You are on page 1of 2

David Archuleta, naintrigang bading dahil kay Charice

Pempengco!

NAG-TEXT SA AKIN ang isang kaibigang


naka-base sa New Jersey at tuwang-tuwa sila
kay Charice Pempengco dahil sa naging
paborito na raw ng mga bading doon sa
Amerika.

Kamakailan lang ay nag-perform siya sa isang


gay club sa New York para i-promote ang
single niyang “Pyramid” na nasa no. 7 na raw
sa Billboard.

In fairness naman kasi, sa lugar na ‘yun ay


madalas na pinag-perform ang mga up and coming recording artist na hit na hit sa mga
kabadingan doon.

Naging isyu lang ang pag-perform doon ni Charice dahil sa inimbitahan nito ang kaibigan niyang
si David Archuleta na pinagbigyan naman siya. Tuloy lalong lumakas ang pagdududa na baka
bading nga itong si David.

Kaagad na nagpaliwanag si David sa Twitter account niyang pinagbigyan lang nito ang
imbitasyon ng bestfriend niyang si Charice kaya nandu’n siya. Hindi naman daw sa minamaliit
niya ang mga kabadingan dahil marami nga raw siyang mga kaibigang bading, pero hindi raw
siya ganu’n.

Nag-sorry naman si Charice kay David at nagpapasalamat itong sinuportahan siya roon kahit
naintriga pa.

Pero ang waging-wagi ngayon ay si Charice dahil bago pa iyan nag-perform sa isang gay club sa
New York, nakapag-perform na rin iyan noon sa isa ring gay club sa DC at ang susunod ay sa
San Francisco naman. Kaya hindi malayong magpi-perform din siya sa Gay Pride doon.

Bongga pa nga dahil malakas din ang grupo ng mga kabadingan sa Amerika. Pero ito naman
kasing si Charice ay napagdudahan ding tibo dahil sa panlalaki ang mga hilig nito, kaya tiyak na
lalo pa itong maintriga sa kanyang kasarian. Bongga pa rin!

SA SUSUNOD NA linggo na raw ang alis ni LJ Reyes patungong New York para roon iluwal
ang magiging baby nila ni Paulo Avelino. Sa July na ang due nito kaya mas gusto ng Mommy ni
LJ na doon na siya manganak para mabantayan niya nang mabuti.

Ngayon ay usap-usapan kung ano ang mangyayari sa career nila pagkatapos ng isyung ito.
Kuwestiyunable pa kung makababalik pa ba si LJ pagkatapos niyang manganak dahil ang dami
na riyang mga batang artista na puwedeng kunin dahil may anak na siya. Alanganin naman sa
kanya ang mga mother role dahil bata pa pa naman siya. Kaya baka ang ending, mga character
roles na lang ang maibibigay sa kanya. Masuwerte siya kung makababalik siya gaya nina
Jennylyn Mercado at Valerie Concepcion na lalong bumongga ang career pagkatapos nilang
manganak.

Malaking challenge ito sa GMA Artist Center kung mame-maintain nilang maganda ang takbo
ng career ni Paulo pagkatapos malaman ng mga tao na isa na siyang binatang ama.

Marami ang nagsasabing tiyak na makakaapekto ito sa kanyang career, pero pinagtatalunan pa
rin dahil may mga nagsasabi namang mas nakadaragdag daw sa appeal ni Paulo na puwede na
pala itong makabuntis. Nagmukhang lalaki raw ang dating na lalong pagnanasaan ng kababaihan.

‘Pag umalis na si LJ pa-Amerika, mananahimik na rin naman ang isyung ito kaya sana hindi ito
gaanong makaapekto sa career ni Paulo.

Abangan na lang ang update ng kuwentong ito sa Startalk sa darating na Sabado.

By Gorgy’s Park

You might also like