You are on page 1of 1

SI MARIANG MAPANGARAPIN

Magandang dalaga si Maria.  Masipag siya at masigla.  Masaya at matalino rin


siya.  Ano pa't masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang
pamangarapin.  Umaga o tanghali man ay nangangarap siya.  Lagi na lamang
siyang nakikitang nakatingin sa malayo, waring nag-iisip at nangangarap nang
gising.  Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang Mapangarapin.  Hindi
naman nagalit si Maria bagkos pa ngang ikinatuwa pa yata niya ang bansag na
ikinabit sa pangalan niya.

Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang dumalagang manok.


Tuwang-tuwa si Maria!  Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay sa kanya
ng iisang manliligaw niya.  Nagpagawa siya sa kanyang ama ng kulungan para
sa mga manok niya.  Higit sa karaniwang pag-aalaga ang ginawa ni Maria.
Pinatuka niya at pinaiinom ang mga ito sa umaga, sa tanghali at sa hapon.
Dinagdagan pa ito ng pagpapainom ng gamot at pataba.  At pinangarap ni Maria
ang pagdating ng araw na magkakaroon siya ng mga inahing manok na
magbibigay ng maraming itlog.

Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nag-itlog ang
lahat na inahing manok na alaga ni Maria.  Labindalawang itlog ang ibinibigay
ng mga inahing manok araw-araw.  At kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog
na ibibigay ng labindalawang alagang manok sa loob ng pitong araw sa isang
linggo.  Kitang-kita ang saya ni Maria sa kanyang pangarap.

At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-araw.


Nabuo ito sa limang dosenang itlog.  At isang araw ng linggo ay pumunta sa
bayan si Maria.  Sunong niya ang limang dosenang itlog.  Habang nasa daan ay
nangangarap nang gising si Maria.  Ipagbibili niyang lahat ang limang dosenang
itlog.  Pagkatapos, bibili siya ng magandang tela, ipapatahi niya ito ng
magandang bistida at saka lumakad siya ng pakendeng-kendeng.  Lalong
pinaganda ni Maria ang paglakad nang pakendeng-kendeng at BOG!

Nahulog ang limang dosenang itlog!  Hindi nakapagsalita si Maria sa kabiglaan.


Saka siya umiyak nang umiyak.  Naguho ang kanyang pangarap kasabay ng
pagbagsak ng limang dosenang itlog na kanyang sunung-sunong.

Mensahe: Gawing makatotohanan ang layunin o adhika


upang ito ay mai
Sakatuparan

You might also like