You are on page 1of 1

Mga Pagsasanay sa Aralin 3

Pagsasanay 1
Lagyan ng tsek (✔)sa tabi ng bilang kung ang kaisipang nakatala ay makikita sa tula. Lagyan ng ekis (✘) ang hindi.

1. Ang tao’y naghihinala at may agam-agam.


2. May mga pangyayari sa buhay ng tao na maseselan.
3. Isang itim na kalapati ang lumilibot sa mundo.
4. Ang mga kalapati ay makapangyarihang nilalang.
5. Ang taksil o palamara ay ninanasang sana’y mawala na sa mundo.
6. Ang mga estatwa sa mundo ay gumuho.
7. Hindi dapat dmawalan ng pag-asa ang tao.
8. Ang daigdig ay maaaring maging mapayapa.
9. Ang mga bulaklak ay mabilis mamukadkad.
10. Ang hanging sariwa ay dapat langhapin.

Suriin ang nais ipahiwatig ng mga nakatalang taludtod. Bilugan o kaya’ ibahin ang kulay ang titik ng tamang sagot.

1. Sa mga pangyayaring walang katiyakan


Kung saan ang tao’y naghihinala’t
tuwina’y may agam-agam.
a. May nabubuong pag-aalinlangan sa puso at isip ng mga tao sa mga pangyayaring nagaganapp sa mundo
na walang katiyakan.
b. Likas sa tao ang maging mapanghinala sa kapwa lalo na sa mga taong gumagawa ng masama.
c. Tiyaking wasto ang lahat ng iyong gagawin upang hindi ka paghinalaan ng masama ng iyong kapwa.

2. Puting kalapati, libutin itong sandaidigan


Ang hanging panggabi’y iyong panariwain
Ang mga bulaklak iyong pamukadkarin
Itong aming mga labi’y iyong pangitiin.
a. ang pag-asa at kagalakan sa mundo ay mararanasan kung bawat tao ay laging nakangiti at tulad ng bulaklak ay laging
sariwa at namumukadkad.
b. Ang paghaharin ng kapayapaan sa mundo ang makapagdudulot ng pag-asa at kagalakan sa mga taong dumanas ng
kaapihan o kasamaan.
c. Ang kadiliman at kasamaan sa mundo ay mawawala kung maranasan ng mga tao ang kaunlaran.

3. Itong sandaigdigan, paniwalain mo sa kapayapaan


Habang puso’y pumipintig sa gabi ng katahimikan.
a. Ang kapayapaan ay isang kathang-isip lamang na dapat ikintal sa isip ng sangkatauhan.
b. Sa tahimik na gabi lamang mararanasan ang tunay na kapayapaan.
c. Habang may buhay may pag-asa pa ring maghahari ang kapayapaan sa mundo.

4. Ngunit ikaw na palamara


Tulad ng alabok, humayo ka’t mawala
Pagkat mundo mo’t bantayog ay gumuho na
a. Ang mga tao o grupo ng gumagawa ng masama ay kailangang mapuksa upang kapayapaan sa mundo ay mapanatili.
b. Ang mga taksil ay kagaya ng alabok na dagling mawawala at masisira.
c. Hindi kailanman magtatagumpay sa kabutihan ang kasamaan.

5. Ngayon ay may bagong hinagap na kayganda


Bilang repleksiyon nitong buhay na mapayapa.
a. Nasasalamin o naaaninag na darating ang araw na ang kapayapaang hinahangad ay maghahari sa mundo at sa puso ng
mga tao.
b. Habang may buhay may pag-asa
c. Ang kapayapaan ay repleksiyon ng maganda at bagong buhay sa mundo.

Pagsasanay 2
Kilalanin ang emosyon o damdaming ipinahahayag ng sumusunod na mga pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot (Matching
type)
Hanay A Hanay B

_____ 1. Salamat sa ginawa ninyong pagmamalasakit a. pagkagalit


sa kababaihan
_____ 2. Sayang, kung alam ko lang na ganito ang tingin b. pagkatuwa
nila sa amin, di na sana ako umalis ng bansa.
_____ 3. Bakit hindi mo ako tinulungan sa bagay na ito? c. pagtatampo

_____ 4. Wow, ngayon ko napatunayang iba ang mga d. panghihinayang


babaeng Pilipino sa mundo!
_____ 5. Grabe, di ko mapapatawad ang ginawa mong e. pasasalamat
pananakit sa akin.

You might also like