You are on page 1of 3

Unang Lagumang Pagsusuli sa ESP 6 ( 1st Quarter )

Pangalan: ___________________________________________Pangkat at Baitang:___________


Lagda ng Magulang:___________________________________Iskor:______________________

I. Isulat sa patlang ang TAMA kung nagpapakita nang mabuting desisyon at MALI naman kung
hindi.

__________1. Humingi ng pera si Alonzo ngunit ito ay binili nya ng kendi sa halip na lapis.
__________2. Nakita ni Bea na nalaglag ang pera ng kaniyang kaibigan kaya agad niya itong
pinulot at isinauli.
__________3. May proyekto sa Math sina Roy at Rennie. Sila ay humingi sa kanilang nanay
ng tamang halaga para pambayad.
__________4. Sobra ang sukli ng tindera kay Anna at hindi niya ito ibinalik.
__________5. Kumuha ng pera sa pitaka ng nanay niya si Gaspar nang hindi nagpapaalam.
__________6. Nakapulot si Marilyn ng bag sa kalye. Nakalagay sa loob ang pangalan at address
ng may-ari. Nagkataong pag-aari ito ng kaniyang kaklase kaya agad niya itong isinauli.
__________7. Nagpaalam si Evelyn na pumunta sa paaralan subalit sa bahay ng kaibigan ito
pumunta.
__________8. Pinuna ni Marco ang maling timbangan ng tindera sa palengke.
__________9 .Binigyan si Gina ng kaniyang lolo ng isang libong piso para paghahatian nilang
magkakapatid. Hinati niya ito nang wasto at ibinigay sa mga kapatid.
__________10. Itinago at iniuwi ni Bryan ang nvapulot niyang sombrero.

II. Isulat ang TAMA sa patlang kung ang isinasaad ng pangungusap ay wasto at MALI kung ito’y di
wasto.

_______ 1. Mas pinili ni Rio na magpokus sa pag-aaral bago magkaroon ng kasintahan.


Ngayon, mayroon na siyang trabaho na nakasusuporta sa kaniyang pamilya.
_______ 2. Iniwasan ni Marco ang mga kaibigan niya na gumagamit ng ipinagbabawal na
gamot.
_______ 3. Tinatapos niya ang nasimulang proyekto kahit na nahihirapan.
_______ 4. Tumutulong si Jamir sa kaniyang kuya na mag-ipon ng tubig tuwing hapon.
_______ 5. Si Henry ay nagtatrabaho ng part-time sa isang foodhouse habang siya ay nag-
aaral.
_______ 6. Hindi sinusunod ni Marta ang payo ng kaniyang mga magulang na dapat maging
matiyaga sa buhay.
_______ 7. Si Jose ay nagtitiis na maglakad papunta sa paaralan para lamang makapagtapos
sa pag-aaral.
_______ 8. Isa-isang pinulot ni Nica ang mga butil ng bigas na natapon dahil alam niyang
mahalaga ito.
_______ 9. Sumingit sa pilahan ng pagkain sa kantina si Elisse dahil siya ay nagugutom na.
_______10. Nakikipag-unahan sa pila sa palikuran si Miguel dahil gusto niyang maunang
bumalik sa silid-aralan.

III. Isulat sa patlang ang Opo kung ang sitwasyon ay iyong ginagawa at Hindi po naman
kung hindi.

_______ 1. Sinasabi ko kung ano ang nasa aking isipan kahit alam kong may masasaktan na
iba.
______ 2. Nakapagbibigay lamang ako ng pasiya kung alam kong ang magiging resulta nito ay
para sa ikabubuti ng nakararami.
______ 3. Nagtatampo ako kapag hindi nakikiayon ang iba sa aking pasiya.
______ 4. Kahit na sinasalungat ng iba ang aking pasiya, inuunawa ko ang mga ito.
______ 5. Ayaw kong masisi ako ng iba kaya hindi ako nagpapasiya.
______ 6. Naninindigan ako kung ano ang totoo at makabubuti sa lahat bago ako
magpasiya.
______ 7. Pabigla-bigla ako sa pagpapasiya dahil gusto kong may sagot agad ako sa
suliranin.
______ 8. Nagtitimpi ako kung mahinahon akong kinakausap ng iba.
______ 9. Iniisip ko muna ang mga maaaring kalalabasan ng aking pasiya bago ako
gumawa nito.
______10. Sumasakit ang ulo ko kapag nag-iisip kaya umiiling na lang ako kapag tinatanong.
TALAAN NG ESPISIPIKASYON
ESP 6 SUMMATIVE NO.1
1ST QUARTER

KASANAYAN AYTEM %

1. Nakapagsusuri nang mabuti 10 33%


sa
mga bagay na may kinalaman
sa
sarili at pangyayari
2. Nakasasang-ayon sa pasya 10 33%
ng
nakararami kung nakabubuti
ito
3. Nakagagamit ng 10 33%
impormasyon (
wasto / tamang impormasyon)

KABUUAN 30 100%

GINAWA NI:

IMEE GRACE G. RABAGO


Teacher I

You might also like