You are on page 1of 3

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA ESP 4

Unang Lagumang Markahan


S.Y. 2022-2023

TABLE OF SPECIFICATION

Learning Total
Competencies Remembering Understanding Applying Analyzing Evaluating Creating Number Percentage
of items

Nakapagsasabi
ng katotohanan
anuman ang
maging bunga
1-10 40%
nito
(EsP4PKP- Ia-b 11-20 40%
– 23)

Nakapagsusuri
ng katotohanan
bago gumawa
ng anumang
hakbangin batay
sa mga nakalap
na
impormasyon
21 - 25 20%
(EsP4PKP- Ic-
d – 24)

TOTAL
10 15 25 100%

ANSWER KEY:

1. D 11. Katotohanan 21. TP


2. C 12. Opinyon 22. MP
3. D 13. Katotohanan 23. TP
4. B 14. Opinyon 24. MP
5. B 15. Opinyon 25. TP
6. C 16. Katotohanan
7. D 17. Katotohanan
8. C 18. Opinyon
9. D 19. Opinyon
10. D 20. Katotohanan

SUMMATIVE TEST NO.1


UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA ESP 6
Ikaapat na Markahan
S.Y. 2021-2022

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA ESP 4


Unang Lagumang Markahan
S.Y. 2022-2023

PANGALAN: _________________________________________________________PETSA: ________________________


BAITANG AT PANGKAT: ________________________________________________GURO: _________________________

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

I. Basahin nang mabuti ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot sa kalakip na sanayang papel.
_____1. Nakita mong kinuha ng kaklase mo ang pera ng inyong guro. Alin sa mga sumusunod ang maaari
mong gawin?
a. Hihingi ako ng pera sa kanya.
b. Pababayaan ko na la mang siya.
c. Pagsasabihan ko siya na ulitin niya pa ito.
d. Sasabihin ko sa kaniya na mali ang ginawa niya.
_____2.Inutusan ka ng kapatid mong kumuha ng pera sa bag ng nanay niyo. Susundin mo ba siya?
a. Oo, para magkapera kami.
b. Oo, dahil kailangan namin ito.
c. Hindi, dahil masama itong gawain.
d. Hindi, para walang maging problema.
_____3. Ano ang maaari mong gawin kung nakita mong inaaway ng kapitbahay ninyo ang iyong kapatid?
a. Hindi ko sila papansinin.
b. Papaluin ko siya ng kahoy.
c. Pababayaan ko silang mag-away.
d. Tutulungan ko ang kapatid ko at pagsasabihan sila na masama ang kanilang ginawa.
_____4. Alin kaya ang posibleng mangyayari kung ikaw ay nagsasabi ng katoohanan?
a. Hindi ka magiging masaya.
b. Magiging magaan ang loob mo.
c. Magiging marami ang iyong kaaway.
d. Aawayin ka ng iyong mga kaklase.
_____5. Binigyan kayo ng inyong guro ng takdang-aralin sa ESP na gumawa ng pangako tungkol sa
pagsasabi ng katotohan. Para sa iyo, sasabihin mo ba sa iyong nanay na nakabasag ka ng
salamin?
a. Oo, para magalit siya.
b. Oo, dahil ito ang tama.
c. Hindi, kasi ito ay nakakahiya.
d. Hindi, kasi tutuksuhin ako ng aking mga kaklase.
_____6. Ano ang maaari mong gagawin kung ang iyong katabi sa upuan ay mabaho ang hininga?
a. Pababayaan ko na lang kasi baka magalit siya.
b. Sasabihin ko ito sa aking mga kaibigan para pagtawanan siya.
c. Kakausapin ko siya ng mahinahon at sabihin ang totoo.
d. Hindi ko na lamang ito papansinin kasi hindi naman kami palaging magkatabi sa upuan.
_____7. Kung bibigyan ka ng pagkakataong magsalita sa harap ng klase, ano ang iyong sasabihin tungkol sa
pagsasabi ng katotohanan?
a. Ang pagsasabi ng katotohan ay nakakabigat ng loob.
b. Dapat huwag sabihin ang katotohanan para sa kabutihan.
c. Ugaliing magsabi ng katotohanan anuman ang magiging bunga nito.
d. Ang katotohanan ay nakapagbibigay ng hindi magandang bunga sa pagsasamahan.
_____8. Inabutan kayo ng inyong guro na maingay sa loob ng klase. Nang tinanong niya kayo, walang may
sumagot sa inyo. Ano ang maaari mong gawin para hindi siya magalit?
a. Magsasawalang kibo na lang ako.
b. Hahayaan ko na lang ang aming guro na magalit.
c. Tatayo ako at sasabihin kung bakit kami maingay.
d. Tatawanan na lang namin ang guro.
_____9. Sa isang paligsahang iyong sinalihan, nakita mong may ginawang hindi maganda ang isa mong
kasamahan para kayo ay manalo. Ano ang gagawin mo?
a. Tatawanan na lang namin ang nangyari.
b. Tatahimik na lang ako para makaiwas sa gulo.
c. Magsasawalang kibo na lang dahil wala namang nakakita sa nangyari.
d. Sasabihin ko ang totoong nangyari sa pamunuan para walang magiging problema.
_____10. Bilang mag-aaral, bakit kailangan mong magsabi ng katotohanan?
a. Para mapagalitan ng mga magulang
b. Dahil ito ay sinabi ng aming mga kaibigan
c. Para tumaas ang aking grado sa susunod na markahan mga kamag-aral
d. Upang maging magandang modelo sa aking mga kamag-aral

II. Tukuyin ang bawat balita kung ito ay Katotohanan o Opinyon. Isulat ang sagot sa patlang.

_________11. Dineklara ni DepEd Secretary Sarah Duterte na ang pasukan ay magsisimula sa darating na Agosto 22,
2022.
_________12. Sa palagay ng aking ina, matatapos ang Corona Virus Disease 2019 ngayong Hunyo.
_________13. Ang LGU ay tinutulungan ang DOH sa pagpapatupad ng mga dapat sundin kagaya ng mga paggamit
ng
face mask, paghugas ng kamay bago pumasok sa anomang gusali at pagsunod sa social distancing.
_________14. Sabi ni Jenny, may pabuyang ibibigay sa makatuturo ng mga salarin na lumalabag sa batas ng ating
bansa.
_________15. Sa palagay ko malapit ng matapos ang problema natin sa COVID-19.
_________16. Libo-libong artista ng ABS CBN ang nawalan ng trabaho.
_________17. Barangay health workers tumulong sa pagbigay ng ayuda sa mga mamamayan sa kalagitnaan ng
COVID-
19.
_________18. ABS CBN, ipanasara dahil daw sa hindi pag-renew ng prangkisa.
_________19. Sa palagay ko mahigit dalawang libo na ang nakarekober sa COVID-19.
_________20. Ayon sa balitang narinig ko sa radyo, ipinahayag ng DOH na dumarami ang nakakarekober sa
COVID-
19.

III. Tukuyin ang bawat pangyayari. Isulat ang TP kung ito ay may Tamang Pagpapasiya, MP kung ito ay
nagpapahayag ng Maling Pagpapasiya.

_________21. Hayaan mo ang iyong kaibigan na makinig ng malalaswang patalastas.


_________22. Iwasan ang pakikinig ng patalastas na walang aral.
_________23. Tangkilin ang pagkakaroon ng tamang pagpapasiya.
_________24. Huwag ng suriin ang nakalap na impormasyon.
_________25. Magsanay sa pagbabasa at pakikinig ng mga impormasyong galing sa lehitimong pinagkukunan.

You might also like