You are on page 1of 6

Panuto: Basahin ang pangungusap at bilugan ang kahulugan ng salitang may salungguhit.

1. Maiksi ang pisi ng mga rebeldeng sundalo.


(mayamutin, kapos sa pera, madaling mamatay

2. Ang taong balat sibuyas ay mahirap pakisamahan


(mayabang, mayaman, maramdamin)

3. Ang sundalo ng gobyerno at rebelde ay langis at tubig.


(magkaaway, magkatalikuran, magkatimpla)

4. Dapat nating iguhit sa noo na di dapat magtiwala kaagad.


(ipinta, tandaan, kopyahin)

5. Lumaki ang ulo ng mga kamag-anak ng naupong oposisyon.


(nagkasakit, yumabang, tumaas)

6. Magaan ang bibig habang nangangampanya ang mga kandidato.


(palabati, palabiro, seryoso)

7. Mayaman ang nakaupo sa gobyerno ngunit nagdildil ng asin ang mga mamamayan.
(umaalat, nagtitinda ng asin, naghihirap)

8. Mahirap makisama sa mga taong bala’t sibuyas


(masakitin, mayabang, maramdamin)

9. Masamang damo lang ang nagtataksil sa bayan.


(masamang tao, mangmang, sira-ulo)

10. buhay ang loob ng mga bayani ng bayan.


(matapang, matigas, mataas)
Panuto: Piliin ang letra ng pahayag na nagbibigay ng angkop na pagpapakahulugan sa salitang may
salungguhit batay sa pagkakagamit sa pangungusap.
11. Maraming plastic sa mundo kaya’t di- dapat agad- agad na magtiwala.
A. Sisidlan na yari sa material na plastic
B. Taong may mapagkunwaring ugali.

12. Mapait na karanasan ang sinapit ng ina sa pagttrabaho sa ibang bansa.


A. Isang uri ng panlasa o lasa ng pagkain
B. Kabiguan o paghihirap na dinanas sa buhay

13. Ang lakas ng hangin ng taong taong kausap ko kanina.


A. Mayroong mayabang na pag- uugali
B. Nararamdamang dumadampi sa balat ngunit di nakikita.

14. Napakaganda ng panahon kapag kulay bughaw ang langit.


A. Bahagi ng mundo na natatakpan ng ulap
B. Pakiramdam ng taong walang problema

15. Tadtad ng barya ang binti ng dalaga.


A. Uri ng pera na yari sa tanso.
B. Markang naiwan sa balat matapos maghilom ang sugat

16. Binigyan siya ng rosas na pula noong araw ng mga puso.


A. Isang uri ng kulay na kawangis ng dugo
B. Nagpapahiwatig ng pagmamahalan.

17. Hindi kailanman matutumbasan ng kahit ano pa mang ginto ang pagtulong sa kapwa.
A. Isang uri ng metal na kumikinang
B. Karangyaan o Kayamanan

18. Isang ahas na kaibigan si Nicole dahil inagaw nito ang nobyo ng kanyang kaibigan.
A. Isang uri ng reptilya na makamandag
B. Isang taong traydor

19. Masakit ang kanyang lalamunan dahil sa laki ng tinik.


A. Matulis na bahagi ng isda
B. Pagsubok sa buhay

20. Hindi siya gusto ng kanyang empleyado dahil bato ang kanyang puso.
A. Matigas na bagay
B. Walang pakiramdam
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang isinasaad ng bawat pangungusap.

21. Ang paghahabi ng tela ay gaya ng paghihirap ng isang tao. – Simili


22. Ikaw ang aking bituwin, Sinta. - Metapora
23. Ang bandila sa hangin ay kawangis ng malaking ibon na nakaladlad ang pakpak.- Simili
24. Ang mga pangako mo ay parang hangin.- Simili
25. Ang kamay ng aktres ay yelo sa lamig dahil siya ay kinakabahan. - Metapora
26. Hinalikan ako ng malamig na hangin. (Personipikasyon o Pagsasatao)
27. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin. (Personipikasyon o Pagsasatao)
28. Kamatayan nasaan ka na? wakasan mo na ang aking kapighatian. (Apostrope o Pagtawag)
29. Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian. (Apostrope o Pagtawag)
30. Ulan, ulan kami'y lubayan na. (Apostrope o Pagtawag)
31. Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat. (Panghihimig o Onomatopeya)
32. Humalinghing siya sa sakit ng hagupit na tinanggap. (Panghihimig o Onomatopeya)
33. Walang bibig ang umasa kay Romeo. (Pagpapalit-saklaw o Senekdoke)
34. Hingin mo ang kaniyang kamay. (Pagpapalit-saklaw o Senekdoke)
35. Maganda ang boses niya… kasing-ganda ng kokak ng palaka. (Pag- uyam/ Ironiya)
36. Ang sarap ng luto sa karinderya nila… Ang dami ko laging nauuwi para sa alaga kong aso. .
(Pag- uyam/ Ironiya)
37. Ang ganda ng kamay mo, parang aspalto. (Pag- uyam/ Ironiya)
38. Ang pamilya ni Randy ay kapos sa buhay. (eupemismo)
39. Ako’y tinatawag ng kalikasan. . (eupemismo)
40. Pagdating ko ay pantay na ang kanyang mga paa. . (eupemismo)
41. Ang mayaman ay mahirap sa kaligayahan. (paradoks)
42. Ang mga palaging talo sa buhay ang nagtagumpay. (paradoks)
43. Nakabibinging katahimikan ang kanyang nadama. (oksimoron)
44. Kumakalabog sa matigas na lupa ang bumagsak na kargamento mula sa trak.
(Onomatopeya)
45. Rumaragasa ang mga along sumalpok sa may batuhan sa dalampasigan. (Onomatopeya)

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng diin ang isinasaad ng bawat salita.
46. sibat – matulis na kahoy o bakal na ipinanunudla
A. Malumay B. Malumi C. Mabilis D. Maragsa
47. lahi – angkan
A. Malumay B. Malumi C. Mabilis D. Maragsa
48. bigla – hindi inaasahan
A. Malumay B. Malumi C. Mabilis D. Maragsa
49. panlapi – letra o katagang ikinakabit sa salita
A. Malumay B. Malumi C. Mabilis D. Maragsa
50. kulog – dagundong na maririnig sa kalawakan makaraang kumidlat
A. Malumay B. Malumi C. Mabilis D. Maragsa
51. mali – hindi wasto
A. Malumay B. Malumi C. Mabilis D. Maragsa
52. doktor – manggagamot
A. Malumay B. Malumi C. Mabilis D. Maragsa
53. gabi – isang uri ng halamang-lupa
A. Malumay B. Malumi C. Mabilis D. Maragsa
54. gabi- buong magdamag
A. Malumay B. Malumi C. Mabilis D. Maragsa
55. tayo – kata
A. Malumay B. Malumi C. Mabilis D. Maragsa
56. tayo – tindig
A. Malumay B. Malumi C. Mabilis D. Maragsa
57. lamang – kahigitan
A. Malumay B. Malumi C. Mabilis D. Maragsa
58. lamang – isang ingklitik
A. Malumay B. Malumi C. Mabilis D. Maragsa
59. paso – lapnos
A. Malumay B. Malumi C. Mabilis D. Maragsa
60. ginto – kayamanan
A. Malumay B. Malumi C. Mabilis D. Maragsa

Panuto: Basahing mabuti at piliin ang tamang sagot kaugnay ng konseptong inilalarawan.

61. Ito ay anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa impluwensya ng
katabing ponema.
A. Asimilasyon B. Morpoponemiko

62. Makiabuluhang yunit ng tunog na “nakakapagpabago ng kahulugan” kapag ang mga tunog
ay pinagsama-sama upang makabuo ng salita.

A. Ponema B. Morpema
63. Pinakamaliit na yunit na may kahulugan. Ito ay maaaring salita o bahagi lamang ng salita.
Ito ay may kahulugang taglay sa sarili

A. Ponema B. Morpema

64. Ito ay isa o ilang pantig na idinaragdag sa unahan, gitna o hulihan ng mga salitang-ugat
upang makabuo ng isang panibagong salita.

A. makabuluhang tunog B. panlapi

65. Ito ay ang mga panlaping nagtatapos sa -ng katulad ng sing- na maaaring maging sin- o
sim-; gayundin ang pang- na maaaring maging pan- o pam- dahil sa impluwensya ng
kasunod na katinig.

A. asimilasyon B. asimilasyong ganap

66. Ang pagbabagong nagaganap ay nasa pinal na panlaping -ng.

A. asimilasyong di-ganap B. asimilasyong ganap

67. Nagaganap ito kapag matapos na maging /n/ at /m/ ng panlapi dahil sa pakikibagay na
kasunod na tunog ay nawawala pa ang sumusunod na unang titik ng salitang-ugat at
nananatili na lamang ang tunog na /n/ o /m/.

A. asimilasyong di-ganap B. asimilasyong ganap

68. Anong pagbabagong morpoponemiko ang naganap sa salitang PANDAKOT?

A. asimilasyon B. pagpapalit ng ponema

69. Anong pagbabagong morpoponemiko ang naganap sa salitang PANDALAGA?

A. asimilasyong ganap B. asimilasyong di-ganap

70. Anong pagbabagong morpoponemiko ang naganap sa salitang PANALI?

A. asimilasyong ganap B. asimilasyong di-ganap

71. Anong pagbabagong morpoponemiko ang naganap sa salitang KATOTOOHAN -


KATOTOHANAN?

A. pagdaragdag ng ponema B. pagpapalit ng ponema

72. Anong pagbabagong morpoponemiko ang naganap sa salitang NILOKO?

A. pagpapalit ng ponema B. paglilipat / metatesis


73. Anong pagbabagong morpoponemiko ang naganap sa salitang PATAWARIN?

A. pagpapalit ng ponema B. paglilipat / metatesis

74. Anong pagbabagong morpoponemiko ang naganap sa salitang DALHIN?

A. pagpapalit ng ponema B. pagkakaltas ng ponema

You might also like