You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of San Pablo City
SOLEDAD ELEMENTARY SCHOOL
BRGY. SOLEDAD, San Pablo City
Talaan ng Ispesipikasyon sa FILIPINO V
Ikalawang Markahang Pagsusulit
S.Y. 2022-2023
Layunin Bilang Bilang Bilang ng Kinalalagyan Bilang ng
ng araw Aytem ng Aytem Tamang
sagot
Nagagamit ang mga bagong salita sa pagbuo ng
pangungusap 2 2 1,2

Nasasagot ang mga tanong sa binasa/napakinggang 4 4 3,4,5,6


talaarawan, journal at anekdota
Nailalarawan ang tagpuan at tauhan ng napanood na
pelikula at nabasang teksto 3 3 7,8,9

Naibibigay ang paksa/layunin ng napakinggang 2 2 10,11


kuwento/usapan/talata, at pinanood na dokumentaryo
Naibibigay ang mahahalagang pangyayari sa nabasang 12,13,14,15,16
talaarawan, talambuhay at sa napanood na 5 5
dokumentaryo
Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pagsasabi 17,18,19,20
ng hinaing o reklamo, sa pagsasabi ng ideya sa isang 4 4
isyu, at sa pagtanggi
Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa isang talata 21,22,23,24,25
at tekstong napakinggan 5 5
Naibibigay ang bagong natuklasang kaalaman mula 5 5 26,27,28,29,30
sa binasang teksto at datos na hinihingi ng isang form
Nakasusulat ng simpleng patalastas, at 31,32,33,34,35
simpleng islogan 5 5

Naitatala ang mga impormasyon mula sa 5 5 36,37,38,39,40


binasang teksto

40 40 40
Inihanda:

EMMANUEL M. CRUZ JR.


Teacher III
Tinipon at sinuri

LEILANI E. MAKATANGAY
Master Teacher II
Inaprubahan
LIZA A. CASTILLO
Punongguro

Purok 3, Brgy. Soledad, San Pablo City, Laguna 4000


109756@deped.gov.ph
(049) 503-4093

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 5


______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Pangalan:_______________________________________________ Petsa:________________
Pangkat: __________________________________ Guro: __________________________

A. Piliin ang angkop na gamit ng bagong salita sa pagbuo ng pangungusap

1. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may angkop na gamit ng salitang “tangkilik”
A. Walang magandang maidudulot ang pag-tangkilik sa sariling atin.
B. Kailangan nating pumasok ng maaga upang tayo ay tangkilikin ng iba.
C. Nag-away ang mag-kaibigan dahil sa ayaw niyang pakinggan ang tangkilik nito.
D. Mahalagang tangkilin natin ang sariling gawang Pilipino upang ito ay makilala sa ibang bansa.

2. Sa panahon ng _________ ay siguradong maraming regalo , handa at makukulay na ilaw at parol


A. piyesta C. kapaskuhan
B. araw ng mga puso D. kuwaresma

B. Pakinggan ang talaarawan at sagutin ang mga tanong. Isulat ang tamang sagot sa sagutang
papel.

3. Ano-ano ang mga mabentang halaman nina Dale?


A. roses, ferns, baby’s wreath
B. rosal, caladiums, ferns, roses
C. caladiums, calatheas, aglao, roses
D. orchids, sampaguita, rosal, daisies
4. Sino ang kasama ni Dale sa pagsimba?
A. kaniyang pamilya
B. mga kaibigan at tiyuhin
C. mga tiyuhin, lolo at lola
D. ninang, kapatid, kamag-aral
5. Anong uri ng anak si Dale?
A. magalang at mapagbigay
B. masayahin at palakaibigan
C. maagap, matalino at malambing
D. masipag, matulungin, at maka-Diyos
6. Ayon sa binasa, maliban sa nakagaganda sa paligid, ano pa ang magandang dulot ng pag-aalaga ng
halaman?
A. pandagdag na dekorasyon
B. air purifier, libangan at maaaring pagkakitaan
C. pampalakas ng katawan
D. pandagdag na gawain

C. Basahin at unawain ang teksto at sagutin ang mga tanong na may kinalaman sa tauhan at
tagpuan. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
Mahalagang tauhan si Miguel Malvar sa kasaysayan ng ating bansa. Siya ang huling heneral ng mga
sundalo na sumuko sa mga Amerikano. Isang katipunero si Miguel Malvar. Namuno siya sa pag-atake sa mga
Kastila sa Talisay, Batangas. Nakisama siya at ang kanyang pangkat sa mga puwersa sa Cavite na
pinamumunuan ni Aguinaldo. Ginawa siyang tenyente heneral ni Aguinaldo sa lalawigan ng Batangas. Ang
punong himpilan niya ay nasa Lipa, Batangas. Nang madakip si Aguinaldo ng mga Amerikano, si Malvar ang
naging pinuno ng mga rebolusyunaryong puwersa o takas. Hinikayat niya ang mga Pilipino na ipagpatuloy ang
paglaban sa mga Amerikano.

7. Sino ang huling heneral ng mga sundalo na sumuko sa mga Amerikano?


A. Apolinario Mabini B. Miguel Malvar
C. Emilio Aguinaldo D. Andres Bonifacio

8.. Saan siya ginawang tinyente heneral ni Aguinaldo?


A. Oriental, Mindoro B. Batangas
C. Laguna D. Lipa City

9. Ano ang nangyari kay Malvar nang madakip ng mga Amerikano si Aguinaldo?
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
A. naging pinuno ng mga aktibista
B. naging pinuno ng mga Pilipino
C. agad na sumuko sa mga Amerikano
D. naging pinuno ng Rebolusyunaryong Puwersa o Lakas

D. Basahin ang dokumentaryo. Tukuyin ang paksa at layunin.

Taong 2011 nang gawin ni Kara David ang dokumentaryong


“Anak ng Kalye” para silipin ang buhay ng mga menor de edad na
maagang nasasangkot sa masasamang mga gawain.
Nakilala noon ni Kara ang katorse anyos na si “JM” - isang
batang hamog. Mula Davao, iniwan siya ng kanyang mga magulang
sa Maynila --- naging laman ng lansangan at napilitang dumiskarte
sa maling paraan.
Pero ilang linggo lang mula nang umere ang dokumentaryo,
namatay si “JM” nang masagasaan siya habang dumidiskarte sa
kalsada.

10. Ano ang paksa ng dokumentaryo?


A. ang dokumentaryo ay tungkol sa buhay ng isang menor de edad sa kalye at mga karanasan nito.
B. ang dokumentaryo ay tungkol sa pagpapalimos sa mga pulubi sa lansangan.
C. ang dokumentaryo ay tungkol sa pagmamahal ng isang ina sa anak.
D. ang dokumemntaryo ay tungkol sa pag-iibigan.

11. Ano ang layunin ng dokumentaryo?


A. magbigay libang
B. manakot at magsabi ng kasinungalingan
C. magbigay inspirasyon sa kapwa kabataan na mahirap ang buhay sa kalye
D. walang itinuturong maganda and dokumentaryo kaya hindi ito mahalaga sa makapapanood.

E. Balikan ang dokumentaryo tungkol kay Miguel Malvar at isulat ang salitang TAMA kung ang
pangungusap ay nangyari sa binasa at MALI naman kung hindi ito nangyari. Isulat ang sagot
bago ang bawat bilang.

_______12. Isang katipunero si Miguel Malvar.


_______13. Siya ang unang heneral na sumuko sa sumuko sa mga Amerikano.
_______14. Sa Talisay, Batanggas naganap ang pag atake sa mga Kastila.
_______15.Nakisalungat sya at ang kayang pangkat sa mga puwersa sa Cavite.
_______16. Hinikayat niya ang mga Pilipino na ipagpatuloy ang paglaban sa mga Amerikano.

F. Basahin ang bawat sitwasyon sa ibaba. Piliin ang letra na nagpapahayag ng magalang na
pananalita.
17. Nawala ang iyong pera sa klase. Ano ang sasabihin mo sa iyong guro?
A. Nawala ang aking pera.
B. Hanapin niyo ang aking pera.
C. Ma’am nawala po ang aking pera.
D. Ikaw ba ang kumuha ng aking pera?

18. Pinagalitan kayo ng inyong nanay dahil nag-away kayong magkakapatid.


A. Nanay, paumanhin po, hindi na po mauulit.
B. Sorry na.
C. Siya ang pagalitan mo.
D. Wala akong kasalanan.

19. Ginamit mo ang sapatos ng iyong kapatid at nakita niya itong isinusuot mo?
A. Akin na lang ito.
B. Ipagpaumanhin mo, ginamit ko ang iyong sapatos.
C. Ibabalik ko na lang sa iyo mamaya.
D. Bawal bang gamitin?
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
20. Nahulog ang iyong bolpen at kinuha ito ng klasmeyt mo. Ano ang sasabihin mo?
A. Huwag mong kukunin.
B. Pakibalik naman po ng bolpen ko.
C. Ibalik mo sa akin.
D. Sa akin yan

G. Piliin ang pinaka-angkop na pamagat sa bawat talata

21. Ang Pilipinas ay bansang sagana sa likas na yaman, kabilang dito ang mga puno, halamang gaya ng gulay,
prutas at halamang gamot. Bilang tradisyon, naniniwala ang ating mga ninuno sa mga halamang gamot bilang
lunas sa sakit at iba pang karamdaman. Sa kasalukuyan ay unti-unti nang dumarami ang natutuklasang
halamang gamot, isa na rito ang okra na kilala ring lady fingers sa wikang Ingles.
A. Ang Gamot Ng Pilipinas Sa Halamang Gamot
B. Ang Puno Ng Pilipinas Sa Halamang Gamot
C. Ang Salat Ng Pilipinas Sa Halamang Gamot
D. Ang Yaman Ng Pilipinas Sa Halamang Gamot

22. Maganda ang okra sa digestive system natin. Nakatutulong ito sa pagpapadali ng sistema ng pagdumi
natin. Gayundin, kabilang ang ilang seryosong karamdaman gaya ng colitis-pamamaga ng lining ng colon,
diverticulitis – maliit na umbok na parang bulsa sa ating digestive system at iba pang nabibigyang lunas ng
gulay na ito.
A. Ang benepisyo ng pagkain ng okra
B. Ang kasamaan ng pagkain ng okra
C. Ang kulay ng pagkain ng okra
D. Ang epekto ng pagkain ng okra

23. Ayon sa ating kasaysayan, ang mga kabataan ang namumuno at nagsikhay upang maipagtanggol ang
bayan laban sa mga manlulupig na dayuhan. Nasa kasibulang gulang ang mga bayaning sina Jose Rizal,
Andres Bonifacio, Emilio Jacinto at iba pang kapuwa nila bayani noong ipinakita nila ang pagtatanggol sa
bayan laban sa mga dayuhang Espanyol.
A. Matatanda Ang Nagtanggol Sa Pilipinas Sa Mga Espanyol
B. Mag-Asawa Ang Nagtanggol Sa Pilipinas Sa Mga Espanyol
C. Kalalakihan Ang Nagtanggol Sa Pilipinas Sa Mga Espanyol
D. Kabataan Ang Nagtanggol Sa Pilipinas Sa Mga Espanyol

24. Nasa kabataang gulang din ang mga sundalong Pilipino na kabilang sa mga tagapagtanggol ng Bataan.
Maging ang mga hinuhubog at sinasanay sa hukbong sandatahan ay pawang nasa kabataang gulang. Ito ang
mga patunay na aktibong pakikilahok ng mga Pilipinong kabataan sa pagtatanggol sa bayan. Sila ang may
lakas, talino, at kakayahang manindigan para sa kalayaan ng bayan.
A. Ang Katangian Ng Mga Sundalo
B. Ang Kalayaan Ng Mga Sundalo
C. Ang Kabataan Ng Mga Sundalo
D. Ang Paninindigan Ng Mga Sundalo

25. Ngunit sa panahon ngayon na malayo na ang narating ng makabagong teknolohiya at modernisasyon,
nasaan na nga ba ang mga kabataan? “Nasaan ang kabataang naglalaan ng kanilang magagandang sandali,
mga pangarap at kasiglahan sa ikabubuti ng kanilang bayan?” ito ay ayon sa katanungan ni Padre Damaso na
hinango sa nobelang “El Filibusterismo”.
A. Ang pagsabay ng teknolohiya sa pagiging makabayan ng kabataan
B. Ang kaugnayan ng teknolohiya sa pagiging makabayan ng kabataan
C. Ang kasinungalingan ng teknolohiya sa pagiging makabayan ng kabataan
D. Ang narating ng teknolohiya sa pagiging makabayan ng kabataan

H. Piliin ang mga impormasyon na angkop sa mga hinihinging datos sa form. (26-30)

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
ANA 35 09234143810 MARIA BATANGAS CITY
12 / 15/ 1987 57 KG ROLDAN S.
BABAE 3 MENDOZA BRGY. SAYA

I. Sumulat ng isang SLOGAN sa pamamagitan ng pagbuo sa nawawalang salita nito na aangkop sa


pahayag.( bilang 31-33)

31

32

33

A. paaralan-Sirain – tanim C. bakuran-kalimutan - buhay


B. Kalikasan-Ingatan – kinabukasan D. ospital-Isantabi - ani

(Para sa Bilang 34-35) Basahin ang isang patalastas na nasa ibaba. Sumulat ng iyong sariling maikling
patalastas gamit ang iyong sariling naisip na produkto.

J. Basahin ang teksto at itala ang mga mahahalagang detalye sa dayagram. (36-40)
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

You might also like