You are on page 1of 45

ANG EKSPLORASYON

PINANGUNAHAN NG PORTUGAL ANG PAGGAGALUGAD


Noong Agosto 1488
natagpuan ni Bartholomeu
Dias ang pinakatimog na
bahagi ng Africa na naging
kilala sa katawagang Cape
of Good Hope.

BARTHOLOMEU DIAS
DIAS’ VOYAGE
Ang paglalakbay ni Dias ay
nagpakilala na maaaring
makarating sa Silangang
Asya sa pamamagitan ng
pag-ikot sa Africa.

BARTHOLOMEU DIAS
• Noong 1497, apat (4) na sasakyang
pandagat ang naglakbay na
pinamumunuan ni Vasco da Gama
mula Portugal hanggang sa India.
• Ang nasabing ekspedisyon ay
umikot sa Cape of Good Hope,
tumigil sa ilang mga trade post sa
Africa upang makipagkalakalan at
nakarating matapos ang 10 buwan
VASCO DA GAMA sa Calicut, India.
DA GAMA’S VOYAGE
Natagpuan ni Da Gama
ang mga Hindu at Muslim
na nakikipagkalakalan ng
mahuhusay na seda,
porselana, at pampalasa
na pangunahing kailangan
ng mga Portuges sa
kanilang bansa.
VASCO DA GAMA
Hinimok niya ang mga
Asyanong mangangalakal
na magkaroon ng
direktang
pakikipagkalakalan sa
kanila nguni’t di siya
gaanong nagtagumpay
dito.
VASCO DA GAMA
• Pero ganunpaman,
nakilala siyang isang
bayani sa bansang
Portugal.
• Dahil din sa kaniya kaya
nalaman ng mga Portuges
ang yaman na mayroon sa
Silangan at ganoon din
ang maunlad na
VASCO DA GAMA kalakalan.
• Siya ay anak ni Haring
Juan ng Portugal.
• Siya ay pangunahing
tagapagtaguyod ng
mga paglalayag sa
pamamagitan ng pag-
aanyaya ng mga
Prinsipe Henry mandaragat.
Siya ay tagagawa ng
mapa, matematisyan,
astrologo, at mag-
aaral ng siyensiya ng
nabigasyon sa bansa.

Prinsipe Henry
Siya ang naging
patron ng mga
manlalakbay kaya
ikinabit sa kaniyang
pangalan ang
katawagang
“The Navigator”
Prinsipe Henry
Dahil sa kaniyang
mga itinaguyod na
paglalakbay ay
nakarating siya sa
Azores, isla ng
Madeira, at sa mga
isla ng Cape Verde.
Prinsipe Henry
BAKIT ANG PORTUGAL ANG
NANGUNA SA PAGHAHANAP
NG SPICES AT GINTO?
Sino-sino ang mga Portuguese
na naglayag at ano-ano ang
lugar na kanilang narating?
ANG PAGHAHANGAD NG SPAIN NG KAYAMANAN MULA SA SILANGAN
Ang pagpapakasal nina
Haring Ferdinand V ng
Aragon at Reyna Isabella
I ng Castille noong 1469
ay naging daan upang
ang Spain ay maghangad
din ng mga kayamanan
sa Silangan
Ferdinand V
Ang pinagsanib na lakas
ng kanilang kaharian ang
naging daan sa
pagpapadala ng mga
ekspedisyon sa Silangan
na ang una ay
pinamunuan ni
Christopher Columbus
Ferdinand V
Si Christopher Columbus
ay isang Italyanong
manlalayag. Noong 1492
ay tinulungan si Columbus
na ilunsad ang kaniyang
unang ekspedisyon
patungong India na
dumaan pakanluran ng
Christopher Columbus Atlantiko.
COLUMBU’S VOYAGE
Ang kaniyang ekspedisyon
ay nakaranas ng maraming
paghihirap gaya ng walang
kasiguraduhan na
mararating nila ang
Silangan, pagod at gutom sa
kanilang paglalakbay, at
haba ng panahon na
kanilang inilagi sa katubigan.
Christopher Columbus
Ngunit naabot din niya ang
mga isla ng Bahamas na sa
kaniyang pagkakaakala ay
ang India dahil sa ang
kulay ng mga taong
naninirahan doon ay gaya
ng mga taga-India kaya
tinawag niya ang mga itong
Indians.
Christopher Columbus
Tatlong buwan ang inilagi
ng kanilang paglalakbay
ng maabot nila ang
Hispaniola (sa
kasalukuyang ay ang
mga bansa ng Haiti at
Dominican Republic) at
ang Cuba.
Christopher Columbus
• Pagbalik niya sa Spain ay
ipinagbunyi ang resulta ng
kaniyang ekspedisyon at
binigyan ng titulong Admiral
of the Ocean Sea, Viceroy at
Gobernador ng mga Islang
kaniyang natagpuan sa
Indies.
• Tatlong ekspedisyon pa ang
kanyang pinamunuan bago
Christopher Columbus siya mamatay noong 1506
Narating niya ang mga
isla sa Carribean at sa
South America ngunit di
siya nagtagumpay sa
paghahanap ng bagong
ruta patungo sa
Silangan.

Christopher Columbus
Masusuri natin sa
pangyayaring ito na may
kakulangan sa mga
makabagong gamit ang
mga ginawang
paglalakbay gaya ng
mapa na di pa maunlad.

Christopher Columbus
• Noong 1507, isang
Italyanong nabigador, si
Amerigo Vespucci ang
nagpaliwanag na si
Columbus ay nakatagpo ng
Bagong Mundo.
• Ang lugar na ito nang
lumaon ay isinunod sa
pangalan ni Amerigo kaya
nakilala ito bilang America.
Amerigo Vespucci
Dahil sa lumalalang paligsahan ng pagpapadala ng
mga ekspedisyon ng Portugal at Spain humingi ang
mga bansang ito ng tulong sa Papa sa Rome upang
mamagitan sa kanilang mga paglalabanan.
Noong 1493 ay gumuhit
ng line of demarcation
ang Papa, isang hindi
nakikitang linya mula sa
gitna ng Atlantiko tungo
sa Hilagang Pola
hanngang sa Timugang
Pola.
Pope Alexander VI
Nagduda ang mga
Portuguese sa naging
kinalabasan ng kanilang
pagtatanong kaya
nagpetisyon sila na
baguhin ang naunang
linya ng dapat mapunta
sa kanila at sa Spain.
Portugal
Nakita nila na baka
lumawak ang
paggagalugad ng Spain
sa Kanluran at maaaring
maapektuhan ang
kanilang mga kalakalan
sa Silangan.

Portugal
Sa pamamagitan ng
Kasunduan sa
Tordesillas noong 1494
nagkasundo sila na ang
line of demarcation ay
baguhin at ilayo
Portugal pakanluran. Spain
Christopher Columbus BARTHOLOMEU DIAS VASCO DA GAMA PRINSIPE HENRY AMERIGO VESPUCCI
EPEKTO NG UNANG YUGTO NG
KOLONISASYON
1. Ang mga eksplorasyon na pinangunahan ng
mga Espanyol at Portuguese ay nagbigay-daan
sa malawakang pagkakatuklas sa mga lupaing
hindi pa nagagalugad at mga sibilisasyong hindi
pa natutuklasan. Ito rin ang nagpalakas sa
ugnayang silangan at kanluran.
EPEKTO NG UNANG YUGTO NG
KOLONISASYON
2. Nakapukaw ito ng interes sa mga
makabagong pamamaraan at teknolohiya sa
heograpiya at paglalayag.
EPEKTO NG UNANG YUGTO NG
KOLONISASYON
3. Sumigla ang paglaganap ng sibilisasyong
kanluranin sa silangan.
EPEKTO NG UNANG YUGTO NG
KOLONISASYON
4. Nagdulot din ito ng maraming suliranin sa
mga bansang nasakop tulad ng pagkawala ng
kasarinlan, paninikil, at pagsasamantala sa
kanilang likas na yaman.
EPEKTO NG UNANG YUGTO NG
KOLONISASYON
5. Nagkaroon ng pagbabago sa ecosystem sa
daigdig na nagresulta sa pagpapalitan ng mga
hayop, halaman, pati na sa mga sakit sa
pagitan ng Old World at New World.
Pabor ka ba na muling
mapasailalim sa mga mananakop
ang ating bansa? Bakit?
Sakaling may bansang makapangyarihan
na nagnanais sumakop sa iyong bansa,
ano ang iyong gagawin?

You might also like