You are on page 1of 68

KUNG PAANO HINIHINTAY ANG DAPITHAPON

Director: Carlo Enciso Catu


Screenplay: JC Pacala

1
1 INT. BENEDICTO'S HOUSE - ROOM. DAY.

Makikita natin ang dahan-dahang pagbagsak ng tubig mula sa


kisame kasunod ang pagbagsak nito at paggawa ng mga singsing
sa naglalawang sahig.

Gagapang at lalagaslas ang tubig sa pader ng kuwartong


tuklap na ang pintura buhat ng ulan. Patuloy na tatagas ang
tubig mula sa iba't ibang bahagi ng kisame.

Dahan-dahang lulungayngay ang kisameng lawanit hanggang sa


tuluyan itong malagas.

Tahimik nating masasaksihan ito. Mabagal. Banayad. Isang


romantikong pagkawasak.

At habang unti-unti tayong lumalayo sa pader, makikita natin


ang dalawang manok na tumutuka-tuka at palipad-lipad sa mga
guho sa ibabaw ng kama...

At sa ilalim nito, nakahiga ang isang katawang walang muwang


sa kaguluhan ng kanyang paligid.

SCREEN FADES TO BLACK.

INSERT TITLE CARD: KUNG PAANO HINIHINTAY ANG DAPITHAPON

2 INT. CELSO'S HOUSE - BATHROOM. DAY.

Bubuga ang shower ng maligamgam na tubig sa katawan ng isang


matandang babae. Si Teresa, 79 taon. Aagos ang mga patak ng
tubig sa kanyang basang buhok, sa kanyang pisngi, pababa
nang pababa.

Bigla siyang mapapahinto. May mapapansin siya sa lalagyan ng


sabon. Papatayin niya ang shower. Mapapakunot siya. Titignan
niyang maigi ang sabon.

May bulbol sa sabon.

3 INT. CELSO'S HOUSE - LIVING ROOM. DAY.

Isa-isang nilalagyan ng letra ng isang matandang lalaki ang


kahon ng crossword puzzle sa diyaryo. Nakasuot siya ng
camisa de chino na naka-tuck-in sa kanyang shorts. Matikas

2
ang katawan niya pero halatang lumipas na ang kanyang
panahon, dala na rin ng napapanot niyang ulo. Suot ang
salamin, aaninagin niya ang nakasulat sa diyaryo. Siya si
CELSO, 77 taon at isang pediatrician.

Mararamdaman ni Celso na may taong nakatayo sa likod niya.


Sisilipin niya ito sa gilid ng mata pero hindi na aalisin
ang pagkakatungo sa diyaryo dahil kilala niya na ito. Si
Teresa.

CELSO
Tapos ka nang maligo?

Hindi sasagot si Teresa kaya lilingunin na siya ng asawa.


Iritable ang itsura nito.

CELSO
O, bakit nakabusangot ka na naman?

Ibabato ni Teresa ang sabon sa binti ni Celso. Kukuhanin ni


Celso ang sabon at pagmamasdan. Nandoon pa rin ang hibla ng
bulbol.

TERESA
Tanggalin mo.

CELSO
Seryoso ka ba?

TERESA
Lumalamig yung tubig sa banyo.

CELSO
Bakit hindi mo tanggalin?

TERESA
Bakit ako'ng pagtatanggalin mo eh bulbol mo yan?
Ilang beses na nating pinag-usapang
wag kang mag-iiwan ng buhok sa sabon.

Matatawa na lang si Celso at mapapailing.

TERESA
Anong nakakatawa?

CELSO
Ala.

3
[Wala.]

Kusang tatanggalin ni Celso ang bulbol sa sabon at iaabot


kay Teresa.

CELSO
O, ayan.
Maligo ka na para lumamig naman yang ulo mo.
Napakabugnutin.

TERESA
Hoy Celso, kahit mainit ang ulo ko,
may buhok naman ko.

Iirapan lang ni Teresa si Celso at maglalakad patungo sa


banyo. Pero bago ito makalayo, may pahabol ito.

TERESA
(pabulong) 'Tong panot na 'to.

CELSO
Narinig ko 'yon.

Ganito tumatakbo ang pagsasama nila sa loob ng 27 taon. Si


Teresa bilang istrikto at mabusisi at si Celso bilang
mapagbigay at mapagpaubaya.

4 EXT. BENEDICTO'S HOUSE - YARD. DAY.

Makikita nating nakaupo sa mahabang bangkong kahoy ang isa


pang matandang lalaki habang kinikilatis ang kanyang manok
na panabong. Dudukot siya at magsisindi ng sigarilyo. May
sunog siya sa braso kung saan nakalagay ang dating tattoo.
Hihitit siya dito saka bubugahan ang tandang para matanggal
ang hanip. Siya si BENEDICTO, 85 taon sabungero. Nakasuot
siya ng lungayngay na sando at checkered shorts.

Makakarinig si Benedicto ng katok mula sa kinakalawang


niyang gate. Sisilip ang isang lalaki. Si ABNER, isa sa mga
kaibigang sabungero ni Benedicto na higit na mas bata sa
kanya.

ABNER
Kong Bene!

4
[Mang Bene!]

Sesenyasan lang sya ni Benedicto na pumasok.

Papasok si Abner bitbit ng kanyang sariling manok. Uupo siya


sa kabilang dulo ng mahabang bangkong inuupuan ni Benedicto.

ABNER
Kabangis na yan.
Yapin ing isultada mo?

[Gwapo ng nokis, ah.


Yan na ba'ng isusultada mo?]

Hindi agad sasagot si Benedicto. Hihitit-buga muna siya sa


kanyang sigarilyo. Nasa kanya ang lahat ng oras sa mundo.

BENEDICTO
Nang palage mu? Lyamado?

[Tingin mo? Panalo?]

ABNER
Ayba, wa naman! Champion!
Ala yang sinabi yan ketang bulik nang konsyal!

[Ay, champion!
Lyamadong lyamado yan sa bulik ni konsehal.]

BENEDICTO
Bulik? O balaku sa’ng sinibalang
ing ilaban na?

[Bulik? Kala ko yung sinibalang


ang ilalaban niya?]

ABNER
Ala. Sinipun ya kanu.

[Wala, sinipon.]

BENEDICTO
Mekarma ya rin ing animal.

[Kinarma din ang hayop.]

ABNER

5
Ninu ing manok?

[Yung manok?]

BENEDICTO
I konsyal. Asne kapanako.

[Si Konsehal. Nuknukan ng kurakot.]

Matatawa na lang si Abner habang patuloy ang paninigarilyo


ni Benedicto.

BENEDICTO
Komusta ya ing asawa mu?

[Kamusta'ng misis mo?]

ABNER
Oyta paglihian no reng saresa.

[Yun, naglilihi sa aratilis.]

BENEDICTO
(mangingisi) Saresa?

[Aratilis?]

ABNER
Tabalu pin kaya e.

[Ewan ko ba dun.]

BENEDICTO
Sabage ma’p no reta. O nung sinigwelas?
Isipan mu no’n ka manakit sinigwelas
kapitangang bengi?

[Ayos na yun. Eh, kung sinigwelas?


Saan ka hahanap ng sinigwelas dis oras ng gabi?]

ABNER
I Kong Abner oh, magsalita ya
balamu atin yang asawa.
Mayap pa pin ika single ka e.
Single ready to mingle.

['To naman si Mang Bene, makapagsalita.

6
kala mo may asawa.
Buti ka nga, single at ready to mingle.]

BENEDICTO
Tarantado.

Dudurugin ni Benedicto ang upos ng yosi. Dadahak siya sa


lupa. Mapapansin ni Abner na may dugo ang dahak ni
Benedicto. Mapapansin ni Benedicto ang pag-aalala sa mukha
ng kasama kaya tatapakan niya agad ang dahak bago pa man
makapagtanong si Abner. Ikikiskis niya ito sa lupa.

Sesenyasan ni Benedicto si Abner. Tatayo silang pareho.

Pagtatapatin nila ang dalawang manok. Gagalitin hanggang sa


magtikwasan ang balahibo sa leeg. Bibitawan nila pareho ang
pagkakahawak sa buntot ng dalawang manok at hahayaan ang
dalawang magtuos.

5 INT. CELSO'S HOUSE - DINING ROOM/KITCHEN. NIGHT.

Bubuksan ni Teresa ang kaldero. Manok na may pulang sabaw


ang ulam. Magsasalin siya sa mangkok.

Hahainan ni Teresa si Celso na nakaupo sa kabisera ng


komedor.

Mapapansin ni Teresa na nakatitig lang si Celso sa ulam.

TERESA
O, bakit?

CELSO
Ano yan?

TERESA
Alin?

CELSO
Yung ulam.

TERESA
Tinola.

CELSO
Pula?

7
TERESA
Tinola sa pakwan.

Mawiwirduhan si Celso, di alam ang sasabihin.

Katahimikan.

Magpapakiramdaman silang dalawa. Magkakasabay magsalita.

CELSO
(sarcastic) Ano namang naisipan mo at --

TERESA
(defensive) 'Wag kang kumain kung ayaw mo.

Magugulat si Celso sa sinabi ni Teresa. Mahihiya naman si


Teresa sa inasal. Mapapayuko na lang ito bago sumandok ng
kanin sa sariling plato.

CELSO
(kalmado) Tinatanong ko lang naman
kung anong naisip --

TERESA
(defensive) Napanood ko lang yan
sa TV nung isang araw.
Tapos kanina, dumaan yung
naglalako ng pakwan.
Sabi ko, masubukan nga at maiba naman.

Tatango-tango lang si Celso, wala na rin naman siyang


magagawa.

Magkakasabay silang magsalok ng ulam. Sesenyasan ni Teresa


na mauna na si Celso.

TERESA
Dapat nga paksiw ang lulutuin ko.

CELSO
O anong masama sa paksiw?

TERESA
Baka sabihin mo paksiw na naman.

CELSO

8
Kaya kong kumain ng paksiw araw-araw.

TERESA
Sus, nagsalita ang maselan.
Sa'kin ka lang naman natutong
kumain ng paksiw.

CELSO
Lingo-linguhin mo ba naman ako,
sinong hindi matututo?

TERESA
Kaya nga baka magsawa ka.

CELSO
Ngayon pa ba?
Kahit anong ihain mo d'yan kakainin ko.

Magsisimula silang kumain. Hihigop ng sabaw si Celso mula sa


tasa. Matitigilan siya, mapapangiwi. Hindi masarap.

CELSO
Saan mo nga natutunan 'tong
tinola sa pakwan?

TERESA
Sa TV.

CELSO
Tigil-tigilan mo nang kakanood ng TV.

Si Teresa naman ang titikim ng ulam. Mapapangiwi din siya't


hindi masasarapan. Pero mapapansin niya si Celso, tahimik na
kinakain ang niluto niya. Mapapangiti siya at tahimik ring
kakain.

6 INT. BENEDICTO'S HOUSE - ROOM. NIGHT.

Papahiga na si Benedicto sa kama niya nang mapansin niya ang


isang itim na pusang nakaupo sa may pasimano. Tititigan niya
ito at ang dilaw na mata nitong literal na umiilaw sa dilim.
Pagmamasdan niya ito ng may pagkamangha, parang isang pares
ng bola ng liwanag. Tatayo siya at lalapitan ang pusa ngunit
tatalon ito palabas ng bintana.

Susundan niya ito at makikita niyang punong-puno ang bakuran

9
niya ng ilampung itim na pusa, lahat ay umiilaw ang mata.
Parang inaakit siya ng mga ito.

Walang ano-ano'y sasampa siya sa bintana at tatalon palabas.

7 INT. BENEDICTO'S HOUSE - ROOM. NIGHT.

Didilat si Benedicto. Papakiramdaman niya ang sarili.


Nakahiga pa rin siya sa kanyang kama. Isa lang palang
panaginip.

Babangon siya. Mapapansin niya na may pusang itim sa


pasimano. Tititigan niya ang pusa at tititigan din siya nito
pabalik. Nanggaling nga ba siya sa isang panaginip? Tatayo
na sana siya para lapitan ang pusa pero tatalon ito palabas
ng bintana.

Pagsilip niya sa labas, wala na ang pusa.

Pagmamasdan niya ang aliwalas ng umaga.

8 INT. BENEDICTO'S HOUSE - KITCHEN. DAY.

Maririnig natin ang garalgal na tunog ng transistor habang


naghihilamos si Benedicto. Tutuyuin niya ang mukha ng bimpo
at sisipatin ang itsura sa maliit na salaming nakasabit sa
pader.

Susubukan niyang ayusin ang antena ng transistor pero hindi


talaga ito makasagap ng istastyon. Papatayin niya na lang
itong tuluyan.

Bubuksan niya ang overhead cabinet, kukuhanin ang isang


malaking garapon na ang tanging laman ay isang stick ng
instant na kape, bukas na at tinupi para di manigas.

Sisimutin niya ang laman ng sachet. Maputla ang kape.

Uupo siya sa kabisera ng mahabang mesa. Mapapatitig siya


dito. Hihimasin niya ito bago lagukin ang maputlang kape.

9 EXT. CELSO'S HOUSE - YARD. DAY.

Babali ng tanim nilang aloe vera si Teresa. Pipigain niya

10
ang dagta at imamasahe sa ulo ni Celso na nakaupo sa isang
silya.

Mapapansin ni Celso ang aloe vera.

CELSO
Pag nadaan ka sa plaza sa Sabado,
bumili ka ng aloe vera.
Tatatlo na lang yung tangkay.

TERESA
Tangkay ba yan? Di ba yan dahon?

CELSO
Ito, makapang-inis lang talaga eh.
Kung ano man ang tawag diyan.
Hindi na ba yan tumutubo pag binali mo na?

TERESA
Ewan. Hindi na siguro.
Putol na eh.

CELSO
Sabagay.

TERESA
Alam mo, bakit di mo subukang magpakalbo?
Para hindi na tayo pahid ng pahid ng
aloe vera dito.

CELSO
Tinatamad ka na ba?
Akin na, ako na ang maglalagay.

TERESA
Ang sinasabi ko lang,
baka bagay sa'yo.

CELSO
Tingin mo?

TERESA
Bakit hindi?

10 INT. BENEDICTO'S HOUSE - LIVING ROOM. DAY.

11
Mula sa kusina, hirap na ilalabas ng anim na lalaki ang
mahabang antigong mesa ni Benedicto. Tuloy-tuloy itong
dadalhin palabas ng pinto.

Sunod na lalabas sa sala si Benedicto at ang AHENTE ng


antique. Pagmamasdan nila ang paglabas ng mesa. Masaya ang
ahente habang may panghihinayang sa mukha ni Benedicto.

Mapapansin ng ahente na hawak pa rin ni Benedicto ang bayad


sa binentang mesa.

AHENTE
Pota galang akalimbatawan mo pa ren Tang?
Lele mu nala pa.

[Tay, itabi mo na yan, baka mawaglit pa.]

BENEDICTO
Emu ne talaga aitas anggang beinte mo?
Ewari sabi mu kanita, beintsingku mo apipisali
reng makanyang lamesa?

[Hindi ba talaga kaya ng bente?


Sabi mo nga dati, bente singko mo mabebenta yang
ganyang lamesa.]

AHENTE
Kanita ita Tang. Eku naman balung
atin ya palang gasgas keng bitis.
O baka malugi ku pa ken e.

[Noon yun, tay. Eh hindi ko naman napansin,


may galos pala sa paa.
Baka nga lugi pa ko dyan eh.]

BENEDICTO
Kapilan ka wari melugi kanaku?
Masanting yang klasi yan. Kamagung.
Sukat mung balakan, matwa ya pa keka yan.

[Kelan ka ba nalugi sa'kin?


Magandang klase yan. Kamagong yan.
Matanda pa sa'yo.]

AHENTE
Nung narra ya sa. Adinan daka pang trenta.
O ala ku pa ping buyer ken.

12
Mattud ku la pa reng pera ku.

[Kung narra yan.


Baka pwede ko pang itaas ng trenta.
Wala pa kong buyer nyan.
Matutulog pa pera ko dyan.]

BENEDICTO
Dagdagan mo naku d’yang libu mu.

[Dagdagan mo na kahit 'sang libo.]

Mapipilitan ang ahente pero halatang sanay nang


makipagtransaksyon kay Benedicto. Dudukot ang ahente ng
isang libo sa pitaka at iaabot kay Benedicto.

AHENTE
Tatang Bene ne.
Nung edaka suki e....

[Mang Bene talaga,


kung di ka lang suki...]

BENEDICTO
Manakitan ka ken, basta akung memye.

Kabalik mu samasan ko retang tasa ku.

[Kikita ka dyan, basta akong nagbihay sa'yo.


Aayusin ko yung mga tasa ko, para pagbalik mo.]

Hindi nakikinig ang ahente, abala ito sa paglinga-linga sa


bahay.

AHENTE
Ining bale eme pa pipisali?

[Itong bahay, hindi niyo pa ba ibebenta?]

Babaling ang ahente kay Bendicto, maghihintay ng sagot.


Walang masasabi si Benedicto.

AHENTE
Bie mune kanaku.
Atin kung buyer.

13
[Bigay mo na sakin 'to.
May buyer ako.]

BENEDICTO
Pisali ke keka o, basta makayabe ku ne?

[Ibebenta ko 'to sa'yo basta isasama mo ko.]

AHENTE
Ika naman tang!
E wari masyadung maragul keka yan?
Ika rugung dili. Aalug-alug ka ken o.
Ala ne rin naman laman.

[Seryoso, 'tay.
Hindi ka ba nalalakihan dito?
Mag-isa ka lang, aalug-alog ka dito.
Wala narin namang laman.]

BENEDICTO
Aku, eku wari lupang laman?

[Ako, di ba ko mukhang laman?]

Magkakatitigan lang sila ng ahente. Maiintindihan ng ahente


na wala pa talagang balak si Benedicto na ibenta ang bahay.

11 DELETED

12 DELETED

13 INT. CELSO'S HOUSE - ROOM. NIGHT.

Maaabutan natin si Celso at Teresa sa kanilang kama sa


pagtatapos ng kanilang pagtatalik. Mahihiga si Celso sa tabi
ni Teresa, hapong hapo.

Tititigan lang ni Teresa si Celso. Mapapansin ito ni Celso


kaya makikipagtitigan din ito.

CELSO
Ang ganda mo pa rin.

TERESA
Maupo ka.

14
CELSO
Anong gagawin mo sa'kin?

TERESA
Basta.

CELSO
Ikaw ha.

Susunod naman si Celso. Mauupo ito sa kama. Babangon din si


Teresa at mauupo sa likod ni Celso. Mamasahihin nito ang
likod ng doktor.

CELSO
Ibaba mo’ng konti.
Yan, nadali mo.

TERESA
Pupunta ba sila Marissa sa Linggo?

CELSO
Hindi ko alam.
Hindi pa tumatawag eh.

TERESA
Para makapag-ayos na tayo ng bahay.

CELSO
Pupunta siguro yung mga yun.
Di naman yun pumapalya.
Si Chito, nakausap mo na?

TERESA
Nung isang araw. Pupunta daw sya.
Ano kayang lulutuin ko?

CELSO
Kahit ano.
Gusto mo, yung tinola sa pakwan.

Didiinan ni Teresa ang pagpisil sa likod ni Celso.

CELSO
Aray, aray.
Ito naman di na mabiro.

15
14 INT. BENEDICTO'S HOUSE - ROOM. DAY.

Makikita nating naka boxer shorts lang si Benedicto,


nagbibilang ng pera, iba-ibang denominasyon, mula bente
pesos hanggang isang libo. Ilalapag niya ito sa kama.
Magsusuot siya ng shorts. Isusunod naman niya ang t-shirt.

Kukuha siya ng gunting at lalagyan ng tapyas ang laylayan ng


kanyang t-shirt kung saan nakalagay ang tupi. Kukunin niya
ang isang libo. Susubukan niya itong bilutin. Sa gitna ng
pagbibilot, magbabago ang isip niya, manghihinayang.
Limandaan na lang ang bibilutin niya. Isusuksok niya ito sa
laylayan ng kanyang t-shirt.

May kakatok sa kalawanging gate.

ABNER
Kong Bene!

[Mang Bene!]

Lalabas si Benedicto ng kuwarto at iiwan ang abandonadong


kuwarto.

15 EXT. CELSO'S HOUSE - YARD. DAY.

Lalabas ng bahay si Teresa at maaabutan niyang naglilipat ng


halaman sa paso si Celso.

CELSO
Sino yung tumawag?

TERESA
Si Marissa. Tuloy daw sila sa Linggo.
Sabi ko, wag nang magdala ng pagkain at
ako na ang magluluto.

CELSO
Kala ko si Chito na eh.

TERESA
Bakit parang mas sabik ka pa sa
tawag ng anak ko kesa sa tawag ng anak mo?

CELSO
May pinabibili kasi akong shampoo sa kanya.

16
Mahusay daw pampatubo ng buhok.

TERESA
May problema ba si Marissa?
Parang iba yung boses eh.

CELSO
Wala namang nababanggit sakin.
Yaan mo tanungin ko kapag dumating.

16 INT. SABUNGAN. DAY.

Maririnig natin ang ingay ng sabungan. Kanya-kanyang abot ng


pera ang mga tao sa kristo.

Sa isang banda, tinatarian ang manok ni Benedicto. Nanonood


lang si Benedicto at si Abner sa mismong pagtatari.

ABNER
Kong Bene ing wallet mu ah.
Pota mamisan ya yan. Yaku meglele
nakung dinalan keng brief ku.

[Mang Bene, yung wallet mo ha.


Baka madukutan ka.
Ako nga nagtabi na ng sandaan sa brief.]

BENEDICTO
Ala no man panakawan.

[Wala na silang madudukot.]

Sa ilang saglit, magsisimula na ang sabong. Sa loob ng


ruweda, pagtatapatin ang dalawang manok saka bibitawan.
Magsisimula nang tukain at sugatan ng bawat manok ang isa't
isa.

INTERCUT WITH

Unti-unti, makikita natin ang panlulumo ni Benedicto sa


bawat tuka at sugat ng manok. Hindi maganda ang
kinalalabasan ng laban.

17 EXT. SABUNGAN. DAY.

17
Maglalakad si Benedicto papalayo ng sabungan bitbit ang
kanyang manok, naghihingalo at lagas-lagas ang balahibo.

Hahabulin siya ni Abner, bitbit ang lagayan ng manok.

ABNER
Kong Bene, iuli ye pa ing manok yo?
Antayu lage ye pa keni oh.

[Mang Bene, iuuwi nyo pa ba yang manok?


Lagay nyo muna dito o.]

Pero hindi siya papansinin ni Benedicto. Dudukutin ni Abner


ang sandaan niya sa brief.

ABNER
Kong Bene tara sali katapang softdrinks.
Mawa kung numan.

[Mang Bene bili tayo ng softdrinks?


Nauuhaw na ko, eh.]

Pero patuloy lang ang paglalakad ni Benedicto. Balisa sya.


Hindi niya na napapansin ang paligid, tila nalulusaw ang
paningin niya at pandinig. Mapapahinto si Benedicto sa
paglalakad at tila lahat ng bagay na nakikita niya ay
umiikot, lumalabo.

Babagsak si Benedicto. Mabibitawan niya ang manok at kasabay


niya, mangingisay ito sa sahig, sinusubukang habulin ang
buhay.

Maaalarma si Abner. Hihingi ito ng tulong.

ABNER
Kong Bene!
Ay Kong Bene nang milyari keka?
Sopan yu kami! Mawus kong ambulansya!

[Mang Bene!
Uy, Mang Bene anong nangyari sa inyo?
Tulong! Ambulansya!]

18 INT. CELSO'S HOUSE - KITCHEN. DAY.

Hahalungin ni Teresa ang nilulutong morcon. Gugupitin niya

18
ang tali sa nakarolyong karne at hahati-hatiin niya ito.

Dadating si Celso at magtatangkang kumuha ng isang slice ng


morcon ang kamay.

CELSO
Ang sarap naman niyan.

Hahampasin ni Teresa ang kamay ni Benedicto.

TERESA
Wag mong kamayin, baka mapanis.
Kumuha ka ng tinidor dun.

Kukuha naman ng tinidor si Celso.

TERESA
Tumawag nga pala si Chito.

CELSO
Bakit di mo ko tinawag.

TERESA
Natutulog ka eh. Nabili na daw niya yung shampoo
mo.

CELSO
Magsasama daw ba sya ng girlfriend?

TERESA
Aba malay ko.

CELSO
Napansin mo ba?
Hindi pa nagdala kahit
kailan ng girlfriend si Chito.

TERESA
Anong gusto mong sabihin?

CELSO
Na baka...

TERESA
Bading si Chito?

CELSO

19
Hindi, hindi.
Na pihikan sya masyado.

TERESA
Eh, ngayon kung bading sya?
Wala namang problema sakin yun.

CELSO
Wala rin namang problema sakin.
Ang sinasabi ko lang, baka kailangan
mong kausapin.
Nang... makalabas siya.
Gusto ko nga kausapin na, eh.
Kaya lang, baka sabihin mo,
masyado na kong nanghihimasok.

Parang anak ko na rin naman yang si Chito.

TERESA
Alam mo ikaw,
kung wala kang mapagdiskitahan,
tulungan mo na lang ako dito

Matanda na yang si Chito.


Kung bakit wala syang dinadala dito,
problema nya na yun.

CELSO
Gusto ko lang namang maging masaya sya.
Masyadong seryoso yang si Chito, eh.
Parang may kinikimkim.
Mahirap na pag sumabog yan.

19 INT. CELSO'S HOUSE - LIVING ROOM. NIGHT.

19A PAGDATING NI CHITO

Aayusin ni Celso ang mga putahe sa dining table nang may


kumatok. Bubuksan niya ang pinto. Si Chito. Papapasukin
niya ito.
CELSO
Nasa kusina ang nanay mo.

Magmamano si Chito kay Celso. Ipapakita ni Chito kay Celso


ang isang maliit na paperbag.

CHITO

20
Pinapabili mo.

CELSO
Magkano?

CHITO
Wag na, regalo ko na yan sa'yo.

CELSO
Uy, salamat.

Aakbayan ni Chito si Celso na parang kabarkada lang.

CHITO
Kumakapal na ang buhok mo ah.

Lalabas si Teresa sa kusina, dala ang bandehadong morcon na


niluto kanina.

CELSO
O, Tere, narinig mo.
Kumakapal na daw yung buhok ko.

CHITO
Uy morcon.

TERESA
Sa lakas mang uto niyan, naniniwala ka pa?

CHITO
‘Sus, ‘to namang si Nanay. Sinisiraan pa ko.
Binilhan pa naman kita ng paborito mo.
Sinigwelas, o.

TERESA
Kita mo na.

Ngingisi-ngisi si Chito. Ibaba ni Chito sa lamesa ang supot


ng sinigwelas at kakain ng isa.

CHITO
Nakita ko lang sa sidewalk.
Panahon na pala ng sinigwelas.

TERESA
Aba’y oo. Magtatag-ulan na, eh.

21
Ibababa ni Teresa ang bandehado at magmamano sa kanya si
Chito.

CHITO
Kamusta naman kayo dito?
Ok naman ba?

TERESA
Ikaw ang kamusta.
Tinatanong niyang si Celso kung may
isasama ka daw bang girlfriend.

CHITO
Wala eh. Long distance kami ng
girlfriend ko ngayon.
Sa Iligan siya naka base.

Magkakatinginan lang si Celso at Teresa. Ngingitian ni Celso


si Teresa na parang sinasabing ‘sabi ko na sa’yo, eh’.
Iirapan lang siya ni Teresa.

CHITO
May nakasalubong akong kotse sa may kanto kanina,
kila Marissa yata--

Mapuputol ang sinasabi ni Chito ng busina ng kotse.

CHITO
Ayan na yata. Ako na.

Aalis si Chito para pagbuksan ang mga paparating. Magiging


tawa ang ngiti ni Celso.

CELSO
Sabi na sa'yo eh.

TERESA
Tigilan mo na.

19B PAGDATING NG PAMILYA NI MARISSA

Makikita nating nakaupo si Celso,sa kabisera ng dining


table. Nandoon sa gilid niya si Teresa kalong si Janssen.

TERESA
Ang laki mo na.

22
Di ka na mabubuhat ni Lola.
Anong gusto mo? Gusto mo ng hotdog?

JANSSEN
Pugo!

Matatawa si Teresa sa hiling ng apo.

TERESA
Pugo na naman? O siya,
halika doon tayo sa kusina.

Dadalhin ni Teresa si Janssen sa kusina. Darating si


Marissa at magmamano ito kay Celso.

MARISSA
(sa anak) Janssen, wag mo nang
kulitin ang Auntie.

CELSO
Ante ing asawa mu?
[Asawa mo?]

Saktong papasok ang isa pang anak ni Marissa na si TRISH.

MARISSA
Nasaan ang papa mo?

TRISH
He’s still on the phone.

MARISSA
Sino?

Magkikibit balikat lang si Trish. Dederecho ito kay Celso


para magmano.

CELSO
Ito ba’y marunong managalog?

MARISSA
Oo naman.

CELSO
Kapampangan?

MARISSA

23
Hindi. Ela mangapampangan keng eskwela.

CELSO
Ta keng bale yu.

[E ba’t sa bahay niyo?]

MARISSA
Ena buring Aldy. Pota ena nakami kanu antindyan
reng anak.

[Sus. Ayaw din ni Aldy. Baka daw di na niya kami


maintindihan ng mga bata.]

19C ANG PRINSESA NG PUGO

Makikitang nakaupo si Teresa at Janssen sa kusina. Pinapapak


ni Janssen ang isang mangkok ng itlong ng pugo.

JANSSEN
Lola, kwento mo ulit sa'kin yung
Prinsesa ng Pugo.

TERESA
Narinig mo na yun, di ba?

JANSSEN
Please.

Mapapapayag na lang si Teresa.

TERESA
O siya sige na nga.
Sa malayong kaharian...

JANSSEN
Ano yung pangalan ng kaharian, Lola?

TERESA
Ano nga ba? Kaharian ng mga Pugo.

Sa malayong Kaharian ng mga Pugo,


sa tuwing mamamatay ang Prinsepe ng mga Pugo,
kailangang maghanap ang Prinsesa ng
panibagong mapapangasawa.

24
JANSSEN
Why?

TERESA
Why? Dahil yun ang inaasahan sa kanila.
Sa tingin ng mga tao,
hindi kakayaning mabuhay mag-isa
ng prinsesa ng walang prinsepe.

Kaya naglakbay mag-isa ang Prinsesa


ng mga Pugo para maghanap ng
bagong prinsepe.

Ang problema, walang alam gawin


ang prinsesa.
Hindi siya marunong
manghuli ng hayop na makakain.
Hindi siya marunong magbasa ng mapa.

JANSSEN
Anong nangyari sa kanya Lola?

TERESA
Ano nga ba?
Imbis na makarating siya sa kahariang
dapat niyang puntahan, nagkaligaw-ligaw siya.
Napunta siya sa kung ano-anong
bayan at kailangan niyang manirahan doon.

JANSSEN
Gaano po katagal?

TERESA
Matagal. Taon.

Noong una’y natakot siya.


Ano ang magagawa niya,
isa lang siyang maliit
na prinsesa ng mga pugo.
Wala siyang alam gawin.
Pero hindi nagpadaig sa
takot ang prinsesa.

Sinubukan niyang mamuhay mag-isa.


Inaral ang mga dapat matututunan.
Yun nga lang, hindi na siya kasing ganda
noong nakatira siya sa palasyo.

25
Nagmukha na siyang pagod. Matanda.

JANSSEN
Like you lola?

Matatawa si Teresa.

TERESA
Oo, parang ang Lola.
Pero natutunan niya ang dapat niyang matutunan.
At hindi na siya naghanap ng prinsepe.
Kinalimutan niya na ang maging prinsesa ng pugo
at namuhay na lang siya bilang isang...
normal na pugo.

Kaso isang araw, pumunta ng bayan


ang prinsepe para maghanap ng mapapangasawa.

JANSSEN
Prinsepe of what lola?
Can it be dog?

TERESA
O sige. Naghanap ang prinsepe ng dog na
mapapangasawa. At nakita niya ang pugo.
At ipinangako niya dito lahat ng meron siya.

JANSSEN
Pumayag po ba ang pugo?

TERESA
Oo, pero hindi dahil mayaman ang prinsepeng aso,
gaya ng inaakala ng mga tao sa bayan na yun.
Matanda na lang talaga ang prinsesa
at natatakot siyang mamatay mag-isa.
Ganoon din ang prinsepe.

JANSSEN
Did they live happily ever after?

TERESA
Oo naman.
Napagtitiyagaan naman nila ang isa’t isa.
They lived happily ever after.

19D SI ALDY

26
Nakatayo si Marissa sa harap ng bintana, may hawak na plato.
Titignan niya ang si Aldy na may kausap pa rin sa phone.

Lalapitan ni Teresa si Marissa.

TERESA
Kada kita ko kay Aldy,
parating may bagong tattoo, ah.
Mahirap tanggalin yan.

MARISSA
Ayaw paawat, eh.

TERESA
Noong nagpa-tattoo nga si Chito,
galit na galit ako. Sabi ko, sige,
paplantsahin ko yang braso mo
habang natutulog ka.

MARISSA
(Matatawa) Plantsa talaga, auntie?
Ang brutal mo ah.

TERESA
Hindi naman natuloy. Nasanay din ako.
Buti hindi bawal sa trabaho niya.

MARISSA
Medyo mas maluwag na ang mga kumpanya ngayon.
Magpapa-tattoo nga daw siya next month.
Pangalan ko.

TERESA
Saan? eh parang wala nang paglalagyan.

MARISSA
Sa dibdib. Ako talaga nagsabi sa kanya nun.
Ang tagal na naming mag-asawa di man lang
niya ipa-tattoo ang pangalan ko.
Nanghuhuli lang naman ako.
E sige daw. E di sige.

19E ANG GIRLFRIEND NI CHITO/ANG TAWAG

Magve-vape si Chito sa labas ng bahay. Sasamahan siya ni

27
Celso na noo’y kumakain ng cake. Kita natin bintanang nasa
gilid nila ang kasiyahan sa loob ng bahay.

CELSO
Itong girlfriend mo, may pangalan ba ‘to?

Matatawa si Celso, maiuubo rin ang usok na hinithit sa vape.

CHITO
Hannah. Meron bang taong walang pangalan?

CELSO
Sinisigurado ko lang naman na tao.
Saan naman kayo nagkakilala?

CHITO
Online.

CELSO
Sa computer.

Tatango lang si Celso. May laman ang bibig.

CELSO
Eh di hindi pa kayo nagkikita ng personal.

CHITO
Nagkita, dalawang beses,
nung nag-business trip siya sa may Manila.

CELSO
Itong si Hannah, gaano na kayo katagal?

CHITO
Magsi-six months.

CELSO
O, eh kailan ang kasal?

Matatawa si Chito.

CHITO
Kasal?
Di naman ako naniniwala sa kasal-kasal.
Mahirap yon.

28
(pabiro) Pa’no pag nauntog siya sa pader, tapos
naisip niya, ‘ay hindi pala kita gusto’.
Sayang bayad sa catering.

(bahagyang magiging seryoso si Chito)Tsaka pwede


namang maging masaya kahit hindi kasal.
Kayo nga ni Nanay, o.
May anniversary party pa nga kayo o.

CELSO
Alam mo naman kung bakit hindi kami kasal.
At hindi namin yun desisyon.

CHITO
Sabagay.

Mapapansin ni Celso sa bintana ang paghiwalay ni Teresa sa


mga tao sa loob. Seryoso itong nakikipag-usap sa telepono.
Magtataka si Celso kung sino ang kausap ni Teresa.

20 INT. CELSO'S HOUSE - KITCHEN. NIGHT.

Makikita natin ang bawas na cake mula sa celebration kanina.


Putol na ang message na Happy Lovesary Tere & Celso.
Isasalansan ni Teresa ang mga pinagkainan. Huhugasan niya
ito sa lababo. Si Celso naman ay inilalagay sa tupperware
ang mga tirang ulam.

TERESA
Tingin mo, pupunta ba ko?

CELSO
Ikaw.

TERESA
Hinihingi ko nga ang opinyon mo.

CELSO
Nasa sa iyo naman yun.

Didiin na ang tono ni Teresa, may halong pagkairita.

TERESA
Kung ikaw nga.

29
CELSO
Oo, puntahan mo si Benedicto.
Bakit naman hindi? Asawa mo pa rin siya.

TERESA
Hindi ko na siya asawa.

CELSO
O sige, nagsama pa rin naman
kayo ng ilang taon nga?

TERESA
Dalawampu’t anim.

Ilalagay ni Celso ang mga tupperware sa ref.

CELSO
Dalawampu’t anim.
Hindi mo naman pwedeng itapon yun.

Puno na ang ref. Maglalabas si Celso ng isang tupperware,


aamuyin ang laman.

CELSO (CONT’D)
Tapon ko na ‘to ha, panis na.

(balik sa pinag-uusapan) At tatay pa rin


siya ni Chito.
Bakit nga hindi mo isama si Chito?

TERESA
Alam mong hindi pwede.

CELSO
Kahit pa malaman niyang may tumor
sa utak ang tatay niya?

TERESA
Hindi mo kilala si Chito.
At ayokong gawing komplikado.
Tingin mo, pupunta ba ko?

CELSO
Nagtitiwala ako sa desisyon mo.

21 INT. CELSO'S HOUSE - BEDROOM. NIGHT.

30
Hihiga sa kama si Celso at tatabihan si Teresa. Mapapansin
ni Teresang may namumuong tanong sa isip ni Celso

TERESA
O anong iniisip mo?

CELSO
Dalawampu’t anim na taon kayo ni Bene? Talaga?

TERESA
(nakukulitan) Oo nga.

CELSO
Ha, nakaungos ako ng isang taon.

TERESA
At binibilang mo pa talaga?

CELSO
Hindi sa sinusukat ko ang bagay sa numero.
Pero minsan, masarap lang sa pakiramdam
yung meron kang kongkretong pinanghahawakan.

Sana pagkagising ko mahal mo pa rin ako.

Matatawa lang si Teresa.

TERESA
San naman nanggalin yan?

CELSO
Tulog na tayo.

TERESA
Saglit, may ibibigay nga pala ako sa’yo.
Nakalimutan ko kanina.

May kukuhaning paperbag si Teresa sa gilid ng kama.

TERESA
Buksan mo na.

Bubuksan ni Celso ang paperbag. Kukuhanin niya ang laman.


Isang battery operated na razor.

CELSO

31
Para saan naman ‘to?

TERESA
Bahala ka na. Tulog na ko.

22 INT. CELSO'S HOUSE - BEDROOM. DAY.

Pinagmamasdan ni Teresa ang sarili niya sa salamin. Papasok


ng kuwarto si Celso.

CELSO
Maganda ka na. Halika na.

23 EXT. CAR - MOVING. DAY.

Ipinagmamaneho ni Celso si Teresa na nasa passenger seat.

TERESA
Seatbelt.

CELSO
Ay oo nga.

Isusuot ni Celso ang seatbelt niya.

Katahimikan. Wala tayong maririnig kundi ang muffled sound


ng mga busina at makina ng sasakyan sa labas.

CELSO
Gaano katagal na nga kayong
hindi nagkita ni Bene?

TERESA
Matagal na rin.
Papawala pa lang ang regla ko
nung huli kong kita sa kanya.

Matatawa si Celso.

TERESA
Ilang taon pa lang si Chito, nun?
Wala pa yatang bente.

CELSO
(pabiro) Hindi ka ba sabik makita siya?

32
TERESA
Anong dapat kasabikan?

CELSO
(pabiro) Basta, sabihan mo lang ako
kung tuluyan ka nang babalik kay Bene.
Nang makapaghanda naman ako.

TERESA
Hoy ikaw panot ka, magtigil ka nga.
Matandang ‘to. Kala mo teenager.

Matatawa lang lalo si Celso at patuloy na magmamaneho.

CELSO
Uuwi ka ba mamaya?

TERESA
Oo. Siguro. Di naman siguro magtatagal yun.

CELSO
Susunduin ba kita?

TERESA
Wag na. Ako na lang.

24 EXT. CAR. DAY.

Hihinto ang kotse sa labas ng bahay ni Benedicto.

CELSO
Tawag ka na lang kung kailangan
mo ng sundo.

Bubuksan na ni Teresa ang pinto ng sasakyan nang hawakan ni


Celso ang dulo ng buhok niya. Ikukuyom ito ni Celso sa
kanyang mga daliri at ihahaplos sa kanyang mga palad, tila
inaalala ang pakiramdam ng buhok ni Teresa. Kukuhanin ni
Teresa ang kamay ni Celso at pipisilin ito sa palad.
Magtitinginan lang silang dalawa. At maiintindihan nila ang
isa’t isa.

Bababa ng sasakyan si Teresa. Pagmamasdan ni Celso ang


pagpasok ni Teresa sa lote hanggang sa makarating ito sa
pintuan ng mismong bahay.

33
Patatakbuhin ni Celso ang kotse.

Papasok si Teresa sa gate at mapapansin niya ang kalumaan at


dumi ng bahay mula sa labas.

Mapapansin niya ang bukas na bintana. Hindi naiwang bukas


ang bintana, sadyang wala na ang bintanang kapis na
nakalagay dito.

Kakatok si Teresa ng ilang beses sa pinto pero walang


sasagot. Bubuksan niya ang hindi nakasaradong pinto.

25 INT. BENEDICTO'S HOUSE - LIVING ROOM. CONTINUOUS.

Madilim. Tanging liwanag lang mula sa bumukas na pinto ang


nag-iilaw sa sala. Maamoy ni Teresa ang kulob at amag.
Igagala ni Teresa ang mata niya sa hungkag na bahay. Halos
wala nang kagamit-gamit.

Magpapatuloy si Teresa sa paglalakad. Makikita niya ang


mangilan-ngilang gamit na pamilyar sa kanya, gaya ng
matandang orasang nakasabit sa pader, pero hindi na ito
umaandar.

Makikita niya rin ang isang lumang sewing machine. Lalapitan


niya ito. Bubuksan niya ang mismong makina. Iaangat niya ito
at tatapakan ang pedal. Matigas ang pedal. Lalangisan niya
ito. Susubukan niyang tapakan muli ang pedal. Mas madulas na
ito kaysa kanina. Matutuwa siya sa paggana ng makina. Uupo
siya sa isang silya. Magsisimula siyang pumadyak sa pedal.
Pabilis ng pabilis. Ipagpapatuloy niya ang pagpadyak sa
pedal ng makina, parang batang inaaliw ang sarili sa tunog
nito...

...hanggang sa may magsalita mula sa likuran niya.

BENEDICTO (O.S.)
Tetang.

Sa paglingon ni Teresa, makikita niyang nakatayo si


Benedicto, inaalalayan ng kanyang walker. Kanina pa pala
siya pinagmamasdan nito.

Hindi alam ni Teresa ang sasabihin.

34
26 INT. BENEDICTO'S HOUSE - KITCHEN. DAY.

Bubuksan ni Teresa ang mga cabinet sa ilalim ng lababo.


Walang laman.

Bubuksan ni Teresa ang ref. Tatakpan ni Teresa ang ilong


niya nang maamoy ang baho ng kulob na ref. Nakapatay ito,
hindi na gumagana. Wala ring laman ang ref kundi isang
patatas na tinutubuan na ng maliit na talbos.

Isa-isa rin niyang gagalugarin ang mga overhead cabinet sa


kusina. Walang laman ang unang cabinet.

Sa pangalawa, makikita niya ang isang malaking garapong


walang laman, dating pinaglagyan ng asukal. Kukuhanin niya
ito, iisipin kung ano ang pwedeng ilagay dito pero ibabalik
din.

Pagbukas niya sa ikatlo, matatanggal ang ang pinto ng


cabinet. Tatakbo ang isang daga sa loob nito. Magugulat si
Teresa at pilit niyang ibabalik ang pinto ng cabinet.

27 INT. BENEDICTO'S HOUSE - LIVING ROOM. DAY.

Babalik si Teresa sa sala, maaabutang nakaupo si Benedicto


sa sofa.

TERESA
Kung hindi mo pa alam,
walang kahit ano sa kusina.
Nag-imbita ka ng bisita,
wala ka man lang kape.

Maghihintay ng sagot si Teresa pero walang dadating.


Tititigan niya si Benedicto. Wala. Mapapabuntong-hininga na
lang siya.

TERESA
Ano bang sabi sa’yo ng doktor?

Parang bato ang kausap ni Teresa. Maiinis siya pero


kakalmahin ang sarili.

TERESA
(sa sarili, pabulong) Panginoon.

35
(kay Benedicto) Nasaan ang reseta mo?
Kapag hindi ka pa sumagot,
lalayasan kita dito.

Ituturo ni Benedicto ang direksyon kung nasaan ang reseta


pero nakatungo pa rin siya at hindi tinitignan si Teresa.

BENEDICTO
Sa may lamesita.

Tutunguhin ni Teresa ang direksyong tinuro, mabigat ang paa.


Maiiwan tayong nakabantay kay Benedicto, pinagmamasdan ang
kanyang katahimikan, ang hirap ng kanyang paghinga, ang
sakit sa kanyang hindi paggalaw, ang pagkabuhay ng walang
buhay.

Babalik si Teresa dala ang reseta. Susubukang iintindihin ni


Teresa ang reseta pero hindi niya maiintindihan ang sulat ng
doktor.

TERESA
Kapangit ng sulat naman nito.

BENEDICTO
Hindi ba ganyan magsulat si Celso?

Mangingiti si Teresa pero pigil, susubukan itong sarilihin.


Iiling siya.

TERESA
Hindi.

May sample ka ba ng mga gamot na ‘to?

BENEDICTO
Wala.

TERESA
Sige. dadalhin ko na lang ‘to sa botika.

BENEDICTO
Wag ka nang bumili.

Titignan lang ni Teresa si Benedicto. Maghihintay ng kasunod


na sasabihin, kung may rason ba sa huling sinabi nito. Wala.

TERESA

36
Kailan ang balik mo sa ospital?

BENEDICTO
Walang babalik sa ospital.

Hindi na kayang sundan ni Teresa kung ano man ang gustong


patunguhan ng mga sinasabi ni Benedicto. Hindi niya
mapipigilan ang sarili niya. Maiinis na siya.

TERESA
Ano bang sinasabi mo?
Wag mo kong gawing manghuhula.
Ayaw mo ng gamot, ayaw mo ng ospital.

Kung magpapakamatay ka na rin lang,


bakit mo pa ko pinapunta dito?

BENEDICTO
Hindi ba pwedeng samahan mo lang ako?

Hindi alam ni Teresa ang sasabihin.

TERESA
Bakit mo ginagawa ‘to?

BENEDICTO
Tulungan mo kong patawarin ang sarili ko.

28 INT. BENEDICTO'S HOUSE - KITCHEN. DAY.

Pinupunasan ni Teresa ang maduming lababo habang si


Benedicto ay nakaupo lang sa isang silya.

TERESA
Paano mo nga pala nalaman ang
telepono sa bahay?

BENEDICTO
Hindi ka mahirap hanapin.
Doktor si Celso.

TERESA
Nasaan na yung mga gamit dito sa bahay?

BENEDICTO
Binenta ko na.

37
TERESA
Lahat?

BENEDICTO
Lahat ng mga wala na.

TERESA
Pati yung bintana?

BENEDICTO
Pati yung bintana.

Tititigan lang sya ni Teresa, naghihintay kung seryoso ba


ang kausap.

BENEDICTO
May buyer daw yung ahente eh.

TERESA
E ba’t tinira mo pa ‘tong bahay.

BENEDICTO
Saan ako pupunta? Kukupkupin mo ba ko?

Matitigilan si Teresa sa ginagawa. Walang maisasagot kay


Benedicto.

BENEDICTO
Uy biro lang.

Tetang, tigilan mo na nga yang paglilinis mo.


Hindi naman kita pinapunta dito para maglinis.

TERESA
Gusto ko.
At Tere. Wag mo na kong tawaging Tetang.

29 INT. BENEDICTO'S HOUSE - LIVING ROOM. DAY.

Wawalisin ni Teresa ang sala.

Maririnig natin ang VOICE OVER ng pag-uusap ni Benedicto at


Teresa. Tatawid ang voice over na ito ng ilang eksena.

BENEDICTO (V.O.)

38
Bakit ayaw mo na ng Tetang? Mabaho?

TERESA (V.O.)
Hindi lang ako sanay.
Wala nang tumatawag ng Tetang sakin.

BENEDICTO (V.O.)
Si Chito. Ano bang tawag sa’yo ni Chito?
Siya ang unang tumawag sa’yo ng Tetang di ba?

TERESA (V.O.)
Matanda na si Chito.
Kaya niya nang buuin ang pangalan ko.

BENEDICTO (V.O.)
Naalala mo yun, nung bata pa si Chito?
Pinapaulit-ulit mo
sa kanya yung Teresa.
Tetang siya ng Tetang.
May asawa na ba si Chito?

TERESA (V.O.)
Wala.

30 INT. BENEDICTO'S HOUSE - STAIRWAY. CONTINUOUS.

Lalampasuhin ni Teresa ang hagdan.

TERESA (V.O.)
Napansin ko yung mga manok mo sa labas,
dadalawa na lang. Nasaan na yung iba?

BENEDICTO (V.O.)
Inadobo na ng mga sabungero.

TERESA (V.O.)
Kala ko binulutong na naman.
Bakit nagsasabong ka pa?
Lagi ka naman palang talo?

BENEDICTO (V.O.)
Eh pa’no kung huminto ako ngayon at
bukas pala ko dapat manalo?

TERESA (V.O.)
Ay sumasakit ang ulo ko sa’yo.

39
31 INT. BENEDICTO'S HOUSE - BEDROOM. CONTINUOUS.

Papalitan ni Teresa ang kobre kama at ang kurtina.

BENEDICTO (V.O.)
Nananahi ka pa rin ba?
Gusto mong iuwi yung makina?

TERESA (V.O.)
Hindi na.
Nalimutan ko na rin kung pa’no manahi.

BENEDICTO (V.O.)
Nalilimutan ba yun?
Subukan mo.

TERESA (V.O.)
Sa susunod na.

Igagapos niya ang kurtina at magmamasid sa labas. Bubuntong


hininga siya, tapos na ang mga gawain. Biglang may maririnig
siyang tunog ng nabasag na pinggan.
Kakabahan si Teresa at tatalilis pababa.

32 INT. BENEDICTO'S HOUSE - KITCHEN. CONTINUOUS.

Dadating si Teresa sa kusina, maaabutang nakatayo si Celso


agapay pa rin ng walker, pinagmamasdan ang isang kamay.
Naninigas ang dalawang daliri nito. Sa paanan niya, nandoon
ang basag na pinggan

TERESA
(gulat) Anong nangyari?

BENEDICTO
(kalmado) Wala, dumulas lang yung
plato sa kamay –

TERESA
Bene sabihn mo sa’kin kung ano
ang nangyari para alam ko ang gagawin ko.

BENEDICTO
Wala nga. Pakipulot na lang yung –

40
TERESA
(aggravated) Bene ano ba!

BENEDICTO
Wag kang sumigaw.

Hihinga ng malalim si Teresa, susubukang kalmahin ang


sarili. Pupulutin ni Teresa ang mga piraso ng nabasag na
plato.

BENEDICTO
Nanigas lang yung dalawang daliri ko.
Hindi ko maigalaw. Dumulas yung plato.

TERESA
Gusto mo bang dalhin na kita sa ospital?

BENEDICTO
Alam mo ang sagot.

Mapapabuntong hininga ulit si Teresa, susubukang intindihin


ang lohika ni Benedicto kahit hindi niya ito maunawaan ng
lubusan.

33 MONTAGE - PAG-IISA NI CELSO

A. Magsasara ng clinic si Celso na mag-isa.

B. Magsisipilyo si Celso. Wala pa rin si Teresa. Papatayin niya


ang ilaw.

C. Didiretso siya sa kuwarto at matutulog mag-isa.

34 INT. BENEDICTO'S HOUSE - BEDROOM. NIGHT.

Nakahiga si Benedicto sa kama niya. Nakaupo sa gilid ng kama


si Teresa, hawak ang kamay ni Benedicto at minamasahe ito.

BENEDICTO
Dito ka ba matutulog?

TERESA
Hindi.

41
BENEDICTO
Hindi ka pa ba uuwi?

TERESA
Pag nakatulog ka na.

BENEDICTO
Babalik ka ba bukas?

TERESA
Tignan natin.
BENEDICTO
Ikandado mo na lang yung pinto.
Kunin mo na yung isang susi.
Nakasabit sa may pako bago ka lumabas.

Tatango lang si Teresa. Pipikit na si Benedicto pero patuloy


ang pagmamasahe ni Teresa sa kamay nito.

35 INT. CELSO'S HOUSE - BEDROOM. DAY.

Magigising si Celso na wala pa rin si Teresa sa tabi niya.

36 INT. CELSO'S HOUSE - DINING. CONTINUOUS.

Pupunta si Celso sa kusina. Magugulat siyang maaabutan si


Teresa doon, nag-aayos ng almusal.

Uupo silang pareho sa mesa. Magpapalaman ng pandesal si


Teresa.

CELSO
Ano, kumusta si Bene?
Kailan daw ang balik sa ospital?
May kakilala akong oncologist, kung gusto niya.

TERESA
Ikaw kaya ang kumausap?

Magugulat si Celso.

CELSO
Ako? Bakit ako?

TERESA

42
Ikaw ang doktor.

CELSO
Huy Teresa, baka nakalimutan mong pedia ko.

TERESA
Ayaw magpa-ospital eh.
Ayaw uminom ng gamot.

CELSO
Baka gusto niya nang magpakamatay.
E di yun ang bigay mo.

Iaabot ni Celso ang bread knife kay Teresa.

CELSO (CONT’D)
Bigay mo ‘tong kutsilyo. Magsaksak na kamo siya.

Hihigop si Celso ng kape bago ituloy ang sinasabi.

CELSO (CONT’D)
O, e di tapos pwede na tayong magpakasal.
Lahat masaya.

TERESA
Anong klaseng doktor ka?

CELSO
Biro lang. Ano bang sasabihin ko?

TERESA
Hindi ko alam. Basta, sumama ka na lang.

Mapapakamot na lang ng ulo si Celso.

37 EXT. BENEDICTO'S HOUSE – DAY.

Makikita nating ginugupitan ni Benedicto ng palong ang isa


niyang alagang manok. Tutulo ang dugo pero dali-dali niya
naman itong paaampatin ng tela.

Dadating ang sasakyan ni Celso at paparada ito sa labas ng


gate ng bahay ni Benedicto. Papasok ng gate si Teresa at
Celso, may dalang grocery.

Tatayo si Benedicto, bitbit pa rin ng isang braso ang manok.

43
Iaabot niya ang kamay kay Celso.

BENEDICTO
Bene.

CELSO
Celso.

TERESA
Pasok lang ako sa loob.

Maiiwan sa bakuran si Celso at Benedicto. Pawawalan ni


Benedicto ang hawak na manok.

CELSO
Didiretsahin kita.
Alam kong hindi mo naman ako kilala ng personal.
Pero pinapunta ako dito ni Tere para –

BENEDICTO
Kumbinsihin akong magpa-ospital?
Tama ba Dok?

CELSO
Tama. At Celso na lang.
Gusto kong ipagpalagay mong nagpunta ko dito
bilang kaibigan at hindi isang doktor.
Bakit ba kasi ayaw mo? Takot ka sa ineksyon?

BENEDICTO
Mas takot ako kapag sinabi ng
doktor na parang kagat lang ng langgam,
kahit na alam kong hindi naman ganoon kasakit
mangagat ang langgam sa tunay na buhay.

Matatawa lang si Celso. Matatawa si Benedicto sa pagtawa ni


Celso.

CELSO
Hindi ako magsisinungaling sa’yo.
Hindi ako espesyalista sa cancer.
Bata ang ginagamot ko.
Pero alam kong hindi parang kagat ng
langgam ang gamutan sa stage 4 glioblastoma.
Nasa utak ang tumor na kailangang tanggalin.

BENEDICTO

44
Nakahawak ka na ba ng utak ng tao?

CELSO
Oo, noon. Matagal na panahon na.
Bakit mo natanong?

BENEDICTO
Anong pakiramdam? Naisip mo ba noon?
Nasa kamay mo ang lahat ng alaala ng
taong may-ari ng utak na hawak mo?
Lahat ng pangarap niya. Takot. Panaginip.
Maling desisyon. Lahat.

CELSO
Siguro kasi kaming mga doktor,
mas gusto naming bigyang pansin kung paano
isasalba ang utak na iyon.
Kung paanong mas maraming alaala pang
mabubuo ang taong may-ari ng utak
kung magagawa namin siyang iligtas.

Kaya siguro ko nag-pedia.


Mas gusto kong makitang gumawa pa ng
alaala ang mga bata.
Madiskubre nila ang mundo at
gumawa pa ng maraming karanasan.
Tulad mo.

BENEDICTO
(sa sarili)
Yako? Panayan ku namung akalingwan
kung mangisnawa.

[Ako? Naghihintay na lang akong


malimutan kong huminga.]

CELSO
Eku maniwala.
Balu kung atin ka pang buring gawan.
Anya pin pepagbalikan me i Teresa keni ale?
Antindyan ku naman ita.
Oneng baka magkulangan kang oras
nung eka magpadoktor.

[Hindi ako naniniwala.


Alam ko, may mga bagay ka pang gustong gawin.
Kaya mo nga pinabalik si Teresa dito, di ba?

45
At naiintindihan ko yun.
Pero baka hindi sapat ang oras mo
kung hindi ka magpapadoktor.]

BENEDICTO
Mangapampangan ka pala e.
[Nagkakapam-pampangan ka pala e.]

Makakarinig sila ng sigaw mula sa loob ng bahay.

38 EXT. BENEDICTO'S HOUSE - BEDROOM. DAY.

Makikita natin ang binti ni Teresang nakalusot sa bumigay na


sulihiya ng upuan. Maiiwang nakalaylay ang kurtinang dapat
sana’y ikakabit niya. Aalalayan siya ni Celso at hahanguin
ang kanyang paa.

Iuupo siya ni Celso sa gilid ng kama.

TERESA
Nasalubsob ako.

Iaabot naman ni Benedicto ang tiyani kay Celso at saka


tatanggalan ni Celso ng salubsob ang paa ni Teresa.

CELSO
Bene, wala ka bang balak ipagawa
‘tong bahay mo.
Pati yung kisame mo, mukhang babagsak na.

BENEDICTO
Hindi na. Nag-uunahan na lang
naman kami nitong bahay ko.

CELSO
Hindi ka ba nababagot dito sa bahay mo,
ikaw lang mag-isa.
Bakit hindi tayo lumabas?
Matagal na rin naman kaming hindi nakakanood
ng sine ni Teresa.

Mapapatingin lang si Teresa kay Celso.

BENEDICTO
Mukhang maganda yan,
pero siguro sa ibang araw na lang.

46
CELSO
Sige, magsabi ka lang.

Magri-ring ang cellphone ni Celso.

CELSO
Mipa awus ka?

Tuknang kang kikyak. E daka antindyan.

Ala ku bale. Papunta na ka?

Deng anak, nokarin la?

O sige. Magkalma ka mu.


Ala ka pang aliwang sasabyanan.
Muli naku. Panayan mu ku.

Sige. Mingat ka naman keng pamagmanehu mu.

[Natawag ka?

Tumahan ka. Hindi ko maintindihan.

Wala ako sa bahay ngayon.


Papunta ka na ba?

Nasaan ang mga bata?

O sige. Kumalma ka.


Wag mo munang sasabihin sa iba.
Uuwi ako. Hintayin mo ko.

Sige. Mag-ingat ka sa pagmamaneho.]

TERESA
Si Marissa?

CELSO
Wa. Mipate no nanamang misawa.

[Nagtalo na naman silang mag-asawa.]

BENEDICTO
Alang problema nung kailangan yu nang muli.

47
[Ayos lang kung kailangan niyo nang umuwi.]

CELSO
Ikaw, Tere?

TERESA
Ayos lang ako.
Tawagan na lang kita kung wala akong masakyan.
May payong ka ba? Mukhang malakas ang ulan.

CELSO
Meron sa kotse. Sige.

Bene, atin kung utang sine keka.


Pag-isipan mu itang sinabi ku keka.
Atin na ku man kakilalang espesiyalista.

[Bene, may utang ako sa’yong sine.


At pag-isipan mo yung sinabi ko sa’yo.
May kilala naman akong espesiyalista.]

BENEDICTO
Sige, dok. Ingat ka.

Lalabas si Celso ng kuwarto. Tatayo si Teresa ng kama at


ika-ikang lalakad papuntang bintana. Hihintayin niyang
makasakay at patakbuhin ni Celso ang kotse.

39 INT. BENEDICTO'S HOUSE - KITCHEN. DAY.

Pupunasan isa-isa ni Teresa at Benedicto ang mga antigong


porselanang mangkok at tasa. May panghihinayang sa titig ni
Teresa sa pinupunasang tasa.

TERESA
Ipagbibili mo na ba talaga ‘tong mga to?

BENEDICTO
Matagal na ‘tong inaawitan nung ahente ng antique.
Ngayon ko lang nagawang ayusin.

TERESA
Siguradong magagalit ang nanay mo niyan. Baka
tinatalakan na nun si San Pedro.

BENEDICTO

48
Kung si San Pedro nga ang kasama niya ngayon.

Matatawa si Teresa. Patitinisin ni Teresa ang boses niya,


gagayahin ang boses ng namatay nang nanay ni Benedicto.

TERESA
‘ O Teresa, palwal mo pin reng porselana tamo.
Datang la ri pader. Ilipat re ing birhen.’

[‘Teresa, ilabas mo nga yung mga porselana natin.


Dadating sila Padre.
Mamamahay ang birhen.’]

Matatawa si Benedicto. Titinis din ang boses niya, gagayahin


ang ina.

BENEDICTO
‘O Bene, nanu neman ing apangasawa mu. E man
biyasang maglako bitukang isda. Pendurog no apdu!’

[‘Bene, ano ba naman yang napangasawa mo.


Hindi man lang marunong magtanggal ng
laman-loob ng isda.
Dinurog yung apdo!’]

TERESA
‘Maki-asawa na kamu pin, bante ya pa keng
sabungan’

[‘Kukuha ka na lang din ng mapapangasawa,


bantay pa sa sabungan!’]

BENEDICTO
‘ E ke antindyan. E biyasang mangapampangan!’

[‘Hindi ko pa maintindihan, hindi marunong mag-


Kapampangan!’]

TERESA
Kaya kahit natuto na ko, hindi ko pa rin siya
kinausap ng Kapampangan. Makapang-inis lang kahit
kaunti. Parang inside joke ba. Kakausapin niya ko
sa Kapampangan, sasagutin ko siya sa Tagalog.
Hanggang sa madala ko na.

BENEDICTO
Sira ka talaga.

49
TERESA
Takot na takot ako noon kay Ima.
Disinuwebe lang ako nun.

Galing akong Nueva Ecija bago ko nakitira’t


nag-alaga ng pugo sa mga tiyahin ko sa Bulacan.
Ni wala akong alam sa direksyon. Ilagay mo ko sa
palengke at maliligaw ako.

BENEDICTO
Pero hindi naman kita narinig magreklamo noon.

Isa-isa nilang babalutin sa diyaryo ang mga mangkok at tasa.

TERESA
Marami rin naman akong natutunan sa Ima. At mabait
rin naman siya, kahit papaano.

BENEDICTO
Kung tulog, siguro.

TERESA
Hindi naman. Naalala mo nung –

Matitigilan sandali si Teresa. Pero kakalmahin niya ang


sarili at itutuloy ang kwento.

TERESA
--nung nakunan ako noon.
Mas nauna pa siyang umiyak.
Ilang araw din siyang hindi makausap.
Akala pa naman daw niya magkakaroon na
siya ng apo.

Sayang at hindi na niya naabutan si Chito.

Katahimikan.

Matitigil si Benedicto sa pagbabalot ng mangkok. Kukuha ito


ng tiyempo, hindi sigurado kung tama ba ang bibitawang
tanong.

BENEDICTO
Mapapapunta mo kaya dito si Chito?

Mapapatigil din si Teresa sa ginagawa. Tinatantiya ang

50
sasabihin matapos masagi ang ang usaping iniiwasang masagi.

TERESA
Hindi ko alam.

40 INT. CELSO'S HOUSE - LIVING ROOM. DAY.

Maaabutan natin si Marissa at Celso sa gitna ng kanilang


pag-uusap.

CELSO
Nanung balak mu?

[Anong balak mo?]

MARISSA
Pa, may babae siya, eh.
Ano pa bang dapat kong gawin?

CELSO
O e di hiwalayan mo na.

MARISSA
Hindi naman ganoon kadali yun.

CELSO
E di wag mong hiwalayan.

MARISSA
Pa naman eh. Sopan mu naku man.

[Tulungan mo naman ako.]

CELSO
Wapin. [Oo nga.]

Kaya nga ako umuwi agad,


dahil gusto kitang tulungan.
Bukas lagi ang bahay na ‘to
sa kung ano mang desisyon ang gusto mong
gawin.

Pero kung ano ang desisyon na gagawin mo,


matanda ka na.

Balu mu na ing istu, ampo ing ali.

51
[Alam mo nang tama at mali.]

MARISSA
Paano kung mali ang maging desisyon ko?

CELSO
Relatibo naman ang tama o mali.
Wala namang batas na sinusunod ang
mga desisyon natin.
Kailangan mo lang panindigan at
umasang magbubunga ito ng ikaliligaya mo.

Iaabot ni Celso ang susi ng bahay kay Marissa.

CELSO
Muli ka keni nung kapilan mu buri.
Tuki mo reng anak.

[Umuwi ka dito kung kailan mo gusto.


Isama mo ang mga bata.]

41 INT/EXT. BENEDICTO'S HOUSE. DAY.

Makikita nating nakaupo si Benedicto sa tapat ng pintuan,


pinagmamasdan ang ulan.

TERESA
Sara ko yung pinto, ah. Umaanggi, eh.

Walang imik si Benedicto. Saglit na ipapaling nito ang


tingin kay Teresa pero babawiin rin agad.

TERESA
O sya. Magtitimpla ko ng kape.
Gusto mo ba?

Wala pa ring reaksyon si Benedicto.

Pag-alis ni Teresa, tatayo si Benedicto, at susugod sa ulan.

Humahampas ang malakas na ulan sa katawan ni Benedicto.


Patuloy siyang sa paglalakad.

Makikita siya ni Teresa at dali-dali itong lalabas para


sundan siya.

52
TERESA
Bene!

42 INT. BENEDICTO'S HOUSE - BEDROOM. DAY.

Makikita nating nakagapos ang manok sa balustre ng hagdan.


Nagkalat rin ang palangganita sa iba’t ibang bahagi ng sala
dahil sa mga tumatagas na tubig sa kisame.

Pupunasan at bibihisan ni Teresa si Benedicto.

BENEDICTO
Salamat Tetang. Tere.

Uubo si Teresa dahil sa lamig.

TERESA
Ano bang pumasok sa isip mo?

BENEDICTO
Hindi ko rin alam. Hindi ko maalala. Bigla na lang
lumabas sa utak ko ang imahe ng mga manok kong
nalulunod sa baha. Pasensya ka na.

Hindi papansinin ni Teresa ang dispensa ni Benedicto.

TERESA
Magpahinga ka na.

43 DELETED

44 INT. CELSO'S HOUSE. NIGHT.

Magigising si Celso mula sa pagkakatulog sa harap ng bukas


na TV. Babangon siya at sisilipin ang kuwarto. Wala pa rin
si Teresa.

45 DELETED

46 INT. CELSO'S HOUSE – BEDROOM. DAY.

Mag-eempake ng mga damit ni Teresa si Celso. Magri-ring ang


kanyang cellphone. Si Chito. Sasagutin niya ito.

53
CELSO
Napatawag ka?

CHITO (O.S.)
Ang lakas ng ulan, bagyo na yata.
Kumusta kayo diyan? May kailangan ba
kayo sa bahay?

CELSO
Ah,wala naman. Ayos lang.
Hindi lang kami masyadong naglalalabas.

CHITO (O.S.)
Ang nanay?

CELSO
Nasa kusina lang.

CHITO(O.S.)
Pakausap naman sa Nanay.

Matatahimik si Celso, hindi alam ang gagawin.

CHITO (O.S.)
Tiyo? Nandyan ka pa?
Di kita marinig. Hello?

Lalaksan ni Celso ang loob niya pra sabihin kay Chito ang
totoo. Medyo nahihiya sa ginawang pagsisinungaling.

CELSO
Chito, ganito kasi.
May sakit ang tatay mo.
Hindi siya pwedeng mag-isa.
At nandoon ngayon ang nanay--

CHITO (O.S.)
Ano ho? At hinayaan niyo
lang ang nanay?

CELSO
Matalino ang nanay mo at alam niya ang
ginagawa niya. Alam namin.

Mapapatahimik si Chito ng ilang saglit.

54
CHITO (O.S.)
Nirerespetoko ang desisyon ninyo,
pero di ko kayo naiintindihan.

CELSO
Salamat.
Pupunta ako doon ngayon.
Kung gusto mo, pwede kang sumabay.

47 DELETED

48 EXT. BENEDICTO'S HOUSE. DAY.

Walang katigil-tigil ang ulan. Papasok si Celso at Chito sa


binabahang bakuran. Mag-aalangan si Chito sa paglakad
papasok ng bakuran.

CELSO
Nasa itaas siguro ang nanay mo.

Pagmamasdan ni chito ang bakuran na kinalakihan niya.


Mapapansin niya ang bintanang walang kapis. Saka siya
magpapatuloy sa paglalakad.

49 INT. BENEDICTO'S HOUSE - LIVING ROOM. DAY.

Makikita nating nakaupo sa magkalayong silya si Benedicto at


Chito. Walang magtatangkang magsalita sa kanila sa una.
Hanggang sa basagin ni Benedicto ang katahimikan.

BENEDICTO
Kamusta?

CHITO
Ayos lang. Masaya.

BENEDICTO
Anong pinagkakaabalahan mo ngayon?

CHITO
Buhay.

BENEDICTO
Siguro malaki nang kinikita mo, no?

Hindi na makakapagpigil si Chito pero pipilitin nitong

55
maging kalmado.

CHITO
Ano ba tong mga tanong na ‘to?
Bakit bigla bigla naging interesado ka
sa buhay ko? Dahil mamamatay ka na?
Pero kailan ba kita nakitang buhay?
Hindi sapat na basehan ng pagkabuhay ang paghinga.

BENEDICTO
Chito, alam ko galit ka.

CHITO
Galit? Hindi ako galit.
Tapos na kong magalit.
Dahil iniwan mo ang nanay ko.
Dahil halos buong buhay ko,
nandoon yung takot na iiwan at iiwan
din ako ng mga taong mahal ko.

Wala na kong galit.


Nasa punto na ko na wala na kong pakialam.

Wala nang sasabihin si Benedicto. Tatayo na siya at


maglulusong pabalik sa kuwarto. Pero lilingunin niya ang
anak sa huling pagkakataon.

BENEDICTO
Salamat, anak at binisita mo ako.

Magpapatuloy na sa paglalakad si Benedicto.

Maiiwang mag-isa si Chito. Makikita mo ang paninindigan


niyang huwag magpatawad.

50 INT. BENEDICTO'S HOUSE - LIVING ROOM. DAY.

Lilimasin ni Teresa at Benedicto ang silong ng bahay. Parang


ngayon lang sila muli nagkaroon ng oras sa kanilang mga
sarili.

CELSO
Wag na di may maihing pusa, binabaha tayo.

TERESA
Mga limang naihing pusa.

56
Magpapatuloy sila sa pagtuyo ng sahig.

51 EXT. BENEDICTO'S HOUSE - GARDEN. DAY.

Makikita nating nakaupo si Celso, Teresa at Benedicto sa


isang bangko. Mamasa-masa pa ang sahig dahil sa ulan.

BENEDICTO
Tere, yan bang si Chito, binabaha rin sa bahay
niya?

TERESA
Hindi. Mataas ang bahay nun.

BENEDICTO
Mag-isa lang sya dun. Bisitahin natin?

TERESA
Wag na. Sanay ‘yung mag-isa.

Katahimikan. Titignan lang ni Celso si Teresa, tila


pinipigilan ito at baka may masabi pa.

CELSO
Pagpasensyahan mo na yang si Chito.
Hayaan mo, kakausapin ko ulit.
Utang ko sa'yo.

Pipilitin ni Benedicto na maging masaya at iibahin ang


usapan.

BENEDICTO
Wag na. Alam ko na kung kanino sya nagmana.
Bayaran mo na lang yung una mong utang sa'kin.

CELSO
Ano?

BENEDICTO
Sine.

Magkakangitian silang dalawa.

52 INT. SINEHAN. NIGHT.

57
Simula na ang pelikula nang pumasok si Celso sa sinehan.
Mabubuwisit ang mga taong dinaraanan niya. Uupo siya.
Makikita natin silang tatlo suot ang 3D glasses.

TERESA
Bakit ang tagal mo?

CELSO
(ipapakita ang 3D glasses)
May gasgas pinapalitan ko.
Ang hirap manood ng malabo ang mata.
Wala ba silang may grado nito?

May mananaway ng sssshhh kay Celso mula sa likuran.

CELSO
Bastos yun, ah.

TERESA
Wag ka na kasing maingay.

Babagsak ang ulo ni Benedicto sa balikat ni Celso, kanina pa


pala nakatulog. Pagmamasdan lang ito ni Celso. Mangingiti si
Teresa pero mabilis niyang babawiin ito nang mapansin niyang
hindi nakatulog si Celso kundi nahimatay pala ito.

Mapapansin ni Teresa si Benedicto.

TERESA
Bene.

53 EXT. HOSPITAL. NIGHT.

Makikita natin ang gusali ng ospital. Nakatindig ang


guwardiya sa kanyang poste, inip na nagbabasa ng diyaryo.
Labas masok din ang mangilan ngilang tao.

Darating ang ambulansiya at paparada sa harap ng ospital.

54 MONTAGE - BENEDICTO ON CHEMO

A. Papalubog na ang araw. Bakanteng lote ni Benedicto. Walang


tao.

B. Nakatali pa rin sa mga tulos ang manok ni Benedicto. Walang


laman ang pakainan.

58
C. Iba’t ibang shots ng iba’t ibang bahagi ng bahay ni
Benedicto para maipakita ang kawalan ng buhay, kawalan ng
kahit na ano.

D. Kuwarto ni Benedicto. Wala si Benedicto. Madilim na sa


labas.

55 INT. BENEDICTO'S HOUSE - LIVING ROOM. DAY.

Madilim. Walang kahit ano. Biglang bubukas ang pinto at


papasok si Celso.

CELSO
Dahan-dahan.

BENEDICTO
Kaya ayokong nanggagaling ng ospital.
Palagi akong parang inutil.
Malakas pa rin ako.

TERESA
Inaalala ka lang namin at
mahihirapan kaming itayo ka kapag tumumba ka.

CELSO
Mabuti at pumayag kang magpa-chemo.

Mapapabuntong hininga si Benedicto.

BENEDICTO
Gusto niyo, eh.

Mamatay na rin lang naman ako,


bakit hindi ko pa kayo pagbigyan.
Makakalbo ba ko?

CELSO
Depende sa magiging tanggap ng katawan mo.
Bakit? Gusto mong magpakalbo?

56 INT. BENEDICTO'S HOUSE - BEDROOM. DAY.

Nakaupo si Benedicto sa isang silya. Dadating si Celso,

59
bitbit ang isang kumot.

CELSO
Pwede ya’y ‘ne?

[Pwede ba ‘to?]

BENEDICTO
Pwedi ne yan.

[Pwede na yan.]

Ikakapa ni Celso ang kumot kay Benedicto parang sa barberya


at sisimulan nitong kalbuhin si Benedicto gamit ang razor na
regalo sa kanya ni Teresa noong anniversary nila.

Matatawa si Benedicto sa bawat lagas ng buhok niya.

57 INT. BENEDICTO'S HOUSE - BATHROOM. DAY.

Papasok si Teresa sa banyo at maaabutan niyang bukas ang


gripo, umaapaw ang tubig sa timba.

TERESA
(sumisigaw, to no one) Iniwan niyong
bukas yung gripo!

Mapapabuntong hininga siya. Maghahanda nang maligo si


Teresa. Magbubuhos siya ng tubig.

TERESA
Ay ang lamig!

Nalimutan niyang timplahan ng mainit na tubig ang pampaligo.


Mapapansin niya ang sabon. Maraming gatuldok na buhok na
nanikit sa sabon. Susubukan niyang tanggalin ang mga buhok
pero mapagtatanto niyang walang pinatutunguhan ang ginagawa
niya. Kaya kahit may alinlangan, sasabunin niya ang sarili.
Magbubuhos ulit siya ng tubig kahit pa malamig ito.

58 INT. BENEDICTO'S HOUSE – LIVING ROOM. DAY.

Lalabas si Abner ng kwarto ni Bene, sasabayan siya ni Celso.


Lalapit sya kay Teresa na noo’y nananahi sa gumagana nang
makina.

60
ABNER
Tidturan na naku pung Kong Bene. Muna naku pu.

[Tinulugan na ho ako ni Mang Bene.


Una na ho ako.]

TERESA
Dumito ka muna. Magpatila ka.

ABNER
Ay ala ya pung kayabe i Misis keng bale. Baka
sabihin tumatakas pa ko sa paglilimas.

[Naku, walang kasama si Misis sa bahay. Baka


sabihin tumatakas pa ko sa paglilimas.]

TERESA
O siya. Mag-ingat ka. Maraming bukas na kanal sa
daraanan mo. Salamat sa pagbisita kay Bene.

ABNER
Sige pu, Ma’am.
(Kay Celso) Sir.

Tatanguan lang ni Celso si Abner bago siya tuluyang lumabas.


Lalapitan ni Teresa si Celso at sasamahan ito sa pagmasid sa
bintana.

TERESA
Walang kasawa-sawa ang langit, no?
Umaambon na naman.
Wag naman sanang bumaha ulit.

Lalapitan ni Teresa si Celso. Tatabihan ito sa bintana at


makikihigop sa kape nito.

TERESA
Alam mo, habang nakikita ang baha sa kalsada,
mas naaalala ko lang kung gaano katagal na
‘kong hindi nakakakita ng dagat.

CELSO
Nakakatawa na halos sesenta porsyento ng
katawan ng tao, gawa sa tubig.
Pero pag hindi ka marunong lumangoy,
malulunod at malulunod ka pa rin sa dagat.

61
Marunong ka bang lumangoy?

TERESA
Hindi. Ikaw?

Iiling lang din si Celso. Mangingisi si Teresa.

TERESA
Pareho pala tayong malulunod.

CELSO
Kaya siguro kahit kailan,
walang nag-aya sa’tin sa dagat.
Takot tayong parehong tangayin ng alon.

Hindi sasagot si Teresa. Pagmamasdan ang hindi maubos-ubos


na ulan.

Mauupo silang pareho sa gilid ng kama ni Benedicto.

CELSO
Bakit nga hindi tayo mag dagat?

59 INT. BENEDICTO'S HOUSE - BEDROOM. ANOTHER DAY.

Papasok si Teresa sa kuwarto at maaabutang nakahiga si


Benedicto sa kama. Mas matanda na ang itsura ni Benedicto
kaysa noong huli natin siyang nakita.

TERESA
Gusto mo ba dalhin ko na lang yung pagkain mo –

Mapuputol ang sasabihin ni Teresa nang mapansing basang basa


ng ihi ang kama ni Benedicto.

BENEDICTO
Hindi ko mapigilan.

TERESA
Saglit. Tatawagin ko si Celso.

60 INT. BENEDICTO'S HOUSE - BEDROOM. NIGHT.

Nakaupo si Benedicto sa wheelchair at aalalayan siya ni

62
Celso para makahiga siya sa kama. Hindi na kinakaya ni
Benedicto ang sarili niya.

BENEDICTO
Dok o bakit balamu mas lalu kung melala pakiramdam
iba’t anyang me-ospital ku?

[Dok, bakit parang mas lalong lumala


yung pakiramdam ko mula nung nag-ospital ako?]

CELSO
Bene, nung eka megpa-ospital, malamang patay ka na
ngayon.

[Bene, kung hindi ka nagpa-ospital,


malamang patay ka na ngayon.]

Patlang.

BENEDICTO
Alam mo bang madalas akong bangungutin, dok.
Minsan, napanaginipan ko nilalamon ako
ng sarili kong bahay. Na mamamatay akong
mag-isa kasama ng mga manok ko.

CELSO
Natatakot ka bang mamatay mag-isa?

BENEDICTO
Dati ali. Pero ngeni, eku na siguradu.

[Dati hindi. Pero hindi ko na sigurado.]

Hindi alam ni Celso ang itutugon. Katahimikan.

BENEDICTO
Kukutang na bang Chito, komusta nako?

[Tinatanong ba ni Chito ang lagay ko?]

Iiling lang si Celso.

61 INT. BENEDICTO'S HOUSE - BEDROOM. ANOTHER DAY.

Ibubuhos ni Teresa ang laman ng takure sa isang


palangganitang may tubig, tinitimpla ang init. Huhubaran ni

63
Teresa ng pang itaas si Benedicto at pupunasan niya ito ng
basang bimpo. Mula sa pisngi, pababa tiyan, sunod ang mga
braso.

Kahit hirap, pipilitin pa ring magkuwento ni Benedicto.

BENEDICTO
Teresa, alam mo ba kung bakit
nakipaghiwalay ako sa’yo?

TERESA
Sabi mo, nagising ka na lang na
hindi mo na ko mahal.
Na ibang tao na ang nasa harap mo.

BENEDICTO
At tinanggap mo yung paliwanag na yun?

TERESA
Bakit, hindi ba totoo?

BENEDICTO
Sa loob ng ilang taon, dekada, inisip ko
kung nagkamali ba kong sabihin sa’yo ang totoo.
Na baka mas madaling tanggapin kung
nagsinungaling ako at sinabi ko sa’yong
nambabae ako o may anak ako sa labas.

Pero hindi ka rin naman humingi ng paliwanag.


Kaya naisip ko, baka hindi mo na rin ako mahal.

Nung nalaman kong may sakit ako,


ikaw ang unang taong naisip ko.
Gutso kong tawagan ka at ipaalam sa’yo na
mamamatay na ako.
Gusto kong marinig ang galit mo sa’kin na
hindi ko narinig nung iniwan kita.

Pero bumalik ka para alalayan ako.


At naisip kong baka mahal niya pa ako.

TERESA
Nung sinabi mo sa’king nagising kang
hindi mo na ko mahal, hindi ko yun naintindihan.
Na pwede bang mamatay ang pag-ibig sa isang
pagpikit at pagdilat?
Dalawampung anim na taon, Bene.

64
Pero hindi ako humingi ng eksplanasyon.
Hindi dahil hindi na kita mahal, kundi...
wala naman akong ginusto kundi ang
maging masaya ka.
At kung magiging masaya ka sa pag-alis ko,
bakit hindi.

Hindi ako galit sa’yo. Hindi dahil mahal kita.


Kaya kitang harapin ngayon dahil hindi na kita
mahal.

Ititihaya niya ulit ni Teresa si Benedicto.

TERESA
Nagising din naman akong hindi na kita mahal.
Ang masakit lang, hindi lang tayo nagkasabay.

BENEDICTO
Salamat, Tetang at naintindihan mo ako.

Sa labas ng kwarto ni Benedicto, makikita natin si Celso,


nakasandal sa pader at narinig ang napag-usapan ng dalawa.
Hindi niya alam ang magiging reaksyon, kung papasok ba ng
kwarto o hindi. Kaya’t mananatili lang siyang nakatayo sa
labas.

62 MONTAGE - KAWALANG BUHAY NG BAHAY.

Makikita natin ang kahungkagan, katahimikan at kawalang


buhay nang bahay sa iba’t ibang bahagi nito. Ang banyong
patay ang gripo. Ang mga overhead cabinet sa kusina. Ang
hagdan. Ang sewing machine.

Tatakpan ni Teresa ng plastic bag ang bukas na bintana. Sa


ibaba ng bahay, makikita natin si Celso na isinasara rin ang
bintana. Bababa ng hagdan si Teresa at lilingunin siya ni
Celso.

CELSO
Handa na ba si Bene?

Tatango si Teresa.

63 EXT. BENEDICTO'S HOUSE. DAY.

65
Ikakandado ni Teresa ang pinto ng bahay ni Benedicto.
Maglalakad siya rito, papalayo nang papalayo.

Sasalubong kay Teresa si Celso at ang sasakyan nito sa labas


ng gate. Pagmamasdan ni Teresa ang bahay bago niya ito
tuluyang ikandado.

CELSO
Halika na.

Sasakay si Teresa sa kotse. Sasakay na rin si Celso. Tatakbo


ang sasakyan papalayo at maiiwan lang ang nakatindig pa ring
bahay ni Benedicto.

SCREEN FADES TO BLACK

64 EXT. CELSO'S HOUSE. DAY.

Kakatok si Marissa sa pintuan ng bahay ni Celso kasama ang


anak niyang si Janssen at Trish. Walang tao. Mapapansin
niyang nangamatay na ang mga halaman sa harap ng bahay.
Tuyo’t na tuyo’t na ang aloe vera.

Susubukan niyang sumilip sa bintana. Sa mga siwang sa


pagitan ng mga kurtina, mapapansin niyang walang tao.

Sususian niya ang pinto. Papasok siya at ililigid ang mata.


Walang buhay sa sala.

65 INT. CHITO’s CAR. DAY.

Makikita natin ang kotse ni C sa tapat ng bahay ni


Benedicto. Pagmamasdan niya ito. Ibababa niya anag
windshield, para mas makita ng maayos ang bahay.

Mapapaisip si Chito kung bababa ba siya o hindi. Kung


bibisitahin ang ama o hindi. Kung kaya nya na bang harapin
at patawarin ang ama.

Muli niyang isasara ang bintana. Magmamaneho siya palayo.

Hindi siya lilingon pabalik.

66
Maiiwan ang bahay. Mag-isa. Tahimik.

66 INT. KOTSE. DAY.

Makikita natin sa loob ng sasakyan ang tatlo: Si Celso sa


manibela, si Teresa sa tabi niya, at sa likod nila’y si
Benedicto na noo’y kasalukuyang nakapikit.

Aayos ng upo si Bene at papailing ito sa kanyang tagiliran.


Parang batang mahimbing na natutulog.

Tititigan natin si Teresa, nakamasid lang sa kanilang


dinaraanan. Pinakikiramdaman ang mga kasama sa loob ng
sasakyan.

CELSO (O.S.)
Bene, saglit na lang, malapit na tayo.

Walang sagot si Benedicto. Katahimikan. Ilang saglit pa’y


papaling ang mata ni Teresa sa rearview mirror. Papako ang
mata niya dito ng ilang segundo bago muling bawiin.

Sa pagbalik natin sa mga mata ni Teresa, mababanaag natin


ang bigat sa kanyang puso. May gusto siyang sabihin pero may
nakabara sa kanyang lalamunan. Kaya’t lalabas ito bilang
luha. Unti-unting lalagaslas ang luha sa kanyang mga mata.
Lumalalim ang kanyang paghinga.

CELSO (O.S.)
Bene? Bene?

67 EXT. CAR. CONTINUOUS.

Mula sa di kalayua’y makikita nating hihinto ang kotse ni


Celso. Lalabas si Teresa para habulin ang hininga. Lalabas
si Celso para aluin si Teresa.

Tatanungin ni Celso kung gusto pang tumuloy ni Teresa.


Makikita natin ang sagot niya sa kanyang pagtango. Muli,
sasakay sila pabalik sa sasakyan.

68 EXT. DALAMPASIGAN. DAY.

Papalubog na ang araw. Makikita nating nakahimpil na ang


sasakyan ni Celso sa dalampasigan. Makikita natin ang

67
tatlong folding chair sa buhanginan.

Aakayin ni Celso at Teresa si Benedicto at iuupo sa folding


chair. Tatabihan ni Teresa si Bene habang tatabi naman si
Celso kay Teresa. Hahawakan ni Celso ang kamay ni Teresa.

Pagmamasdan natin silang tatlo, pinapanood ang paghalik ng


araw sa dagat.

SCREEN FADES TO BLACK.

CREDITS.

68

You might also like