You are on page 1of 1

CASE STUDY

Sektor ng paglilingkod ARALING


PANLIPUNAN

Ang manggagawa ay mahalaga sa pag-unlad ng ekonomiya dahil sila ay may malaking


gampanin sa industriya. Ang ekonomiya at mamayanan ay umaasa sa kanilang pagkilos
upang magkaroon ng katugunan ang kanilang mga pangangailangan. Sa ekonomiya ng
isang bansa, hindi lamang mga produkto tulad ng mga damit, gamot, at pagkain ang
kailangan ng mga mamamayan. Kaalinsabay ng kaunlarang pang-ekonomiya ay ang
karagdagang pangangailangan para sa mga taong bumubuo sa sektor ng paglilingkod.
Ang sektor ng paglilingkod ay isang mahalagang bahagi ng salik pang-ekonomiya,
sapagkat nakatutulong ito sa pagpapatibay at pagpapanatili ng paikot na daloy ng
ekonomiya ng isang estado.Ang sektor ng paglilingkod, na tinatawag ding tertiary sector,
ay binubuo ng mga negosyo o serbisyo na nag-aalok ng mga intangible goods o mga
produktong hindi nahahawakan. Kabilang dito ang retail, insurance, turismo,
pagbabangko, at entertainment. Sa nakaraang siglo, nasaksihan ng mauunlad na bansa
ang pag-angat ng sektor ng paglilingkod. Malaking bahaging ekonomiya ng mga bansang
ito ang nakasalalay sa mga sektor ng paglilingkod, at inaasahan ang patuloy pang paglago
ng sektor sa mga darating na panahon.Tinatawag a tertiarization ang pag-angat ng sektor
ng paglilingkod, bilang malaking bahaging ekonomiya ng isang bansa.

Ang sektor ng paglilingkod, na tinatawag ding tertiary sector, ay binubuo ng mga negosyo
o serbisyo na nag-aalok ng mga intangible goods o mga produktong hindi nahahawakan.
Kabilang dito ang retail, insurance, turismo, pagbabangko, at entertainment. Sa nakaraang
siglo, nasaksihan ng mauunlad na bansa ang pag-angat ng sektor ng paglilingkod.
Malaking bahaging ekonomiya ng mga bansang ito ang nakasalalay sa mga sektor ng
paglilingkod, at inaasahan ang patuloy pang paglago ng sektor sa mga darating na
panahon. Tinatawag na tertiarization ang pag-angat ng sektor ng paglilingkod, bilang
malaking bahaging ekonomiya ng isang bansa.Ang sektor ng paglilingkod ay isang
mahalagang bahagi ng salik pang-ekonomiya, sapagkat nakatutulong ito sa pagpapatibay
at pagpapanatili ng paikot na daloy ng ekonomiya ng isang estado.Kabilang sa sektor ng
paglilingkod ang sumusunod:subsektor ng pananalapi, insurance, komersiyo, real estate,
kalakalang pakyawan, kalakalang pagtitingi, transportasyon, pag-iimbak, komunikasyon,
serbisyong medikal, at mga OFW. Tumutukoy sa sektor na nagbibigy ng serbisyo sa
transportasyon, komunikasyon, media, pangangalakal, pananalapi, serbisyo mula sa
pamahalaan, at turismo ito ang sektor na umaalalay sa buong yugto ng produksiyon,
distribusyon, kalakalan, at pagkonsumo ng mga produkto sa loob o labas ng bansa

You might also like