You are on page 1of 3

Pananaliksik

Pangkat 1
Arce, Geri Lee Luis
Valenzuela, Rain Jarren
Cabrera, Dianna Angeline
Dimaculangan, Jelizah Brianna
Magnaye, Lindsay Jade

Digmaan
 Ang digmaan ay isang marahas na alitan sa pagitan ng dalawang estado o
bansa. Ito ay isang madugong labanan.
 Kaguluhan na walang pag-unawa na nagreresulta sa isang marahas na
labanan.
 Ito din ay isang matinding armadong tunggalian sa pagitan ng mga estado,
gobyerno, lipunan, o pangkat ng paramilitary. Ito ay nasasangkot sa
paggamit ng mga sandata, isang samahang military at mga sundulo.
 Tumutukoy sa hindi pagkakaunawaan ng dalawa o higit pang bansa. Ito din
ay isang palitan at marahas ng paglalapat ng lakas sa pagitan ng
magkalabang pampolitika na entidad na naglalayong matamo ang minimithing
huling kondisyong pampolitika sa pamamagitan ng sandatahaang sagupaan.
 Isang madugo at madahas na paraan na ginagawa ng isang bansa sa ibang
bansa. Para sa akin po, mayroong dalawang klase ng digmaan; ang
digmaang sibil at digmaang pangmundo.

Mga Posibleng Dahilan ng Digmaan


Maraming posibleng maging dahilan ang pagkakaroon ng digmaan.
Gayunpaman, narito ang ilan sa mga mayroong mas mataas na posibilidad
na maging sanhi ng digmaan:
1. Kolonisasyon
- Isang posibleng sanhi ng digmaan ay ang kolonisasyon. Posible na mangyari ang
digmaan dahil sa ilang mga negatibong epekto ng kolonisasyon tulad ng paglabag sa
ilang karapatang pantao, nakasalalay sa mga tao na kolonisado ang bansa. Iba pang
mga kilalang dahilan ay maaaring ilang mga sakit na maaaring dalhin ng mga dayuhan
sa bansa at kawalang-tatag ng ekonomiya, na maaaring magsimula ng mga digmaan
alang-alang sa kalayaan ng bansa mula sa kolonya.

2. Kalamangan
- Posibleng dahilan ng digmaan ay ang ayaw malamangan. Posible na ayaw lang
malamangan ng ibang bansa kaya nagreresulta ito sa digmaan. Para na gusting ipaalam ng
ibang bansa na sila ang nakatataas at walang makakasagabal sa kanila.

3. Hindi pagkakaunawaan ng gobyerno at mamamayan


- Isa sa mga karaniwang dahilan ng digmaan ay ang hindi pagkakaunawaan ng gobyerno at
mga mamamayan. Maaaring tutol sa mga desisyong ginagawa ng gobyerno, at dahil iba’t iba

ang mga pananaw ng mga tao na nagbubunga sa isang digmaan.

4. Pagpapakilala ng Relihiyon
- Posibleng maging dahilan ng digmaan ay ang pagpapakilala ng relihiyon sa ibang bansa. Kung

tatanggi ang bansa posibleng maging isang kaguluhan ito sa dalawang bansa na magiging sanhi

5. Kapangyarihan at Kayamanan

- Ito ay ang pinakakaraniwang dahilan ng digmaan sapagkat nag-aagawan ng teritoryo at


nagkakaroon ng digmaan sa kadahilanang nais nilang sila ang maging pinaka-
makapangyarihan sa buong mundo upang sila ang masunod sa lahat ng kanilang mga
patakaran at batas.

- May mga bansa na maraming likas na yaman tulad ng langis, ginto, tubig at iba pang
yamang mineral kaya naman maraming mga pinuno ang gustong masakop ang ibang bansa

6. Korapsyon

- Dito nawawalan ng tiwala ang mga mamamayan sapagkat ito ay tumutukoy sa


kawalan ng integridad at katapatan. Mga pinagkatiwalaang pondo ng mga
mamamayan ay unti-unting nalulutas sa kamay ng pamahalaan. Ito ay na sa ilalim ng
hindoi pagkakaunawaan ng gobyerno at mga mamamayan na humahantong sa isang
digmaan.

7. Pag-aagawan at Pagpapalawak sa Nasasakupan

- Karaniwang kinahahantungan ng digmaan sapagkat dito nakasalalay ang kanilang


kapangyarihan at kayamanan. Madaming pinuno ang siyang nais na magkaroon na
sariling teritoryo o nasasakupan upang mas tumibay ang kanilang pamamahala. Pag-
aagawan sa isang nasasakupan ang nagpapakita na ayaw nilng magpatalo sa nais na
aksyon nang sumakop na bansa.

You might also like