You are on page 1of 25

MTB - MLE 2

Ikalawang Markahan
Ikapitong Linggo
Modyul 7
Aralin 1: Impormasyon Mula sa
Patalastas o Anunsyo
• Natutukoy ang mahalagang impormasyon na
nasa patalastas o anunsyo,
• Naiisa-isa ang mahalagang impormasyon na
nasa patalasts o anunsyo.
Balik-tanaw

Panuto: Isulat sa kwaderno ang S kung ito ay


tumutukoy sa Simili at M kung Metapora.

S Animo’y perlas sa puti ang mga ngipin ni Allen.


____1.
M Si Elena ay isang magandang bulaklak.
____2.
S Ang kanilang bahay ay malapalasyo sa laki.
____3.
S Ang puso ng isang babae ay katulad ng isang
____4.
basong babasagin.
M Tila isang anghel ang nag-aalaga sa akin mula
____5.
ako ay bata pa.
Unang Pagsubok

Panuto: Isulat sa kwaderno ang Tama kung wasto ang


sinasaad ng pangungusap at Mali kung hindi wasto.
Tama Ang mga tao ay tumitingin sa mga patalastas
_____1.
upang malaman ang mga impormasyon dito.
Mali Kinakailangang mahaba ang isang patalastas.
_____2.
Mali Hindi kailangan ng wastong bantas at pagsulat
_____3.
sa malaking letra ang isang patalastas.
Tama Ang isang patalastas ay kailangang maglaman
_____4.
ng mahahalagang impormasyon.
Tama Tiyak ang paksa sa isang patalastas.
_____5.
Maikling Pagpapakilala sa Aralin

Ang patalastas ay naglalayong maipabatid


sa mga mambabasa ang mahahalagang
impormasyon na nakapaloob dito. Ang mga
mahahalagang impormasyong nakapaloob sa
patalastas ay sumasagot sa tanong na Ano, Sino,
Saan at Kailan.
Basahin ang Kuwento

“Mag-recycle Tayo”
Basahin ang Kuwento

Araw ng Linggo, ang mag-anak na Cruz ay


samasamang gumising nang maaga. Ang lahat ay
salo-salo sa kanilang agahan. Pagkatapos magsikain
ay agad pumunta ang magkakapatid na Johan,
Justin at Jasmin sa kanilang garahe upang maglinis.
Inipon ng magkakapatid ang mga bote, dyaryo, at
iba pang patapong bagay sa isang sako upang itapon
iyon.
Basahin ang Kuwento

Pagkatapos maglinis ng kanilang garahe ay agad


namang nagpunta sa kani-kanilang kwarto ang
magkakapatid upang magligpit at maglinis. Lahat ng
kanilang nakitang mga kalat ay isinilid nila sa isang
sako upang itapon sa basurahan.
Natapos ang araw ng Linggo na pagod ang mga
bata ngunit masaya sila na nalinis nila ang
kasuloksulukan ng kanilang bahay.
Basahin ang Kuwento

Kinabukasan ay maagang nagising ang


magkakapatid upang pumasok sa paaralan. Pagdating
sa paaralan ay naglakad ang mga ito patungo sa
kanilang mga silid-aralan. Bago pa man sila
makapasok ng kanilang silid-aralan ay agad napansin
ni Johan ang nakapaskil sa kanilang pisara.
Basahin ang Kuwento
Basahin ang Kuwento

Dali-daling nagpunta ang magkakapatid upang


magpatala kay Gng.Getigan.
Masayang nagusap-usap ang magkakapatid kung ano-
ano ang gagawin sa mga kagamitang kanilang naipon
mula sa mga patapon ng mga gamit nang sila ay
naglinis
ng bahay.
• Ang Patalastas o anunsyo ay ginagamit upang
ipagbigay alam sa mga tao ang nakasaad dito.

• Maikli lamang ang mensahe sa bawat patalastas.

• Nakapaloob sa isang patalastas ang mahahalagang


impormasyon na sumasagot sa mga tanong na (Ano,
Kailan, Sino at Saan).
Ano – tumutukoy sa paksang nais ipabatid
Sino – tumutukoy sa taong nagpapaabot ng
impormasyon
Kailan – tumutukoy sa eksaktong oras na gaganapin
ang patalastas
Saan – tumutukoy sa lugar na pangyayarihan ng

• Nasusulat ito ng malinaw at madaling basahin upang


maipabatid ng maayos sa mga mambabasa.
Gawain 1
Panuto:Basahin ang patalastas na nasa loob ng kahon at sagutan ang mga
tanong tungkol dito. Isulat sa kwaderno ang letra ng tamang sagot.
Panuto:Basahin ang patalastas na nasa loob ng kahon at
sagutan ang mga tanong tungkol dito. Isulat sa kwaderno
ang letra ng tamang sagot.

A _____ 1. Ano ang nakapaloob sa patalastas?


A. Pagpupulong sa mga magulang
B. Pagpupulong sa mga kawani ng paaralan
C. Palarong Manila

A _____ 2. Kailan gaganapin ang pagpupulong?


A. Ika-8 ng Pebrero, 2021
B. Ika-16 ng Marso, 2020
C. Ika-29 ng Hunyo, 2020
B _____ 3. Anong oras sisimulan ang nasabing pagpupulong?
A. Ika-6 ng umaga
B. Ika-8 ng umaga
C. Ika-10 ng umaga
A _____ 4. Saan gaganapin ang pagpupulong?
A. Auditorium Hall
B. klinika
C. Covered Court
C _____ 5. Kanino ipagbibigay alam ang pagpupulong?
A. guro
B. mag-aaral
C. magulang
Gawain 2

Panuto: Basahin ang patalastas na nasa loob ng kahon.


Sagutan ang mga katanungan sa Hanay A at piliin ang letra
ng tamang sagot sa Hanay B at isulat ang sagot sa kwaderno.
Gawain 2
Tandaan
• Ang patalastas o anunsyo ay ginagamit
upang maipabatid sa mga tao ang mga
impormasyon tungkol dito.

• May mahahalagang impormasyon na


sumasagot sa mga tanong na (Ano, Sino,
Kailan, Saan).
Pangwakas na Pagsusulit
Panuto:Basahin ang patalastas na nasa loob ng kahon. Sagutan ang
mga katanungan tungkol dito. Isulat ang iyong sagot sa
kwaderno.
Patalastas
Patalastas Ipinababatid sa lahat ng mag-aaral na ang Paaralang
Miramar ay magdaraos ng Pistang Pambata sa darating na Pebrero
15, 2021.

Magkakaroon ng pagpapakitang gilas sa pagsayaw ng mga


katutubong sayaw, pag-awit, pagtula, at pagguhit. Ang bawat mag-
aaral ay inaanyayahang makibahagi sa mga nasabing gawain.

Gaganapin ang nasabing patimpalak sa Gymnasium ganap na ika-1


ng hapon.
1. Tungkol saan ang patalastas?
_________________________
2. Saan gaganapin ang pagdiriwang?
_________________________
3. Kailan ito gaganapin?
__________________________
4. Sino-sino ang inaanyayahang
makibahagi?
__________________________
5. Ano-ano ang kanilang ibabahagi?
__________________________
Takdang-Aralin
Panuto: Gumawa ng iyong sariling patalastas
o anunsyo na sumasagot sa
impormasyong Ano, Sino, Saan at
Kailan. Gawin ito sa iyong kuwaderno
sa MTB.
Karagdagang Gawain
A. Panuto: Basahin ang anunsiyo sa ibaba. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot
sa iyong kuwaderno.
Karagdagang Gawain

1. Anong programa ang ilulunsad sa paaralan?


A. Araw ng Pamilya
B. Araw ng mga Puso
C.Araw ng mga Guro
D. Araw ng Kalayaan
2. Kailan idaraos ang programa?
A.Mayo 13, 2020
B. Mayo 23, 2020
C.Marso 13, 2020
D.Marso 23, 2020
3. Sino ang mga dadalo sa programa?
A. mga batang lalaki
B. mga batang babae
C.mga pulis at sundalo
D. mga magulang at mag-aaral
Karagdagang Gawain

4. Saan gaganapin ang programa?


A. kantina
B. himnasyo
C.silid-aralan
D. silid-aklatan

5. Kanino makikipag-ugnayan para sa karagdagang impormasyon?


A. kapitbahay
B. kamag-aral
C.nanay at tatay
D. gurong tagapayo

You might also like