You are on page 1of 2

BARRETTO WESLEYAN ECUMENICAL SCHOOL, INC

IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA BUWAN NG OKTUBRE


SY 2019-2020
ESP 9

NAME: _____________________________ GRADE & SECTION _______________ DATE __________SCORE __________


I. Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Isulat kung TAMA o MALI ang pagpapasiya.
_______1. Minabuti ni Roan na makinig nang may paggalang at sumusunod sa mga mungkahing alintuntuning
pansilid-aralan ng kanilang class mayor kahit na hindi ito ang kaniyang ibinoto.
_______2. Mabuti ang nais ipatupad ng guro na mag-ipon ng mga plastic na bote ang mga mag-aaral sa kaniyang
klase upang ang pinagbilhan sa junk shop ang siyang gagamitin nila sa feeding program. Bukod dito, latunin din
ng guro na hubugin sa mga mag-aaral ang mga pagpalahalaga na tulad ng kasipagan, pagkamaka-kalikasan,
pagkamaparaan, at lagkamasinop.
_______3. Nang dalhin sa opisina ng Perfect of Discipline dahil sa pagdadala sa paaralan ng ipinagbabawal na mga
bagay ang estudyante sa Grade 9 na si Mike, pinangatwiran niya na sinunod lang niya ang utos ng kaniyang
Officer ng CAT.
_______4. Maraming supply ng de-kalidad at libreng gamot sa Health Center ng Barangay Masigla. Sumobr ito sa
pangangailangan ng mga mamamayang nasasakupan nito kaya nagpasiya ang namamahala na ipagbili ito sa
murang halaga sa kabilang barangay bago pa ito ma-expire.
_______5. Si Aling Joy ay isa sa mga nagtatrabaho sa opisina ng barangay. Minabuti niya na manahimik na lang
nang mabatid niyang ang mga kamag-anak lamang ng Kapitan ang nakakatanggap ng mahahaalgang libreng
serbisyong pangkalusugan at pangkabuhayan sa kanilang barangay.
Pagtambalin ang sumusunod na ideya sa Kolum A sa mga paglalarawan sa Kolum B. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa nakalaang patlang.
Kolum A Kolum B
_______1. Karapatang Pantao A. Karapatang mabuhay
_______2. Katarungang Panlipunan B. Polisiya ng Estado para sa pagkakapantay-pantay ng
karapatang pantao at ng oportunidad para sa lahat upang
magbunga ng pantay-pantay ring resulta.
_______3. Pundamental na karapatang pantao na sakop C. Mga pagpapahalagang nakapaloob sa pagtupad ng
ang pangangalaga sa buhay ng sanggol sa sinapupunan ng tungkulin ng mga mamamayan na makiisa sa mga
ina. maykapangyarihan sibil.
_______4. Commission on Human Rights D. Pangunahing karapatan at kalayaan na nararapat na
ibigay o ipakita sa lahat ng tao.
_______5. Katotohanan, Katarungan, pagkakaisa, at E. Nagsisiyasat ng lahat ng uri ng mga paglabag sa mga
kalayaan. karapatang pantao

II. Tukuyin ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit. Hanapin ang sagot sa kahon at isulat ang titik sa
patlang

Pagkamaparaan Pagkamatulungin
Pagkamaagap Pagkamagalang
Pagkamatipid Pagkamalikhain
Pakikiisa sa mithiin Katapatan
Kasipagan Pagkamatiyaga

_______1. Maagang-maagang nagigising si Mang Jose upang tumulong muna kay Aling Maria sa paghahanda ng
pagkain ng mga anak bago siya pumasok sa opisina dahil ayaw niyang mahuli.
_______2. Umulan man o bumagyo at kung minsan, kahit may iniindang sakit, lumuluwas si Mang Pedro sa
Maynila upang kumpunihin ang mga sasakyan ng kaniyang mga kliyente.
_______3. Isang buwang nakabakasyon ang punong-guro sa paaralang pinapasukan ni Bb. Ramos dahil sa malalang
sakit. Sa kabila nito ay nakatanggap ng papuri at pangaral ang kanilang paaralan dahil sa kahandaan ng mga guro
sa pagdalaw ng mga tagapamasid at matagumpay na pagdaraos ng Pandistritong Paligsahan sa Agham.
_______4. Nanghihinayang si mang Gusting sa mga scrap na telang tinatapon sa pagawaan ng damit na kaniyang
pinapasukan. Nagpaalam siya sa kanilang amo na bibilhin na lamang niya ito sa murang halaga upang gawing
basahan at maipagbili rin niya upang maipandagdag sa regular niyang kita.
_______5. Naipakikita ni Pia ang pagkamalikhain sa mga proyektong kaniyang ginagawa. Subalit napakaikling
panahon lang ang ibinigay sa kanilang grupo ng kanilang guro upang matapos ang mga datos para sa
pagsasaliksik na itinakda. Mas minabuti niya na ituon na mithiin na makapag-ambag ng kaukulang datos upang
matapos at maipasa ang pangkatang proyekto sa tamang oras.
_______6. Pinaalalahanan nina Mang Luis at Aling Agnes ang mga anak na bilhin lamang ang mga bagay na
kinakailngan. Laging nagtatabi ang mag-asawa ng bahagi ng kanilang suweldo para sa pag-aaral ng kanilang anak
o kaya ay sa panahon ng pagkakasakit.
_______7. Dahil sa may sapat na kasanayan at bihasa sa paggamit ng computer at internet, mabilis na natatapisng
sekretaryang si Jannah ang mga pinaggagawa ng amo niya. Kaya naman sa mga bakanteng oras ay
pinapalamutian at pinapaganda niya ang kanilang opisina.
_______8. Tinuruan ni Aling Conching ng tamang paraan ng pag-iimbak ng panindang tocino, longganisa, at karne
ang kapitbahay na sumubok ding magbukas ng tindahan ngunit nalugi dahil sa kakulangan ng kaalaman at
karanasan.
_______9. Mula sa mababang posisyon na may maliit na suweldo, pinagbuti ni Ramon ang kaniyang trabaho at
makalipas ang ilang panahon, siya ay isa na sa mga tagapamahala ng kanilang pinapasukang kompanya.
_______10. May mga pagkakataonh nasisigawan at pinagsasalitaan ng masasakit si Jed na isang Senior Scout ng ilang
magulang o tagapaghatid ng mga batang mag-aaral na nahuhuli sa morning assembly. Nananatili siyang
mahinahon at mapagpasensiya upang maipakita ang mabuting halimbawa ng wastong pakikitungo sa kapwa.

III. Magbigay ng ilang pagpapahalagang may kinalaman sa paggawa ng mga Pilipino. (5pts)
1. _____________________________________
2. _____________________________________
3. _____________________________________
4. _____________________________________
5. _____________________________________

Inihanda ni:
Bb. Lyn D’ Amor M. Macabulit
No one expects you to be the best but just expects you to do your best

You might also like