Ang pagkakaroon ng digmaan ay nagbubunga ng magkahalong mabuti at
masamang mga epekto. Una nating bibigyang pansin ang masamang epekto ng digmaan. Ang masamang epekto ng digmaan ay nakapagdudulot ito ng pagkawala ng buhay at pagkasira ng mga ari arian. Sa kabilang banda naman, ang digmaan ay madalas na nagbubunga ng pagbabago - pagbabago na madalas ay matagal nang inaasam ng mga tao. Kahulugan ng Digmaan Sa tuwing sinasabi ang salitang digmaan, lagi nating nating naiisip ay ang mga sandata na ginagamit dito. Gayunpaman, ang digmaan ay hindi lamang nakabase sa pagkakaroon ng mga sandata. Narito ang ilan sa mga halimbawa ng digmaan na hindi nareresulta sa paggamit ng sandata o hindi kaya ay pagkawala ng buhay: Cold War Civil War Cold War Ang cold war ay isa sa mga uri ng digmaan na kung saan ang mga bansang kabilang dito ay nag uunahan sa pagdebelop ng makabagong teknolohiya. Walang direktang komunikasyon o hindi kaya ay pagkasira ng ari arian na kasama rito. And isang halimbawa nito ay ang cold war na naganap sa pagitan ng Russia at US noong 1940s. Sila ay nagpaunahan sa pagdebelop ng mga makabagong teknolohiya