You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA Region
Butuan City Division
Villa Kananga Integrated School
Brgy. Villa Kananga, Butuan City

IKAAPAT NA MARKAHAN
LAGUMANG PAGSUSULIT SA Edukasyon sa Pagpapakatao 8

Test I - Panuto: Basahin at suriin ang mga sumusunod na tanong. Piliin lamang
ang pinaka-angkop na sagot sa bawat tanong. Isulat ang letra ng inyong sagot
sa sagutang papel.

1. Ito ay ang pagkuha at paggamit ng ideya ng iba na walang pahintulot o pagkilala sa nagmamay-ari.
a. Plagiyarismo
b. Panlilinlang
c. Pagdaraya
d. Sabotahe
2. Ito ay pagsisinungaling upang makakuha ng pansariling benepisyo mula sa iba o pansasamantala.
a. White lies
b. Black lies
c. Selfish Lying
d. Self-enhancement Lying
3. Si Linda ay may nakitang wallet sa school canteen na naglalaman ng pera. Hindi ito isinauli sa may-ari dahil
katwiran niya, siya ang nakakita, kaya siya na rin ang magmamay-ari nito. Anong paglabag sa katapatan ang
nagawa ni Linda?
a. White Lies
b. Selfish Lying
c. Prosocial Lying
d. Dishonest Actions
4. Malapit na ang nakatakdang araw ng proyektong ibinigay ng guro bagama’t wala pang maisip na ideya si Alden
kung paano ito gagawin. Upang makapasa ito sa itinakdang oras ay ginaya niya ang ginawang proyekto ng
kanyang kaklase nang hindi nagpaalam. Kung isaalang-alang ang birtud ng katapatan tama ba ang ginawa ni
Alden?
a. Hindi, dahil ito ay paglabag sa katapatan
b. Oo, dahil nakapagpasa siya sa tamang oras.
c. Hindi, dahil magagalit ang kanyang kaklase
d. Oo, dahil sa kuya rin naman niya ang ideyang iyon
5. Anumang uri ng _______________ ay kalaban ng katotohanan at katapatan.”
a. kalituhan
b. pagsisinungaling
c. katamaran
d. magmumura\
6. Ang bawat tao ay nararapat na magtaglay ng mataas na pamantayang moral para sa kaniyang sarili at maging
tapat sa kaniyang__________________.
a. pangarap at inaasam
b. layunin at adhikain
c. puso't isipan
d. salita at gawa
7. Ito ay ang uri ng pagsisinungaling kung saan gumagawa ng kwento ang isang tao na maaring ikasira ng kanyang
kapwa.
a. Prosocial Lying
b. Self-enhancement Lying
c. Selfish Lying
d. Anti-social Lying
8. Mayroon kang nagawang paglabag sa paaralan at pinatatawag ang iyong magulang o tagapangalaga. Ngunit dahil
sa takot mo sa kanila, nakiusap ka sa iyong pinsan na siya na lamang ang pumunta sa paaralan at magpanggap
bilang nakatatanda mong kapatid. Ano’ng uri ng pagsisinungaling ang ginawa mo?
a. Prosocial Lying
b. Self-enhancement Lying
c. Selfish Lying
d. Anti-social Lying
9. Nakaligtaan mong gawin ang iyong takdang aralin. Alam mong magagalit ang iyong guro kapag hindi mo ito
naipasa. Kaya pagpasok pa lamang ng iyong guro sa silid-aralan, sinabi mong masakit ang iyong ulo at kailangan
mong magpunta sa klinika ng inyong paaralan para humingi ng gamot at makapagpahinga. Anong uri ng
pagsisinungaling ang iyong ginawa?
a. Prosocial Lying
b. Self-enhancement Lying
c. Selfish Lying
d. Anti-social Lying
10. Ito ay ang pagbibigay ng maling impormasyon o pagdadahilan sa tagapagturo na may kaugnayan sa akademikong
gawain.
a. Plagiyarismo
b. Panlilinlang
c. Pagdaraya
d. Panloloko
11. Simula nang ikaw ay isinilang kaugnay na ng iyong pagkatao ang pagkamit sa kaganapan ng pagkikilala sa iyong
seksuwalidad. Ano ang tinutukoy sa pahayag?
a. Kabutihan
b. Kaganapan
c. Kakayahan
d. Kasarian
12. Ano sa mag sumusunod ang may malaking bahagi sa ating pagpapakatao?
a. Pagkababae
b. Pagkatao
c. Pagkalalake
d. Sekswulidad
13. Alin sa sumusunod ang nakakaimpluwensiya sa seksuwalidad ng tao?
I. Laruan at pagkain II. Layunin sa buhay
III. Media IV.Pagpapahalaga sa kapwa

a. I, II at III
b. I, III at IV
c. II, III at IV
d. I, II, III at IV
14. Alin sa sumusunod ang isa sa mga palatandaan ng pagbibinata o pagdadalaga?
a. Umiiyak kapag inaaway
b. Mas pinilling mapag-isa
c. Nakakaligtaang magbihis nang maayos
d. Pagpapakita ng atraksyon o kagustuhang makipagrelasyon sa kapwa
15. Si Tanya ay may gusto kay Ricky, dahil dito ay nagpapaganda siya araw-araw nang sa gayon ay mapansin siya
nito. Anong seksuwalidad mayroon si Tanya?
a. Asexual
b. Babae
c. Lalake
d. Bisexual
16. Anong palatandaan ang pagkakaroon ng pagbabago sa sariling damdamin, atraksyon, pananaw at maging sap ag-
uugali?
a. Pagiging matanda
b. Pagiging binata at dalaga
c. Pagiging bata at isip bata
d. Pagkakaroon ng wastong pag-iisip o maturidad
17. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kaganapan ng pagkatao?
a. Nakagagawa ng desisyong kalimitang hindi pinag-iisipang mabuti.
b. Hindi ikinakahiya ang kasarian at ginagalang ang seksuwalidad ng ibang tao
c. Binibigyang halaga ang kahulugan ng pagiging babae at naipapakita na mas nakaaangat sila sa lipunan.
d. Binibigyang halaga ang kahulugan ng pagiging lalake at naipapakita ang pagiging dominante nito.
18. Alin sa sumusunod ang tamang pahayag tungkol sa seksuwalidad?
a. Ang seksuwalidad ay tungkol lamang sa bahagi ng katawan.
b. Ang seksuwalidad ay hindi makikita sa paraan ng pagsasalita, pagkilos at pananamit.
c. Ang seksuwalidad ay maaaring mahubog sa kung sino at ano ang nakikita at nakasasama.
d. Ang seksuwalidad ay higit pa sa mga bahagi ng katawan at kasarian.
19. Isang moral na hamon sa bawat tao ang pagbubuo ng seksuwalidad at pagkatao upang maging ganap ang
pagkababae o pagkalalaki.
a. Hindi moral ang taong hindi buo ang sekswalidad at pagkatao.
b. Ang lalaki ay dapat na lalaki sa sekswalidad at pagkatao, ganoon din naman ang babae.
c. Maaaring hindi magtugma ang sekswalidad at pagkatao ng tao.
d. Mahalagang behikulo ng pagpapakatao ang sekswalidad.
20. Niyayaya ka ng iyong mga kaklase na manood ng mga pelikulang may malalaswang tema. Halos lahat ng malapit
mong kaibigan ay sasama sa kaniya. Kailangan daw nilang gawin ito upang hind maging mangmang tungkol sa
sex. Ano ang gagawin mo?
a. Isusumbong ang iyong kaklase sa inyong guro o sa kaniyang mga magulang, sapagkat alam mong
makasasama sa kanilang murang isip ang pornograpiya.
b. Hindi sasama sa kanila, uuwi na lamang at pababayaan sila sa gusto nila.
c. Kakausapin ang mga kaibigan, at hihimukin silang huwag gawin ito dahil ito’y hindi makabubuti sa kanila.
d. Natural lamang sa mga kabataan ang mag-eksperimento, kaya’tsasama ka sa kanila.
21. Ito ay maituturing na labis na makapangyarihan ng tao.
a. Katapatan
b. Pakikitungo
c. Salita ng tao
d. Pakikipagkaibigan
22. Kumpletuhin ang pahayag, “Ang pagsasabi ng ______ ay pagsasama ng maluwat”.
a. buo
b. saya
c. tapat
d. katahimikan
23. Anong angkop na kilos ng Katapatan sa gawa ang maagang pumasok sa paaralan at trabaho?
a. Paggawa ng tama para sa kapwa
b. Paggawa na may pagmamahal sa trabaho
c. Paggwa na naaayon sa oras at panahon
d. Pagsasabi ng totoo sa kapwa para sa sariling kapakanan
24. Isa sa mga basehan ang _______ ng tao upang mas makilala ang tunay na ugali nito.
a. Salita
b. Wangis
c. Kilos at gawi
d. Pagpapahayag
25. Ito ay maibibigay mo sa isang tao na tiyak masusuklian ka ng may kabuluhan.
a. Kaibigan
b. Katapatan
c. Pagkatao
d. Kayamanan
26. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga dahilan kung bakit nagsisinungaling ang isang tao maliban sa.
a. Upang makaagaw ng atensiyon o pansin
b. Upang mapasaya ang isang mahalagang tao
c. Upang makaiwas sa personal na pananagutan
d. Upang mailahad ang isang suliranin na sa iyong palagay ay seryoso o “malala”
27. Sa kasabihan na “action speaks louder than words”, alin sa mga sumusunod ang binibigyan ng halaga?
a. Salita b. gawa
c. Ugali d. lahat ng nabanggit
28. Bakit nga ba kailangang magsabi ng totoo?
a. Ang pagsasabi ng totoo ang natatanging paraan upang malaman ng lahat ang tunay na pangyayari.
b. Ang pagsasabi ng totoo ang magsisilbing proteksiyon para sa mga inosenteng tao upang hindi masisi o
maparusahan.
c. Inaani mo ang reputasyon bilang isang taong yumayakap sa katotohanan - isang birtud na pinahahalagahan ng
maraming tao.
d. Lahat sa nabanggit
29. Ang pagliligaw sa sinumang humihingi ng impormasyon sa pamamagitan ng hindi pagsagot sa kaniyang mga
tanong ay anong paraan ng pagtatago ng katotohanan
a. pag-iwas
b. pagtitimping pandiwa
c. pananahimik
d. pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan
30. Naipapakita mo ang pagiging matapat sa pag-aaral kung:
a. kinokopya ang lahat ng sagot na ibinigay ng kaibigan
b. ipinagagawa ang lahat sa nakakatandang kapatid
c. nagsisikap na makapagbigay ng tamang sagot kahit nahirapan
d. sinasagutan ang modyul kahit na hindi binabasa ang laman nito
31. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng kabutihang loob sa kapwa?
a. Pagbibigay ng limos sa batang kalye
b. Pagpapaaral ng mahihirap na estudyante
c. Gumastos ng malaki sa ginagawang handaan
d. Handang isakripisyo ang sarili para sa kapakanan ng iba.
32. Ang tamang pakikitungo ng mga mag-aaral sa mga guro, kamag-aral o janitor sa paaralan ay tanda ng:
a. Pagtulong
b. Kabutihan
c. Pagpapasikat
d. Pagpapakilala
33. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita nang kabutihang loob sa kapwa sa loob ng paaralan?
a. Pagpapahiram ng bolpen sa kaklase
b. Paglilinis sa silid-aralan kapag nariyan ang guro
c. Manahimik upang hindi makapag-ingay sa klase
d. Binibigyan ng meryenda ang kaklase na nagpapakopya ng sagot sa pasulit.
34. Bilang kabataan, paano maipakikita ang kabutihan sa kapwa kabataan?
a. Pakikipagkaibigan
b. Nakikisalamuha kung may pagtitipon
c. Pamunuan ang mga kabataan dahil mayaman siya sa kanilang lugar
d. Nakikiisa sa mga gawain at proyekto ng kabataan sa kanyang barangay
35. Bakit mahalaga ang paggawa ng kabutihan sa kapwa? Dahil;
a. Nakapagpapasaya ka sa kapwa
b. May gumawa rin nito sa kanya
c. Nagpapakita ito ng pagmamahal sa kapwa
d. Tungkulin ng bawat tao na gumawa ng mabuti sa kapwa

Test II – Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Punan ng


tamang salita ang patlang sa bawat aytem gamit ang mga salitang makikita
sa loob ng kahon.

Birtud 39. Kalayaan 36.kalinisang-puri

38.paghanga 37.puppy love 40.magmahal


36. Sabi nga ng Banal na Papa Juan Paulo II, ang taong may__________lamang ay may kakayahang magmahal ng
tunay.
37. Ang __________ay kadalasang pinagkamalan nating tunay na pagmamahal.
38. May mga pagkakataon na ang ___________ ay mas masidhi o sabi nga “intense” dahil hindi ka na makakakain,
hindi makatulog at palagi mo na lang siyang iniisip.
39. Ang kilos loob ay may __________ kaya nga kailian man walang ibang taong maaaring magpasiya para sa iyo.
40. Ang pagmamahal ay nagsisimula sa isang pagpapasiyang_______________.

Test III – Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng katotohanan
at MALI naman kung ito ay taliwas sa katotohanan.

41. Anumang uri ng pagsisinungaling ay kalaban ng katotohanan at katapatan.


42. Ang pagsasabi ng totoo ang natatanging paraan upang malaman ng lahat ang tunay ng mga pangyayari.
43. Ang pagsasabi ng totoo ang magtulak sa upang maging kapangyarihan.
44. Kinakailangang lumikha pa na maraming kasinungalingan para lamang mapanindigan ang iyong nilikhang
kwento.
45. Ang desisyong yumakap sa katotohanan o pagiging matapat ay bunga ng sariling nating pagpapasiya.
46. Ang bawat tao ay nararapat na magtaglay ng mataas na pamantayang moral para sa kaniyang sarili at maging
tapat sa kanyang salita at kapwa.
47. Kailangang ibalik ang sobrang ibinigay na ayuda sa mga pamilya na nakatanggap mula sa pamahalaan.
48. Nawalan ng trabaho ang ama ni Josh kaya napilitan itong magbenta ng facemask at alcohol sa mataas na
halaga.
49. Nakapulot ng bag si Dante sa basurahan na may lamang pera kaya agad itong inireport sa kapitan ng
barangay.
50. Naiwan ang cellphone ng iyong guro sa loob ng klase at agad mo itong ibinalik sa kaniya.

You might also like