ng USA. Ngunit hindi niya ito nahanap.
Kanyang dinakip ang hari ng Inca na si • Siya ay namatay dahil sa mga lokal na
Antahualpa upang makalikom ng ginto. katutubo na kanilang katunggali.
• Siya ay pinatay ng kapwa niya kasamahan. • Natuklasan niya ang Grand Canyon sa USA.
.

KARAGDAGANG KAALAMAN:
Ang ekspedisyon ay tumutukoy sa mga paglalakbay o paglalayag na isinasagawa ng isang
pangkat o indibidwal na mayroong partikular na layunin lalong-lalo na sa paggalugad, pananaliksik at
mga digmaan.
Sino ang kilalang manlalayag na nasa larawan?

• Ang manlalayag na ito ay walang iba kundi si


Ferdinand Magellan ng Portugal ngunit
naglingkod at pinondohan ng pamahalaan ng
Spain ang kaniyang paglalayag.
• Sa kasaysayan, nakilala siya dahil sa kaniyang
natatanging ekspedisyon na naglalayong marating
ang Spice Island (Moluccas).
• Bigo mang makabalik sa Spain dahil sa pagkamatay
sa labanan sa Mactan, kaniya namang
napatunayan na ang mundo ay oblate spheroid at
siya ang unang European na nakatawid sa
Karagatang Pasipiko at nakarating sa Pilipinas.
https://www.history.com/topics/expl • Kung kaya’t ang naturang ekspedisyon ay
oration/ferdinand-magellan
nakapagbigay ng mahalagang impormasyon
lalong-lalo na sa mga manlalayag.
Si Magellan ba ang kauna-unahang nag-circumnavigate sa ating mundo?
• Matatandaan na si Magellan ay namatay sa Pilipinas dahil sa natamaan siya ng isang
makamandag na palaso (arrow). Sa pagkamatay ni Magellan, si Juan Sebastian Elcano ang
nagpatuloy ng paglalayag pabalik sa Spain gamit ang natitirang isang barko na pinangalanang
Victoria. Kinumpleto niya ang ekspedisyon na pinangunahan ni Magellan at na-circumnavigate
niya ang mundo. Gayunpaman, maraming historyador ang nagbibigay ng pugay kay Magellan
bilang kauna-unahang European at tao sa mundo na nag-circumnavigate sa ating mundo.

BANSANG FRANCE
JACQUES CARTIER
• Ang kanyang paglalayag ay pinondohan ng hari ng France na
may layuning humanap ng ruta papuntang Asia gamit ang
daanan sa Hilagang parte ng North America. Bukod pa roon ay
upang makakuha ng ginto at iba pang yaman na maaring
pakinabangan.
• Nagkaroon siya ng tatlong ekspedisyon sa North America gamit
ang Ilog St. Lawrence sa Canada. Sa kanya galing ang pangalan
ng bansang Canada na ang ibig sabihin ay village or settlement.
https://en.wikipedia.org/wiki/Sam https://mrnussbaum.com/uploads/
uel_de_Champlain activities/explorers/lasalle2.htm
SAMUEL DE CHAMPLAIN ROBER DE LA SALLE
• Siya ang nagtatag ng kauna-unahang • Siya isang French na manlalayag na
permanenteng kolonya ng France sa lupain umangkin sa kabuuang lambak ng
ng Quebec, New France (Canada). Dahil dito Mississippi para sa France at tinawag na
siya ay tinaguriang Ama ng New France. Louisiana.
• Nakipagalyansa siya sa mga katutubong • Ipinangangalan ang lugar na kanyang
Amerikano sa Canada at nakipagkalakalan sa nagalugad na Louisiana para sa hari ng
produktong balahibo ng hayop (fur). France na si King Louis XIV.

ENGLAND THE NETHERLANDS

https://www.gettyimages.com/det https://www.britannica.com/biogr
ail/news-photo/navigator- aphy/Henry-Hudson
JOHN CABOT
sebastian-cabot-son-of-italian- HENRY HUDSON
explorer-john-news-
• Siya ay isang Italyanong manlalayag ngunit • Siya ay isang English na manlalayag ngunit
photo/50615065
pinondohan ni Haring Henry VII ng England ang pinondohan ng pamahalaan ng The
kanyang paglalayag. Netherlands ang kanyang paglalayag.
• Nagalugad niya ang lugar ng Newfoundland, • Natuklasan niya ang lupain na tinawag na New
Canada. Sa kanyang paglalayag, naging Netherlands (kasalukuyang New York, New
instrumento ito upang magkaroon ng ugnayang Jersey at iba pa.)
pangkalakalan ang Amerika at England • Ipinangalan ang Hudson Bay, Canada sa kanya.

Paano naka-apekto ang paggagalugad ng mga dayuhan sa pamumuhay ng mga tao at ng lipunang
naging kolonya?

1. Natuklasan ang mga lupaing hindi pa nagagalugad at mga sibilisasyong hindi pa natutuklasan. Ito
ang simula ng pagkakaroon ng ugnayan ang mga sibilisasyon sa Silangan at Kanluran bahagi ng
mundo.
2. Nagkaroon ng malawakang interes sa mga bagong pamamaraan at teknolohiya sa heograpiya at
paglalayag na nakatulong sa mabilisang pakikipag-ugnayan at pagtuklas ng bagong lupain.
3. Nagdulot ng maraming suliranin ang paggalugad sa mga bansang nasakop lalo na sa mga
katutubo tulad ng pagkawala ng kasarinlan, pagiging alipin sa sariling bansa, paninikil ng
mananakop at pagsasamantala sa likas na yaman ng mga bansang ito.
4. Nagkaroon ng pagbabago sa ecosystem sa daigdig na nagresulta sa pagpapalitan ng hayop at
halaman.
5. Mabilis na kumalat ang sakit na dala-dala ng mga mananakop na bansa sa Europe tulad ng
smallpox na kumitil sa maraming buhay ng mga katutubo sa kontinente ng Amerika.

TECHTIVITY:
Upang madagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa paggalugad, maaari mong bisitahin
ang website at panuorin ang mga vidyo:
• https://www.youtube.com/watch?v=wOclF9eP5uM&ab_channel=CrashCourse
• https://www.youtube.com/watch?v=_OyCt1FXQWc&ab_channel=VOANews

KAUNTING KAALAMAN:
COLUMBUS DAY
Sa USA, ipinagdiriwang tuwing Oktubre 12 ang Columbus Day bilang pagtanaw sa pagdiskubre
ni Christopher Columbus sa America. Ngunit ang ganitong selebrasyon ay nag-iwan ng malaking
tanong noong 19th na siglo dahil sa masamang dulot ng paggalugad ni Columbus sa Amerika. Maraming
mga katutubong Native Americans ang ginawang alipin sa sarili nilang bansa at nag-iwan ang mga
Europeans ng mga sakit tulad ng smallpox, measles at influenza na kumitil sa maraming buhay ng mga
katutubo. Hanggang sa kasalukuyan, maraming mga estado o lugar sa USA ang nagpoprotesta at
pinalitan ang Columbus Day bilang Indigenous Peoples’ Day.

You might also like