You are on page 1of 61

UNANG

YUGTO NG
KOLONIYALIS
MO

DEMY M. CALATE
Motibo ng Kolonyalismo

• Ang pagnanais na makatuklas ng mga


bagong pagkukunang- yaman ang
pangunahing dahilan ng eksplorasyon ng
mga taga-Europe
04/14/2024
2
Motibo ng Kolonyalismo

• Ang paniniwalang ang pagpapalaganap ng


Kristyanismo ay isang banal na tungkulin,
nakita ng mga bansa sa Europe ang
pangangailangang galugarin ang mundo;
04/14/2024
3
Motibo ng Kolonyalismo

• Malaki ang ginampanan ng Renaissance sa paghahangad


ng mga manlalakbay na makarating sa mga bagong
lupain, nagkaroon sila ng tiwala sa sariling kakayahan at
naghangad na maging sanhi ito katanyagan at karangalan
hindi lamang sa sarili kundi ng bansang kinabibilangan

04/14/2024
4
SALIK SA PAGGAGALUGAD
RENAISSANC
E
1. Malaki ang bahaging ginampanan ng Renaissance sa paghahangad ng mga
manlalakbay na Europeo na makarating sa mga bagong lupain. Napukaw ng
Renaissance ang interes ng mga Europeo na marating ang malalayong bahagi ng
daigdig. Dahil sa pananaw sa daigdig sa panahon ng Renaissance ay humanistiko
at hindi na nakasentro sa Diyos gaya ng sa Middle Ages, nagkaroon ng tiwala sa
sariling kakayahan ang tao. Ito ang nagbigay sa kanya ng pagkakataong
patunayan ang kanyang galing. Hangad niyang maging sanhi ito ng katanyagan at
karangalan hindi lamang ng sarili kundi ng bansang kinabibilangan
04/14/2024
5
SALIK NG PAGGALUGAD
2. Paglalakbay ni Marco Polo
• Si Marco Polo ay isang mangangalakal na taga-Venice na
nakarating sa China sa panahon ng Dinastiyang Yuan na
nasa pamumuno ni Kublai Khan. Ang kanyang aklat na
The Travels of Marco Polo ay pumukaw sa interes ng mga
Europeo sapagkat inilarawan nito ang yaman at
kaunlarang taglay ng China.

04/14/2024
6
SALIK NG PAGGALUGAD
3. Pagsuporta ng Monarkiya sa mga Manlalakbay
• Nakatulong din ang suportang inilaan ng monarkiya sa
mga ekspedisyon ng mga Europeong manlalakbay. Tulad
na lamang ni Prinsipe Henry ng Portugal na nakilala
bilang Henry the Navigator dahil sa ipinamalas na interes
at suporta sa mga paglalayag

04/14/2024
7
SALIK NG PAGGALUGAD

• Lubhang napakahirap ng paglalayag na ang gabay


lamang ay ang araw, buwan at mga tala kaya sinikap ng
mga manlalayag na sumubok at tumuklas ng mga
kagamitang makatutulong sa maayos na paglalayag.
Kaya isa sa mga pangunahing salik sa kolonyalismo ay
ang pag-unlad ng teknolohiya lalo na sa paggawa ng
sasakyang pandagat at instrumentong pangnabigasyon
04/14/2024
8
04/14/2024
9
Caravel-isang sasakyang pandagat
na may kakayahang maglulan ng
maraming tao at may dalang mga
kanyon para pangsanggalang sa
anumang masasagupa ng isang
manlalakbay. Ito ay may tatlo
hanggang apat na poste na
pinagkakabitan ng layag.
04/14/2024
10
Mga bahagi ng caravel:
• Bowsprit - nakausling haligi sa harap ng barko na nakatutulong sa pagdaragdag
ng mga layag
• Gunport- isang bukas na puwang ng barko na kinalalagyan ng mga kanyon
• Fighting Top- isang maliit na plataporma na makikita sa poste ng barko
• Foremast- mahabang poste ng barko na karaniwang nasa harapan nito
• Keel- isang nakapirming palikpik sa ilalim ng barko na nakakatulong sa hindi
pagkakatinag nito
• Main mast- ang pinakamahaba at pangunahing poste ng barko na karaniwang
nasa sento nito.
• Mizzen- mahabang poste ng barko na nasa likuran ng main mast
• Rudder- isang gumagalaw na palikpik sa likurang bahagi ng barko na
nakaaapekto sa galaw ng tubig sa paligid ng barko na nagreresulta sa pag-ikot nito
• Shrouds- lubid na ginagamit pangsuporta sa mahabang poste ng barko.
• Sail- layag; tumutukoy sa telang ginagamit sa sasakyang-dagat.

04/14/2024
11
04/14/2024
12
5. Pagbagsak ng Constantinople
• Ang Constantinople ay isang masiglang himpilang pangkalakalan sa
panahon ng Byzantine Empire ngunit ito ay bumagsak sa kamay ng
mga Turkong Muslim. Ang isa sa mga pangunahing epekto ng
pagbagsak ng Constantinople sa kamay ng mga Turkong Muslim ay
ang pagkontrol nito sa mga ruta ng kalakalan sa silangan, ang Silk
Road. Ito ang rutang ginagamit para makarating ang mga produktong
pangkalakalan sa pagitan ng Europe at Asya. Dahil dito minabuti ng
mga Europeo na tumuklas ng iba pang rutang pangkalakalan gamit ang
katubigan.
04/14/2024
13
6. Pangangailangan sa Pampalasa
• Ito ay ginamit nila bilang pampalasa sa
kanilang mga pagkain at pampreserba
ng mga karne. Ginamit ito para
makagawa ng pabango, kosmetiks at
medisina 14
04/14/2024
04/14/2024
15
04/14/2024
16
Mga Bansang Nanguna sa Paggalugad

• Bago pa man ang ika -15 siglo, may mga serye na


rin ng ekspedisyong isinagawa ang mga emperor ng
Dinastiyang Ming sa Tsina. Si Zheng He ng Tsina ay
nakapagsagawa ng mga eskpedisyon sa Timog-
Silangang Asya, India, Arabia at maging sa
silangang bahagi ng Africa 17
04/14/2024
Mga Bansang PORTUGAL AT
Nanguna sa SPAIN
Paggalugad
NETHERLANDS

ENGLAND

FRANCE
04/14/2024
18
PANAHON NG PAGLALAYAG

04/14/2024
19
PANAHON NG PALALAYAG

04/14/2024
20
PORTUGAL

04/14/2024
21
PORTUGAL

04/14/2024
22
SPAIN

04/14/2024
23
CHRISTOPHER
COLUMBUS

1942- pinamunuan ang unang


ekspedisyon sa India na dumaan
pakanluran sa ng Atlantiko
ngunit nakarating sa Isla ng
Bahamas , Hispaniola (Haiti at
Dominican Republic) at Cuba.

-tinawag na Indians
Tuesday, February 2, 20XX Sample Footer Text 24
SPAIN

• Hindi narating ni Columbus ang Asya ngunit kumalat ang balita tungkol sa kanyang ginawang
paglalayag sa buong Europe at ito ang naka-engganyo sa iba pang manlalayag na patuloy na
humanap ng ruta papuntang Asya. Kinalaunan, sa patuloy na paggagalugad sa mga kontinente ng
America at Caribbean Islands ay tumambad sa kanila ang yaman ng lugar at nakakita ang mga
kapitalista o negosyante (na siyang namumuhunan o gumagastos sa mga paglalayag) ng maraming
pwedeng pagkakitaan sa mga lugar na ito. Ito ang nagbigay-daan sa pananakop sa America ng mga
bansa sa Europe.

04/14/2024
25
SPAIN

• Sa kanyang pagbalik sa Spain, siya ay ipinagbunyi at


binigyan ng titulong Admiral of the Ocean Sea, Viceroy at
Gobernador ng mga islang kanyang natagpuan sa Indies.
Narating niya ang mga isla sa Carribean, at tatlo pang
ekspedisyon ang kanyang pinamunuan bago siya namatay
noong 1506
04/14/2024
26
SPAIN

• Noong 1507, ipinaliwanag ng isang Italyanong nabigador na


si Amerigo Vespucci na si Christopher Columbus ay
nakatagpo ng Bagong Mundo (New World), isang bagong
kontinente na hindi bahagi ng Asya. Nang lumaon, ang lugar
ay isinunod sa kanyang pangalan na nakilala bilang America
04/14/2024
27
PAGHAHATI NG MUNDO

• 1943- gumuhit ng Line of Demarcation


Hindi nakikitang linya
mula sa gitna ng
Atlantiko tungo sa
hilagang Polar hanggang
sa Timog Polar
Tuesday, February 2, 20XX Sample Footer Text 28
Tuesday, February 2, 20XX Sample Footer Text 29
FERDINAND MAGELLAN

Taong 1519 nang nagsimula ang kanyang paglalayag na may


limang barkong pandagat. Kasama ang 270 tauhan, narating nila
ang silangang baybayin ng South America (Brazil sa kasalukuyan)
at nilakbay ang makitid na daanan ng tubig na tinawag na Strait of
Magellan. Nilayag ang Mar Pacifico o Karagatang Pasipiko
hanggang sa narating ang Pilipinas noong 1521
04/14/2024
30
FERDINAND MAGELLAN

Naranasan nila ang gutom at uhaw, at may kaunting pag-


aalsang naganap sa mga miyembro ng ekspedisyon. Lahat ng
ito ay nalagpasan ng makatagpo ng malaking kayamanang
ginto, pampalasa at pagyakap ng mga katutubo sa
Kristyanismo.

04/14/2024
31
Ang barkong Victoria sa pamumuno ni Juan
Sebastian del Cano ang nagpakilala na maaaring
ikutin ang mundo at muling bumalik sa dating
pinanggalingang lugar. Ito ang unang
circumnavigation o pag-ikot sa mundo na
nagpatunay na ang mundo ay bilog. Itinama nito ang
dating lumang kaalaman ng mga taga-Europe na
ang mundo ay patag.

04/14/2024
32
Si Magellan ay nasawi sa Pilipinas noong 1521,
kaya’t si Sebastian del Cano, ang kanyang second-
in-command, ang namuno sa ekspedisyon at
nagpatuloy sa paglalakbay sa Karagatang India, sa
paligid ng Cape of Good Hope, patugong
Karagatang Atlantiko, hanggang makabalik sa
Sanlúcar de Barrameda, Spain noong 1522. Ang
paglalayag na ito ay nagpatunay na ang mundo ay
bilog 33
04/14/2024
04/14/2024
34
HERNANDO CORTEZ

isang conquistador o mananakop na naglayag


upang maghanap ng yaman at ginto. Narating
at sinakop niya ang Tenochtitlan na kabisera ng
Kabihasnang Aztec na matatagpuan sa
kasalukuyang bansa ng Mexico.
04/14/2024
35
FRANCISCO PIZARRO

isang conquistador na sumakop ng imperyo ng Inca na


matatagpuan sa kasalukuyang bansa ng Peru. Si Atahuallpa
na pinuno ng mga Inca ay binihag at pinangakuan ng
kalayaan kung makapagbibigay ng isang silid na puno ng
ginto at pilak. Naibigay naman ang hiling nila ngunit hindi
tumupad si Pizarro at ang ginawa ay binitay si Atahuallpa.
04/14/2024
36
FRANCISCO PIZZARO

Ang ginawang pamumuno ng mga Kastila sa kanyang


kolonya ay may kahalong karahasan sa dahilang ang mga
katutubo ay nais nilang sumunod sa mga batas na pinatutupad
ng hari at makonberto sa Katolisismo. Pinuwersa nila ang
mga katutubo na magbigay ng libreng trabaho para sa
Pamahalaang Kolonyal at sa pagtatayo ng mga simbahan
04/14/2024
37
FRANCISCO PIZZARO

Ang sapilitang sistema ng paggawa na ito ay tinawag na mita


na hango sa sistema ng mga Inca. Nangangahulugan ito na ang
mga kalalakihang may edad 15-50 ay kailangang magtrabaho
hindi lamang sa paggawa ng mga simbahan kundi maging sa
lubhang mapanganib na mga minahan ng ginto at pilak

04/14/2024
38
FRANCISCO PIZZARO

Nagpatupad din ang mga Espanyol ng mabibigat na buwis sa


agrikultura, metal, at iba pang mga kalakal. Ang mga Inca ay
patuloy na nagdusa dahil sa hindi makatarungang pamamahala
ng mga Espanyol sa kanilang lugar. Kahit na sila ay nag-alsa,
ang kanilang sibat, pana at tirador ay hindi makakatalo sa armas,
espada at aserong baluti ng mga mananakop
04/14/2024
39
NETHERLANDS

Noong 1602 ay itinatag ng Netherlands ang Dutch


East Indies Company o Vereenigde Oostindische
Compagnie (VOC) na naging daan sa
pagpapalawak ng komersiyo sa Asya. Ito ang
dahilan kung bakit mas matagal ang kapangyarihan
ng mga Dutch sa Asya kumpara sa America.
04/14/2024
40
NETHERLANDS

Napalitan ng mga Dutch ang mga Portuges bilang


pangunahing bansang kolonyal sa Asya lalo na sa
Indonesia. Tuluyang nakontrol ng Netherlands ang
kalakalan sa Moluccas o Spice Island nang naagaw ito
mula sa Portugal. Nagtatag sila ng mga plantasyon kung
saan ang malawak na lupain ay pinagtaniman ng iba’t
ibang uri ng spices.
04/14/2024
41
HENRY HUDSON
isang Ingles na nabigador, ang New York
Bay noong 1609 at tinawag itong New
Netherland. Sa kanya rin ipinangalan ang
Ilog Hudson sa Manhattan, USA bilang
pagkilala sa kanyang dakilang nagawa.
Noong 1624, isang trade outpost o
himpilang pangkalakalan ang itinatag sa
rehiyon na pinangalanang New
Amsterdam na kilala ngayon bilang New
York City.
04/14/2024
42
• Hindi lamang sa Asya at America nagtatag ng
pamayanan ang mga Dutch. Nagtatag sila ng
pamayanan sa South Africa sa pamamagitan ng
mga Boers, mga magsasakang nanirahan sa
Cape of Good Hope. Ngunit noong ika-17 siglo,
humina ang kapangyarihang pangkomersiyo ng
mga Dutch at ito ay pinalitan ng England bilang
pinakamalakas na imperyong pangkaragatan ng
Europe
04/14/2024
43
ENGLAND

• Ang England noong 1497 ay


nagpasimulang magpakita ng interes
sa pangkaragatang kalakalan

04/14/2024
44
JOHN CABOT

• isang Italyanong nabigador ang nagbigay ng


mga unang kolonya sa England gaya ng
Newfoundland, Nova Scotia at New England na
kasalukuyan ay bahagi ng Canada at America

04/14/2024
45
FRANCIS DRAKE

• isa sa kinilalang mahusay na nabigador noong


panahon ng pamamahala ni Reyna Elizabeth I
ng England, natalo ang Spanish Armada sa
digmaan na nagpahina lalo sa kapangyarihan
ng Spain.
04/14/2024
46
FRANCE

• Noong 1534, naabot ni Jacques Cartier ang kasalukuyang


Montreal, Canada. Si Samuel de Champlain ay narating
ang Quebec at si Robert Cavalier naman ay sinakop ang
kabuuang bahagi ng Ilog ng Mississippi para sa France.
Ang paglakas ng kapangyarihang ito sa North America
ang naging sanhi ng paligsahan ng France at England
04/14/2024
47
Kahalagahan ng mga Paglalayag at Pagtuklas
ng mga Lupain
• Dahil sa mga eksplorasyon at paglalayag noong ika-15 at ika-16 na siglo,
natuklasan ang mga bagong rutang pangkalakan na siyang nagpabagsak sa
pamumuno ng Italy sa kalakalan noong Gitnang Panahon. Naging sentro ng
kalakalan ang mga daungan sa baybay-dagat ng Atlantic mula sa Spain, Portugal,
France, Flanders, Netherlands at England. Sa pagkakadiskubre ng mga lupain,
lalong dumagsa ang mga kalakal at pampalasa na galing sa Asya, sa North America
naman ay kape, ginto at pilak. Samantala, sa South America ay asukal, at sa
Kanlurang Indies ay indigo
04/14/2024
48
Kahalagahan ng mga Paglalayag at Pagtuklas
ng mga Lupain

• Lumaganap ang paggamit ng salapi na nagpasimula ng


Sistema ng Pagbabangko. Sa simula, ginto at pilak ang
ginagamit na pampalit ng kalakal na siyang dahilan kung bakit
nagpunyagi ang mga Europeong bansa na manakop ng lupain.
Sa kalaunan, napalitan ito ng paggamit ng salaping barya at
salaping papel sa pakikipagkalakalan 49
04/14/2024
Kahalagahan ng mga Paglalayag at Pagtuklas
ng mga Lupain

• Natuto ang mga tao na mag-ipon ng salapi. Ito ang nagbigay-


daan sa Sistema ng Kapitalismo. Ang Kapitalismo ay isang
sistema kung saan mamumuhunan ng kanyang salapi ang isang
tao upang magkaroon ng tubo o interes. Sa pag-unlad ng
kalakalan sa pagitan ng mga Europeo at mga Asyano, dumami
ang salaping naipon ng mga mangangalakal na Kanluranin

04/14/2024
50
Kahalagahan ng mga Paglalayag at Pagtuklas
ng mga Lupain

• Nahikayat na gamitin ng mga mangangalakal ang


kanilang salaping naipon sa mga pananim at minahan
sa mga kolonya para ito mas kumita. Sa pag-unlad ng
kalakalan, lumaki ang pangangailangan ng pagkakaroon
ng salapi na gagamitin sa pagsisimula ng mga negosyo

04/14/2024
51
Kahalagahan ng mga Paglalayag at Pagtuklas
ng mga Lupain

• Dito lumaganap ang pagkakatatag ng mga bangko kung


saan iniipon ng mga kapitalista ang mga salapi na
maaaring utangin at gamitin ng sinumang
mamumuhunan. Sa pagdami ng bilang ng mga
mamumuhunan at mga kapitalista, lumago ang Sistema
ng Pagbabangko
04/14/2024
52
Epekto ng Unang Yugto ng Kolonisasyon

1.Ang mga paglalayag na pinangunahan ng bansang


Portugal at Spain ay naging daan sa pagtuklas ng
mga lugar na hindi pa nagalugad at mga
sibilisasyong hindi pa natuklasan. Naging daan ito
upang lumakas ang ugnayan ng Silangan at
Kanluran.
04/14/2024
53
Epekto ng Unang Yugto ng Kolonisasyon

2. Ang mga eksplorasyon ay pumukaw


ng interes sa mga makabagong
pamamaraan at teknolohiya sa
heograpiya at paglalayag.
04/14/2024
54
Epekto ng Unang Yugto ng Kolonisasyon

3. Lumaganap ang sibilisasyong


Kanluranin sa Silangan dahil sa
kolonisasyon.

04/14/2024
55
Epekto ng Unang Yugto ng Kolonisasyon

4. Ang pagtatayo ng mga trading posts o


lugar pang kalakalan na nagbigay-daan sa
mga ugnayan sa pagitan ng kanluran at
silangan .
56
04/14/2024
Epekto ng Unang Yugto ng Kolonisasyon

5. Nagbigay daan din ito sa iba’t


ibang uri ng pagpapalitan mula sa
mga halaman, ani, at hayop na
tinawag na Columbian Exchange.
04/14/2024
57
Epekto ng Unang Yugto ng Kolonisasyon

6. Nagbigay-daan din ito sa pag-


usbong ng pandaigdigang kalakalan

04/14/2024
58
Epekto ng Unang Yugto ng Kolonisasyon

7. Ang kolonisasyon ay nagbunga ng mga


suliranin sa mga bansang sakop tulad ng
pagkawala ng kasarinlan, paninikil ng
mananakop at pagsasamantala sa likas na
yaman
04/14/2024
59
Epekto ng Unang Yugto ng Kolonisasyon

8. Ang kolonisasyon din ay nagbigay-daan sa Atlantic


Slave Trade o ang pagbebenta ng mga African bilang
mga alipin para magtrabaho sa mga plantasyon sa mga
kolonya ng mga Europeo sa America. Ito ay sinimulan ng
mga Portuges na nilahukan naman ng mga Dutch,
French at English
04/14/2024
60
Epekto ng Unang Yugto ng Kolonisasyon

9. Libo-libong pagkamatay ng mga


katutubong sinakop dahil sa sakit gaya ng
yellow fever, malaria, bulutong, tigdas o
tipus dala ng mga manlalayag na Europeo
04/14/2024
61

You might also like