You are on page 1of 47

ISANG KUWALITATIBONG PAG-AARAL TUNGKOL SA MGA DAHILAN

NG MGA RESIDENTE NG PUROK 3, BRGY.17, LEGAZPI CITY


SA PAGTANGKILIK SA MGA FOLK HEALER

Isang Pamanahong Papel na Inihirap


sa Faculty ng Senior High School
sa
Akademiya ng Sta. Ines

Bilang Bahagi ng Pangangailangan para sa


Asignaturang Filipino 11
Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik
at
Asignaturang Research 1

Antivola, Jed B.
Ataiza, Anzhela Eryn B.
Echano, Jaren E.
Gonzaga, III Carlos B.

Guerrero, James Julian G.

Marso 2018
I

Ang Faculty ng Senior High School Unit ng Akademya ng Sta, Ines ay

tinatanggap ang pananaliksik na may pamagat:

ISANG KUWALITATIBONG PAG-AARAL TUNGKOL SA MGA DAHILAN


NG MGA RESIDENTE NG PUROK 3, BRGY.17, LEGAZPI CITY
SA PAGTANGKILIK SA MGA FOLK HEALER

ipinasa nina Jed B. Antivola, Anzhela Eryn B. Ataiza, Jaren E. Echano, Carlos B.

Gonzaga III, at James Julian G. Guerrero bilang bahagyang pangangailangan sa

asignaturang Filipino II at Practical Research I.

GLORIA MARIAH T. LABAYO FRANCIA A. COLINARES


Miyembro ng Panel Miyembro ng Panel

G. CHRISTIAN A. SEMENIANO Bb. ANNIE MAY C. TEJANO


Tagapayo sa Pananaliksik Tagapayo sa Pananaliksik

Gng. MA. VERONICA S. ALMIÑE


Pangalawang Punongguro, SHS

Gng. JENNIFFER B. BORJA


Punongguro
II

ISANG KUWALITATIBONG PAG-AARAL TUNGKOL SA MGA DAHILAN


NG MGA RESIDENTE NG PUROK 3, BRGY.17, LEGAZPI CITY
SA PAGTANGKILIK SA MGA FOLK HEALER

Jed B. Antivola, Anzhela Eryn B. Ataiza, Jaren E. Echano, Carlos B. Gonzaga III
at James Julian G. Guerrero

Marso 2018

Abstrak

Gamit ang Kuwalitatibong pananaliksik, partikular ang case study, pinag-aralan ng mga
mananaliksik ang mga dahilan ng mga residente ng Brgy.17, Legazpi City sa
pagtangkilik sa tradisyunal na medisina. Apat na residente ng Brgy.17 ang isinagawan ng
personal na panayam upang malaman ang mga dahilan ng pagpapagamot nila sa folk
healer at kung ano ang mga katangian ng folk healer na wala sa ibang manggagamot.
Lumabas na Pagtingin sa Folk Healer bilang alternatibong medisina, Pagkakaroon ng
kakulangan sa Conventional Medicine, Pagkakaroon ng Malayong Tirahan, Pagsunod sa
Tradisyon, Pagkakaroon ng Dating Karanasan, at Kakulangan sa Pera ang mga
pangunahing dahilan ng pagpapagamot sa folk healer. Ang isang natatanging katangian
ng folk healer na wala sa ibang manggagamot ay Nakakagamot ito ng mga di-
maipaliwanag na sakit. Ngayong napag-aralan na ang magkakaibang pananaw tungkol
dito, masasabing hindi lamang isa kundi marami ang mga salik na nakakaapekto sa
pagpapagamot sa folk healer.
III

Pasasalamat
Una una sa lahat nais naming magpasalamat sa Panginoon sa pagbigay saamin ng
lakas at pagasa upang matapos ang papel na ito.
Kina Mr. at Mrs. Ataiza, sa pagbili sa ng bagong laptop na ginamit para sa
pananaliksik at sa pagbigay ng pera tuwing aalis. Kay auntie, Alcel de Leoz Aquende sa
pagbibigay ng payo buhay. At higit sa lahat, kay Robert Johnzen Borromeo dahil siya ang
nagsilbing inspirasyon at gabay sa akin. (Ataiza, 2018)
Sa aking ‘di mabilang na mga babae, salamat sa inyong pagbibigay ng
inspirasyon at kilig na nakatulong sa aking pag-iisip para sa aming pananaliksik. Sa
maraming babaeng pinagkuhanan ko rin ng maraming inspirasyon, salamat sa inyong
lahat! Sa aking mga kaibigang sina Ivan, Elaine, Rochelle at Benedick sa pamamahagi
nila ng kanilang kaalaman tungkol sa pananaliksik. (Antivola,2018)

Kay mama, sa pagpapayag sa akin lumabas ng bahay upang makagawa ng


pananaliksik at kay Patricia Encinareal na patuloy na nagbibigay sa akin ng inspirasyon.
(Echano,2018)
Kay papa at uncle sa pagbigay saakin ng mga bagay na kailangan at sa pagiintindi
saakin kapag hindi ako umuuwi ng maaga tuwing busy ako. Sa Dotcom Infinity Net Cafe
na nagsilbing pangalawang tahanan ko sa tuwing gagawa ng pananaliksik.
(Gonzaga,2018)
Kay mama at papa sa pagbibigay ng baon na naging motibasyon ko para pumasok
araw-araw. Kay kuya sa pag pressure sa akin sa aking pag-aaral at kay Maeriel Anne
Clarino sa akin pagbibigay inspirasyon. (Guerrero,2018)

Sa mga miyembro ng panel at sa admin at faculty ng Sta. Ines, Salamat sa


paglalaan ng panahon upang matulungan kami sa papel na ito.
Sa aming mga tunay na kaibigang di na namin kayang isa-isahin. Thanks, really.
Sa aming tagapayo sa Pananaliksik, Ms Annie, Salamat po! Salamat at dahil sa
iyong pagiging strikto, kami ay natutong magpursigi.
Sa aming tagapayo sa Research, Sir Christian, Salamat sa iyong
pagigingmaunawain, matulungin at masipag sa pagsagot ng aming mga tanong. We all
love you!
At sa iyo na nagbabasa nito, salamat sa paglalaan ng oras para basahin ang aming
pinaghirapang papel.
Lubos na Gumagalang,
Team Usog (2018)
IV

TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

PAMAGAT ………………………………………………..

DAHON NG PAGPAPATIBAY ……………………………………………….. I

ABSTRAK ……………………………………………….. II

PASASALAMAT ……………………………………………….. III

TALAAN NG MGA NILALAMAN .……………………………………...……….. IV

KABANATA

I. PANIMULA ….…………………………………..….………1

Ang Suliranin at Kaligiran nito ………………………………… 1

Layunin ng Pag-aaral ………………………………… 3

Kaugnay na Literatura ………………………………… 3

Kaugnay na Pag-aaral ………………………………… 4

Kahalagahan ng Pag-aaral ………………………………… 6

II. METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN …………………………………..8

Disenyo ng Pananaliksik …………………………………… 8

Kalahok …………………………………… 8

Instrumento ng Pananaliksik …………………………………… 8

Pamamaraan ng Pananaliksik ..…………………………….…...9

Etikal na Pagsasaalang-alang ………………………………... 10

Pagsusuri ng Datos …………………………………… 11

III. RESULTA ………………………………………………… 12


V

IV. DISKUSYON ………………………………………………... 16

Limitasyon ng Pag-aaral ….……………………………………19

Rekomendasyon …………………………………….. 19

Reflexivity …………………………………….. 22

V. BUOD AT KONKLUSYON ………………………………… ..….. 24

Sanggunian ……………………………………….. 26

APENDIKS

A. Demograpikong Impormasyon ng mga Respondente ……………………..28

B. Interbyu Iskedyul na Katanungan ………………………………………. 39

C. Liham ng Pahintulot ……………………………………. 30

D. Pormularyo ng Pahintulot …………………………………...... 31

E. Transkrip ……………………………………............... 32
KABANATA I
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Ang pagpapagamot sa mga albularyo o folk healer ay bahagi na ng kultura ng

Pilipinas (Zafra, 2013). Hanggang sa ngayon, marami pa rin ang tumatanggkilik sa

pamamaraang ito kahit na walang siyentipikong patunay ang bisa nito (Lau, 1989).

Nakuha ang interes ng mga mananaliksik dahil nakakapagtaka kung bakit karamihan ng

tao ay pumupunta pa din sa albularyo kahit may mas ligtas at subok na conventional

medicine. Napiling pag-aralan ang paksang ito upang malaman kung ano ang mga

dahilan ng mga residente ng Purok 3, Brgy.17 , Legazpi City sa pagpunta sa mga Folk

healer.

Ang patuloy na pagsikat ng alternatibong medisina sa kabila ng na paglago ng

conventional medicine lalo na sa diagnosis at therapy ay maaaring nagsasaad ng “isang

paglayo sa agham ng medisina dahil sa mga dillusioned na pasyenteng ayaw tumanggap

ng bagong kaalaman at dahil sa kakulangan ng orthodox medicine” (Donelly,

Spykerboer, at Thong, 1985).

Ang conventional medicine ay medisinang isinasagawa ng mga may degree na

M.D. (medical doctor) o D.O. (doctor of osteopathy) at ng kanilang mga allied health

professionals katulad ng mga physical therapists, psychologists, at registered nurses. Ito

rin ay tinatawag na allopathic medicine, Western medicine at mainstream medicine

(National Cancer Institute, Dictionary of Terms). Ayon sa depinisyon ng World Health

Organization, ang non-conventional medicine o mga pamamaraan na di kabilang sa


2

conventional medicine ay tinatawag na traditional medicine mula sa mga bansang China

at India kung saan ang ganitong pamamaraan ay parte na ng kanilang kultura. Sang ayon

naman dito sina di Sarsina at Iseppato (2011) na isinaad sa kanilang pag-aaral na ang

conventional medicine ay isinasagawa lamang ng mga degree holders at allied health

professionals. Idinagdag pa nila na ang traditional medicine ay maaari ring tawaging

complementary medicine, alternative medicine, o unconventional medicine. Maraming

uri ng mga sistema ng panggagamot na naka base sa tradisyonal na kaalaman. Ilan sa mga

halimbawa nito ay ang Ayurveda (India), Chinese Medicine, Native-American medicine,

Tibetan medicine, Unani-tibb (Greco-Arabic) at Kampo (Japan). Ang mga sistemang ito

ay may kasaysayan ng pagiging kapaki-pakinabang, ligtas at epektibo na ngayo’y

napatunayan na sa pamamagitan ng modernong teknolohiya (Winston 2012). Sa

Pilipinas, ang albularyo o Folk healer ay isa sa mga pangunahing nagsasagawa ng mga

traditional medicine. Masasabi na ring sila ang simbolo ng tradisyunal na kultura ng

Pilipinas pagdating sa medisina. (Labastida, Alapay, Billones, Gonzales Macuja,

Manlapig, Montavirgen, Pineda, at Tirol, 2016)

Ayon kay West (1984), two-thirds o dalawa sa bawat tatlong taong gumagamit ng

alternatibong medisina at pamamaraan ay nagsabing nasubukan na nilang gumamit ng

conventional medicine ngunit hindi sila nito natulungan. Sa kabila ng patuloy na pag-

unlad ng kaalaman sa medisina at sa pagtuklas ng makabagong teknolohiya, marami pa

rin ang mas pinipili ang alternatibong medisina (Lau, 1989).

Sa isang pagsusuri na isinagawa nina Atwine, Hultsjo, Albin at Hjelm (2015)

tungkol sa paggamit ng alternatibong medisina ng mga may diabetes, nabanggit nilang

hindi talaga gaano ka-epektibo ang paggamit ng alternatibong medisina, may mga
3

benepisyo ito ngunit ang karamihan ay dahil sa placebo effect lamang o gawa-gawa dahil

sa paniniwala. Taliwas ito sa sinabi ni Madamombe (2006), sa kanyang pag-aaral sa

Africa na ang traditional healers ay nakakatulong sa primary health care sa

pamamagitan ng pagpapalaganap ng tamang impormasyon tungkol sa kalusugan at

kalinisan. Sinabi pa niya na malaki ang parte ng mga traditional healers sa paghanap ng

solusyon sa mga lumalaganap na sakit sa Africa.

Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matugunan ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano-ano ang mga dahilan ng mga residente ng Barangay 17, Ilawod, Legazpi

City na nasa edad labing walo pataas sa pagpapagamot sa folk healer?

2. Ano ang mga katangian ng folk healer na wala sa ibang manggagamot?

Mga Kaugnay na Literatura

Sinabi ni Truter (2007) na ang pagkakaroon ng mga tradisyunal na manggagamot

na pwedeng mapuntahan at ang kanilang ugnayan sa kanilang mga pasyente at pamilya

nito ay nagpapalagay sa kanila bilang karaniwang tagapagsustento sa kalusugan ng mga

tao. Nabanggit din niya ang mga rason ng mga tao sa pagpapagamot sa albularyo: kilala

nila ng maigi ang manggagamot, hindi lamang problema sa kalusugan kundi may iba

pang mga problemang ipapatingin, paniniwalang nanggaling ang sakit sa isang


4

supernatural na dahilan, nakasanayang sistema ng paggagamot sa bansa at parte na ng

kultura, at kakulangan sa kaalaman at pagtitiwala sa conventional medicine.

Ayon kay Alex Magno (2012) ng Philippine Star, patuloy na lumalakas ang

suporta para sa erbal na gamot sa Pilipinas. Ang mga erbal na gamot na ito ay ginagamit

sa alternatibong medisina at mas rumarami ang tumatangkilik dito.

Sinabi naman ni Tacio (2014), bilyon bilyon ang nawawala sa pag import ng mga

drugs sa Pilipnas kung saan ang ilan ay hindi naman mahalaga pero delikado. Maraming

nasasayang na pera lalo na sa mga ospital. Mga desperado na mga tao ang naghahanap ng

solusyon sa coneventional medicine ngunit na mapapaalalahan na walang lunas sa ilang

mga sakit at kung meron man ay napakamahal ng proseso nito (Minto, 2015)

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Sa isang pag-aaral na isinagawa ni Zank (2007) sa isang rehiyon sa Brazil,

lumabas na ang traditional at conventional medicine ay hindi magkasalungat ngunit ay

dalawang magkaugnay na sistema. Nakita ring nagbebenepisyo ang dalawang sistema sa

pagkakaroon ng isa’t isa at maaaring mag co-exist sa isang makabulohang paraan. Ang

pangkalahatang ibig sabihin ng “cure” o lunas ay ang pangako na maibabalik ka ng

medisina sa iyong magandang kalusugan (Whyte ,2004). Sa madaling salita, ang

sinumang indibidwal ay may kakayahang pumili ng kanilang sariling sistema ng

panggagamot dahil magkakaiba ang ating depinisyon ng medisina base sa ating kultura,

karanasan at sariling interpretasyon (Van der Geest at Whyte 1989). Kaya naman,

maraming rason kung bakit tinangkilik ang tradisyonal na medisina. Ito ang ilan sa mga

pangunahing rason:
5

Ayon kina Atwine, Hultsjo, Albin at Hjelm (2006) kakayahang pinansiyal ang isa

sa mga pangunahing salik na nakakaapekto sa pagpili kung saan magpapagamot. Ngunit

ayon naman kay Bren Lovin, (2010) lumabas na hindi basehan ang katayuan sa buhay sa

isang pasyenteng nais magpagamot sa mga albularyo. Nakita rin na hindi sukatan ang

natamong diploma ng mga tumatangkilik dito sapagkat base sa panayam at obserbasyon

ng mananaliksik, marami pa rin ang mga taong may-kaya at nakapagtapos ng pag-aaral

ang naniniwala sa tradisyunal o folk medicine.

Ang ibang albularyo ay pumapaligid lamang sa iba’t ibang lugar kung saan sila’y

madaling nakakabenta ng kanilang gamut na sinasabing nakakapagpaggaling ito ng sakit

ng tao. Ayon kay Mateo (2012), ang albularyo ay mga taong may kakayahang

manggamot sa mga taong may sakit kahit na sila’y walang pormal na edukasyon o

lisensya. Iilan sakanila ay nagbebenta ng sariling imbentong gamot at luminlang ng mga

pasyente dulot ng kanilang abilidad na manggamot ng sakit, ang iba ay dalubhasa sa

kanilang inimbentong gamot na may halong buong paniniwala sa kanilang kagalingan

ngunit lantarang ipinapahayag nila ang kanilang limitasyon. Nabanggit din niya ang mga

epekto ng pagbebenta ng gamut ng albularyo sa tao: maaaring sila’y makasayang ng pera

sa hindi gaano ka importanteng produkto, makaaksaya ng oras, at maaaring magkaron ng

hindi magandang epekto sa katawan.

Ayon sa pag-aaral nina Labastida et. al (2016), patuloy na nagpapagamot sa

tradisyunal na manggagamot ang ilang taong kanilang tinanong dahil sa kalapitan nito sa

kanilang tinitirhan at ito raw ay tunay na epektibo sa panggagamot. Nakaugalian na rin

daw nilang magpagamot sa mga folk healer para sa mga karaniwang sakit tulad ng ubo,

sinat, at sakit ng katawan.


6

Marami nang pag-aaral sa ibang bansa ngunit ang mga pag-aaral na isinagawa sa

konteksto ng tradisyunal na medisina sa Pilipinas ay limitado lamang. Halos lahat ng

kaugnay na pag-aaral ay tungkol sa herbal medicine at walang nakatuon sa mga folk

healer na parte rin ng traditional o alternative medicine. Malaki ang pagkakaiba ng

kultura ng Pilipinas sa ibang bansa kaya naman ang pag-aaral na ito ay magiging isa sa

mga unang pag-aaral sa tradisyonal na medisina sa Pilipinas partikular sa Legazpi.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagahan ng pag-aaral ay para matukoy ang mga dahilan sa

pagpapagamot ng mga tao sa mga folk healer kaysa sa mga medikal na doktor. Ang mga

makikinabang sa pananaliksik na ito ay ang mga sumusunod:

Mga nagpapagamot sa mga folk healer. Ang pag-aaral na ito ay makapagbibigay linaw

sa mga dahilan ng mga taong nagpapagamot sa mga folk healer at maiiwasan ang maling

konsepsyon ng mga ibang tao sa kanilang dahilan.

Mga doktor mga propesyonal na manggagamot at mga allied health professionals.

Mauunawaan ng mga doktor at iba pang mga propesyonal na manggagamot ang mga

dahilan ng mga tao sa pagpipili nilang magpagamot sa mga folk healers kaysa sa kanila.

Makakatulong ito upang makita nila ang dapat gawin para mas makatulong sa health

system ng bansa.

Gobyerno. Makapagbibigay ng mga bagong kaalaman ang pag-aaral na ito sa gobyerno

na makatutulong sa pagpapaunlad ng health system sa bansa.


7

Mga susunod na pag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay maaaring maging sanggunian ng

ibang mananaliksik para mas mapahusay ang mga susunod na pag-aaral.


KABANATA II

METODOLOHOIYA AT PAMAMARAAN

Sa kabanatang ito maipapakita at mabibigyang kahulugan ang metodolohiyang

gagamitin sa pag-aaral. Tinataglay nito ang disenyo ng pag-aaral, mga kalahok,

instrumento, mga pamamaraan, etikal na pagsasaalang-alang, at pagsusuri ng mga datos

na magagamit sa pag-aaral.

Disenyo ng Pananaliksik

Gumamit ang pag-aaral ng Kuwalitatibong pananaliksik, partikular na case study,

upang siyasatin ang mga dahilan ng mga tao sa pagpapagamot sa folk healer. Magiging

mainam ang personal na pakikipanayam sa pangangalap ng datos sa pag-aaral. Ang

personal na pakikipanayam ay isang pamamaraan ng sarbey na ginagamit kapag

mayroong tiyak na populasyong sakop (Sincero, 2012). Sa karagdagan, isinasagawa itong

pamamaraan upang galugarin ang mga tugon ng mga tao at nang makakuha pa ng mas

marami at mas malalim na impormasyon.

Kalahok

Ang mga kalahok ay kinuha mula sa Purok 3, Brgy 17, Legazpi City. at sila ay

napili sa pamamagitan ng snowball sampling technique. Ang edad ng mga kalahok ay

nasa labingwalo (18) pataas at may karanasan sa pagpapagamot sa folk healer.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng semi-structured interview at ng talatanungan

na naglalaman ng pitong(7) open-ended questions (tingnan sa apendiks B). Kabilang sa


9

mga katanungan ang pagtatanong ng demograpikong impormasyon ng mga respondent

(tingnan sa apendiks A).

Pamamaraan ng Pagsasagawa

Pagtitipon ng Impormasyon

Ang mga mananaliksik ay nagsimula sa pagtipon ng impormasyon tungkol sa

mga dahilan ng tao sa pagpapagamot sa Folk healer. Pagkatapos, pinagsama-sama ng ang

mga kaugnay na literatura at pag-aaral mula sa mga libro at internet. Mula sa mga

nakalap na datos at sa napapanahong suliranin, nakabuo ng dalawang layunin ng pag-

aaral.

Paghanda ng Talatanungan

Upang masagot ang mga layunin, gumawa ang mga mananaliksik ng talatanungan

na may pitong open-ended questions. Kasama na rito ang paghingi ng demograpikong

impormasyon ng mga kalahok.

Paghahanap ng magiging kalahok

Sa pamamagitan ng snowball sampling, naghanap ng mga mananaliksik ng apat

na posibleng maging kalahok sa bgry.17, Legazpi city. Ang mga napiling kalahok ay mga

residente ng brgy.17 na nagpapagamot sa folk healer.

Paghingi ng Pahintulot

Binigyan ang bawat kalahok ng liham ng pahintulot (tingnan ang Apendiks C)

kung saan nakasaad dito ang lahat ng kundisyon sa kanilang paglahok sa pag-aaral.
10

Nagkasundo sa isang partikular na petsa, oras at lugar sa gagawing pakikipanayam.

Kasama sa liham ay ang pormularyo ng pahintulot (tingnan sa Apendiks D) na

pinapirmahan sa mga kalahok upang maging katibayan sa kanilang pagsali.

Nagsagawa ng Pakikipanayam

Sa napagkasunduang petsa,oras at lugar, nagsagawa ang mga manaliksik ng

personal na pakikipanayam sa bawat kalahok. Ang bawat panayam ay tumagal ng 20-30

minuto. Para sa dokumentasyon, gumamit ng voice recorder sa bawat panayam sa

pahintulot ng kalahok.

Pagsusuri ng Nakalap na Datos

Ang bawat panayam ay ginawan ng transcript at pagkatapos ay sinuring mabuti

base sa mga temang mayroon. Upang matukoy ang mga tema, ginamit ang Braun and

Clarke(2006) six phases of Thematic Analysis. Pagkatapos ay tinalakay ang mga

resultang nakalap at kung paano ba nito nasagot ang mga layunin ng pag-aaral.

Etikal na Pagsasaalang-alang

Para sa etikal na pagsaalang-alang. Hihingi kami ng pahintulot sa mga kalahok

kung ang panayam ay pwedeng itala gamit ang voice recorder. Sasabihan rin ng mga

mananaliksik na itatala kung ano man ang mabanggit sa magiging usapan. Babaguhin ng

mga mananaliksik ang mga pangalan ng mga kalahok upang maprotektahan ang kanilang

pagkakakilanlan at privacy. Bukod pa rito, isasaalang-alang naming ang pagiging

kumpidensyal ng datos na naipon.


11

Pagsusuri ng Datos

Bago ang pagsusuri ng datos, ibibigay ng mga mananaliksik ang transcript ng

panayam upang makita kung tama ang pagkasalin nito. Pagkatapos ay ikukumpirma ng

mga mananaliksik ang mga tema na mahahanap. Upang masuri ang mga temang

mayroon, susundin ng mga mananaliksik ang Braun and Clark(2006) six phases of

Thematic Analysis. Una, tutukuyin ng mga mananaliksik ang mga natipon na datos sa

pag-basa nito ng paulit-ulit. Habang ginagawa ito ililista ng mga mananaliksik ang mga

pangunahing idea na lumabas. Pagkatapos, isusulat na ng mga mananaliksik ang bawat

pahayag ng mga kalahok at igugrupo ang mga sagot ayon sa tema.


KABANATA III

RESULTA

Ang Kabanatang ito ay naglalaman ng mga resultang nakuha mula sa

pangangalap ng datos. Ang mga resulta ay ipinapakita ayon sa mga sumusunod: mga

tema para sa mga dahilan kung bakit nagpapagamot ang mga residente ng brgy.17 sa

Folk healer, mga mabuting naidudulot ng pagpapagamot sa Folk healer, at mga

masasamang naidudulot ng pagpapagamot sa Folk healer.

Mga Pangunahing Dahilan kung Bakit Nagpapagamot sa Folk Healer

Ang talahanayan 1 ay nagpapakita ng mga dahilan ng mga tao sa pagpapagamot sa Folk

healer.

Mga Tema Halimbawa ng mga Pahayag

“Mas ano pa rin, sa doktor parang


optional (pagpipilian) lang parang second
option (pangalawang pagpipilian) lang ang
albularyo.” – Kalahok 4

Pagtingin sa Folk healer “Hindi naman, para kasing, pag hindi


bilang alternatibong mga gamot, if ever nga na talagang
medisina scientifical way mas maganda na at least
may option ka kasi diba gusto ng tao
gumaling so…” (Hindi naman, para kasing,
pag hindi mga gamot, kung sakali nga na
talagang siyentipikong pamamaraan mas
maganda na para may pagpipilian ka kasi
diba gusto ng tao gumaling.) – Kalahok 4
“O kasi ang hilot diba, ang pinsan ko
doktor din pero naniniwala siya sa
albularyo. Kahit propesyonal na niniwala
Pagkakaroon ng kakulangan sa
sa kakayahan ng albularyo kita mo yan.
Conventional Medicine
Wala naman masama. Kasi ako mismo
nakita ko na ang bias niyan.” – Kalahok 3
13

“Katulad noong bata pa ako, yung tito ko,


ilang buwan na siyang nasa ospital, sa
OGA, bata pa ako non mga grade 2
(ikalawang baitang). Isang buwan na di pa
gumagaling.” – Kalahok 3
“Aw sa ngayon, syempre doktor na pero
kung nasa probinsya ka, malayo ka, no
choice (walang pagpipilian) ka.” – Kalahok
1
Pagkakaroon ng malayong tirahan
“Bago pa sa mga loklok na barangay ta
arayo man baga kaito ang hospital.” (Bago
pa sa mga malayong baranggay kasi
malayo man baga noon ang ospital.) –
Kalahok 1
“Wala kasi ninuno nang ano mo pa nung
yung baga nung grade (baitang) ano ko pa
noon. Nung ano tawag dito, nung lola ko
pa, yan na talaga ang tradisyon nung
Pagsunod sa tradisyon
panahon.” – Kalahok 1

“Bata pa. Simula nung bata pa tradisyunal


nang dati yan…” – Kalahok 1
“Oo kasi napapagaling naman ako.
Naranasan ko na mismo.” – Kalahok 3

“Dinala sa albularyo, ay pinuntahan pala


ng albularyo sa ospital, basta albularyo
galling Camalig, baga sana naguyo.
Kinabwasan maray na. Naano man sana
palan, nasibang. Tas kin uno,
nagparagastos pa sa ospital, kinabwasan
tapos na. Ganun lang kadali. Pinatingin
Pagkakaroon ng dating karanasan lang namin sa albularyo dyan sa Cema
tapos ganon kadali, okay na.” (Dinala sa
albularyo, ay pinuntahan pala ng albularyo
sa ospital, basta albularyo galing Camalig,
parang nawala lang. Kinabukasan magaling
na. Naano lang naman pala, nasibang.
Tapos ng ano, naggastos pa sa ospital,
kinabukasan tapos na. Ganun lang kadali.
Pinatingin lang namin sa albularyo dyan sa
Cema tapos ganon lang kadali, maayos na.)
– Kalahok 3
“Ang kina anohan lang sa mga
Kakulangan sa pera
manghihilot kung sa doktor ka, check-up
14

palang Malaki na.” – Kalahok 1

“Nakalimutan ko na basta nakapirang


(naka-ilang) x-ray na tapos mga gastos pa
sa lab ata…” – Kalahok 3

Mayroong anim (6) na temang nakalap kung bakit nagpapagamot sa folk healer o

albularyo: Pagtingin sa Folk Healer bilang alternatibong medisina, Pagkakaroon ng

kakulangan sa Conventional Medicine, Pagkakaroon ng Malayong Tirahan, Pagsunod sa

Tradisyon, Pagkakaroon ng Dating Karanasan, at Kakulangan sa Pera.

Mga Magagandang Naidudulot ng Pagpapagamot sa Folk healer

Ang talahanayan 2 ay nagpapakita ng mga katangian ng folk healer na wala sa ibang

manggagamot.

Mga Tema Halimbawa na mga Pahayag

“Ang karamihan ng mga manghihilot na ang


mga pinaka ano nila usog, ahhh yung sabi natin
na pumunta ka dun sa barang hindi kaya yan
ieksplikar yan ng doctor. Yung ganyan yan na
may mga rashes na yan ang tingin sainyo niyan
rashes (sakit sa balat) yan pero ang ano ng mga
manghihilot yan, binarang yan. Ohh, yung mga
ganun. May mga ganun na kaso, hindi na
kayang ipaliwanag ng doktor. Aanuhan agad
Nakagagamot ng mga di maipaliwanag na sakit
niyan ng pagkarami raming gamot
samantalang sakanila, papausukan ka lang.
Pagka umaga wala na” – Kalahok 1

“Oo. Pero hindi lahat ng kaya ng doktor


gamutin, kaya din ng manghihilot. Yan na mga
manggagamot na yan. Kaya lang, sa mga
manggagamot talaga, pang eksternal lang
talaga. Yan ang pinagkaibahan nila.”
– Kalahok 1
15

Mayroong nag-iisang temang natuklasan sa mga mga katangian ng folk healer na

wala sa ibang maggagamot: Nakagagamot ng mga di maipaliwanag na sakit. .


KABANATA IV

DISKYUSYON

Sa seksyon na ito ilalahad at bibigyang kahulugan ang mga nakalap na datos.

Laman ng kabanatang ito ang mga dahilan ng mga residente ng Brgy. 17, Legazpi City sa

pagpapagamot sa folk healer at ang mga katangian ng folk healer na wala sa ibang

manggagamot.

Ang mga nakuhang resulta ay hindi nagkakalayo sa mga kaugnay na literatura at

sa inaasahang resulta. Ang pagkakaiba lamang ay ang mga resultang nakuha ay nakaugat

sa konteksto ng kultura ng Pilipinas. Mayroong anim na tema s na lumabas sa

pakikipanayam sa mga respondente, ito ay ang: (a) Pagtingin sa Folk Healer bilang

Alternatibong Medisina ,(b) Pagkakaroon ng Kakulangan sa Conventional Medicine, (c)

Pagkakaroon ng Malayong Tirahan, (d) Pagsunod sa Tradisyon, (e) Pagkakaroon ng

Dating Karanasan at (f) Kakulangan sa Pera.

Ang unang salik na lumabas ay ang pagtingin sa folk healer bilang alternatibong

medisina. Sa mga resultang nakalap, lumabas na ang pagtingin ng ibang respondente sa

folk healer ay alternatibo lamang sa conventional medicine. Ibig sabihin, nagpapagamot

lang sa folk healer kapag wala nang pagpipilian o "option" lamang. Dahil dito, ang

traditional medicine kung saan kabilang ang mga albularyo ay maaari ring tawaging

alternative medicine ayon sa WHO. Lumalabas na ang albularyo ay maaaring maging

alternatibo sa doktor o kaya naman sunod na puntahan pagkatapos magpatingin sa doktor.

Nabanggit din ang ilang respondente na ang pagpapagamot sa albularyo ay isa lamang sa

pagpipilian
17

Gayunpaman, ang pagkakaroon ng kakulangan sa conventional medicine ay

lumabas din bilang isang rason ng mga residente ng baranggay 17 (labinmpito) sa

pagpapagamot sa folk healer. Ito’y nangangahulugang hindi sila kumbinsido sa

serbisyong ibinibigay ng mga degree holders at mga allied health professionals katulad

ng mga doktor, nars, at iba pa. Ang pagkatuklas na ito ay pumapareho sa sinabi ni West

(1984) na dalawa sa bawat tatlong gumagamit ng alternatibong medisina at pamamaraan

ay nagsabing nasubukan na nilang gumamit ng conventional medicine ngunit hindi sila

nito natulungan. Dahil dito, sila’y tumatangkilik ng alternatibong medisina sa pag-aasang

mapunan ang kakulangan ng conventional medicine.

Ang pagkakaroon ng malayong tirahan ay isa sa mga salik na nakaaapekto sa

pagpapagamot sa mga folk healer. Ang mga respondente ng pag-aaral ay nagsasabing isa

sa kanilang mga dahilan sa pagpapagamot sa folk healer ay dahil malayo sila sa mga

ospital o doktor. Ito ay sumasangayon sa pag-aaral nina Labastida, Alapay, et. al (2016)

na nagsasabing patuloy na nagpapagamot sa tradisyunal na manggagamot ang ilang tao

dahil sa kalapitan nito sa kanilang tinitirhan.

Ang pagsunod sa tradisyon ay isa rin sa mga salik na nakakaapekto sa

pagpapagamot sa mga folk healer. Ang mga kalahok ng pag-aaral ay nagsasabing isa sa

kanilang dahilan sa pagpapagamot ay dahil ito ay naging tradisyon na nila. Ito ay

nagsimula sa una pa nilang panahon galing sa mga lolo o lola at naging paraan nila na

pagpapagamot.

Sa mga temang nakuha, ang pagkakaroon ng dating karanasan ang may

pinakamalaking impluwensiya sa mga respondente dahil ito ang pinakamadalas na


18

mabanggit. Ibig sabihin, halos lahat ng nagpapagamot sa albularyo ay may dating

karanasan na ukol dito. Maaaring nakita na nila mismo ang bisa ng pagpapagamot sa

albularyo o kaya naman ay naranasan na nila ito sa sarili. Bilang mga Pilipino, hindi tayo

maniniwala kung walang ebidensiya. Kinakailangang makita muna natin nang malapitan

gamit ang sariling mata. Ito ang lumabas sa aming pagsusuri, dating karanasan ang isa sa

mga dahilang nagtulak sa mga respondente upang magpagamot sa folk healer.

Nakukumbinse ang isang tao na mabisa ang pamamaraan ng albularyo dahil sa kanilang

mga dating karanasan. Masasabing hindi talaga makukumbinse nang buo ang mga

respondente na magpagamot sa albularyo kung hindi pa nila nakita o naranasan ang bisa

nito.

Ang kakulangan sa pera ay isa sa mga salik na nakakaapekto sa pagtatangkilik sa

tradisyunal na medisina. Ayon sa mga respondente na nakatira sa barangay 17, sinabi nila

na hindi daw ito gaanong nakakaapekto sa pagpapagamot sa folk healer ngunit nabanggit

nilang mas mahal pa ring magpagamot sa doktor kumpara sa tradisyunal na medisina.

Sang ayon ito sa sinabi nina Atwine, Hultsjo et. al (2006) na kakayahang pinansiyal ay

isa lamang sa mga pangunahing salik na nakakaapekto sa pagpili kung saan

magpapagamot.

Para sa ibang mga residente ng baranggay 17, ang pagpapagamot sa Folk healer

ay isang kusang pagdedesisyon sa kanilang pag-aasang mapagaling ang kanilang mga

partikular na karamdaman o kasakitan. Buhat nito, kapag sila’y nagpapagamot sa isang

Folk healer, isang magandang naidudulot sa kanila nito’y nakagagamot ng mga di

maipaliwanag na sakit. Ang mga usog o sibang na sinasabi nila’y hindi naipaliliwanag at
19

hindi rin napagpapagaling o nagagamot ng mga propesyonal na manggagamot ngunit

kayang gamutin ng mga Folk healer.

Mga Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naging limitado lamang sa mga residente ng brgy.17,

Legazpi city. Hindi nakasama ang ibang lugar sa Pilipinas, partikular sa Bicol. Naging

limitado rin ang ang nakuhang impormasyon dahil walang nabanggit na masasamang

karanasan ang mga kalahok sa pagpapagamot sa folk healer. Dagdag pa rito, walang mga

doktor at Folk healer ang kabilang sa mga nagging respondente ng pag-aaral na ito,

tanging mga residente lamang na nakaranas nang magpagamot sa Folk healer. At

panghuli, ang pag-aaral na ito ay nakapaloob lamang sa pagtukoy ng mga dahilan sa

pagtangkilik sa Traditional medicine. Hindi layunin ng pag-aaral na itong patunayan

kung mabisa o hindi ang pamamaraan ng mga Folk healer.

Rekomendasyon

Ang seksyon na ito ay nagtatalakay ng mga rekomendasyon ng mga mananaliksik

sa mga sumusunod: mga nagpapagamot sa mga folk healer, mga folk healer, gobyerno,

at susunod na mananaliksik

Mga nagpapagamot sa mga folk healers

Ang mga mananaliksik ay nag rerekomenda sa mga nagpapagamot sa mga folk

healers na mas maging matiyag at mapanuri sa mga pinapakonsultahang folk healers.


20

Ang kaligtasan, kalusugan at kapakanan ng mga nagpapagamot ay nasa kamay ng mga

folk healers.

Mga folk healers

Ang mga mananaliksik ay nag rerekomenda sa mga folk healers na makilahok sa

mga training at seminar na nakalaan para sa alternative medicine upang magkaroon ang

mga folk healers ng background sa medisina at magkaroon ng karagdagang kaalaman sa

panggagamot.

Mga doktor at iba pang allied health professionals

Nais imungkahi ng mga mananaliksik na ipagpatuloy ang kanilang pagtulong sa

mga may karamdaman at paigtingin ang kanilang serbisyo upang maabot nito ang mas

maraming tao.

Gobyerno

Ang mga mananaliksik ay nag rerekomenda sa gobyerno na mag laan ng badyet at

magsagawa ng mga conference, training at seminar para sa alternative medicine. Ang

gobyerno ay dapat gumawa ng hakbang upang mas mapa mura ang mga gamot at

magkaroon ng libreng checkup at konsulatasyon sa mga doctor at iba pang health

professionals gamit ang badyet na nilaan. Dagdag pa rito, dapat mas ma mapahusay ng

gobyerno ang health care at makaabot ito sa mga mamamayang malalayo sa siyudad.

Mga susunod na mananaliksik

Una, inirerekomenda ng mga mananaliksik na magsagawa ng pag-aaral na may

mas malawak na sakop. Kung maaari ay sa ibang lugar naman at sa mas malaking
21

populasyon. Dagdag pa rito, nais rin imungkahi ng mga mananaliksik na piliing mabuti

ang mga kalahok upang mas masagot nang maayos ang mga katanungan. Pangalawa, sa

nais magpatuloy ng pag-aaral na ito, maaaring pagtuonan ng pansin kung epektibo ba o

hinde ang traditional medicine. At higit sa lahat, maaaring magbigay alam sa mga awtor

kung may nais gumamit ng pamanahong papel na ito bilang sanggunian.


22

Reflexivity

Sa Pilipinas, maraming tao ang patuloy na nagpapagamot sa mga folk healers o

albularyo. Lahat kami ay nakaranas nang magpagamot sa folk healer. Bilang mga mag-

aaral sa track na STEM, kinailangan naming makapag-isip ng isang pag-aaral na

nakapaloob sa Science, Technology, Engineering o Mathematics na gagamit ng

Kuwalitatibong paraan. Napagdesisyunan naming magsagawa ng pag-aaral tungkol sa

mga dahilan ng mga tao sa pagpapagamot sa folk healer. Batay sa aming mga karanasan,

sa tuwing mayrooong nagpapagamot sa albularyo ay madalas isipin ng mga taong pera

ang pangunahing dahilan. Sa aming mga karanasan sa pagpapagamot sa albularyo, may

mga taong nagtanong kung bakit kami sa folk healer nagpagamot at ang madalas na

pinaniniwalaan ay dahil wala kaming pampagamot sa doktor.

Sa pag-aaral na ito, napagdesisyunan naming itaas ang antas ng pag-aaral tungkol

sa mga dahilan ng mga tao sa pagpapagamot sa folk healer. Isa sa mga dahilan sa bagay

na ito ay ang aming mga karanasan nang kami ay magpagamot sa albularyo. Marami

kaming nasagap na mga usap-usapang ang mga taong nagpagagamot sa albularyo ay

madalas na sinasabing mahihirap o walang perang pampagamot sa doktor. Maliban dito,

ang mga taong nagpapagamot sa albularyo ay hindi nabibigyan ng pagkakataong

maipagtanggol ang kanilang mga sarili laban sa mga panghuhusga.

Bukod pa rito, sa pag-aaral sa mga dahilan ng mga tao sa pagpapagamot sa folk

healer, nais naming magbigay ng boses alang-alang sa mga taong nagpapagamot sa folk

healer. Sinisikap rin naming maitama ang pinaniniwalaan ng ibang mga tao na ang
23

dahilan sa pagpapagamot ng mga tao sa folk healer ay kawalan ng perang pampagamot sa

doktor lamang.
KABANATA V

BUOD AT KONKLUSYON

Ang pag-aaral ay isinagawa para malaman ang mga dahilan ng mga mamamayan

na nakatira sa barangay 17, Ilawod, Legazpi City sa pagpapagamot sa mga folk healers.

Ang pag-aaral ay isinagawa sa apat na residente ng barangay 17, Ilawod, Legazpi City na

nagpapagamot sa mga folk healers. Gamit ang kuwalitatibong pag-aaral, case studies

method, ang mga mananaliksik ay nagkalap ng datos upang mahanap ang kasagutan.

Face to face interview at semi structured interview ang ginamit sa pagkalap ng datos.

Ang pag-aaral ay gumamit ng thematic analysis para masuri ang mga datos na nakalap.

Base sa mga resulta ng pag-aaral natuklasan ng mga mananaliksik na may anim

na tema sa likod ng mga dahilan ng mga tao sa pagpapagamot sa mga folk healers:

Pagtingin sa Folk healer bilang alternatibong medisina, Pagkakaroon ng Kakulangan sa

Conventional Medicine, Pagkakaroon ng Malayong Tirahan, Pagsunod sa Tradisyon,

Pagkakaroon ng Dating Karanasan, at Kakulangan sa Pera.

Samantalang isang tema lamang ang natukoy sa mga magagandang naidudulot ng

pagpapagamot sa Folk healer. Ang natatanging magandang naidudulot na lumabas ay ang

nakakagamot ng mga di-maipaliwanag na sakit.

Ang mga resultang nakuha ay hindi nagkakalayo sa mga kaugnay na pag-aaral.

Sumasang-ayon ito sa sinabi nina Atwine, et.al (2006) na ang kakayahang pinansiyal ay

isa lamang sa maraming dahilan sa pagtangkilik sa Folk healer. Magkakaiba man ang

mga pananaw ng tao tungkol sa traditional medicine, parte na ito ng kultura ng Pilipinas

na hindi maaalis.
25

Samakatuwid, kailangang mabago ang pagtingin ng mga Pilipino sa mga Folk

healer at mga taong tumatangkilik sa kanila ngayong nasuri na ang mga karanasan at

pananaw ng mga tao ukol dito. Kailangan pang madagdagan ang mga pag-aaral na

kagaya nito upang mabago ang mga estereotipo at maling akala tungkol sa mga Folk

healer. Gayunpaman, nais lamang ng mga mananaliksik na ilahad ang mga dahilan sa

pagptangkilik sa Traditional Medicine. Ang pag-aaral na ito ay hindi upang itaguyod o

sirain ang imahe ng mga Folk healer sa Pilipinas.


26

MGA SANGGUNIAN

Atwine, F., Hultsjo, S., Albin, B., Hjlem, K. (2015) Health-care seeking

behaviour and the use of traditional medicine among persons with type 2 diabetes in

south-western Uganda: a study of focus group interviews. The Pan African Medical

Journal

Baggao, R. (2017) Panulat albularyo ng Pagbilao: Pag-aaral sa mga Tradisyunal

na Panggagamot sa Pagbilao Quezon. Academia.edu, Panulat

Braun, V. at Clarke, V. (2006) Using Thematic Analysis in Psychology.

Qualitative Research in Psychology.

di Sarsina, P, R., Iseppato, I. (2011) Traditional and non-conventional medicines:

the socio-anthropological and bioethical paradigms for person-centred medicine, the

Italian context. Published Online, EPMA Journals

Labastida, S.C. Jr, Alapay, J. et.al (2016) TRADISYUNAL NGA PAMULONG: A

Rationale on the Persistence of Faith Healing Practices in Miagao, Iloilo. University of

the Philippines Visayas, Sikolohiyang Pilipino

Lau, B,W,K. (1989) Why do Patients go to Traditional Healers? Research

Article, Royal Society for Public Health

Kleinman, A., Gale, J, L. (1982) Patients treated by physicians and folk healers:

A comparative outcome study in Taiwan, Culture, Medicine, and Psychiatry An

International Journal of Cross-Cultural Health Research


27

Madamombe, I. (2006) Traditional healers boost primary healthcare.

AfricaRenewal Online

van der Geest, S., Whyte, S, R., (1989) The Charm of Medicines: Metaphors and

Metonyms. Medical Anthropology Quarterly, International Journal for the Analysis of

Health

Zafra, R, B, G. (2013) SUOB, BUGA, SIKOLOHIYA: Isang Pag-aaral sa Kultura

ng Tradisyunal na Panggagamot sa Pagbilao, Quezon. Academia.edu, Papel sa

Pananaliksik

Zank, S., Hanazaki, N., (2017) The coexistence of traditional medicine and

biomedicine: A study with local health experts in two Brazilian regions. Research Article,

PLOS one
28

APENDIKS

Apendiks A

Demograpikong Impormasyon ng mga Respondente

Pangalan: Kalahok 1
Edad: 44
Tirahan: Brgy. 17, Ilawod, Legazpi City
Trabaho: Police officer, SPO2
Estado sa buhay: May kaya
Unang karanasan sa pagpapagamot sa folk healer: : Bata pa

Pangalan: Kalahok 2
Edad: 18
Tirahan: Brgy. 17, Ilawod, Legazpi City
Trabaho: Estudyante, Senior High School
Estado sa buhay: May kaya
Unang karanasan sa pagpapagamot sa folk healer: Bata pa

Pangalan: Kalahok 3
Edad: 44
Tirahan: Brgy. 17, Ilawod, Legazpi City
Trabaho: Police officer,SPO2
Estado sa buhay: May kaya
Unang karanasan sa pagpapagamot sa folk healer: Bata pa

Pangalan: Kalahok 4
Edad: 22
Tirahan: Brgy. 17, Ilawod, Legazpi City
Trabaho: Estudyante, Kolehiyo
Estado sa buhay: May kaya
Unang karanasan sa pagpapagamot sa folk healer: Apat
na taong gulang
29

Apendiks B

Mga Katanungan sa Panayam

Mga Katanungan:

1. Nakaranas ka na bang magpagamot sa isang folk healer?

a.) Ilang taon ka nang una kang dalhin sa isang folk healer?

b.) Sino ang nag impluwensiya sayo na magpagamot sa isang folk

healer?

2. Naniniwala ka bang mabisa at epektibo ang pagpapagamot sa folk

healer? Bakit?

3. Kapag may nagkakasakit sa inyong pamilya, mas madalas ba kayong

nagpapagamot sa folk healer kaysa sa doktor?

4. Ano- ano ang inyong mga dahilan sa mas pagpili niyong magpagamot

sa isang folk healer kaysa sa doktor?

5. Kahit walang siyentipikong embidensya ang mga pamamaraan,

proseso at mga gamot na binibigay ng isang folk healer, para sainyo

mas epektibo ba ang pagpapagamot sa isang folk healer?

6. Tuwing nagpapagamot ka sa folk healer, mas ramdam mo bang ikaw

ay nasa ligtas na mga kamay?

7. May mga naranasan ka bang side-effects sa pagpapagamot sa isang

folk healer? Kung meron man, ano ang mga ito?


30

Apendiks C
Liham Para sa mga Respondente
Pebrero 17, 2018

Iginagalang na __________________,

Malugod na pagbati!

Ang aming asignaturang Filipino 11 at Research 1 ay ilan lamang sa mga bagay na nakatutulong sa mga
mag-aaral na palawakin ang kanilang mga kaalaman sa iba’t ibang bagay na may kinalaman sa napiling
kurso. Isang instrument upang ito ay maging matagumpay ay ang pagpapasagawa sa aming mga mag-aaral
ng isang pananaliksik.

Sa kasalukuyan, kami po ay mga mag-aaral na nasa ika-11 baitang ng Senior High School Department sa
ilalim ng STEM strand. Kami po ay nasa proseso ng pangangalap ng datos para sa aming pananaliksik na
pinamagatang: Isang Kuwalitatibong Pag-aaral Tungkol sa mga Dahilan ng Tao sa Pagtangkilik sa
Tradisyunal na Medisina. Hinahangad po sana naming malaman ang mga rason ng mga residente sa
baranggay 17 na nagpagamot o nagpapagamot sa folk healer.

Hinihiling po sana namin ang inyong pahintulot na kami’y makapagsagawa ng panayam sainyo at yun ay
kung papayag din po kayong mapabilang sa aming mga respondente. Makasisiguro rin po kayong ang lahat
ng makukuha naming impormasyon galing sainyo ay mananatiling kompidensyal.

Hinihiling po namin ang inyong kooperasyon. Maraming salamat po!

Matapat na sumasainyo,

Jed B. Antivola

Anzhela Eryn B. Ataiza

Jaren E. Echano

Carlos B. Gonzaga III

James Julian G. Guerrero

Mga mananaliksik

Nabatid nina:

G. Christian Seminiano

at

Bb. Annie Tejano

Mga Tagapayo sa Pananaliksik


31

Apendiks D

Pormularyo ng Pahintulot

Nabasa at naunawaan ko na ang nilalaman ng dokumentong ito at sinisigurong


ang paglahok ko sa pag-aaral na ito ay kusang-loob. Naintindihan kong malaya akong
umalis sa pagiging respondente anumang oras at lahat ng impormasyong makukuha sa
pag-aaral na ito ay mananatiling kumpidensiyal (paggamit ng pseudonym, anonymity of
data, at pagpalit sa mga pangalan ng tao, lugar, at institusyon na nabanggit.). May
karapatan akong magtanong ukol sa pag-aaral na ito sa anumang oras na naisin.

Nakatanggap na ako ng personal na kopya ng dokumentong ito at sumasang-ayon


akong lumahok sa pag-aaral na ito.

_________________________ ____________________________
Pirma ng Respondente Petsa
_________________________
Pangalan ng Respondente
--------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pormularyo ng Pahintulot

Nabasa at naunawaan ko na ang nilalaman ng dokumentong ito at sinisigurong


ang paglahok ko sa pag-aaral na ito ay kusang-loob. Naintindihan kong malaya akong
umalis sa pagiging respondente anumang oras at lahat ng impormasyong makukuha sa
pag-aaral na ito ay mananatiling kumpidensiyal (paggamit ng pseudonym, anonymity of
data, at pagpalit sa mga pangalan ng tao, lugar, at institusyon na nabanggit.). May
karapatan akong magtanong ukol sa pag-aaral na ito sa anumang oras na naisin.

Nakatanggap na ako ng personal na kopya ng dokumentong ito at sumasang-ayon


akong lumahok sa pag-aaral na ito.

_________________________ ____________________________
Pirma ng Respondente Petsa

_________________________
Pangalan ng Respondente
32

Apendiks E
Transcript
Panayam 1 – Kalahok 1, 44 yrs old
Blg. Tao Pagkasalin Initial code Mga Tema
1 K “May karanasan kana bang magpagamot sa
isang folk healer?”
2 K Meron. Marami. Marami na Sariling Pagkakaroon ng
karanasan dating
karanasan
3 M “Ano po yung first time niyo, kelan po yung first
time niyo? Nung bata pa?”
4 K “Bata pa. Simula nung bata pa tradisyonal nang Tradisyon Pagsunod sa
dati yan bago pa...” tradisyon

“Sa mga loklok na barangay ta arayo man baga Lokasyon ng Pagkakaroon ng


kaito ang hospital...” tirahan malayong
tirahan
M Taga san po ba kayo nun? Malayo po ba kayo sa
hospital?
K “Oo malayo” Distansya ng Pagkakaroon ng
tirahan malayong
tirahan
M Sino nag impluwensya sainyo sir, yung mga
parents?

K “Wala kasi ninuno nang ano mo pa nung yung Pagbabase sa Pagsunod sa


baga nung gred ano ko pa noon. Nung ano Tradisyon tradisyon
tawag dito, nung lola ko pa, yan na talaga ang
tradisyon nung panahon. Kasi kulang naman ang
mga doctor. Mga faith healer lang talaga ang
karamihan. Pero hanggang ngayon, epektibo pa
rin yan”
M Bale po sa pamilya niyo pag may nagkakasakit,
mas madalas po ba kayo sa folk healer or sa
doctor?

0 K “Aw sa ngayon syempre doctor na pero kung Distansya ng Pagkakaroon ng


nasa probinsya ka, malayo ka, no choice ka.” tirahan malayong
tirahan
“Magpapagamot ka talaga sa albularyo depende Alternatibong Pagtingin sa
sa klase ng sakit” medisina folk healer
bilang
alternatibong
medisina
33

11 M Pero pano niyo po nasabing epektibo ito?

12 K “Oh halimbawa ngaya kaya bang maipaliwanag Kakulangan sa Pagkakaroon ng


ng doctor yung ano, yung usog? Yung sibang? kakayahan ng kakulangan sa
Hindi yun maipaliwanag ng doctor yun mga doktor conventional
hanggang ngayon. Oh, laway lang ang katapat medicine
nun. Oh ano pa, yung sinasabing usog? Laway
lang talaga yung katapat nun.”

13 M Edi may tiwala kamo ser sa mga ano sa mga folk


healer na mapapagamot kayo?

14 K “Minsan ang modern age na kasi ngayon 50 50 Kakulangan sa Pagkakaroon ng


chances mo. Dahil may mga bagay na ano kakayahan ng kakulangan sa
depende nga sa sakit na maranasan mo. Katulad conventional conventional
ng pilay, oh yung pilay hindi naman kailangan sa medicine medicine
doctor. Sa manghihilot ka. Diba? Hindi naman
yun kelangan sa doctor. Eh sa doctor,
iineksyonan ka kaagad subalit sa manghihilot
hindi na. Hihilutin ka lang.”

15 M oo nga po, mas mahal pa sa doctor

16 K “Oo mas mahal pa ang sa doctor” Pera Kakulangan sa


Pera

17 M Bale yun lang naman po ang rason parang ang


main reason niyo po kasi available lang yung
faith healer, dun kayo?

18 K “Oo, yung lang ang pinaka ano. Kahit nga sa Tradisyon Pagsunod sa
ano, kahit nga sa syodad, karamihan nag aano Tradisyon
pa rin sa mga, may mga ano pa rin dyan mga
Quack doctor sa ano. Marami pa din. Kahit sa
mga city meron pa din. Hmm”

19 M Pero eto po, may karanasan bang side effects?


May narana naranasan ka bang side effects sa
pagpapagamot sa folk healer?

20 K “Meron. Yung mga nag ano, yung hindi masyado Kakulangan sa Nagpapalala ng
magaling na mga manghihilot, kung minsan kakayahan ng Karamdaman
instead na mapagaling pa, napalala pa tuloy folk healer kapag hindi
34

yung ano, yung pag hilot sayo kasi hindi niya Maayos na
masyado kabisado yung ano niya. Instead na nagawa.
gumaling ka, napamaga niya pa tuloy yung ugat.
Ehem *coughs* May mga may mgaaaaa, may
mga kaso din na ganyan pero pambihira”

21 M Ahh…pambihira...

22 K “Pambihira saaa ano yan. Kasi talaga bago yan Kasaysayan ng Pagkakaroon ng
naging manghihilot, eh halos tumatanda na Tradisyunal na dating
makikita mong manghihilot. Wala kanang medisina base karanasan
makikitang manghihilot na bata pa maliban na sa karanasan
yon, binago lang nila ng mga tinatawag nilang
Therapy. Oh yan ang modern na manghihilot.
Mga physical therapy manghihilot, modern na
yan. Pero ang totoo niyan manghihilot pa rin
yan. Pero ang word na manghihilot, kung sa
ibang ano para pa anak. Diba? Mga manghihilot
maga mga nag para pa anak ang mga
manghihilot. Oh, yan talaga ang tunay na
pangalan ng manghihilot. Pero yung ano, iba
yung manggagamot na ano talaga. Hmm...”

23 M Bukod dun sa rason na tradisyon, masasabi niyo


bang pera ang rason niyo kung bakit
nagpapagamot kayo sa folk healer
24 K “Ay hindi naman.”

25 M Parang gusto niyo lang ba makatipid?

26 K “Hindi. Meron din naman ngang mga doctor na Kakulangan sa Pagkakaroon ng


nagpapgamot dun sa mga manghihilot eh. Hmm” Convetional Kakulangan sa
Medicine Conventional
Medicine
27 M Hindi naman talaga pera ang rason?

28 K “Oo di naman talaga pera at tsaka ang kina Pera Kakulangan sa


anohan lang sa mga manghihilot kung sa doctor pera
ka, check-up palang malaki na”

“Samantalang sa manghihilot voluntaree ka Alternatibong Pagtingin sa


lang. Voluntaree lang ang mga ibibigay mo dun medisina folk healer
sa mga manghihilot” bilang
alternatibong
medisina
29 M bale kung masasabi niyo ser, ano ang main
35

reason talaga kung bakit kayo nagpapagamot sa


folk healer?

30 K “Ahh kung baga ano, ang chances mo dyan


nagbabakasakali ka dyan. Pero dipindi sa klase
ng sakit kasi kung internal, hindi naman yan
kaya ng ano ng manghihilot oh. External man
lang ang mga manghihilot karamihan.”

31 “Ang karamihan ng mga manghihilot na ang Paggamot sa Nakagagamot


mga pinaka ano nila usog, ahhh yung sabi natin mga di- ng mga di
na pumunta ka dun sa barang hindi kaya yan karaniwang maipaliwanag
ieksplikar yan ng doctor. Yung ganyan yan na sakit na sakit
may mga rashes na yan ang tingin sainyo niyan
rashes yan pero ang ano ng mga manghihilot
yan, binarang yan. Ohh, yung mga ganun. May
mga ganun na kaso, hindi na kayang ipaliwanag
ng doctor. Aanuhan agad niyan ng pagkarami
raming gamot samantalang sakanila,
papausukan ka lang. Pagka umaga wala na”

32 M Mas madali

33 K “Oo.”

34 K “Alam mo kase ang manghihilot kung baga


parang ano yan. Ahhhh, hindi mo naman
masasabing ano yan ah superstitious belief mga
tawag dyan,”

35 K “Oo. Pero hindi lahat ng kaya ng doktor Paggamot sa Nakagagamot


gamutin, kaya din ng manghihilot. Yan na mga mga partikular ng mga di
manggagamot na yan. Kaya lang, sa mga na sakit maipaliwanag
manggagamot talaga, pang eksternal lang na sakit
talaga. Yan ang pinagkaibahan nila.”

36 M bale, yun lang naman po ang tanong namin.


Salamat po sa oras niyo
37 K “Oo”
36

Panayam 2- Kalahok 2, 18 yrs. old

Blg. Tao Pagkasalin Initial Code Mga Tema


1 M Kamusta po kayo? Preliminaries… Preliminaries…
2 K “Ayos naman po… “
3 M Ilan na po ba ang edad niyo?
4 K “eighteen po..”
5 M Okay doon na po tayo sa formal
questioning. Nakarnas na po ba kayong
magpagamot sa albularyo?
6 K Pagkakaroon ng
“Oo naman” Karanasan dating
karanasan
7 M Ilang taon ka noong unang dalhin sa folk
healer?
8 K “Bata pa ako. Di ko na maalala ang
edad…”
9 M Naniniwala ka bang mabisa at epektibo ang
pagpapagamot sa folk healer ?
10 K “Oo mabisa ito syempre. Pero depende pag Alternatibong Pagtingin sa
sa sibang lang or ano.” medsina folk healer
bilang
alternatibong
medisina
11 M Sa mga light na sakit lang?
12 K “Oo sa mga light na sakit.”
13 M Ano ba ang mga dahilan kung bakit ka Mga dahilan
nagpapagamot sa albularyo?
14 K “Syempre nakita ko na kaya naniniwala na Nakakita na Pagkakaroon ng
ako sa kakayahan nila. Di man talaga ako mismo ng dating
maniniwala kung di ko nakita nang ebidensiya karanasan
malapitan diba? Para lang yan sa buhay, di
ka maniniwala hangga’t di mo
naranasan…”
15 M Sino ang nag impluwensiya sayo na
magpagamot sa isang folk healer?
16 K “Tatay ko…” Impluwesniya ng Impluwensiya
Magulang ng Pamiya
17 M Pag may nagkakasakit sa pamilya ninyo,
mas pinpili niyo bang magpagamot sa
albularyo o sa doktor?
18 K “Depende sa sakit, pag mga light lang. Alternatibong Pagkakaroon ng
Pero siyempre sa albularyo muna bago sa Medisina Pagkukulang ng
doktor…” Conventional
Medicine
37

19 M Ano pa ba ang ibang dahilan ng


pagpapagamot ninyo sa albularyo?
20 K “Kasi pag sa ano, pag sa sibang di talaga Kakulangan sa Pagkakaroon ng
kaya gamutin ng doktor.” kakayahan ng Pagkukulang sa
mga doktor Conventional
Medicine
21 M Di kaya ng doktor? Gaya ng?
22 K “Oo yung mga sibang tas usog. Di yan kaya Kakulangan sa Pagkakaroon ng
I explain ng doktor. Mas madali sa folk kakayahan ng Kakulangan sa
healer… mga doktor Conventional
Medicine
23 …mas malapit pa. Sa amin kasi maglalakad Distansiya sa Lokasyon ng
ka lang papunta albularyo o siya na mismo folk healer Tirahan.
pupunta dito sa bahay.”
24 M Kahit walang masyadong siyentipikong
ebidensiya ng pamamaraa at proseso ng
mga albularyo, naniniwala ka pa rin bang
epektibo ito?
25 K “Oo depende pero. oo yung iba.. sa sibang. Impluwensiya ng Impluwensiya
kasi yun na din ang paniniwala nina papa Magulang ng Pamilya
tas epektibo man talaga.”
26 M Tuwing nagpapagamot sa mga folk healer
ramdam mo ban a mas ligtas ka sa...ligtas
ka sa kamay ng albularyo na yan?
27 K “Hindi.”
28 M Nagpapagamot ka kahit di mo ramdam na
ligtas ka?
29 K “Ay iyo. pag na. pag ano… pag na ano,
nagagamot…oo naniniwala ako.”
30 M May nararanasan ka na side effects sa side effects
pagpapagamot sa folk healer tapos kung
meron, ano yun?
31 K “Wala pa man.” Walang Pagiging ligtas
masamang ng tradisyunal
karanasan na medisina
38

Panayam 3 – Kalahok 3, 44 yrs old.

Blg. Tao Pagkasalin Initial code Mga Tema


1 M Simula na po tayo sa formal questioning. Tungkol
po ito sa albularyo o folk healer. Number 1 po,
nakaranas na poba kayo na magpagamot sa isang
albularyo?
2 K “Oo nakaranas na.”
3 M Ilang taon po ba kayo nung una kayong nakaranas
nito?
4 K “Bata pa kasi nung panahon naming yan talaga Sariling Pagkakaroon
ang uso, mga 1970’s. Yan talaga ang paniniwala.” Karanasan nang dating
karanasan
5 M Kung ikaw po ang tatanungin, epektibo po b
atalaga ito?
6 K “Hindi naman lahat, may mga iba kasing peke o di Limitasyon sa Pagkakaroon
pa masyadong magaling. Yung iba kasi ginagawa kakayahan ng ng kakulangan
lang para kumita o hanap buhay pero marami folk healer sa tradisyonal
talagang nakakapagpagaling.” na medisina
7 M Sino po yung main na nakaimpluwensiya sainyo
sapag pa albularyo?
8 K “Magulang. Mga Magulang.” Impluwesniya Impluwensiya
ng Magulang ng Pamilya
9 M Bale po pag may nagkaka sakit sa pamilya ninyo,
saan po kayo mas madalas pumunta?
10 K “Albularyo muna, bago sa doktor, albularyo Alternatibong Pagtingin sa
muna.” Medisina folk healer
bilang
alternatibong
medisina
11 M Ah so parang, pag di kaya nung albularyo, saka na
sa doktor.
12 K “Kahit ngayon, yun pa rin”
13 M Besides dun, ano po ba yung mga rason kung bakit
kayo nagpapagamot sa albularyo?
14 K “Una sa lahat, ang pagpapagamot sa ospital Pera Kakulangan sa
mahal, check-up pa lang 300 na…” Pera
“…samantalang sa albularyo, bente lang. Pagtitipid Pagiging
Praktikalan lang yan.” praktikal
“O kasi ang hilot diba, ang pinsan ko doktor din Kakayahan Pagkakaroon
pero naniniwala siya sa albularyo. Kahit ng Albularyo ng kakulangan
propesyonal na niniwala sa kakayahan ng sa
albularyo kita mo yan. Wala naman masama. Kasi conventional
ako mismo nakita ko na ang bias niyan.” medicine
15 M So nasasabi niyo naman pong epektibo ang
pagpapagamot sa albularyo?
39

16 K “Oo kasi napapgaling naman ako. Naranasan ko Karanasan Pagkakaroon


na mismo. Taposbago pa non, nakita ko na sa nang dating
ibang pamilya ko nung bata pa ako na epektibo karanasan
talaga.”
17 M Pag nagpapagamot po kayo ramdam nyo naman
pong nasa ligtas na kamay kayo?
18 K “Oo naman, kasi mga minor lang naman na sakit.” Alternatibong Pagtingin sa
Medisina folk healer
bilang
alternatibong
medisina
19 M May mga naranasan po ba kayong side effects
sapagpapaalbularyo?
20 K “Wala naman. Simula pagkabata, wala pa akong Walang Pagiging
naranasan o nabalitaang masamang nangyare.” masamang ligtas ng
naidulot Traditional
Medicine
21 M May dagdag pa pobakayongsasabihin?
22 K “Katulad noong bata pa ako, yung tito ko, ilang Kakulangan Pagkakaroon
buwan na siyang nasa ospital, sa OGA, bata pa ako sa kakayahan ng kakulangan
non mga grade 2. Isang buwan na di pa ng mga sa
gumagaling.” doktor conventional
medicine
“Dinala sa albularyo, ay pinuntahan pala ng Sariling Pagkakaroon
albularyo sa ospital, basta albularyo galing Karanasan ng Dating
Camalig. baga sana naguyo. Kinabwasan maray Karanasan
na. Naano man sanapalan, nasibang tas kin uno.
Nagparagastos pa sa ospital, kinabwasan tapos na.
Ganun lang kadali. Pinatingin lang naming sa
albularyo jan sa Amec tapos ganon kadali, okay
na”.
23 M Ano po ba yung sakit niya?
24 K “Nakalimutan ko na basta nakapirang x-ray Kakulangan Pagkakaroon
natapos mga gastos pa sa lab ata. Tapos ang sa kakayahan ng kakulangan
katapat lang pala X-ray sa plato tapos san tigwar. ng mga sa
X-ray sa plato baga, su sakandila *tumawa*. doktor conventional
Tapos onteng pahid pahid tapos wala na. Di talaga medicine
ako makapaniwala. Kinaumagahan, labas na sa
ospital. Kaya simula noon, nagpapagamot na rin
ako. “
40

Panayam 4 – Kalahok 4, 22 yrs. old

Blg. Tao Pagkasalin Initial Code Tema/Mga Tema


1 M Okay sa formal questioning naman po. Karanasan
Number one, nakaranas ka na ba na
magpagamot sa isang folk healer o
albularyo?
2 K “Oo na.” May dating Pagkakaroon ng
karanasan dating karanasan
3 M Ilan taon ba po kayo nung dalhin sa isang Edad
folk healer?
4 K “Feeling ko mga....four years old.”
5 M Four years old? Edad
6 K “Mga ganun.”
7 M Sino ba ang naka impluwensya sa inyo na Impluwensya
magpagamot sa folk healer?
8 K ”Umm… parents at grandparents ang nag Pamilya Impluwensya ng
impluwesniya sa akin mostly” pamilya
9 M Naniniwala ka ba na mabisa o epektibo ito? Epekto
10 K “Oo. (tumawa)”
11 M Paano po ninyo nasabi na epektibo ito? Dahilan
12 K “Umm... kasi umm...may mga parang Kakulangan sa Pagkakaroon ng
instances na pumunta na ako sa doktor, kakayahan ng kakulangan sa
hindi naman siya nagamot…” mga doktor Conventional
Medicine
“Pero nung nag, nag pa-albularyo ako na Mabisa sa Pagiging epektibo sa
ano na siya, na cure.” paggamot ng paggamot
sakit
13 M So bale pag may nagkakasakit sa inyong Pagpipilian
pamilya, mas madalas ba kayo magpagamot
sa folk healer o sa doktor?
14 K “Mas ano pa rin, sa doktor parang optional Alternatibong Pagtingin sa folk
lang parang second option lang ang Medisina healer bilang
albularyo.” alternatibong
medisina
15 M Alternative na lng po?
16 K “Oo yun na lang.”
17 M Uhh… besides doon pa ba ang mga rason Rason
kung bakit kayo nagpapa albularyo besides
alternative lang? Nasasabi niyo ba na pera
ang rason or gusto niyo makatipid sa
albularyo?
18 K “Hindi naman, para kasing, pag hindi mga Alternatibong Pagtingin sa folk
gamot, if ever nga na talagang scientifical Medisina healer bilang
way mas maganda na at least may option ka alternatibong
kasi diba gusto ng tao gumaling so…” medisina
41

19 M Option lang talaga?


20 K “Option lang talaga siya.”
21 M Kung nag papagamot po kayo sa folk healer, Kaligtasan
ramdam niyo ba na nasa ligtas kayo na
kamay parang safe naman?
22 K “Oo din naman.” Ramdam ang Pagiging Ligtas ng
Kaligtasan Traditional Medicine
23 M Last question po, may naranasan ba po kayo Side Effects
na side effects sa pagpapagamot sa folk
healer?
24 K “Wala naman...”
25 M Hindi naman kayo lumala ang sakit? Side Effects
26 K “Wala naman.”

You might also like