You are on page 1of 10

Sarah Geronimo

Bago pa man umarangkada ang karera ng “Popstar


Royalty” bilang isa sa pinakamahusay at hinahangaang
singer sa showbiz industry, inamin nitong nakaranas sila
ng paghihirap noon ng ma-bankrupt ang negosyo ng
kanyang mga magulang. Halos wala rin umano itong
pang-tuition sa eskwelahan at naranasan ring
magkaroon ng sakit na ulcer dahil sa wala ng makain.
Ito umano ang nagtulak sa aktres para sumabak sa
showbiz, tuparin ang kanyang mga pangarap, at ng
maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya. Bukod sa
natatamasang kasikatan, nagmamay-ari na rin ito
ngayon ng mga propyedad, farm, at iba’t-ibang business
ventures.
Richard Gomez

Ang binansagang tall, dark, and handsome ng Philippine


showbiz na si Goma, ay naranasan munang
mamasukan bilang isang crew noon sa isang sikat na
fast food chain. Isa rin itong fencing athlete na
nakapagbigay ng karangalan sa bansa nang maging
representante sa 1995 SEA Games. At sa edad na 16,
nadiskubre ito bilang isang model dahil sa hindi
maikakailang karisma at kagwapuhan nito. Taong 1984
naman, ng mag-umpisa ang kanyang career sa showbiz
at dito na nagsunod-sunod ang iba’t-ibang oportunidad
sa larangan ng kasikatan. Ngayon ay kilala na ito bilang
isa sa mga matagumpay na celebrity at politiko, kung
saan napangasawa niya ang aktres at politician na si
Lucy Torres.
Jericho Rosales

Ang sikat na matinee idol at aktor na si Echo ay


inspirasyon rin sa nakararami ang kanyang istorya ng
buhay. Lumaki ito sa salat na pamumuhay at hindi
nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa kahirapan. Bago
manalo sa Mr. Pogi segment ng Eat Bulaga at maging
isang matagumpay na aktor, dati muna itong
nangongolekta ng mga wire at dyaryo para ibenta sa
junk shop. Naranasan rin nitong mamasura sa dumpsite,
magtinda ng ice buko, maging pizza boy, driver, jeepney
barker at magtinda ng isda sa talipapa, para makatulong
sa pang araw-araw na gastusin nila. Kaya’t nangarap
itong maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya at
nagsumikap sa buhay hanggang sa marating ang
marangyang pamumuhay na natatamasa nito ngayon.
Vice Ganda

Maagang naulila sa ama ang papular na comedian actor


at TV host na si Vice, nang masaksihan nito ang
trahedyang nagdulot ng pagkasawi ng kanyang ama.
Kilala si Vice bilang tagapaghatid ng saya sa mga
manonood, ngunit sa kabila ng mga hirap na
pinagdaanan ay hindi niya ito ikinahihiyang ibahagi sa
publiko. Nagtitinda siya ng bottled water noon para lang
kumita ng pera at rumaket bilang stand-up comedian
para matulungan ang kanyang ina. Nang pasukin ang
showbiz, dito na nga nagbago ang buhay nito na ngayon
ay kilala na bilang “Unkabogable Star” at “Phenomenal
Box Office Superstar” at may sarili na ring mga negosyo
gaya ng make up line na “Vice Cosmetics“.
Nora Aunor

Hindi lingid sa publiko ang katanyagan ng prominente at


isa sa pinakamahusay na batikang aktres at singer sa
mundo ng showbiz. Siya ang tinaguriang “Superstar” ng
Philippine cinema. At kamakailan lang rin nang
mabigyan ng highest recognition ang multi-awarded
actress bilang “National Artist” sa Film and Broadcast
Arts. Subalit bago pa man siya sumikat, dinanas muna
nito ang matinding kahirapan kaya’t dati itong nagtitinda
ng mani at bottled water sa istasyon ng tren.
Marvin Agustin

Ang dating matinee idol at mahusay na aktor na si


Marvin ay nakaranas rin ng kahirapan sa buhay kaya’t
nagtrabaho ito bilang isang waiter noong siya ay 16 na
taong gulang pa lamang. Ngayon ay isa na itong “silent
millionaire” dahil ang kilala ring chef at entrepreneur ay
nagmamay-ari na ngayon ng chain of restaurants.
Mahigit sa 50 restaurants at sariling brands na ang
napalago ni Marvin.
Coco Martin

Sa kabila ng kahirapan, nagsumikap ang premyadong


aktor na makapagtapos ng pag-aaral kaya’t graduate ito
ng Hotel and Restaurant Management. Subalit sa kabila
nito, hindi naging madali ang pinagdaanan niya bago
umunlad ang kanilang pamumuhay. Pinasok muna nito
ang iba’t-ibang uri ng trabaho gaya ng pagiging, janitor,
waiter, pamamasada, pamimigay ng fliers sa mall, taga-
luto, hardinero, pagbebenta ng bote, pagiging caregiver
sa Canada at pag-extra sa mga patalastas. Subalit,
napagtanto nito na ang pag-arte talaga ang kanyang
nais gawin. Kaya’t nagsimula siyang makilala noon sa
mga Indie Films. Ngayon ay isa na si Coco sa pinaka-
sikat na aktor, direktor at film producer. Isa nga sa
papular na serye nito ay ang “FPJ’s Ang Probinsyano”
na nagtapos kamakailan matapos ang pitong taong
pamamayagpag. Mula sa kanyang milyun-milyong
kinikita, nakapagpundar rin ito ng mga milyones na
halagang ari-arian gaya ng ipinatayo niyang mansyon sa
Quezon City, at ang napakaraming koleksyon nito ng
mga mamahaling sasakyan.
Isko Moreno

Ang dating papular na aktor at kilala sa tawag na Yorme


ay tanyag rin sa kanyang rags-to-riches story. Lumaki ito
sa mahirap na distrito ng Tondo, Manila. Matinding
kasalatan nga sa buhay ang naranasan niya, kung saan
sa edad na 10 ay nangongolekta na siya ng mga bote
para ibenta sa junk shop. Naging isang pedicab driver
rin ito at binansagang “Pagpag boy” ng Tondo, dahil
tumutulong ito noon sa kanyang ina na manguha ng
mga tira-tirang pagkain, para sa kanilang pangkain.
Kaya’t ng makapasok sa showbiz, dito na nagsimulang
umunlad ang kanyang pamumuhay hanggang sa
pasukin rin nito ang politiko.
Willie Revillame

Ang papular na veteran TV host, comedian actor, at


singer na si Kuya Wil ay nakaranas na maging isang
jeepney barker at newspaper boy bago naging
milyonaryo. Ngayon ay kilala na ito bilang isa sa
pinakamayamang celebrity sa bansa. Ilan nga sa mga
nakakalulang pagmamay-ari ng nito bunga ng kanyang
pagsusumikap sa buhay ay ang kanyang yacht, private
plane, mansyon, mga mamahaling sports car, Wil Tower
at mga real estate properties.
Manny Pacquiao

Nakilala ang tinaguriang “Pambansang Kamao” at “One


of the Greatest Boxers of All Time” bilang isang tanyag
na boksingero at politiko. Subalit matinding hirap muna
ang dinanas ni Pacman bago pa man siya yumaman na
siyang naging inspirasyon sa marami. Sa murang edad,
huminto ito sa pag-aaral para kumayod at magtinda ng
tinapay sa GenSan. Isang kahig, isang tuka rin ang
pamilya nito kaya’t kahit ang inaamag na tinapay noon
sa bakery na ipinapakain sa baboy ay hinihingi nito para
pang laman ng kanilang tyan. Sumasali rin ito noon sa
mga boxing match na kapag nanalo ay halagang P100
ang premyo. Subalit ngayon, malayo na nga ang
narating ni Manny. Bukod sa kasikatan at karangyaan,
nagmamay-ari na rin ito ng mga negosyo, properties,
resort, mansyon, at mga mamahaling sasakya

You might also like