You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA Region
Butuan City Division
Villa Kananga Integrated School
Brgy. Villa Kananga, Butuan City

SUMMATIVE TEST in ESP 8

Panuto: Suriin ang mga sumusunod. Piliin ang wastong sagot sa bawat bilang at isulat ito sa malinis na papel.

1. Sino ang pangalawang magulang na umaalalay sa paghubog nang buong pagkatao ng isang
indibidwal?
A. guro
B. kaibigan
C. kapitbahay
D. magulang

2. Sila ang kapuwa sa lipunan na nagsisilbing tagapagtaguyod sa pangunahing pangangailangan ng mga


tao tulad ng bigas at prutas?
A. bombero at kapulisan
B. tindera at manggagawa
C. alkalde at mga opisyales
D. magsasaka at mangingisda

3. Alin sa mga sumusunod ang matatawag na unang kapuwa?


A. kaibigan at kaaway
B. kakilala at kapitbahay
C. kapatid at kamag-anak
D. kakwentuhan at kakulitan

4. Sino ang nagpapanatili ng kalinisan sa mga kabahayan, lansangan at pamayanan?


A. ate at kuya
B. tindera at tindero
C. street sweepers at fruit vendors
D. basurero at street sweepers

5. Sino ang namamahala ng kaayusan at nagpatutupad ng curfew sa pamayanan?


A. guro at mag-aaral
B. kapatid at pinsan
C. doktor at health workers
D. barangay tanod at kapulisan

Para sa bilang 6 at 7. Basahin at unawaing mabuti ang sitwasyong nasa kahon.

Ulila na sa mga magulang si Dhon subalit malaki ang pasasalamat niya sa kaniyang tiyahin
dahil kinupkop at pinapaaral siya nito. Nakahanap siya ng magandang trabaho at nagkaroon
ng sariling pamilya. Tinuruan niya ang kaniyang mga anak na magsipag upang magkaroon ng
masaganang pamumuhay dahil ito ang kaniyang natutunan sa mga paalala ng kaniyang
tiyahin. Ikinintal din niya sa isipan ng mga anak na ang pagkaroon ng makamundong yaman
ay walang halaga kung hindi nakatutulong sa kapuwa. Bunga nito, ang mga anak ni Dhon ay
kusang nagpapaabot ng tulong sa mga naulilang mga batang nasa ampunan.

6. Sa palagay mo, anong aspekto ng pagkatao sa mga anak ni Dhon ang lubos na niyang
naimpluwensiyahan?
A. intelektuwal
B. panlipunan
C. pangkabuhayan
D. politikal
7. Batay sa situwasyon, anong katangian ni Dhon ang napauunlad dahil sa ugaling ipinakita ng
kaniyang tiyahin?
A. masipag
B. matatag
C. matiyaga
D. matulungin sa kapuwa
8. Kailan masasabing nagkakaroon ng impluwensya ang kapuwa sa aspekto ng pagkatao ng isang
indibiduwal?
A. kapag nakapagbibigay ng inspirasyon sa iba
B. kapag nakatutugon sa pangangailangan ng isang tao
C. kapag may pagbabagong nagaganap sa kaniyang mga kilos o ugali
D. kapag nakakukuha ng mga ideya na magagamit sa pansariling kapakanan

9. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa iyong pangangailangan bilang mag-aaral?


A. pagtustos ng pamilya
B. magbantay sa checkpoint
C. magpaunlad ng kaalaman
D. pamamahala ng pamayanan

10. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng salitang lipunan?


A. grupo ng mga manggagawa ng pamahalaan
B. pangkat ng mga tao na may magkakaibang mithiin
C. grupo ng mga tao na may magkakatulad na trabaho
D. isang pangkat ng mga taong nagtutulungan at nagkakaisa

11. Alin sa mga sitwasyon ang iyong gagawin upang mapalawak ang iyong kaalaman?
A. pagsunod sa mga utos ng kaibigan
B. pagsunod sa batas ng pamahalaan
C. panonood ng mga educational videos
D. tanggapin ang mga payo ng magulang

12. Alin sa mga sumusunod ang makatutulong sa inyong pangangailangang pangkabuhayan?


A. sumunod sa batas ng pamahalaan at maging sa paaralan
B. sumali sa lingguhang bayanihan sa barangay nang walang liban
C. sumunod sa mga payo ng magulang tungkol sa pakikipagrelasyon.
D. sumunod sa mga panuto ng guro sa TLE kung paano gawin ang mga recipe

13. Alin sa pahayag ang nagpapakita ng likas na katangian ng tao na pinagkaiba niya sa ibang nilalang?
A. ang pagiging tapat sa tungkulin
B. ang pagkakaroon ng kakayahang mag-isip
C. ang pagkakaroon ng kakayahang tugunan ang pansariling pangangailangan
D. ang pagkakaroon ng kakayahang mamuhay sa lipunan at maging bahagi nito

14. Aling aspekto ng pagkatao ang higit na napauunlad sa pamamagitan ng paghahanapbuhay?


A. intelektuwal
B. panlipunan
C. pangkabuhayan
D. politikal

15. Ano ang nakahahadlang sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa kapuwa?


A. kakayahang tugunan ang pangangailangan ng kapuwa
B. pagkilala sa sarili na mas matalino siya kaysa ibang tao
C. kakayahan ng taong makibahagi sa mga gawaing panlipunan
D. pagkikitungo sa iba sa paraang gusto mo ring pakitunguhan ka

16. Ano ang ibig sabihin ng pahayag sa Romano 14:7 na “Sapagkat ang sinoman sa atin ay hindi
nabubuhay sa kaniyang sarili, at sinoman ay hindi namamatay sa kaniyang sarili”?
A. Ang tao ay nabubuhay para sa pansariling kapakanan.
B. Ang tao ay hindi maaaring mabuhay nang mag-isa at hindi nakikibahagi sa lipunan.
C. Ang tao ay may makakasama ngunit hindi ibig sabihing tutulong ito sa anumang bagay.
D. Ang tao ay maaaring mabuhay nang mag-isa sa mundo hangga’t may sapat itong kaalaman.

17. Paano naipapakita ang pagiging tunay na kaibigan?


A. Kapag kinikilingan niya ang iyong kamalian.
B. Sa pamamagitan ng pagtulong sa gawain sa paaralan.
C. Sa pamamagitan ng pakikiramay sa oras ng kagipitan.
D. Kapag siniwalat niya lahat ng iyong nakatagong sekreto.

18. Ano ang dapat na maging batayan sa pagkakaroon ng tunay kaibigan?


A. kasikatan
B. kapangyarihan
C. pera at kayamanan
D. mabuting pag-uugali

19. Nangunguna sa klase si Glen, kung kaya’t lahat ng mga gawain sa paaralan ay siya parati ang
nakakukuha ng pinakamataas na marka. Likas na rin sa kaniya ang pagtulong sa mga nahihirapang
kaibigan at kaklase, dahil dito siya ay hinahangaan ng lahat. Batay sa sitwasiyon, anong indikasyon ito
ng isang kaibigan?
A. pagiging maarte
B. sariling kasiyahan
C. pagiging matulungin
D. pagpapakita ng kabutihan

20. Tanggap ni Ben ang buong pagkatao ni Alice. Kahit madalas silang hindi magkasundo sa mga bagay-
bagay, hindi pa rin ito naging hadlang sa kanilang pagkakaibigan mas lalo pa nga silang naging malapit
sa isa’t isa. Anong uri ng pagkakaibigan ang ipinapakita ni Ben kay Alice? Batay sa:
A. kabutihan
B. panlibangan
C. pangangailangan
D. pansariling kasiyahan

21. Alin sa sumusunod ang pakikipagkaibigang inilalaan sa isang tao sapagkat kailangan niya ito? Batay
sa:
A. kabutihan
B. pangangailangan
C. pansariling kasiyahan
D. kakayahang interpersonal

22. Alin sa sumusunod na uri ng pakikipagkaibigan ang karaniwan sa kabataan? Batay sa:
A. kabutihan
B. pangangailangan
C. pansariling kasiyahan
D. kakayahang interpersonal

Bilang 23-28. Piliin sa mga sumusunod kung ano ang naidudulot ng pagpapanatili ng mabuting
pakikipagkaibigan sa mga sitwasiyong ipinapahayag.

23. Hindi maiiwasang magkaroon ng alitan sa iyong kaibigan, ngunit ito ay mareresulba kung idadaan
sa maayos na usapan.
A. pagiging matatag sa sarili
B. pagtanggap sa mga nangyari
C. pagpapalaya sa mga taong nakapanakit sa iyo
D. pagpapatawad bilang tanda ng pagmamahalan

24. Bilang isang lider sa mga kabataan, pinamunuan ni Rodel ang kanilang pagtitipon-tipon para pag-
usapan ang SK Project sa barangay. Naging maayos at matiwasay ito dahil sa pagkakasundo-sundo ng
lahat.
A. pag-unlad ng pagkatao
B. pagiging mabuting mamamayan
C. pagtatamo ng mapayapang lipunan
D. pag-unlad ng pakikipagkaibigan

25. Maraming gustong makipagkaibigan kay Liezelou dahil madali itong hingan ng tulong anumang oras.
A. pag-unlad ng pagkatao
B. pagiging mabuting mamamayan
C. pagtatamo ng mapayapang lipunan
D. pag-unlad ng pakikipagkaibigan

26. Hindi ko ipagpapalit ang aking mga dating kaibigan sa mga bago ko pa lamang nakakasama. Bagkus
ay kikilalanin ko muna sila nang mabuti.
A. pag-unlad ng pakikipagkaibigan
B. pag-unlad ng pagkatao
C. pagiging mabuting mamamayan
D. pagtatamo ng mapayapang lipunan
27. Dahil may sakit at hindi makaalis ng bahay si Liz, hinahatiran ko na lang siya ng pagkain sa
kaniyang boarding house.
A. pag-unlad ng pagkatao
B. pag-unlad ng pakikipagkaibigan
C. pagtatamo ng mapayapang lipunan
D. pagiging mabuting mamamayan

28. Dulot ng malakas na bagyo sa inyong lugar, nagsilikasan na ang mga tao sa inyong barangay ngunit
nakita mong nahirapang lumabas ng bahay ang inyong kaibigang minsan mong nakaalitan. Dahil sa
naharangan ang kanilang pintuan ng malaking kahoy, tinulungan mo siyang makalabas.
A. pagiging matatag sa sarili
B. pagtanggap sa mga nangyari
C. pagpapalaya sa mga taong nakapanakit sa iyo
D. pagpapatawad bilang tanda ng pagmamahalan

29. Ano ang ibig sabihin ng empathy?


A. pakikisama sa kaibigan
B. pagbibigay oras sa kaibigan
C. paglagay ng sarili sa damdamin ng kaibigan
D. pagtanaw ng utang na loob sa kabutihan ng kaibigan

30. Paano makatutulong ang pagtukoy ng mga angkop na kilos upang mapaunlad ang pagkakaibigan?
A. sa pamamagitan ng nagtagumpay na kaibigan
B. sa pamamagitan ng pagtukoy kung sino ang totoo.
C. sa pamamagitan ng pagpapanatili ng buo ang pagkakaibigan
D. sa pamamagitan ng pagpapanatili ng pagmamahal at katatagan ng pakikipagkaibigan

31. Nakaiimpluwensya ito sa pagkilos at pagpapakita ng nararamdaman ng tao.


A. aksyon
B. emosyon
C. pagpapasiya
D. pagtugon

32. Alin sa mga sumusunod na emosyon ang mahalagang mapamahalaan nang mabuti?
A. dismayado
B. galit
C. pananabik
D. saya

33. Nagliliyab sa galit na sinumbatan ka ng iyong kaibigan sapagkat hindi ka sumipot sa inyong usapan.
Mula noon, hindi mo na siya kinibo dahil nabigla ka sa kanyang binitawang mga salita. Anong emosyon
ang iyong pinakita?
A. pagkabigla
B. pagkalungkot
C. pagkamasaya
D. pagkatakot

34. Kapag nag-iisa, napapangiti na lamang si Tin sa pag-alala sa mga pinagdaanang hirap upang
makamit ang kanyang tagumpay sa buhay. Ngayon, isa na siyang ganap na doktor sa kanilang
pamayanan. Anong emosyon ang ipinakita ni Tin?
A. pagkamasaya
B. pagkamuhi
C. pagkatakot
D. pagsuko

35. Paano natin maiiwasan ang pagkamuhi sa isang tao?


A. magkimkim ng galit sa lahat ng mga nagawang mali ng kapuwa sa iyo
B. magbilang ng mga pagkakamaling nagawa ng kapuwa para maghiganti
C. maging mapagpatawad sa iyong kapuwa sa kabila ng pagkakamaling nagawa
D. magkunwaring masaya kapag kaharap ngunit sa kaloob-looban ay nagngingitngit sa galit

36. Narinig ni Agatha ang masasakit na salita mula sa kaniyang mga kaibigan, sa halip na magalit ay
kinausap niya ng mahinahon at naging maayos ang kanilang relasyon. Bakit ganito ang naging
reaksiyon ni Agatha?
A. dahil sa matinding galit na naramdaman
B. dahil takot siya sa kaniyang mga kaibigan
C. dahil nagpadala ito sa idinidikta ng emosyon
D. dahil napamahalaan niya nang maayos ang kanyang emosyon

37. Bakit mahalagang mapamahalaan nang maayos ang matinding emosyon?


Ito ay upang _________________________________________________.
A. makapaghiganti sa kapuwa
B. mailabas ang emosyong nararamdaman
C. maisagawa ang mga pansariling kagustuhan
D. magkaroon nang maayos na pagtugon sa mga problema

38. Bakit mahalagang pamahalaan ang emosyon sa pamamagitan ng mga birtud?


A. Ito ay nagpapatalino sa tao sa pagpapasiya.
B. Ito ay para maisalba ang sarili sa kahihiyan.
C. Ito ay nagpapaunlad ng sarili at pakikipagkapuwa.
D. Ito ay para maiwasan ang alitan at bangayan sa kapuwa tao.

39. Paano nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili at pakikipagkapuwa ang pamamahala ng emosyon ng


may katatagan at kahinahunan? Sa pamamagitan nito ay:
A. makikilala ng mabuti ng tao ang sarili
B. mapapatingkad ang pagiging madamdamin ng tao
C. malalagpasan ang matinding galit, hinanakit, pighati at takot
D. magiging masaya, maayos at matiwasay ang pamumuhay ng tao

40. Bakit mahalagang magkaroon ng kahinahunan at katatagan ang tao sa pamamahala ng sariling
emosyon? Upang _________________________________.
A. makagawa ng kilos na labag sa paniniwala at prinsipyo ng tao
B. mapagtagumpayang harapin ang anumang negatibong emosyon
C. maging masama sa mata ng ibang tao at mapapaunlad ang relasyon sa kapuwa
D. maimpluwensiyahan ang pagpapasiya ng tao at makagawa ng agarang pagtugon sa kilos

41. Nagdalawang-isip na pumasok si Joey sa araw na iyon dahil hindi siya nakatulong sa kanilang
pangkatang gawain kahapon sa kadahilanang nagmamadali itong umuwi para matulungan ang kanyang
ina na nag-aalaga sa kanyang nakababatang kapatid na may sakit. Alin sa mga sumusunod ang patunay
na naimpluwensiyahan ng emosyong pagkalungkot ang ikinikilos ni Joey?
A. Si Joey ay matalinong bata.
B. Si Joey ay may malasakit sa pamilya.
C. Si Joey ay aktibong nakilahok sa klase.
D. Si Joey ay nagdalawang-isip na pumasok.

42. Likas na mahiyain si Jade at wala siyang kumpyansa sa sarili ngunit inatasan siya ng kanyang guro
na maging tagapag-ulat sa isang pangkatang gawain. Napapayag man siya ngunit nang magpaliwanag sa
awtput ng kanyang pangkat ay nagkautal-utal siya sa pagsasalita. Alin sa mga sumusunod ang patunay
na naimpluwensiyahan ng emosyong pagkatakot ang ikinikilos ni Jade?
A. Si Jade ay hindi tumayo dahil nahihiya siya.
B. Si Jade ay mahusay magpaliwanag sa kanilang awtput.
C. Si Jade ay nagkautal-utal sa pagpapaliwanag sa kanilang awtput.
D. Si Jade ay umiyak dahil pinilit siyang magpaliwanag sa kanilang awtput.

43. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang kakikitaan na naimpluwensiyahan ng emosyong pagiging
mahinahon ang pagpapasiya?
A. Si Mel ay napaiyak sa takot na baka mahawa sa sakit na COVID-19.
B. Si Mel ay nataranta nang malamang may nagpositibo sa sakit na COVID-19 na kanyang kapitbahay.
C. Si Mel ay nagalit sa kapitbahay dahil sa hindi dinoble ang pag-iingat nito kaya nahawa sa sakit na
COVID-19.
D. Si Mel ay kalmadong sumunod sa health protocols, nag-ehersisyo at kumain ng masustansiyang
pagkain para maging ligtas ang sarili laban sa sakit na COVID-19.

44. Ano ang magiging palatandaan sa gawi ng tao kapag siya ay malungkot?
A. masayang kausap
B. mahilig magkuwento
C. nagagawa nang maayos ang gawain
D. walang ganang kumilos at mapag-isa
45. Habang naglilinis si Lea sa loob ng klasrum ay aksidenteng nasagi ng kanyang walis ang plorera sa
mesa ng kanyang guro kaya nabasag ito. Sa takot niya ay naisipan niyang ilihim ang kanyang nagawa.
Alin sa mga sumusunod ang patunay na naimpluwensiyahan ng emosyong pagkatakot ang pasya ni Lea?
A. Naisipan ni Lea na ilihim ang kanyang nagawa.
B. Naisipan ni Lea na huminto nalang sa pag-aaral.
C. Binilisan ni Lea ang paglilinis para makauwi na siya.
D. Sasabihin ni Lea sa guro na ang kaklase niya ang may gawa.

46. Napapayag si Alex sa alok ng kakilala na maging kasosyo sa negosyo nito. Nang matanggap ng
kasosyo ang perang tatlong milyon ay kinabukasan lumayas ito at hindi na nagpakita pa. Dahil dito
iniwan siya ng kanyang asawa kaya ganoon na lamang ang kanyang pagkalugmok, panay ang kanyang
pag-inom ng alak at tila wala sa sarili. Alin sa mga sumusunod ang patunay na naimpluwensiyahan ng
emosyong kawalan ng pag-asa ang ikinikilos ni Alex?
A. Lumago ang negosyo ni Alex.
B. Mas lalong yumaman si Alex.
C. Masaya si Alex kasama ang asawa.
D. Panay ang pag-inom ng alak at tila wala sa sarili si Alex.

47. Nagbabalak si Mat na sa Maynila mag-aaral ng kolehiyo ngunit nag-aalinlangan siya dahil ayaw
niyang malayo sa pamilya. Alin sa mga sumusunod ang patunay na naimpluwensiyahan ng emosyong
pagkatakot ang ikinikilos ni Mat?
A. Si Mat ay ayaw mag-aral sa Maynila dahil mahal ang bayarin doon.
B. Si Mat ay nag-aalala na mag-aral sa Maynila dahil hindi niya kabisado ang lugar.
C. Si Mat ay nakiusap sa kanyang mga magulang na sa kanilang lugar nalang mag-aral.
D. Si Mat ay nag-alinlangang mag-aral sa Maynila dahil ayaw niyang malayo sa kanyang pamilya.

48. Paano masasabing naimpluwensiyahan ng emosyong pagkagalit ang pagpapasiya ng isang taong may
suliranin?
A. kapag masayang kausap
B. kapag umiiyak kung tinatanong
C. kapag bumubulyaw kung sumagot
D. kapag naguguluhan kung tinatanong

49. May pag-aalinlangan si May na sabihin sa kanyang guro na binubulas siya ni Oscar na kanyang
kaklase. Alin sa mga sumusunod ang patunay na naimpluwensiyahan ng emosyong pagkatakot ang kilos
ni May?
A. Masaya si May na kaklase niya si Oscar.
B. Umiwas si May kapag nakikita niya si Oscar.
C. Nabalisa si May na sabihin sa guro na binulas siya ni Oscar.
D. Ipinagsawalang-bahala ni May ang ginawang pambubulas ni Oscar.

50. Si Peterson ay may ginawang proyekto sa asignaturang Matematika ngunit hindi niya tinapos dahil
nawalan siya ng konsentrasyon nang malamang nagkasakit ang kanyang ina. Alin sa mga sumusunod
ang patunay na naimpluwensiyahan ng emosyong pagkalungkot ang ginawa ni Peterson?
A. Dinalaw niya ang may sakit na ina.
B. Natapos niya ang kanyang proyekto sa tulong ng ina.
C. Naisumite niya ang kanyang proyekto sa kanyang guro.
D. Nawalan siya ng pokus nang malamang may sakit ang kanyang ina.

You might also like