You are on page 1of 10

Arwind Santos

Bago nakilala bilang isa sa pinakamagaling at popular na basketball


players ng San Miguel Beermen, si Arwind Santos ay lumaki din ito sa hirap.
Ang 2013 PBA MVP awardee ay naranasang mangolekta ng bakal at bote
para magkaroon lang ng pagkakitaan. Naranasan din ni Arwind maging
isang carwash boy at pedicab driver. In this photo, Arwind Santos is
standing in between Marco Lassiter (left) and Alex Cabagnot (right).
Willie Revillame
Natuto magbanat ng buto sa murang edad ang game show master ng
'Wowowin.' Naging tagabenta ng dyaryo at barker ng jeep ang isa sa
pinasikat na TV host sa Pilipinas ngayon.
Gretchen Barretto
Hindi anak mayaman si La Greta. Sa katunayan, nagsimula siyang
magtrabaho sa murang edad para matustusan ang mga pangangailangan
ng kanyang pamilya. Ngayon, tinatamasa ng actress-socialite ang kanyang
mga pinaghirapan sa loob ng maraming taon.
Regine Velasquez-Alcasid
Ani Asia's Songbird sa isang panayam, “Yung pinangarap ko noon, pinray
[pray] ko kay God na sana matulungan ko yung family ko, kasi nga mahirap
lang kami no'n. And I wanted to be a recording artist. What happened to me,
dun sa pinangarap ko, dun sa pinag-pray ko, He gave me so much more.”
Jake Zyrus
Bread winner ng kanyang pamilya ang international singing sensation. Sa
pamamagitan ng mga singing contests na kanyang sinalihan bilang si
Charice Pempengco, nasuportahan niya ang kanyang pamilya. Nadiskubre
siya sa Internet ng Hollywood TV host na si Ellen DeGeneres at mula doon
ay sunod-sunod na ang singing gigs ng young artist.
Sarah Geronimo
Minsan nang na-bankrupt ang negosyo ng mga magulang ng Popstar
Royalty at halos wala na siyang pang-tuition sa eskwelahan. Nagka-ulcer pa
si Sarah nang dahil wala nang makain. Ito ang nagtulak sa kanya para
pasukin ang showbiz, “Hirap na hirap na po kami talaga. Naging driving
force po talaga [iyon] para kumilos ako, mag-audition ako. Hindi ko na siya
ginawa dahil sa pangarap ko, ginagawa ko siya dahil gusto kong mai-ahon
ang pamilya ko sa kahirapan.”
Jericho Rosales
Tagatinda lang dati ng isda si Echo bago siya naging Mr. Pogi 1997 at isa
sa mga hottest leading man sa bansa ngayon. Kahit kayang-kaya niya na
bumili ng mga materyal na bagay, para sa aktor, “Success is actually 'yung
mafu-fulfill mo 'yung purpose mo.”
Vice Ganda
Maagang naulila ang komedyante sa kanyang ama noong pinatay ito sa
harapan niya at ng kanyang ina. Umalis pa papuntang USA ang kanyang ina
para magtrabaho. Ngayon, isa sa mga sought-after TV host, actor, endorser,
recording artist si Vice na mayroong sariling makeup brand.
Marvin Agustin
Isang “silent millionaire” raw ang Kapuso leading man pero pilit niya itong
itinatanggi, “Hindi naman totoo na mayaman ako. Gusto ko maging
inspiration ang story ko na hindi hadlang ang kahirapan o pinag-aralan.”
Bago naging tagapagmay-ari ng chain of restaurants ang aktor, nagtrabaho
siya bilang waiter noong 16 pa lamang siya.
Marc Pingris
Binansagan siya na 'Pinoy Sakuragi' ng kanyang fans, pero bago nakilala
bilang Gilas Pilipinas at Magnolia Hotshots cager si Marc Pingris ay dati
siyang tumutulong sa kanyang nanay na magtinda noon ng prutas sa
palengke ng kanilang hometown sa Pozorrubio, Pangasinan.

You might also like