You are on page 1of 9

Page |1

Filipino 10

FILIPINO 10
Ikalawang Markahang Pagsusulit

Pangalan: ___________________________________Pangkat: ________________ Iskor: ________

Panlahat na Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang.


Para sa bilang 1-7.
Ang pagguho ng paniniwala at tiwala sa pamahalaan—iyan ang tunay na suliranin na dapat
nating harapin. Nagbubunga ito ng pagguho ng tiwala ng mamamayan sa liderato ng bansa; ng
pagguho ng tiwala sa sistemang hudisyal; ng pagguho ng kompiyansa sa kakayahan ng mga lingkod-
bayan upang mas maging maayos ang búhay ng sambayanan, maging mas ligtas silá, at mas malusog.
Nakita ko kung paano sairin ng korupsiyon ang pondo ng bayan, na inilaan upang iahon ang
mahihirap mula sa lusak na kanilang kinasadlakan.
Nakita ko kung paano wasakin ng mga ipinagbabawal na gamot ang mga indibidwal at durugin
ang mga relasyong pampamilya.
Nakita ko kung paanong ang kriminalidad, sa lahat ng paraang magdaraya, ay hinahablot sa
mga inosente at di-mapaghinala ang maraming taon ng pagtitipid para makaipon. Mga taon ng
pagsisikap upang, bigla, bumalik sila kung saan nag-umpisa.
Bilang abogado at dating tagausig, batid ko ang hanggahan ng kapangyarihan at awtoridad ng
pangulo. Alam ko kung ano ang legal at kung ano ang hindi.
Ang katapatan ko sa wastong proseso at pananaig ng batas ay hindi matitinag.
Gawin ninyo ang inyong trabaho at gagawin ko ang trabaho ko. “Malasakit. Tunay na
Pagbabago.
Sipi mula sa Talumpati ni Rodrigo Duterte sa kaniyang Inagurasyon
_____ 1. Ang salitang may salungguhit sa ikatlong talata ay nangangahulugang _____________.
A. sirain B. guluhin C. buuhin D. ayusin
_____ 2. “Nakita ko kung paano wasakin ng mga ipinagbabawal na gamot ang mga indibidwal at durugin ang
mga relasyong pampamilya.” Batay sa akda, katangian ng pangulo ang pagiging
A. mapagmasid B. mapanuligsa C. mapang-api D. matalino
_____ 3. “Bilang abogado at dating tagausig, batid ko ang hanggahan ng kapangyarihan at awtoridad ng
pangulo. Alam ko kung ano ang legal at kung ano ang hindi.”Ang pahayag ay nagsasaad ng
A. opinyon B. katotohanan C. positibo D. negatibo
_____ 4. “Gawin ninyo ang inyong trabaho at gagawin ko ang trabaho ko. “Malasakit. Tunay na Pagbabago.”
Batay sa pahayag, layunin ng pangulo na ___________.
A. manuligsa B. mangaral C. manghikayat D. mang-aliw
_____ 5.“Ang katapatan ko sa wastong proseso at pananaig ng batas ay hindi matitinag” Batay sa pahayag,
ang katangiang ipinamalas ng pangulo ay ___________.
A. may paninindigan B. matapat C. matapang D. may isang salita
_____ 6. Ang tinutukoy ng pangulo na tunay na suliranin na dapat harapin ay ______________.
A. pagwasak ng droga sa pamilya at buhay ng isang indibidwal
B. pagkawala ng tiwala at paniniwala sa pamahalaan
C. pagsaid sa korupsyon sa pondo ng bayan
D. paglipana ng mga kriminalidad
_____ 7“Nakita ko kung paano sairin ng korupsiyon ang pondo ng bayan, na inilaan upang iahon ang
mahihirap mula sa lusak na kanilang kinasadlakan.” Ipinahihiwatig ng pahayag na _________.
A. ang dating umupong pangulo ay kurakot
B. ang korapsyon ay hadlang sa pag-unlad ng bayan

MARBEL 7 NATIONAL HIGH SCHOOL


Barangay Topland, City of Koronadal
School ID: 304672
Page |2
Filipino 10

C. galit ang kasalukuyang pangulo sa pulitikong nangungurakot


D. hindi nagtatagumpay ang pulitikong nangungurakot sa pondo ng bayan

Para sa bilang 8- 14

Di ko akalain sa pagbubukas ng pinto, sorpresa’y nakaabang. “Happy Birthday anak!”,


bati ni inay, sabay abot ng munting regalo. Hindi napigilang mapaluha, sabay yakap nang
mahigpit.
Araw at gabi pinag-aaralan. Bawat letra kinakabisa, pilit inaabot malalayong linya,
dinidiing mabuti, makabuo ng musika.
“Anak, dito ang tamang posisyon ng letrang iyan”, pagtatama ni inay.
Dala-dala ang regalo, syempre di mawawala, isang dosenang pink na rosas.
Sinimulang tugtugin ang bawat letra. Natapos ang awit, sabay nito ang pagbuhos ng luha.
Yakap-yakap ang nag-iisang alaala.
“Happy Birthday, nay”, sabay hawak sa lapida.
Gitara ni Judy Ann Siva
_____ 8. Ang binasang akda ay isang _________.
A. dagli B. sanaysay C. talumpati D. maikling kuwento
_____ 9. Ang pangunahing tauhan ay isang ____________.
A. anak B. kapatid C. kaibigan D. estudyante
_____ 10. Ang unang talata ay nagpapahiwatig ng senaryo ng ____________.
A. kagalakan B. kalungkutan C. kasiphayuan D. kapanabikan
_____ 11. Ang persona sa ikalawang talata ay mahihinuhang _____________.
A. tumitipa ng piyano C. kumukuskos ng kwerdas
B. hinihipan ang trumpeta D. hinahampas ng tambol
_____12. Ang nasalungguhitan sa ikatlong talata ay gumamit ng bahagi ng panalitang __________.
A. pangngalan B. panghalip C. pandiwa D. pang-uri
_____ 13. Ang ikapitong talata ay nagsasaad na ang lokasyon ay nasa _____________.
A. parke B. simbahan C. paaralan D. sementeryo
_____14. Ang binasang akda ay may genre na ___________.
A. Trahedya C. melodram
B. Komedya D. proberbyo

Para sa bilang 15- 21

Ipagpalagay na bilog ang oras, muling nagbabalik sa kaniyang simula. Muling umuulit ang
daigdig, tiyak na tiyak, walang hanggan.
Sa maraming dako, hindi batid ng mga tao na paulit- ulit ang kanilang buhay. Hindi batid ng
mangangalakal ang kanilang paulit-ulit na pagtatalumpati sa umiikot na panahon. Pahahalagahan ng
mga magulang ang unang hagikhik ng kanilang mga anak na tila hindi na nila ito maririnig pang muli.
Sa daigdig na ang oras ay bilog, bawat pakikipagkamay, bawat halik, bawat pagsilang, bawat
salita, ay tiyak na mauulit-ulit. Tiyak ding mauulit nang mauulit ang katapusan ng pagkakaibigan, ang
pagkawasak ng pamilya dulot ng salapi, ang bawat maanghang na alimura sa tuwing nag-aaway ang
mag-asawa, ang bawat ipinagkait na pagkakataon dulot ng panibugho ng isang boss, ang bawat
pangakong hindi tinupad.
Sa mundong ito, umaagos tulad ng tubig ang oras, manaka-naka’y nalilihis ng isang piraso ng
basura, ng nagdaraang agayay. Paminsan-minsan, ang isang kaguluhang komiko ang maglilihis sa sapa
ng oras patungong pangunahing ilog, maglalandas sa pasalungat na agos. Kapag nangyari ito, sa sapa
ng oras patungong pangunahing ilog, maglalandas pasalungat na agos. Kapag nangyari ito, dadalhin sa
nakalipas ang mga ibon, lupa at taong naanod ng pabalik na sanga ng ilog.

Halaw sa Mga Panaginip ni Einstein


MARBEL 7 NATIONAL HIGH SCHOOL
Barangay Topland, City of Koronadal
School ID: 304672
Page |3
Filipino 10

_____ 15. “Hindi batid ng mga mangangalakal ang kanilang paulit-ulit na transaksyon.” Ang may
salungguhit ay nangangahulugang _________________.
A. pansin B. lingid C. alam D. ramdam
_____ 16. “Sa maraming dako, hindi batid ng mga tao na paulit-ulit ang kanilang buhay.” Tinutukoy ng
pahayag ang ________________.
A. siklo ng buhay C. suliranin sa buhay
B. kapalaran sa buhay D. pagiging abala sa buhay
_____ 17. “Pahahalagahan ng magulang ang unang hagikhik ng kanilang mga anak na tila hindi na nila
maririnig pang muli.” Ang uri ng tayutay na mababakas sa pahayag ay ___________.
A. pagtutulad B. pagwawangis C. pagmamalabis D. pagtatao
_____18. Inilalahad ng ikatlong talata ang _______________.
A. kabalintunaan sa buhay C. kababalaghan sa buhay
B. hiwaga ng buhay D. katotohanan ng buhay
_____19. Ang salitang may salungguhit sa ikatlong talata ay nangangahulugang _____________.
A. pagkagalak B. pagkatuwa C. pagkainggit D. pagkainis
_____20. Mahihinuha sa ikaapat na talata ang gintong kaisipan na ________________.
A. kung may itinanim, may aanihin
B. habang may buhay, may pag-asa
C. nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa
D. ang masamang gawain ay di nagbubunga ng kabutihan
_____21.Ang aral na mapupulot sa akda ay ________________.
A. umiikot ang oras C. lumilipas ang panahon
B. laging pahalagahan ang oras D. alipin ng oras ang tao

Para sa bilang 22-29


Si Medusa at ang kaniyang dalawang kapatid na babae ay tinatawag na Gorgon.
Sila’y mga pangit na babae at nakatatakot tingnan. Si Medusa ay hindi dating pangit na
babae.
Noong kaniyang kabataan, siya ay magandang-maganda. Doon siya nakatira sa
dakong hilaga ng daigdig na hindi sinisikatan ng araw. Ipinakiusap niya kay Atena na siya
ay hayaang tumira sa dakong timog na laging sinisikatan ng araw. Hindi siya pinaunlakan
ng diyosa. Nagalit si Medusa. Sinabi niyang kaya ayaw payagan ng diyosa ay sapagkat higit
siyang gaganda kaysa kay Atena. Dahil sa sinabi niyang iyon, pinarusahan siya ni Atena.
Naging mga ahas ang maganda at kulot na buhok, mga buhay na ahas na namumulupot sa
kaniyang ulo. At hindi lamang iyon, ang sinumang makatunghay sa kaniyang mukha ay
nagiging bato. Ang sikat ng araw ay kaniya na ngayong kinatatakutan.
Halaw sa Si Medusa

_____ 22. “Hindi siya pinaunlakan ng diyosa.” Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang
A. pinakinggan B. pinagbigyan C. pinagmalasakitan D. pinagsilbihan
_____ 23. “Ang sinumang makatunghay sa kaniyang mukha ay nagiging bato.” Ipinahihiwatig sa pahayag na
si Medusa ay _________.
A. pinagalitan B. pinabayaan C. pinarusahan D. pinahirapan
_____24. Hindi siya pinaunlakan ng diyosa. Nagalit si Medusa. Ang may salungguhit ay nasa anong kaganapan
pandiwa?
A. aktor B. layon C. tagatanggap D. sanhi
_____25. Hindi pinaunlakan ni Atena ang kahilingan ni Medusa sapagkat ______________.
A. likas na sakim si Atena
B. isang mortal si Medusa
C. hindi mapagkatiwalaan si Medusa
D. takot siyang mas gumanda si Medusa sa kaniya

MARBEL 7 NATIONAL HIGH SCHOOL


Barangay Topland, City of Koronadal
School ID: 304672
Page |4
Filipino 10

_____26. Ang tema ng akda ay nakatuon sa sumusunod maliban sa ________________.


A. pag-uugali ng tao C. pinagmulan ng daigdig
B. mga aral sa buhay D. katangian at kahinaan ng tauhan
_____ 27. “Ang sikat ng araw ay kaniya na ngayong kinatatakutan.” Ang may salungguhit ay nasa anong pokus
ng pandiwa?
A. aktor B. layon C. tagatanggap D. sanhi
_____ 28. “Ang sinumang makatunghay sa kaniyang mukha ay nagiging bato.” Ang pahayag ay may bisa sa
__________.
A. kaasalan B. kaisipan C. suliranin D. damdamin
_____29. Ang akda ay isang halimbawa ng mitolohiya sapagkat ang tauhan ay ______________.
A. napakalakas at makapangyarihan
B. sumasalamin sa kultura ng isang bansa
C. nagtataglay ng katangiang supernatural
D. may katangiang kakaiba at kahanga-hanga
Para sa bilang 30- 37

Isip- Tao
ni Jose Villa Panganiban

I. Nadukal ng tao ang laman ng lupa III. Paano’y talagang walang katapusan
naarok ang lihim ng dagat at sapa ang mga hiwaga at kababalaghan, -
at natunton pati ang landas ng tala, sa bawat hinaton ng sangkalikasan
subalit ang langit ay daan ng lupa. sanlibong himala yaong nabubuksan!

_____30. Ang persona sa tula ay isang ___________.


A. taong mapanuri B. ama C. mangingibig D. siyentipiko
_____31. Ang mga salitang may salungguhit sa unang saknong ay ______________.
A. magkasintunog C. magkasalungat ang kahulugan
B. magkatugma D. magkasingkahulugan
_____32. Ipinahihiwatig ng ikalawang saknong na ang tao ay ______________.
A. kontento sa buhay C. may limitasyon o kahinaan
B. mapagmasid sa paligid D. mapanaliksik sa mga bagay-bagay
_____ 33. “Tila ang mabuti’y ang tayog ng isip” Ang ganitong pahayag ay gumamit ng tayutay na
A. pagtutulad o simili C. pagsasatao o personifikasyon
B. pagwawangis o metapora D. pagmamalabis o hayperboli
_____34. Sa ikatlong saknong, ang mga salitang magkasingkahulugan ay makikita sa taludtod _____.
A. una B. ikalawa C. ikatlo D. ikaapat
_____35. Ang ikaapat na taludtod ng ikatlong saknong ay gumamit ng tayutay na _______.
A. pagtutulad o simili C. pagsasatao o personifikasyon
B. pagwawangis o metapora D. pagmamalabis o hayperboli
_____36. Ang ikalawang saknong ng tula ay may tugmang _____________.
A. lmnngrwy B. bkdgpst C. katinig-patinig D. patinig-katinig
_____37. Ang ilaw ng langit sa ikaapat na taludtod ng ikaapat na saknong ay napabilang sa elemento ng tula na
_____________.
A. simbolismo B. talinghaga C. tugma D. denotasyon

MARBEL 7 NATIONAL HIGH SCHOOL


Barangay Topland, City of Koronadal
School ID: 304672
Page |5
Filipino 10

Para sa bilang 38- 43.


Leonato: Kumusta, kapatid? Nasaan ang aking pamangking lalaki na iyong anak? Naiayos na ba niya ang
musika?
Antonio: Ito ang inaasikaso niya ngayon. May naiiba akong balita sa iyo.
Leonato: Magandang balita ba iyan?
Antonio: Oo naman. Narinig ng isang utusan ang pag-uusap sa hardin ng Prinsipe at ni Claudio.
Ipinahayag ng Prinsipe na mahal niya ang iyong anak na si Hero at ibig itong ipagtapat sa
kaniya mamayang gabi sa sayawan. Kung sasang-ayon si Hero, hihingin na rin niya ang kamay
nito sa iyo mamayang gabi.
Leonato: May isip ba ang taong nagsabi nito sa iyo?
Antonio: Napakatalino. Ipatatawag ko siya at ikaw na ang magtanong sa kaniya.

_____ 38.“May isip ba ang taong nagsabi nito sa iyo?” Batay sa pahayag, si Leonato ay ____________.
A. mapanghusga B. mapanuligsa C. mausisa D. mapagmanman
_____39. “Kailangang malaman talaga ito ng anak ko para makapaghanda siya ng isasagot, kung sakali”. Ang salitang
may salungguhit ay pang-abay na _____________.
A. panang-ayon B. pananggi C. pamaraan D. pang-agam
_____40. Ang bilang na nagsasaad ng pokus sa ganapan sa pahayag na, “Ibig itong ipagtapat sa
kaniya mamayang gabi sa sayawan” ay ____________. 1
2 3 4
A. 1 B. 2 C. 3 D. 4
_____41. Batay sa akda, ang balitang tinutukoy ni Leonato kay Antonio ay tungkol sa ____________.
A. pagtingin ng Prinsipe kay Hero C. pagmamalasakit ng Prinsipe kay Leonato
B. pagkakaroon ng piging sa palasyo D. pag-uusap ng Prinsipe at Claudio sa hardin
_____42. “Hindi, hindi. Ipalagay nating isa itong pangarap hanggang malantad ang katotohanan. Pero,
kailangang malaman talaga ito ng anak ko para makapaghanda siya ng isasagot, kung sakali.” Ang
damdaming nangingibabaw sa pahayag ay _____________.
A. pagkabahala B. pagkalungkot C. pagkatuwa D. pagkabalisa
_____43. Kung sasang-ayon si Hero, hihingin na rin niya ang kamay nito sa iyo mamayang gabi. Ang may salungguhit
ay nangangahulugang _________________.
A. magpapabinyag ng anak upang maging ganap na Kristiyano
B. magtuturo ng magandang balita tungkol sa kasipagan sa kapwa.
C. magpapaalam sa magulang ng bababe upang pakasalan ang anak
D. magsusuyuan ang magkasintahan bilang tanda ng kanilang pag-ibig
Para sa bilang 44- 50
Ipinang-apak ni Bibi sa mga pedal ang kaniyang mga pang nasasapatusan ng seda; pagkatapos inartehan
niya ang maliit niyang mukha, diretso ang tingin sa malayo, at inangat niya ang kanyang kanang kamay. Isang
kayumanggi, bubot na munting kamay; pero matibay ang kanyang galang-galangan at hindi tulad ng sa isang bata,
at maayos na ang tubo ng mga buto.
Inartehan ni Bibi ang mukha niya para sa mga nanonood dahil alam niyang kailangan niyang aliwin sila
nang kaunti. Pero mayroon din siyang sariling kasiyahan, isang kasiyahan na hindi niya maipakita kahit kanino. Isa
iyong sumusundot na galak, isang sekreto at nakakakoryenteng lubos na kasiyahan, na dumadaloy sa kanyang
katawan tuwing nakaupo siya sa harap ng piyano- lagi iyong nasa kanya. At muli, heto ngayon ang tiklado, itong
pitong itim at putting octaves, kung saan nawawala ang kanyang sarili sa mga di-masukat at makapanindig-
balahibong pakikipagsapalaran- gayunman mukha pa rin itong washed blackboard na malinis at hindi pa
nagagalaw. Ito ang lupain ng musika na nakalatag sa harapan niya. Malawak ang pagkakalatag nito tulad ng isang
nag-aanyayang karagatan, kung saan maaari siyang sumisid at magpakaligaya sa paglangoy, kung saan niya
hahayaang muling maisilang at matangay, kung saan siya magpapasailalim sa gabi man o sigwa, gayunman
napapanatili ang kahusayan: kontrol, kapasiyahan – inambaniyaangkanangkamaysa ere.
Halaw sa Ang Paslit na Prodigy
MARBEL 7 NATIONAL HIGH SCHOOL
Barangay Topland, City of Koronadal
School ID: 304672
Page |6
Filipino 10

_____44. Ipinang-apak ni Bibi sa mga pedal ang kaniyang mga paang nasasapatusan ng seda. Ang salitang
nasalungguhitan ay nasa ay kaganapan ng pandiwa na __________________.
A. kagamitan B. sanhi C. layon D. aktor
_____45. Ang uri ng pahayag na ipinamalas sa seleksiyon ay ____________.
A. nangangatuwiran B. nagsasalaysay C. naglalarawan D. naglalahad
_____46. Isa iyong sumusundot na galak, isang sekreto at nakakakoryenteng lubos na kasiyahan, na dumadaloy
sa kanyang katawan tuwing nakaupo siya sa harap ng piyano- lagi iyong nasa kanya. Ang salitang may
salungguhit ay nagsasaad ng ____________________.
A. kasiyahan B. kalungkutan B. pagkadismaya D. takot
_____47. Inartehan ni Bibi ang mukha niya para sa mga nanonood. Ang salitang may salungguhit ay nasa
kaganapan ng pandiwa na___________________.
A. pinaglalaanan B. kagamitan B. sanhi D. layon
_____48. Batay sa seleksiyon, ang pangyayari ay naganap sa _____________.
A. bulwagan B. entablado C. paaralan D. opisina
_____49. Ang salitang magkakaugnay sa kahulugan saloob ng seleksiyon ay: ________________.
A. inamba-inangat B. nakalatag-nagalaw C. pedal-seda D. gabi-sigwa
_____50. At muli, heto ngayon ang tiklado, itong pitong itim at putting octaves, kung saan nawawala ang
kanyang sarili sa mga di- masukat at makapanindig- balahibong pakikipagsapalaran-gayunman mukha pa
rin itong washed blackboard na malinis at hindi pa nagagalaw. Ang kahulugan ng salitang may
salungguhit ay ________________.
A. trumpeta B. piano C. gitara D. tambol

PATNUBAYAN NAWA KAYO NG POONG LUMIKHA

MARBEL 7 NATIONAL HIGH SCHOOL


Barangay Topland, City of Koronadal
School ID: 304672
Page |7
Filipino 10

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


TALAHANAYAN NG ISPISIPIKASYON
FILIPINO 10
Competenc Learning Skills TOTA Percentag
y No. Competencies Remembering Understandin Applying Analyzing Evaluating L e
g

1 Nabibigyang
kahulugan ang 22, 49, 19 1, 15 30, 33, 50 8 16%
mahihirap na
salita kabilang
ang mga
terminong
ginagamit sa
panunuring
pampanitikan
Nasusuri ang uri
at mga
8, 35 9, 29     26, 37 6 12%
elemento ng
2 akda
Naiuugnay nang
3 may panunuri sa
sariling saloobin 2, 7, 10, 11,
  20     6 12%
at damdamin 31
ang nabasang
akda
Natutukoy ang
tayutay/
17, 32, 34,
4 talinghagang   43     5 10%
36
ginamit ginamit
sa akda/ paksa
Naipapahayag
ang
mahahalagang
5 kaisipan at   46 21 14, 16, 41 5 6 12%
pananaw
tungkol sa akda/
paksa
Nagagamit ang
angkop na
6 bahagi ng
panalita bilang 39 12       2 4%
panuring sa mga
tauhan at
pangyayari
7 Nasasagot ang
mga tanong sa 6, 13, 23,
48       5 10%
binasang teksto 25

Nasusuri ang
8 istruktura ng
wika ayon sa uri,
3, 28, 42,
tono,   4     5 10%
45
damdamin,
tunggalian, bisa
at layunin
9 Nagagamit nang       24, 27, 40,   5 10%

MARBEL 7 NATIONAL HIGH SCHOOL


Barangay Topland, City of Koronadal
School ID: 304672
Page |8
Filipino 10

wasto ang pokus


44, 47
ng pandiwa
10 Nabibigyang-
reaksyon ang
pagiging
makatotohanan
/ di-       18   1 2%
makatotohanan
ng mga
pangyayari sa
akda
11 Naibibigay ang
sariling
interpretasyon
kung bakit ang
38       1 2%
mga suliranin ay
ipinararanas ng
may-aksa sa
tauhan
TOTAL 7 18 5 16 3 50 100%

Prepared by:

CRISTY LYN B. TIANCHON


Teacher I

Recomending Approval:

ARNOLD A. EDROSO
Assistant Principal for Academics JH

Approved:

SANNY P. PAMA, HTVI


OIC-Principal

MARBEL 7 NATIONAL HIGH SCHOOL


Barangay Topland, City of Koronadal
School ID: 304672
Page |9
Filipino 10

MARBEL 7 NATIONAL HIGH SCHOOL


Barangay Topland, City of Koronadal
School ID: 304672

You might also like

  • Mito (1st Q)
    Mito (1st Q)
    Document4 pages
    Mito (1st Q)
    Cristy Lyn Bialen Tianchon
    No ratings yet
  • Pandi Wa
    Pandi Wa
    Document2 pages
    Pandi Wa
    Cristy Lyn Bialen Tianchon
    No ratings yet
  • Filipino 10 - LLC - & - Intervention Plan - Q1
    Filipino 10 - LLC - & - Intervention Plan - Q1
    Document1 page
    Filipino 10 - LLC - & - Intervention Plan - Q1
    Cristy Lyn Bialen Tianchon
    50% (2)
  • 3rd Fil
    3rd Fil
    Document6 pages
    3rd Fil
    Cristy Lyn Bialen Tianchon
    No ratings yet
  • DLL Q4 COT4 Lumingkit
    DLL Q4 COT4 Lumingkit
    Document9 pages
    DLL Q4 COT4 Lumingkit
    Cristy Lyn Bialen Tianchon
    No ratings yet
  • Thor 2
    Thor 2
    Document3 pages
    Thor 2
    Cristy Lyn Bialen Tianchon
    No ratings yet
  • Hele NG Ina
    Hele NG Ina
    Document4 pages
    Hele NG Ina
    Cristy Lyn Bialen Tianchon
    No ratings yet
  • Pagsasalinwika
    Pagsasalinwika
    Document3 pages
    Pagsasalinwika
    Cristy Lyn Bialen Tianchon
    No ratings yet
  • Pagsasalaysay
    Pagsasalaysay
    Document3 pages
    Pagsasalaysay
    Cristy Lyn Bialen Tianchon
    No ratings yet
  • Attendance
    Attendance
    Document1 page
    Attendance
    Cristy Lyn Bialen Tianchon
    No ratings yet
  • Anekdota 3
    Anekdota 3
    Document4 pages
    Anekdota 3
    Cristy Lyn Bialen Tianchon
    No ratings yet
  • Program Seminar
    Program Seminar
    Document1 page
    Program Seminar
    Cristy Lyn Bialen Tianchon
    No ratings yet
  • Thor
    Thor
    Document3 pages
    Thor
    Cristy Lyn Bialen Tianchon
    No ratings yet
  • Kaligirang Kasaysayan El Fili
    Kaligirang Kasaysayan El Fili
    Document5 pages
    Kaligirang Kasaysayan El Fili
    Cristy Lyn Bialen Tianchon
    100% (1)
  • Activity Sheet m4-Q2 (ESP)
    Activity Sheet m4-Q2 (ESP)
    Document1 page
    Activity Sheet m4-Q2 (ESP)
    Cristy Lyn Bialen Tianchon
    No ratings yet
  • Activity Sheet m5-q2
    Activity Sheet m5-q2
    Document1 page
    Activity Sheet m5-q2
    Cristy Lyn Bialen Tianchon
    No ratings yet
  • Liongo
    Liongo
    Document2 pages
    Liongo
    Cristy Lyn Bialen Tianchon
    100% (1)
  • Activity Sheet m4-Q2 (ESP)
    Activity Sheet m4-Q2 (ESP)
    Document1 page
    Activity Sheet m4-Q2 (ESP)
    Cristy Lyn Bialen Tianchon
    No ratings yet
  • Action Plan Filipin 22
    Action Plan Filipin 22
    Document8 pages
    Action Plan Filipin 22
    Cristy Lyn Bialen Tianchon
    No ratings yet
  • Activity Sheet m4-q2
    Activity Sheet m4-q2
    Document1 page
    Activity Sheet m4-q2
    Cristy Lyn Bialen Tianchon
    No ratings yet
  • 201 (July 09-13)
    201 (July 09-13)
    Document5 pages
    201 (July 09-13)
    Cristy Lyn Bialen Tianchon
    No ratings yet
  • Activity Sheet m6-Q2
    Activity Sheet m6-Q2
    Document1 page
    Activity Sheet m6-Q2
    Cristy Lyn Bialen Tianchon
    No ratings yet
  • Activity Sheet m1-Q2
    Activity Sheet m1-Q2
    Document1 page
    Activity Sheet m1-Q2
    Cristy Lyn Bialen Tianchon
    No ratings yet
  • Activity Sheet m4-q2
    Activity Sheet m4-q2
    Document1 page
    Activity Sheet m4-q2
    Cristy Lyn Bialen Tianchon
    No ratings yet
  • 2018 (Feb. 11-Feb.15)
    2018 (Feb. 11-Feb.15)
    Document5 pages
    2018 (Feb. 11-Feb.15)
    Cristy Lyn Bialen Tianchon
    No ratings yet
  • Activity Sheet m2-q2
    Activity Sheet m2-q2
    Document1 page
    Activity Sheet m2-q2
    Cristy Lyn Bialen Tianchon
    No ratings yet
  • Activity Sheet m3-q2
    Activity Sheet m3-q2
    Document1 page
    Activity Sheet m3-q2
    Cristy Lyn Bialen Tianchon
    No ratings yet
  • 2018 (Aug. 27-31)
    2018 (Aug. 27-31)
    Document3 pages
    2018 (Aug. 27-31)
    Cristy Lyn Bialen Tianchon
    No ratings yet
  • July 22
    July 22
    Document5 pages
    July 22
    Cristy Lyn Bialen Tianchon
    No ratings yet
  • March 25
    March 25
    Document1 page
    March 25
    Cristy Lyn Bialen Tianchon
    No ratings yet