You are on page 1of 16

Aralin 1: Mga Sanhi ng Unang

Digmaang Pandaigdig

Inihanda ni:
Bb. Marisol P. Policarpio
1. Sistema ng mga Alyansa
Ang salitang alyansa ay tumutukoy sa isang kalipunan ng mga bansa o
partido na sumusuporta sa iisang programa, paniniwala at adhikain.
Triple Alliance. Ito ay binubuo ng pagsasanib-puwersa ng mga bansang
Germany, Austria-Hungary, at Italy.
Triple Entente.Binubuo ang alyansa ng mga bansang France, Russia, at
Britain at tinawag itong. Ang Triple Entente ay isang kasunduan ng
pakikipagkaibigan sa pagitan ng tatlong bansa at hindi isang alyansang
militar, ngunit para sa Germany, ang pagkakatatag ng alyansang ito ay isang
banta sa kanilang bansa.
2. Imperyalismo

Ang imperyalismo ay tumutukoy sa pagpapalawak ng


kapangyarihan at kayamanan ng isang bansa sa pamamagitan
ng pag-okupa at pagkontrol ng mga karagdagang teritoryo.
3. Militarismo
Ito ay tumutukoy sa paniniwala ng isang bansa sa
pagkakaroon ng isang malakas na puwersang militar at
sa agresibong paggamit nito.
4. Nasyonalismo

Maituturing na nasyonalismo ang paghahangad ng kalayaang


pulitikal, lalo na ng isang bansang nasa ilalim ng
kapangyarihan at kontrol ng ibang bansa.

Ang damdaming ito ay nagtulak para sa mga tao na


maghangad ng kalayaan mula sa kamay ng mga mananakop.
Quiz # 1
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na
pahayag. Piliin ang titik ng tamang
sagot. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
1. Ito ay tumutukoy sa paniniwala ng isang bansa sa
pagkakaroon ng isang malakas na puwersang militar,
gayundin sa agresibong paggamit nito.

A. Alyansa C. Imperyalismo

B. Digmaan D. Militarismo
2. Ang pagpaslang kay _______________ ay nagmistulang
mitsa na tuluyang nagpasiklab sa Unang Digmaang
Pandaigdig.

A. Franz Ferdinand C. Georges Clemenceau

B. David Lloyd George D. Winston Churchill


3. Ang mga sumusunod ang naging dahilan ng pagsiklab ng
Unang Digmaang Pandaigdig, maliban sa _________.

A. pag-atake sa Manchuria

B. pagkakabuo ng mga alyansa

C. masidhing damdaming nasyonalista

D. pagpapalakas ng puwersa-militar ng bansa


4. Ito ay tumutukoy sa pagpapalawak ng kapangyarihan
at kayamanan ng isang bansa sa pamamagitan ng
pananakop sa mga mas mahihinang bansa.

A. alyansa C. legalismo

B. imperyalismo D. nasyonalismo
5. Ito ay isang lihim na organisasyon na naglalayong
wakasan ang rehimen ng Austria-Hungary.

A. Allied Forces C. Black Hand

B. B. Balkan League D. League of Nations

You might also like