You are on page 1of 1

EsP 8 - 4TH QUARTER - WEEK 2

Pagsasanay 1: Panuto: Basahin ang sitwasyon sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
Sitwasyon: Halos magkatapat ang mga silya ninyo ng kaklase mong si Paolo. Sobra siyang mapagbiro at kinakaya-kaya
ang mga tahimik niyong kaklaseng tulad ni Oscar. Habang nagsusulat ang guro at nakaharap sa pisara, hinila ni Paolo
ang kuwelyo ng polo ni Oscar. Napasigaw si Oscar dahil siya ay nagulat at nasaktan. Nang magtanong ang guro kung
sino ang gumawa noon, kaagad na itinuro ni Paolo si Gene na nakaupo sa likuran ni Oscar.
Mga Katanungan:
1. Makatwiran ba ang pagsisinungaling na ginawa ni Paolo? Ipaliwanag ang sagot.
2. Sa inyong palagay, bakit nagsinungaling si Paolo?
3. Kung magpapatuloy ang gawain ni Paolo sa sitwasyon, ano kaya ang magiging bunga nito sa kaniyang pakikisama sa
mga kamag-aral?
4. Kung ikaw si Paolo, paano mo maipakikita ang pagiging matapat sa iyong guro at mga
kamag-aral?

Pangwakas/Repleksyon
Panuto: Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagsasabuhay sa katapatan sa salita at sa gawa
sa pagbuo ng mabuting pagkatao ng isang kabataan. Isulat ang sagot sa kahon sa ibaba.

You might also like