You are on page 1of 1

Charmaine Clarice Relucio Pempengco

—ngayong kilalang si Jake Zyrus


Hindi na bago sa ‘ting pandinig ang pangalang
“Charice Pempengco”. Siya ay nagmula sa isang
buwag na pamilya, ang kaniyang ina ang tanging
bumubuhay sa kaniya at upang masuportahan ito,
napag-desisyunan niyang pasukin ang industriya
ng musika. Si Charice ay kinilalang isa sa
pinakamahusay na mang-aawit sa Pilipinas at dahil
sa katotohanang sumabak siya sa mga kumpetisyon
sa iba’t ibang panig ng bansa, natuklasan ng
mundo ang kaniyang inaangking talento. Masasabi
nating naging malikhain ang diskarte niya
pagdating sa pag-awit, at habang tumatagal ay
naging maayos ang kaniyang paglalakbay tungo
dito dahil nakagawa siya ng sariling mga kanta. at
natupad ang hangaring tulungan ang ina.

Noong 2013, inamin ni Charice sa isang interview na siya ay may pusong lalaki at
nang inamin niya iyon ay naging maginhawa ang naramdaman sapagkat nasabi
niya ang matagal niya nang gustong aminin. Lumipas ang ilang mga taon ng
pagkanta, naisip niyang gawin naman ang gusto—siya ay nagpa-opera at naging
tunay na itong lalaki. Hindi maipagkakailang maraming na-dismaya sa kaniyang
desisyon ngunit binalewala niya ito, sapagka’t alam niyang wala naman siyang
inaapakang sinuman at ito ang matagal niya nang ninanais para sa sarili niya.
Nakatanggap siya ng kritisismo mula sa mga tao dahil sa ipinalit niyang pangalan,
naging usap-usapan ito sa media at nagkaroon ng mainit na usapan. Itinigil ni Jake
ang karera at ipinokus ang sarili sa mga gusto at ngayon ay wala na masyadong
balita sa kanya ang mga tao. Hindi lang sekswalidad sa kanya ang nagbago,
lumalim na din ang kaniyang boses at masasabi kong hindi na ito tulad ng dati.
Ngayon ay mapapansin kong hindi siya nagsisi sa ginawang desisyon dahil mas
pinili niya muna ang sarili kaysa sa palakpakan ng madla. Wala kahit sinuman ang
sa posisyong kritisahin ang desisyon ng iba dahil hangga’t sa hindi tayo nito
inaapakan, wala tayong karapatang magsalita.

You might also like