You are on page 1of 2

Natasha Z.

Lagbas 04/26/23

IDE 30.10 – YB Sir. Ryan Raran

Ang Pista ng Pintados

Ang Pintados ay isang pangalan na nanggaling sa isang katutubong mandirigma na


ang katawan ay puno ng mga tatu. Gumagamit ang mga Pintados ng bakal na matatalas at
bago magsimula ang pagtatatu, pinainit muna nila ito gamit ang apoy (Gonzalez, 2019). Nang
mga panahong iyon, ang tatu ay simbolo ng tapang, ganda, at estado sa buhay. Ang isang tao, lalong-
lalo na ang mga lalaki ay isinasaalang-alang na matapang kapag marami siyang sinuong na gyera o
labanan at naipanalo ang mga ito. Kaya kung sino man ang mas maraming tatu, na halos pumuno sa
buong katawan ay kinikilala bilang mas matatapang na mandirigma. Isa sa mga sinaunang sining sa
Pilipinas ay ang pagguhit ng makukulay at permanenteng disenyo sa katawan, kaya sa mga
kababaihan naman, ito ay sumisimbolo ng kagandahan. Base sa estado ng kanilang buhay, ang
pagkakaroon ng tatu sa katawan ay isa ring tanda ng pagbibigay respeto o galang sa kanilang mga
hukbo ng tribo na nagiging sanhi upang katakutan sila ng mga kaaway. Kaya ay itinuring silang
nakakatakot at barbaro ng mga Kastila dahil bawat tatu ay tanda ng taong napatay (Baclig, 2019).

Ang mga pintados ay puno ng mga ritwal ng pasasalamat sa masaganang ani o kaya ay mga
laban na kanilang naipanalo sa paraan ng pagsamba sa mga diyos. Nabuhay muli ang tradisyong ito
noong itinatag ang Pintados Foundation, Inc. noong 1986 ng mga mangangalakal at negosyante sa
Tacloban (Almario, 2015). Ang layunin nito ay upang gunitain ang makasaysayang tradisyon ng mga
pintados at ipagdiwang ang kultural na pamana. Nagsimula dito ang Pista ng Pintados, na unang
ipinagdiwang noong Hunyo 29,1987. Ang relihiyosong aspeto ng kapistahan ay ang debosyon sa Sto.
Niño na nagmula sa panahon ng Kastila na ang araw ng kapistahan ay ginaganap tuwing ikatlong
bahagi ng Enero. Noong 1888, nawala ang banal na imahen sa paglalakbay nito mula sa Maynila
pabalik sa Leyte at kasabay nito kumalat naman ang sakit na kolera sa Tacloban. Nakita ito ng mga
taga-Mindoro at ibinalik sa Leyte noong Hunyo 30, 1889 (Puerto, 2018). Ang pagdating nito ay
nagmarka rin ng pagtatapos ng epidemya. Mula noon, ang pagdiriwang ay inilipat mula Enero
hanggang sa katapusan ng Hunyo. Ang Leyte Kasadyaan Festival of Festivals naman kung kailan din
ginaganap ang Pista ng Pintados ay isa ding pagdiriwang kung saan nagpapakita ng kakaibang kultura
at makulay na kasaysayan ng Leyte. Ngayon, ang Pista ng Pintados ay tinatawag na ring Pista ng
Pintados-Kasadyaan dahil magsunod lamang ang araw nila kung saan ang Pista ng Pintados at Leyte
Kasadyaan Festival of Festivals ay ginaganap sa Hunyo 28 at 29, ayon sa pagkakabanggit (Philippine
Mirror, 2021).

Ang mga kaganapang ito ay tinatawag na “Festival of Festivals” ng Leyte, kung saan
mayroong Pintados Festival Ritual Dance Presentation at Pagrayhak Grand Parade. Ang mga
mananayaw ay kumakatawan sa maraming tradisyon na nabuo bago dumating ang mga Kastila.Ilan
sa mga ito ay ang pagsamba sa iba't ibang diyos, katutubong musika at epikong tula. Ang
pinakahihintay sa pista ay ang mga mananayaw na pininturahan ang ulo hanggang paa upang gayahin
ang mga sinaunang mandirigmang puno ng tato ang katawan. Makikita sila na sumasayaw sa kalsada
ng lungsod ng Tacloban at ang mga lalaking mananayaw ay puno ng mga palamuting may luminosong
at matitingkad na kulay gaya ng asul at berde (Gonzalez, 2019).
References

Almario, V. (2015). Sagisag Kultura. Manila: National Commission for Culture and the Arts,
(1). Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/pintados/

Baclig, C. (2020). Tattoos: The art that exhibits Philippine culture and history. Retrieved
from https://lifestyle.inquirer.net/374686/tattoos-the-art-that-exhibits-philippine-
culture-and-history/

Gonzalez, R. (2019). Pista ng Pintados. Retrieved from


https://dokumen.tips/documents/pista-ng-pintados.html

Philippine Mirror. (2019). PINTADOS-KASADYAAN FESTIVAL. Retrieved from


https://pilipinomirror.com/pintados-kasadyaan-festival/

Puerto, P. (2018). Pintados Kasadyaan Festival. Retrieved from


https://www.puertoparrot.com/articles/pintados-kasadyaan-festival?lang=en

You might also like