You are on page 1of 14

PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T BANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Pahina | 1

MODYUL 2
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik
DELA CRUZ, CIARA JANE L.
GARCIA, GLIZEL ANN B.
MANILA, RAFAELITO M.
MARGATINEZ, IVILEN MARIE C.
VILLAR, MERLYN R.
Mga Guro sa Asignatura
Kaalaman at
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T BANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Kasanayan sa
Pagbasa: Pagsusuri at
Pagsulat ng Teksto
2 Pahina | 2

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Matapos ang araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:

• Naipaliliwanag ang mga uri at anyo ng iba pang mga


teksto mahalaga sa pagsulat ng saliksik;
• Nakikilala kung ang tekstong binasa ay naglalahad,
naglalarawan, nagsasalaysay o nangangatuwiran
• Nakikilala at naitatala ang mahalagang puntos sa isang
aklat at magamit ang mga ito sa pagsulat ng paraphrase,
abstrak, at rebyu ng aklat
• Nakapagsusuri at nakapagbibigay ng sariling opinyon
batay sa binasang teksto.

MGA SANGGUNIAN

Sa araling ito, magagamit ang mga nakatalang sanggunian:

• Kaalaman at Kasanayan sa Pagbasa: Pagsusuri at Pagsulat ng


Teksto – Powerpoint Presentation
• Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik (Part2) - https://youtu.be/z1qwEeYx3D4
• Kaalaman at Kasanayan sa Pagbasa Pagsusuri at Pagsulat ng
Teksto.pptx - Google Slides
• Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik ni Servillano T. Marquez Jr., PhD.
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T BANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Pahina | 3

Panuto: Sagutan ang bawat bilang. TALAAN NG NILALAMAN


1. Magsulat ng maikling buod, synopsis, o deskripsyon
ng isang aklat o anomang uri ng babasahin na tumatak
sa iyong isipan.
3 SUBUKAN NATIN !

SURIIN MO !
4
MGA KASANAYAN SA
4 MAPANURING
PAGBASA
PAGKILALA SA
2. Anu-ano ang mga dahilan kung bakit ka nagkaroon 6 OPINYON AT
KATOTOHANAN
ng interes sa iyong binasang akda?
PAGTUKOY SA
7 LAYUNIN, PANANAW AT
DAMDAMING TEKSTO
PAGSULAT NG
7 PARAPHRASE,
ABSTRAK, AT REBYU
MGA PANANAW SA
3. Sa iyong sariling opinyon. Bakit masasabing ang
pagsulat ay isang sistema o proseso?
8 PROSESO NG PAG
BASA

9-10 SIMULAN MO !

ISAISIP
11 MGA TERMINO

PAGTATAYA
12 MGA SANGGUNIAN
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T BANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Panuto: Suriin ang mga larawan ng mga pabalat ng iba’t ibang mga akda sa ibaba. Pahina | 4
Isulat ang tamang pamagat ng bawat larawan.

MGA KASANAYAN SA MAPANURING PAGBASA

I. Bago magbasa

II. Habang nagbabasa


III. Pagkatapos magbasa
IV. Pagkilala sa opinyon at katotohanan

V. Pagtukoy sa layunin, pananaw, at damdamin ng teksto


VI. Pagsulat ng parapharse, abstrak, at rebyu

I. Bago Magbasa
- Paghahandan upang siyasatin ang tekstong babasahin

- Nakapaloon ditto ang previewing o surveying ng isang babasahin


- Nakabubuo ng mga tanong at matalinong prediksyon

- Pagsisimula ng kognetibong proseso


PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T BANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

II. Habang Nagbabasa


Mga Paraan upang maging epektibo ang pagbabasa

Pagtantiya sa bilis ng pagbasa. Sinusukat ang bilis o bagal ng


pagbasa, maaari rin baguhin ang bilis ng pagbabasa batay sa Pahina | 5
hirap ng teksto o babasahin at personal na kakayahan sa
pagbasa.
Biswalisasyon ng binabasa. May kakayahan ang mambabasa
na makabuo ng mga larawan sa kaniyang isip habang
nagbabasa, gamit ang mga impormasyon mula sa mga
babasahin at imbak na kaalama.
Pagbuo ng Koneksiyon. Nasusukat kung talagang
nauunawaan ng mambabasa ang isang teksto. Dito
pinayayaman ang ugnayan sa pagitan ng teksto at imbak na
kaalaman upang matiyak ang komprehensiyon.
Paghihinuha. Ang koneksiyon ng impormasyon mula sa
teksto at imbak na kaalaman upang bumuo ng mga pahiwatig
at kongklusyon at kasagutan sa kalalabasan ng teksto.
Pagsusubaybay sa komprehensiyon. Pagtukoy sa mga
posibleng kahirapan sa pagbasa ng teksto at paggawa ng mga
hakbang upang masolusyunan ito. Halimbawa, kung may isang
salitang mahalaga at susi upang maunawaan ang buong teksto,
maaaring sumangguni sa diksyunaryo ang mambabasa.
Muling pagbasa. Kung hindi naunawaan ng mambabasa ang
tesktong kanyang binasa nagaganap ang muling pagbasa,
upang mas mabigyang linaw at maintindihan ang kanyang
binasa.
Pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto. Sa pagbabasa
lumalawak ang ating bokabularyo at madalas sa ating mga
babasahin ay may mga di-pamilyar na mga salita. Ditto
pumapasok ang paggamit ng iba’t ibang estratehiya upang
alamin ang kahulugan ng mga di-pamilyar na salita batay sa iba
pang impormasyon sa teksto.
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T BANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Pahina | 6

III. Pagkatapos Magbasa

Mga dapat isagawa pagkatapos magbasa


❖ Pagtatasa ng komprehensyon
❖ Pagbubuod
❖ Pagbuo ng sintesis
❖ Ebalwasyon
Pagtatasa ng komprehensyon – Pagsukat sa naging kaalaman at pag-
unawa ng isang mambabasa, Dito nagaganap ang pagsagot sa iba’t ibang
tanong tungkol sa binasa.
Pagbubuod – Isang proseso ng pagpapaikli ng isang teksto sa
pamamagitan nito, natutukoy ng manunulat ang pangunahing ideya at
detalye.
Pagbuo ng Sintesis - Pagbibigay ng perspektiba at pagtingin ng manunulat
batay sa kaniyang pag-unawa.
Ebalwasyon - Pagtataya ng mambabasa sa katumpakan at kaangkupan ng
mga impormasyong nabasa sa teksto.

PAGKILALA SA OPINYON AT KATOTOHANAN

KATOTOHANAN

Ito ay ang mga pahayag na maaaring mapatunayan o mapasubalian sa


pamamagitan ng emperikal na karanasan, pananaliksik, o pangkalahatang
kaalaman at impormasyon.
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T BANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

OPINYON

Ito ay mga pahayag na nagpapakita ng preperensiya o ideya batay sa Pahina | 7


personal na paniniwala at iniisip ng isang tao.

PAGTUKOY SA LAYUNIN, PANANAW, AT DAMDAMIN NG TEKSTO

Dagdag kaalaman:

Sa layunin, tinutukoy rin ang suliranin o pangunahing tanong ng akda na


nais solusyunan ng may-akda.

Mula sa mahusay na pagtukoy ng pananaw, nahihinuha rin ng mambabasa


kung ano ang kahihinatnan ng isang teksto.

Dahil sa damdamin na ipinahayag ng teksto, hindi naiiwasan na ito rin ang


nagiging pakiramdam ng mambabasa sa pagbasa nito. Sa katapusan
ng pagbasa, maaari ding tasahin ng isang mambabasa kung nagtagumpay
ba ang manunulat na iparamdam ang layunin ng teksto

PAGSULAT NG PARAPHRASE, ABSTRAK AT REBYU


PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T BANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Pahina | 8

Ayon kay Bienvenido Lumbera (2000, p.130) Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan,
mahalaga ang pagkakaroon ng isang wikang pambansa na magiging daluyan ng mga
aspirasyon at pagpapahalaga ng mga karaniwang mamamayan. Ito ay dahil mas
katanggap-tanggap ang paggamit ng wikang Ingles sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan
at paaralan, na wikang hindi nauunawaan ng mamamayan.

MGA PANANAW SA PROSESO NG PAGBASA

Bilang isang mag-aaral sa ikalabing-isang Baitang, dapat mong mabatid ang mga pananaw
sa proseso ng pagbasa. Ang layunin nito ay mabigyan ang mga mag-aaral
na tulad mo ng gabay sa pagbasa upang maunawaan mong lalo ang mga binasa at
mapalawak ang iyong pananaw sa pag-aaral sa mga naturang teksto.

1. TEORYANG TOP-DOWN
Ang pag-unawa sa binasa ay nagsisimula sa isip ng mambabasa (top) patungo sa teksto
(down). Naimpluwensiyahan ang teoryang ito ng sikolohiyang Gestalt na nagsasabing ang
pagbabasa ay isang prosesong holistiko (holistic process).

2. TEORYANG BOTTOM-UP
Ang pagbasa ay pagkilala sa mga serye ng mga nakasulat na simbolo upang maibigay
ang katumbas nitong tunog. Ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugtu-yugtong
pagkilala ng mga titik sa salita, sa parirala, sa pangungusap, at sa buong teksto, bago pa
man ang pagpapakahulugan dito.

3. TEORYANG ISKEMA
Pinaniniwalaang ang teksto ay walang kahulugang taglay sa sarili. Ito ay nagbibigay
lamang ng direksyon sa nakikinig o nagbabasa kung paanong gagamitin at mabibigyan ng
pagpapakahulugan mula sa kanilang dating kaalaman.

4. TEORYANG INTER-AKTIV
Binibigyang-diin ng teorya ang pag-unawa bilang proseso at hindi bilang isang
produkto. Sinusuri ang naging proseso sa kasagutan ng mag-aaral. Sa teoryang ito,
mahalaga ang larangan ng metakognisyon na nahihingil sa kamalayan at kabatiran sa
taglay na kaalaman at sa angking kasanayan ng mambabasa.
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T BANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Panuto: Basahin at suriin ang sumusunod na seleksiyon. Tukuyin kung ano ang layunin, Pahina | 9
pananaw, at damdamin nito.

Ang Kultura ng Malling sa Pilipinas

Laganap ang mga mall at ang kulturang kaakibat nito sa Pilipinas. Sa kasalukuyan,
nangunguna ang SM Supermalls, na pag-aari ng SM Prime Holdings Inc., sa dami ng mga mall sa
buong bansa. Mayroon silang kabuuang 48 na mall sa Pilipinas at maging sa Tsina. Itinayo ni
Henry Sy, Sr. ang kauna-unahang Shoemart, isang tindahan ng sapatos, noong 1958 sa Maynila.
Noong 1960s, lumawak at dumami ang mga tindahang ito ng sapatos. Nagkaroon nito sa mga
setro ng urbanisadong lungsod tulad ng Makati at Cubao. Naging ganap na Department Store ito
noong 1970s kung saan nakilala ito bilang SM. Noong 1980s, lalong lumawak ang saklaw ng SM.
Nagtayo na rin ang kompanya ng mga supermarket at home appliance center. Pinakaunang
itinanghal na SM Supermall ang SM City North EDSA.

Sa kasalukuyan, kahit saan ka pumunta ay may SM. Madalas pa ngang nagiging


palatandaan ng isang lugar ang SM o kaya ay ruta ng mga pampublikong sasakyan. Bahagi na ng
buhay ng mga Pilipino ang mall. Lahat ng pangangailangan mula sa damit, sapatos, pagkain,
sinehan, gadget, at kung anu-ano pa ay nasa mall nang lahat. Madalas na nagiging pasyalan ito
kahit na walang bibilhin, dahilan para mauso ang konsepto ng “window shopping” o yaong
patingin-tingin lamang pero hindi naman bibili. Sa mga panahong mainit ang panahon, mall din
ang dinarayo ng mga Pilipino upang magpalamig. Tunay ngang naging bahagi na ng kulturang
Pilipino ang malling.

Bukod sa Bahagi na ito ng kultura, Mahalaga ring tukuyin ang malling bilang manipestasyon ng
matinding konsumerismo ng mga Pilipino. Bilang bansang nasa ikatlong daigdig na tagatanggap
ng mga yaring produkto mula sa ibang bansa, lunsaran ang mall ng pinagsama-samang produkto
ng mauunlad na bansa na hindi kayang gawin ng mga industriya sa Pilipinas. Ginagamit ang mall
upang magpakilala ng mga bagong pangangailangan at kagustuhan sa mga konsyumer para sa
pagpapatuloy sa paggalaw ng ekonomiya. Pinalalaganao ng malling ang napakababaw na
materyalismo, kung saan itinumbas ng tao ang personal na aspirasyon sa pagkamit ng mga
material na bagay.

Bilang matalinong konsyumer, paano mo sinusuri at ginagamit sa iyong kapakinabangan


ang pagkakaroon ng mall sa iyong lugar?
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T BANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

1. Layunin

Pahina | 10

2. Pananaw

3. Damdamin

B. Sumipi ng tig-dalawang pahayag na nagpapakita ng opinyon at katotohanan mula sa


binasang seleksiyon.

Katotohanan
1.____________________________________________________________________
2.____________________________________________________________________
Opinyon
1._____________________________________________________________________
2.____________________________________________________________________
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T BANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

ISAISIP
Anu-ano ang nakukuhang kapakinabangan ng isang tao
sa pagbabasa?
Pahina | 11
✓ Ang pagbabasa ay karunungan. Ang malalim na
pagkatuto sa masining na pagbasa ay mabisang
instrument sa pangangalap at pagtuklas ng iba’t
ibang uri ng karunungan. Anumang mabuting
aklat-sanggunian ay baul ng bagong kaalaman.
✓ Ang layunin ng naman ng mambabasa ay
magkaroon ng pangkalahatang pagapalagay sa
pinaka pangunahing salita, kailangang gamitin
ang mabilisang pagbasa
✓ Ang paaral na pagbasa ay ginagawa sa pagkuha
ng pangunahing detalye at ang pagsasama-sama
ng maliliit na kaisipan upang magkaroon ng
mahusay at tumpak na pagkakaunawa.

MGA TERMINO

SINTESIS - Ang isang KOMPREHENSYON - Ang


syntehis o sintesis ay ang komprehensyon ay ang pag-
buod o pinakamaikli pero unawa o pag-intindi sa
pinaka importanteng naririnig o sa nilalaman ng
impormasyon galing sa isang isang teksto.
kwento o pangyayari. Hindi
ito isang panibagong kwento
ngunit ang pinakaikling BUOD - ito ay ang pinaikli o pinaiksing
pagsasadula ng mga bersyon ng isang teksto. Ito ay maaaring
importanteng ganap sa isang pinanood,pinakinggan o nakasulat.
kwento.
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T BANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

PAGTATAYA
Panuto: Tukuyin kung ang sumusunod na kasanayan ay ginagawa bago,
habang, o pagkatapos magbasa. Piliin sa kahon ang wastong sagot sa bawat Pahina | 12
aytem at isulat ito sa patlang.

A. Bago Magbasa
B. Habang Nagbabasa
C. Pagkatapos Magbasa

_______ 1. Pagbuo ng mga biswal na imahen

_______ 2. Previewing ng tekto o mabilis na pagsusuri sa genre at halaga nito sa


layunin ng pagbasa.

_______ 3. Pagbuo ng organisasyon sa mga impormasyong nakuha sa teksto.

_______ 4. Muling pagbasa sa mga hindi maunawaang bahagi.

_______ 5. Ebalwasyon sa katumpakan at kaangkupan ng aklat.

_______ 6. Pagsulat ng rebyu ng isang aklat.

_______ 7. Pagtukoy sa kahulugan ng mga salitang hindi maunawaan sa


Pamamagitan ng pag-uugnay sa iba pang impormasyong ibinibigay ng teksto.

_______ 8. Pagbubuod o paggawa ng sintesis ng isang akda.

_______ 9. Paghihinuha

_______ 10. Pagtantiya sa bilis ng pagbasa.

REFERENCES
Crizel Sicat-De Laza (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang teksto tungo sa
pananaliksik. [Unang edisyon.]. Quezon City: REX Book Store.
Servillano T. Marquez. (2017). PINTIG Senior High School - Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik (Batayang Aklat). SIBS Publishing House Inc. 927
Quezon Avenue, Quezon City.
https://web.facebook.com/TriviaAndFactsPhilippines Trivia and Facts Philippines | Facebook
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T BANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksik module 2 - YouTube


https://youtu.be/z1qwEeYx3D4
teorya ng pagbasa - YouTube https://youtu.be/uTvuBs2x2po
Teoryang Bottom Up at Teoryang Top Down - YouTube https://youtu.be/mINdwcLxJ5o
Pahina | 13
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T BANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Pahina | 14

You might also like