BY: Jhon Kenneth L. Mangua Hi Magandang araw. Ako nga pala si Jhon Kenneth Mangua galling sa BM 1-3 at ang aking ibabahagi sa inyong kwento ay nangyari sa totoo kong buhay. Ako’y natatawa pa rin hanggang ngayon sa tuwing naaalala ko ang kwentong ito.
Ang kwento na ito ay tungkol sa aking hinahangaan o crush. Naging crush
ko siya nung high school days ko, mula grade 7 hanggang grade 9 crush ko na siya tapos naging klasmeyt ko siya noong grade 7 ako, nagsimulang magkaroon ako ng nararamdaman sa kanya dahil sa pagtutukso sa amin sa silid aralan at isa sa mga nagustuhan ko sa kanya ay mabait, maganda, at matalino sa klase at kinakausap ko siya tuwing recess at nagboboluntaryo ako sa kanya para ako na lang ang bumili ng mga gusto nya na bilhin sa canteen para hindi siya mapagod at minsan binibigyan ko siya ng papel kapag wala siyang papel na magamit.
Isang araw ay inamin ko ang aking nararamdaman, pagtapos sinabi niya na
wala raw syang nararamdamang pagmamahal sa akin nalungkot ako noong mga oras na iyon sinabi niya na hanggang magkaibigan lang talaga kami. Natapos na ang taon namin noong grade 7 hindi na kami magkaklase mula grade 8 hanggang grade 10, pero crush ko pa rin siya mula grade 8 hanggang grade 9 kasi parehas kami ng paaralan at sobrang saya ko tuwing nakikita ko siya at sobrang saya ko dahil natuto ako ng marami mula sa kanya pagdating sa pag-ibig at tanggap ko na ang nangyari na hanggang magkaibigan lang kami at masaya ako para dito.