You are on page 1of 5

-Magandang umaga mga bata!

-Bilang panimula ng ating talakayan at upang kayo ay magkaroon ng panibagong ideya tungkol
sa paksang ating pag-aaralan, ako ay may inihandang 5 pangungusap na kung saan ay inyong
babasahin.
-Handa na ba kayo? Magaling, umpisahan na natin.
-Sino ang nais magbasa sa unang pangungusap? Ana? – mahusay ang iyong pagkakabasa
-para sa pangalawang pangungusap sino ang gusting magbasa?
-pangatlo,pang-apat at sa panghuling pangungusap sino ang nais bumasa?
-Mahusay ang inyong pagkakabasa mga bata!
- at pagkatapos ninyong Mabasa ang mga pangungusap,meron akong inihandang
Pamprosesong Tanong na kung saan ang unang katanungan ay….. ( basahin ang notes)
1. Ang bawat pangungusap ay mayroong kanya-kanyang sariling tono,na kung saan sa
pamamagitan ng tanong ito ay nalalaman natin kung ano ang tunay na intension ng bawat
pangungusap na inyong nabasa.
2. Kung ganon ano-ano ang kanilang pagkakaiba?Meron ba kayong napapansin sad ulo ng
pangungusap?Magkakaiba ba ang bantas na ginamit?
3. Ano-ano ang mga bantas na ginamit sa pangungusap? Tuldok,Tandang
pananong,Tandang padamdam.Mahusay !
4. May pangunahing ideya na ba kau kung ano ang paksa ng ating aralin?
-Ito ay ang uri ng pangungusap ayon sa gamit
-At bilang panimula ng talakayan ano ng aba ulit ang pangungusap?
(magtuturo ng bata) – Pakibasa ang Pangungusap.Mahusay!
Lagi nating tatandaan na ang pangungusap ay may simuno at panaguri.At ang pangungusap ay
mauuri sa pamamagitan ng Pagsasalaysay,Patanong,Pautos at Padamdam.
-May apat (4) na uri ng Pangungusap ayon sa gamit
-Maaari mo bang basahin ang unang uri Dana..
PASALAYSAY - kung mapapansin ninyo dito sa halimbawa ang pangungusap ay nagbibigay ng
isang impormasyon at nagtatapos ito sa bantas na tuldok.
PATANONG- ang uri ng pangungusap na ito ay palaging nagtatapos sa bantas na tandang
pananong
PADAMDAM- sa tingin ninyo mga bata ano ang ginamit na emosyon dito sa halimbawa,eto ba
ay galit ?nalulungot o natutuwa?
PAUTOS- tandan ang pautos ay gaya rin ng pasalaysay eto ay nagtatapos sa bantas na tuldok.
Isang uri ng pangungusap na nagbabanta o nagsasabi na kailangan mong ang isanga gawain.
- Naitindihan nyo ba ang ating paksa ngayong araw?Magaling!
- Ngaun ay meron tayong Pangkatang Gawain,papangkatin ko kau sa tatlo
- Ang bawat grupo ay meron lamang 5 minuto upang tapusin ang Gawain.Handa na ba
kau?umpisahan natin.
- Natapos na ang oras mga bata ..oras na upang ilahad ang inyong mga sagot.
- Mahusay mga bata tunay ninyong pinatunayan na naintindihan ninyo ang paksang
tinalakay natin.
- Muli, ano ang paksang ating pinag aralan?
- Ilang uri ng pangungusap ang ating tinalakay?
- Kung gayon ano-ano ang mga ito?Magaling !bigyan ang bawat isa ng ang galling clap!!!
- Para sa pangwakas na Gawain ako ay magbibigay ng isang uri ng pangungusap at kau
ang bubuo ng pangungusap .Halimbawa pag sinabi kong Pasalaysay …Ang aking guro
ay pumunta sa opisina.
-pagkatapos sumagot ng isang kaklase na aking tinuro ,magbibigay din xa ng isang uri ng
pangungusap at magtuturo siya ng isnag kaklase na bubuo ng isnag pangungusap.

-Mahusay mga bata!


-At para sa Pagtataya.Maglabas ng malinis na kwaderno at…..
At sa mga mauunang makatapos ng gawaing ito maari lamang na kopyahin sa assignment
notebook ang inyong takdang aralin.
MAYNILA- Isang kilalang supermarket ang nasunog Martes ng gabi

sa bayan ng Mangatarem sa Pangasinan. Nakuhanan ng live video ni

Bayan Partroller Renebie Budiao Cuenta ang sunog.

Kuwento ni Cuenta, malapit lang ito sa bahay nila kaya nakuhanan

ng video. Pero nagpapasalamat din siya dahil hindi sila inabot ng apoy.

Mataas umano ang pader ng nasabing supermarket kaya hindi nadamay

sa sunog ang mga katabing tindahan.

Ilang oras ding tumagal ang nasabing sunog, na nagsimula umano

bandang 6:30 ng gabi. Patuloy ang imbestigasyon sa dahilan ng sunog.

Inaalam din kung may nasugatan at magkano ang naging danyos.

-ulat ni Kori Quintos, ABS-CBN News

MAYNILA- Isang kilalang supermarket ang


nasunog Martes ng gabi sa bayan ng Mangatarem sa
Pangasinan.Nakuhanan ng live video ni Bayan Partroller
Renebie Budiao Cuenta ang sunog.
 Kuwento ni Cuenta, malapit lang ito sa bahay nila
kaya nakuhanan ng video.Pero nagpapasalamat din siya
dahil hindi sila inabot ng apoy.
Mataas umano ang pader ng nasabing supermarket kaya
hindi nadamay sa sunog ang mga katabing tindahan.
Ilang oras ding tumagal ang nasabing sunog, na
nagsimula umano bandang 6:30 ng gabi. Patuloy ang
imbestigasyon sa dahilan ng sunog. Inaalam din kung
may nasugatan at magkano ang naging danyos.
 -ulat ni Kori Quintos, ABS-CBN News

You might also like