You are on page 1of 9

SANAYANG PAPEL SA PAGKATUTO SA ARALING

PANLIPUNAN 6
Gawain Blg.3.2, Kwarter 2

Pangalan: __________________________________________
Baitang at Pangkat: __________________________________
Petsa: _____________________________________________

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO MULA SA


MELC

Nasusuri ang pamahalaang Komonwelt.


● Natutukoy ang mga programa ng pamahalaan sa panahon ng
Komonwelt.

⮚ Katarungang Panlipunan

⮚ Patakarang Homestead

⮚ Pagsulong ng Pambansang Wika

⮚ Pagkilala sa karapatan ng mga kababaihan sa pagboto


● Nasusuri ang mga suliraning panlipunan at pangkabuhayan sa
panahon ng Komonwelt.
● Napahahalagahan ang mungkahing solusyon sa paglutas ng suliraning
panlipunan at pangkabuhayan sa kasalukuyang panahon.

1
II. PANIMULANG KONSEPTO

Mga Programa sa Panahon ng Komonwelt

1.Katarungang Panlipunan

Ang pagkakaroon ng katarungang panlipunan para sa lahat ay binigyang diin ng


Pamahalaang Komonwelt. Ayon kay Pangulong Quezon, malalim ang kahulugan ng
katarungang panlipunan, ito ay pagiging makatao ng mga batas at pagkaka-. pantay-
pantay ng lahat ng bumubuo sa lipunan sa pamamagitan ng pagpapanatili ng balanseng
ekonomiya at panlipunan sa buong lipunan.

1. Ang pagpapatupad ng Minimum Wage Law o batas para sa kaukulang sahod


para sa mga manggagawa.
2. Ang pagtatakda ng Eight Hour Labor Law o batas para sa walong oras na paggawa.
3. Pagtatadhana ng Tenant Act o Batas Kasama sa pagitan ng may – ari ng lupa
at kasama
4. Pagtatadhana ng Court of Industrial Relations na susuri sa mga suliranin ng mga
manggagawa at kapitalista.
5. Ang pagbili ng pamahalaan ng mga lupang pansakahan at pamamahagi at
pagbebenta nito sa mga magsasaka sa mababang halaga.
6. Pagtatalaga ng mga lugar pansakahan sa Mindanao.
Pagtatatag ng Rural Progress Administration of the Philippines upang mapabuti
ang mga kondisyon ng pamumuhay ng mga tao sa lalawigan.

7. Pagtatadhana ng Batas Public Defense Act o Pampublikong Tagapagtanggol na


nagbibigay ng libreng serbisyo ng pagtatanggol sa mga ordinaryo at mahihirap
na mamamayan.
8. Pagpapatupad ng mga batas na mangangalaga sa karapatan ng kababaihan at
kabataan.

2. Patakarang Homestead
Ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural kaya ito ay pinagtuunan ng pansin sa
panahon ng Komonwelt na malinang ang bansa. Dahil dito binigyan sila ng karapatang

2
makakuha ng mga bahagi ng lupang sakahan. Pinairal ang Homestead Law o Batas
Sakahan na nagbigay ng karapatan sa sinumang Pilipinong makapagmay-ari ng hindi
hihigit sa 24 na ektaryang lupang pansakahan. Ang lahat ng nagmamay – ari ay inaatasang
magparehistro ng lupa at binigyan ng titulo o Torrens Title bilang katibayan sa ilalim ng
Batas sa Titulo.

3. Paglinang ng Pambansang Wika


1. Itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa noong Nobyembre 13, 1936 sa
pamamagitan ng Batas Blg. 184 na nagsasagawa ng pag-aaral tungkol sa
Pambansang Wika. Dahil dito itinuring na “Ama ng Wikang Pambansa” si Pangulong
Manuel L. Quezon at ipinagdiriwang natin ang Araw ng Wika tuwing Agosto (ngayon
ay Buwan ng Wikang Pambansa).
2. Naging batayan ang Tagalog bilang Wikang Pambansa ng mga Pilipino noong
Hulyo 4, 1946 ayon sa Batas Blg. 570

3. May tatlong pangunahing dahilan kung bakit ang wikang Tagalog ang naging
batayan ng Wikang Pambansa.

1. Ito ay ginagamit o alam na gamitin ng mas maraming Pilipino.


2. Maraming mga panitikan at literatura ang nasusulat sa wikang ito.
3. Ito lamang ang wikang Pambansa na may pambalarilang estraktura.

4. Pagkilala sa Karapatan ng Kababaihang Bumoto

Nang dumating ang mga Espanyol sa bansa ay naging limitado ang karapatan ng
kababaihan lalo na sa pamamalakad sa lipunan. Sa panahon ng Komonwelt sa ilalim ng
Saligang Batas ng 1935 ay pinagkalooban ng karapatang bumoto ang mga kababaihan.
Noong Abril 30, 1937, nangyari ang unang pagboto ng kababaihan upang malaman ang
kanilang saloobin hinggil sa pagbibigay sa kanila ng karapatan.

Mahigit 400,000 ang mga babaeng sumang – ayon mula sa 600,000 bilang ng
kababaihang lumahok sa botohan. Naging resulta ng halalan ang simula ng pagboto ng
kababaihan tuwing halalan.

3
Kabilang din sa karapatang ibinigay sa kababaihan ang pagpasok sa politika at
panunungkulan sa anumang puwesto sa pamahalaan. Sa katunayan, noong Disyembre
14, 1937 may kababaihang kumandidato upang mamuno sa iba't – ibang panig ng bansa.

MGA SULIRANING PANLIPUNAN AT PANGKABUHAYAN AT PARAAN NG PAGLUTAS


SA MGA ITO

Maraming suliraning pangkabuhayan ang kinaharap ni Pangulong Quezon sa ilalim ng


kanyang panunungkulan. Maraming mga probisyon sa Batas Tydings-McDuffie ang kailangang
maisagawa at malutas na kinakailangan pang isangguni sa United States upang maiakma sa
kabuhayan at ekonomiya ng bansa.
Isa sa mga nakatadhana sa Batas Tydings-McDuffie ang pagwawakas ng malayang
kalakalan sa pagitan ng United States at Pilipinas na lubos inasahan ng ekonomiya sa
panahong ito. Gayundin ang pagtataas ng buwis sa mga produktong iniluluwas ng bansa. Dahil
dito, napilitan ang bansa na pag iba-ibahin ang mga produktong iniluluwas, ibaba ang halaga
ng produksyon, at humanap ng iba pang pamilihan upang hindi malugmok ang ekonomiya.
Naging suliranin din ng pamahalaan ang pagkahilig ng mga Pilipino sa mga produktong banyaga
na lalong nagpahirap sa bansa. Kontrolado rin kasi ng mga banyaga ang malalaking bahagi ng
sektor ng ekonomiya. Nasa kamay ng mga kapitalistang Amerikano at Tsino ang pangangalakal,
pagmimina, pagtotroso, pangingisda, transportasyon, at komunikasyon.
Upang malutas ang mga suliraning ito gumawa ng iba’t ibang hakbang ang pamahalaan.
1. Pakikipag-usap kay Pangulong Roosevelt upang maiakma ang mga programa sa
ekonomiya ng bansa.
2. Hinikayat din ng pamahalaan ang pagtangkilik ng sariling produkto. Sa Proklamasyon
Blg. 76 ni Pangulong Quezon isinasaad dito ang pagdiriwang ng Linggo ng mga Produktong
Pilipino, “Made in the Philippines Product Week, upang lalong higit na mahikayat ang mga
Pilipino.
3. Higit na pagpapaunlad ng pagsasaka sa pamamagitan ng paglinang at pagluwas ng
mga dati at bagong produktong may mataas na kalidad, pagtatayo ng mga bagong industriya
gaya ng pagsasalata ng mga pagkain, telang habing bulak na dating inaangkat pa ng bansa at
pagpapaunlad at paggamit ng likas na yaman sa tamang paraan.
Itinatag din ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan na makatutulong sa pagpapatupad
ng mga programang nabanggit.

4
● Ang National Rice and Corn Corporation (NARIC) at National Coconut Corporation upang
magbigay ng proteksiyon at mamahala sa pamimili ng mga produkto mula sa mga
magsasaka.
● Pambansang Sangguniang Pangkabuhayan (National Economic Council) - sangay ng
pamahalaang nagpapayo tungkol sa kabuhayan at pananalapi.
● Pambansang Kompanya sa Pag – unlad (National Development Company) –
namamahala sa mga pampublikong korporasyon.
● Batas laban sa dummy o sa pagpigil sa pagdami ng mga dayuhang namumuhunan sa
bansang bumibili ng lupa at kabuhayan sa bansa sa pamamagitan ng dummy.
● Paglimita sa 500 ng bilang ng dayuhang makakapasok sa bansa sa loob ng isang taon.
● Ahensya para sa Kalakalang Tingian – binuo upang mapalitan ang paraan ng mga
Pilipino at dayuhan sa pakikipagkalakalan ng tingian.
● Pagtatatag ng National Economic Council (NEC), National Development Company,
National Sugar Board, Agricultural and Industrial Bank na pawang magpapaunlad sa
industriya.

Kalutasan sa mga Suliranin

Nagpatupad ang Pamahalaang Komonwelt ng mga programang pangkabuhayan upang


maibangon ang ekonomiya ng Pilipinas. Ilan sa mga sumusunod.
1. Pagpaparami ng mga produktong pansakahan.
2. Pangangalaga at pagpapaunlad ng mga likas na yaman ng bansa tulad ng mga
kagubatan at mga pangisdaan.
3. Pagpapabuti ng transportasyon at komunikasyon.
4. Pagmamay – ari ng mga tingiang tindahan ng mga Pilipino.
5. Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino.
6. Pagtatatag ng mga korporasyon na nagpapautang sa mga mamamayan upang
magkaroon sila ng puhunan.
7. Pagtatayo ng mga pabrika tulad ng pagsasalata ng mga pagkain.
8. Pagtataguyod ng mga proyekto ng paninirahan sa mga pook na kinaroroon nang mga
Tsino at Hapones upang masugpo ang paglawak ng kanilang mga negosyo.
9. Paglimita sa 500 ang bilang ng maaaring mandayuhan sa Pilipinas bawat taon.

5
10. Pagtatayo ng mga ahensiyang tutulong sa mga magsasaka at negosyante sa
pagluluwas at pagbibili ng kanilang mga produkto. Kabilang dito ang National Economic
Protectionism Association (NEPA), ang Sentrong Pangkalakalan ng Maynila at Kawanihan ng
Komersiyo at
11. Paglulunsad ng Kawanihan ng Komersiyo ng isang linggong pagtatanghal ng mga
produkto ng mga magsasaka at negosyanteng Pilipino.

III. MGA GAWAIN

Gawain 1: TUKUYIN MO!

Panuto: Tukuyin ang programang tinatalakay sa Hanay A. Piliin ang titik ng tamang sagot sa
Hanay B. ( Maaring maulit ang sagot.)

Hanay A Hanay B
1. Ang programa ng pamahalaang Komonwelt na a. Patakarang Homestead
higit na nakatulong sa paglutas ng mga suliranin
sa pagmamay – ari ng lupa, manggagawa at
magsasaka.
2. Nagbigay ng karapatan sa sinumang Pilipinong b. Katarungang Panlipunan
makapagmay-ari ng hindi hihigit sa 24 na
ektaryang lupang pansakahan
3. Nagbigay daan sa mga kababaihan sa c. Paglinang ng Pambansang Wika
pagpasok sa politika at panunungkulan sa anumang
puwesto sa pamahalaan
4. Naging batayan ang Tagalog bilang Wikang d. Pagkilala sa Karapatan
Pambansa ng mga Pilipino ng Kababaihang Bomoto
5. Nagtatadhana ng Batas Public Defense Act o
Pampublikong Tagapagtanggol

6
Gawain 2: SURI-KAALAMAN

Panuto: A. Suriin ang bawat pahayag . Lagyan ng K ang patlang kung ito ay
katotohanan at O kung ito ay opinyon.

1. Naging suliranin ng pamahalaan ang pagkahilig ng mga Pilipino sa mga


produktong banyaga na lalong nagpahirap sa bansa.

2. Upang malutas ang suliranin ng pamahalaan di muna nakipag-usap ang mga


Pilipino kay Pangulong Roosevelt.

3. Hinikayat ng pamahalaan ang pagtangkilik sa sariling produkto.


4. Sa Proklamasyon Blg. 86 ni Pangulong Quezon, isinaad dito ang pagdiriwang ng
Linggo ng mga Produktong Pilipino “Made in the Philippines Product Week”.
5. Isa sa mga kalutasan ng suliranin sa pangkabuhayan ang tungkol sa pagpaparami ng
mga produkto.

Gawain 3: KABUTIHAN NITO, IPAKITA MO!

Panuto: Gumawa ng isang collage na nagpapakita ng kabutihang dulot ng mga


programang pangkabuhayan at panlipunan na ipinatupad ng pamahalaang
Komonwelt.

7
Rubrik sa Pagbibigay Puntos ng Collage
Pamantayan 5 4 2 1
Paglalahad Malinaw na Hindi gaanong Hindi akma Hindi
nailahad ang malinaw ang ang mensahe nasunod ang
mensahe. mensahe. pamantayan
Makatotohanan Lubhang Makatotohanan Hindi gaanong Hindi
at kapanipani- maayos ang at kapani- makatotohanan makatotohanan
wala mga datos at paniwala ang at kapani- at kapani-
materyales ang mga paniwala ang paniwala ang
kaya’t mensaheng mensaheng mensaheng
makatotohanan binigyan ng binigyan ng binigyan ng
at kapani- interpretasyon. interpretasyon. nasunod ang
paniwala ang pamantayan
mga
impormasyon.
Makahulugan Makahulugan May ilang Hindi gaanong Hindi
at at detalye na makahulugan makahulugan
magkakaugnay magkakaugnay hindi kaugnay at at
ang lahat ng ng kaisipan o magkakaugnay magkakaugnay
detalyeng paksa. ang mga ang mga
sumusuporta detalye kaya detalye kaya
sa kaisipan o may kalabuan hindi tiyak ang
paksa. ang kaisipan o nasunod ang
paksa. pamantayan

VI. SUSI SA PAGWAWASTO

Gawain 1. 1. b 2. a 3. d 4. c 5. b

8
Gawain 2.
1. K
2. O
3. K
4. O
5. K

Gawain 3
Nakabatay sa rubrik ang pagmamarka.

V. SANGGUNIAN

● Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 6, pah. 137- 142


● AP QII Modyul 3

LAS Development Team

Writer Erica L. Brotamante T-I, Magogon ES


Content Editors Elizabeth Mylene A. Nuyles MT-I, Bagtang ES
Nilo L. Mayor MT I, Anislag HS
Vivian N. Pangan MT I, Malabog HS
Language Editors Nick P. Azaña P-I, Villahermosa HS
Alejo San M. Rontas P-I, Jovellar HS
Lay-out Artists Eume Rey N. Naz T-III, Bariw NHS
Juvic R. Moratalla T-I, Bariw NHS
Kathleen B. Alpapara T-I, Maysua ES
Ramilo Bacol ADAS III, SDO Albay
Education Program Myrna Lynne G. Bueno SDO Albay
Supervisor

You might also like