Professional Documents
Culture Documents
Grade 3-Q1-FILIPINO-LAS M1 PDF
Grade 3-Q1-FILIPINO-LAS M1 PDF
FILIPINO 3
MELC(s):
1. Paggamit ng pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa tao, lugar at bagay sa paligid.
Saliksikin
Pangngalan - ang tawag sa mga salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop at
pook. Ang dalawang uri nito ay ang pantangi at pambalana.
Halimbawa:
1. Sina Aling Pacita ay nakatira sa paanan ng bundok.
ngalan ng tao ngalan ng pook.
2. Ang matandang babae ay naging ibon.
ngalan ng tao ngalan ng hayop
Pantangi ang tawag sa pangngalang tumutukoy sa tiyak o partikular na ngalan ng tao,
bagay, hayop, lugar at pangyayari. Nagsisimula ito sa malaking titik.
Hal: Lita, Mongol, Bantay, Barangay Mankilam, Araw ng Barangay
Pambalana ang tawag sa pangkalahatang ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari.
Nagsisimula ito sa maliit na titik.
Hal: guro, paaralan, lapis, palatuntunan, aso
Gawain 1
Isulat ang J sa kahon kung ang pangngalang tinutukoy ay pambalana at M naman
kung ito ay pantangi.
aso
Clover Kingdom
bahay
Naruto
Gawain 2
Punan mo ng angkop na pangngalan ang bawat patlang upang mabuo ang talata. Piliin
sa kahon ang iyong sagot.
Gawain 3
Punan ang patlang upang mabuo ang bawat pangungusap.