You are on page 1of 31

EPEKTO NG PANINIGARILYO SA MGA KABATAAN

SA LUNGSOD NG SIBULAN, NEGROS ORIENTAL

_______________________________________________

ISANG PANIMULANG PAG-AARAL

na Iniharap kay

Bb. Arlene L. Decipolo

Guro sa Filipino

Departamento ng Senior High

Sibulan Science High School

Lungsod ng Sibulan

___________________________________________

Bilang Pagtupad sa mga Pangangailangan ng Asignaturang

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto

Tungo sa Pananaliksik

____________________________________________

nina

CAMILLE BIANCA NEPHERTERRI Y. ALVARADO

ADRIAN T. DIVINO

Nobyembre 2017
Republika ng Pilipinas

SIBULAN SCIENCE HIGH SCHOOL


Campaclan, Sibulan, Negros Oriental

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ito’y nagpapatibay na sina ADRIAN T. DIVINO at CAMILLE BIANCA


NEPHERTERI Y. ALVARADO ay kumuha at natagumpay na makapasa sa PAGDEPENSA
NG TITULO sa ika-3 ng Abril, 2017.

ARLENE L. DECIPOLO, BSED Fil.


Tagapayo

Bilang bahagi ng mga kailangan sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang


Teksto Tungo sa Pananaliksik, ang panimulang pag-aaral na ito na pinamagatang “EPEKTO
NG PAGTAAS NG PRESYO NG SIGARILYO SA MGA MANINIGARILYO NG
SIBULAN, NEGROS ORIENTAL” ay inihanda at iniharap ng mga mananliksik na binuo nina:

CAMILLE BIANCA NEPHERTERI Y. ALVARADO

ADRIAN T. DIVINO
PINAGTIBAY NG PANEL SA PAGDEPENSA NG TITULO

Sa ika-____ ng ______, 2017 at binigyan ng gradong _______.

ARLENE L. DECIPOLO, BSED Fil.


Guro sa Filpino
Petsang nilagdaan ___________

KATE MAY O. BASA, BSED Fil. PINKY PIÑERO- DIPUTADO, AB Fil.


Eksternal na Eksperto Eksternal na Eksperto
Petsang Nilagdaan _________ Petsang Nilagdaan _________

Tinanggap para sa pagtatamo ng _______________ na marka sa Pagbasa at Pagsusuri ng


Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.
PAGHAHANDOG

Ang panimulang pag-aaral na ito ay lubos naming inihahandog sa mga taong naging
bahagi sa pagbuo ng aming pag-aaral.

Una sa lahat ang Panginoong Diyos na nagbibigay lakas, gabay at inspirasyon sa amin
para maisakatuparan ang paunang pag- aaral.

Sa aming mga magulang: G. Alejandro Divino


Gng. Anatalia Divino
G. Raul Alvarado
Gng. Catherine Alvarado
Sa aming mga kapatid: Sulpicia Polio
Richard Divino
Pamfila Espiritu
Landy Divino
Diana Frances Ninotchka
Alvarado
Sa aming mga kaklase: Lahat ng mga Estudyante Baitang 11 ng
Sibulan Science Senior High School
Sa aming mga guro: Bb. Arlene Decipolo
Gng. Pinky Faith Frejoles
Bb. Ropilyn Dequito
Bb. Lielin Ablir

ANG TAGUMPAY NAMI N AY NATAMO DAHIL SA INYO!

CAMILLE BIANCA NEPHERTERI Y. ALVARADO

ADRIAN T. DIVINO
PASASALAMAT

Taos-pusong pinasasalamatan ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na mga

indibidwal dahil walang sawang suporta at malaking naiambag upang maisakatuparan ang

paunang pag-aaral na ito:

Unang-una sa lahat ang Poong Maykapal, na siyang nagbibigay lakas, siguridad, at sa

mga grasyang aming natanggap.

Kay Bb. Arlene L. Decipolo, na siyang nagsisilbing tagapayo at sa oras na iginugol niya

sa pagwawasto ng papel na ito. At higit sa lahat ang pagiging isang pangalawang magulang

namin.

Kay Krishna T. Requina, sa charger ng kanyang laptop na laging bukas na ipahiram sa

tuwing gagawa ng papel na ito.

Kay Gng. Sulpicia Polio, sa walang sawang suporta at pagbibigay ng mga

pangangailangan ng pag-aaral na ito.

Kay Gng. Catherine Alvarado, pagbibigay ng mga mahahalagang pangngailangan sa

pag-aaral na ito.

Mga Estudyante ng Baitang 11 ng Sibulan Science Senior High School, sa tulong na

kanilang naiambag at patnubay sa mga gawain ng pag-aaral na ito.

Kay Bb. Ana Marie Jumdana, para sa pagpapahiram ng laptop para sa pag-eenkowd ng

pananaliksik na ito.

Mga Mananaliksik
TALAAN NG MGA NILALAMAN

PAMAGAT PAHINA

Pamagating Pahina ………………………………………………………… … i

Dahon ng Pagpapatibay…….………………………………………………… ii

Pinagtibay ng Panel sa Pagdepensa ng Titulo ……………………………….. iii

Paghahandog …………………………………………………………………. iv

Pasasalamat …………………………………………………………………... v

Talaan ng Nilalaman …………………………………………………………. vi

KABANATA I: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon ….……………………………………………………………… 1

Ang Suliranin ………………………………………………………………… 3

Kahalagahan ng Pag-aaral …………………………………………………… 4

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral ………………………………………...... 5

Depinisyon ng mga Terminolohiya ……………………………...................... 6

KABANATA II: MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Kaugnay na Literatura ……………………………………………………….. 7

Kaugnay na Pag-aaral ………………………………………………............... 11

KABANATA III: DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik …………………………………………………….. 13

Mga Respondente ……………………………………………………………. 13

Instrument ng Pananaliksik ………………………………………………….. 13

Pamaraan ng Pagkalap ng Datos …………………………………………….. 14


Tritment ng mga Datos ………………………………………………………. 14

TALASANGGUNIAN ……...……………………………………………………… 15

APPENDIKS

A. Mga Liham

A.1 Liham para sa mga Respondente………………………………… 17

A.2 Liham Pahintulot ng Punong Guro ……………………………… 18

A.3 Sarbey Kwestyuneyr …………………………………………...... 19

KURIKULUM VITAE …………………………………………………………….. 22


Kabanata I

Suliranin at Kaligiran nito

A. INTRODUKSYON

Noong unang panahon pa lamang, laganap na sa maraming parte ng mundo ang

paninigarilyo. Ang gawaing ito, ayon sa Wikipedia, ay “isinasagawa ng mga tribo upang

kumawala sa ulirat o makihalubilo sa mundo ng espiritu. Ang ilan sa mga gawaing ito ay ang

pagpapaalis ng masasamang espiritu, pagsamo sa mga ito, atbp”. Ngunit, sa paglipas ng panahon,

naging isa na ito sa mga kinagigiliwang uso. Nagsimula ito sa rehiyon ng Central America noong

6000 BC. Nanglumipas ang 5000 taon, 1000 BC, nagsimula ang sibilisasyon ng mga Mayan na

magpausok, humithit at ngumuya ng mga dahon ng tabako. Ginamit din nila ito, kasama ng iba

pang mga halamang medisinal, upang ipanggamot sa mga may sakit at sugat. Nang sila ay

naglayag sa iba pang parte ng mundo,nagdala sila ng mga dahon ng tabako kaya naman nang

lumipas ang mga taon, ang mga manlalakbay, tulad nila Columbus at Francis Drake, ay

naisipang gumawa ng planta ng mga tobako at gawing daan upang magkapera. Naging popyular

ang paninigarilyo ng tabako sa Espanya. Ang paninigarilyo ay isang gawain na kung saan

sinusunog ang sangkap, karaniwang tobako, na maaring nirolyo sa papel sabay sa paghihitng

usok na inilalabas nito. Ayon sa Medlndia Online (n.d), ang stick ng sigarilyo ay binubuo ng

halos 4,000 kemikal na maraming epekto sa katawan at pag-iisip ng tao. Ang ilan sa mga ito ay

ang nicotine, tar, acetone, chloroform, atbp. Dahil nga naman ang mundo ay mabilis magbago,

nakaisp ang ibang tao ngmga modipikasyon ng paggamit o paggawa ng sigarilyo. Sa panahon

ngayon, napakadali nang maimpluwensyahan ang mga tao. Napakadaling sumabay sa uso ang

mga makabagong henerasyon ng mamamayang Pilipino. Mabilis nang maimpluwensyahan ang


mga utak ng mga kabataan natin ngayon. Hinay-hinay nang napapalitan ng western culture ang

ating mga tradisyonal na kultura dahil na rin sa modernisasyon. Isa na rito ang paggamit ng

sigarilyo. Ayon sa pananaliksik ni Jethro Aranas, isang BSDC 3A na estudyante, na

pinamagatang "The Impacts and Influences of Western Thoughts to Filipino Thoughts,

Psychology, and Philosopy" (2017), ang kanlurang kultura ay paulit-ulit at patuloy na

impluwensya sa buong mundo sa mga huling ilang mga siglo. Ang ilang mga mahusay mag-isip

at mga pilosopo ay pinagpalagay na ang Westernization ay katumbas ng modernisasyon.

Ayon sa Global Adult Tobacco Survey (GATS) Philippines noong 2009, 28% ng mga

Pilipino edad labing lima pataas ay naninigarilyo ng tabako. Halos kalahati ng mga lalaki (48%)

at 9% ng mga babae ay naninigarilyo ng tabako. Tatlumpu’t walong porsyento ng mga lalaki ay

araw-araw na naninigarilyo (11 sigarilyo kada araw). Sa kabataan, (edad 13-15), 17% ang

naninigarilyo. Maaaring masasabi natin na napakaraming tao na ang gumagamit ng sigarilyo.

Sa Pilipinas, ang mga kabataan ay nagsisimulang magsigarilyo sa edad na pitong (7)

taon. Nagiging regular na ang paninigarilyo sa edad na 13hanggang 15 taong gulang. Ang

paninigarilyo ang pinakaunang sanhi ng kamatayan sa buong mundo. Ayon sa Department of

Health, isang tao kada 13 segundo, o isang milyong katao taun- taon, ang namamatay dahil sa

paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay sanhi rin ng mga sakit sa puso, baga,kanser, diabetes,

osteoporosis at marami pang iba. Ito din ay madalas na sanhi ng pag- atake ng hika. Ang mga

naninigarilyo ay humihina ang katawan, nahihirapang huminga, laging bumabahin at umuubo,

sumasakit ang ulo at nagbabago ang pang- amoy at panlasa. Ang paninigarilyo ay maaari ring

makapagpapangit dahil sa pagkulubot ng balat, makapagpadilaw ng ngipin at mga kuko sa daliri,

at makapagdulot ng mabahong hininga. Kung ang taong naninigarilyo ay nakakakuha ng

mainstream effects, ang taong nakakalanghap naman ng usok ng sigarilyo ang nakakakuha ng
sidestream effects. Ito ay tinatawag na Passive Smoking. Kahit hindi ka naninigarilyo ay parang

naninigarilyo ka na rin dahil sa mga kemikal nanakukuha mo sa usok ng sigarilyo ng taong

katabi o malapit sananinigarilyo. Mas marami pa ang konsentrasyon ng mga masamangkemikal

ang nakukuha ng mga passive smokers (mga taong hindi naman naninigarilyo pero nakatira

kasama ang taong naninigarilyo) kumpara sa mga taong talagang naninigarilyo. Ang mga ito ay

makakaramdam ng pagsakit ng ulo, at pagtutubig ng mata. Ang mga passive smokers ay may

mas mataas ng 35% posibilidad na magkaroon ng kanser. Ang mga bata o anak naman ng mga

naninigarilyo ay may mas malaking posibilidad na magkaroon ng bronchitis, pneumonia at mga

sakit sa pusolalo na sa unang taon.


Ang suliranin

Ang pangunahing layunin ng panimulang pag-aaral na ito ay upang pag- aralan at alamin

ang mga epekto ng paninigarilyo sa mga kabataan sa kasalukuyang panahon.

Paglalahad ng suliranin

Naglalayon din ang pananaliksik na ito na sagutin ang mga sumusunod na tiyak na mga

katanungan:

1. Ano ang demograpikong profayl ng mga maninigarilyo batay sa mga sumusunod:

1.1 edad

1.2 kasarian

1.4 edukasyong natamo

1.5 okupasyon (kung nagtatrabaho na)

2. Ano-ano ang mga dahilan ng paninigarilyo ng mga maninigarilyo?

3. Ano ang lebel ng paninigarilyo ng mga maninigarilyo ayon sa;

3.1 edad na nagsimulang gumamit ng sigarilyo

3.2 bilang ng sigarilyo o pakete na naubos sa isang araw

3.3 dalas ng paninigarilyo

4. Alamin ang aspekto ng buhay sa mga kabataan na maninigarilyo ang naapektuhan ng


paninigarilyo.

5.. Tukuyin ang iba’t ibang pamamaraan ng mga maninigarilyo na kontrolin ang paninigarilyo.
Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa pananaliksik na ito, masinsinang pag-aaral ang gagawin ng mga mananaliksik upang

malaman ang epekto ng paninigarilyo sa mga kabataan.

Ang magiging resulta ng pag-aaral na ito ay makakabenipeta sa mga sumusunod:

Mga kabataan. Sa maagang panahon, napakahalagang pamulatin ang mga kabataan sa

masamang dulot ng paninigarilyo. Mahalagang maipamulat sa mga kabataan ang ikakasama ng

sigarilyo sa kanilang mga katawan.

Gobyerno. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, magbibigay ideya sa gobyerno o sa lokal

na pamahalaan na masulusyonan ang maagang paggamit ng sigarilyo at epekto nito sa mga

kabataan at masamang dulot ng paninigarilyo.

Mananaliksik at mga susunod pang mananaliksik. Madaragdagan ang kaalaman ng

mga mananaliksik tungkol sa epekto ng paninigarilyo sa mga mga maninigarilyo lalong-lalo na

sa mga kabataan. Matutulungan din nito ang susunod na mananaliksik na gumawa ng kaugnay

na pag-aaral na may kinalaman dito.

Mga mambabasa nito. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay makahikayat sa mga

mambabasa na tulungan ang mga kabataan na tumigil at hindi gumamit ng sigarilyo dahil sa

masamang dulot ng paninigarilyo.


Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Saklaw

Ang buong saklaw ng pag-aaral na ito ng nakatuon lamang sa mga kabataang gumagamit

ng sigarilyo na karaniwang makikita at nakapaligid sa pampublikong lugar ng Lungsod ng

Sibulan, Negros Oriental. Ang mga lugar na ito ay ang parke o plaza, palengke, o di-kaya’y sa

mga lansangan, sa mga sakayan tulad ng dyip, traysikel, habal-habal at sa daungan ng mga

sasakyang pandagat na may naninigarilyo.

Limitasyon

Nililimitahan ng pag-aaral na ito ang mga maninigarilyo kung saan tatlumpo lang sa mga

kabataang maninigarilyo ang gagamitin sa pananaliksik. Nasa mismong pangyayari ng paggamit

ng sigarilyo ng isang tao ang kukunan ng datos at ito’y nasa edad labing-walo pababa lamang ng

maninigarilyo. At dahil ang ganap ng pananaliksik na ito nasa pampublikong lugar at matao,

sisiguraduhin namin na ang respondente ay hindi maaabala ng mga taong nakapaligid sa

mismong lugar.
Depinisyon ng mga Terminilohiya
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa bahaging ito ay nakapaloob ang mga mga kaugnay na literatura at pag-aaral mula sa

mga nabasang jornal, tesis, disertasyon, aklat na nauugnay sa pag-aaral na ito. Ang bahaging ito

ay nagbibigay linaw sa baryabol na ginamit sa pag-aaral na ito.

Mga Kaugnay na Literatura

Ang kaugnay na literatura ay binubuo ng mga nilalaman mula sa mga nabasang artikulo,

aklat at jornal. Upang mas malinawan at mabigyan ng katuturan ang pag-aaral na ito, iniugnay

ang baryabol sa pag-aaral na ito sa mga nabasang literatura.

Sigarilyo

Ayon sa World Health Organization (WHO, n.d.), ang sigarilyo ay isang produktong may

katalinuhang ginawa na nagbibigay ng tama lamang na dami ng nikotina upang ang gumagamit

nito ay mapanatiling adik habang bago patayin ang tao. Kung gayon, ang isang dahilan upang

huminto sa paninigarilyo ay isinasapanganib ng paninigarilyo ang kalusugan at buhay. Ang

paninigarilyo ay iniuugnay sa mahigit na 25 sakit na nasasapanganib ng isang buhay.

Halimbawa, nito ang pangunahing sanhi ng atake sa puso, istrok, talamak na brongkitis,

empisema, at iba’t - ibang kanser, lalo na sa baga.

Ayon sa Kagawaran ng Kalusugan o Department of Health (DOH) na inilathala ng

Official Gazette of the republic of the Philippines (2013) , tinatayang ang Pilipinas ay mayroong

17.3 milyong mamamayan ang tumatangkilik sa tabako. Ito rin ang pinakamalaking bilang sa

buong Timog Silangang Asya. Humigit kumulang 1,073 piraso ng sigarilyo ang ikunukonsumo
ng isang Pilipino, habang ang mga maninigarilyo sa buong rehiyon ay nakagagamit ng hindi

lalagpas sa sanlibong piraso lamang taon-taon. Isa sa mga itinuturong dahilan ng pagtaas ng

porsiyento ng mga naninigarilyong Pilipino ay ang napakababang presyo nito sa ating bansa. Sa

buong mundo, itinuturing na sanhi ang paninigarilyo ng 71% ng mga pagkamatay ay mula sa

kanser sa baga. Kaugnay nito, kanser sa baga rin ang nangungunang uri ng kanser sa Pilipinas.

Inihahayag sa estadistika ng DOH na 10 Pilipino ang namamatay kada oras dahil sa

paninigarilyo.

Ayon sa DOH, kung 10% ang itataas ng buwis sa tabako ay tinatantiyang 2 milyon ang

mababawas sa mga mamamayang naninigarilyo pagtuntong sa taong 2016. Sa pagbaba ng bilang

ng mga naninigarilyo, nababawasan din ang bilang ng mga pagkamatay kaugnay ng pagkonsumo

ng tabako.

Kabataang naninigarilyo

Ayon sa World Health Organization (2009), mahigit kalahati sa kabuuang bilang ng

kabataang Pilipino, partikular na iyong nasa edad 7 hanggang 15, ang gutom na sa bisyo ng

paninigarilyo. Bahagi sila ng tinatayang 40,000 hanggang 50,000 Asian teenagers na maagang

natutong manigarilyo bungang kakulangan sa batas laban sa tabako at walang humpay na

promosyon nito sa bansang Pilipinas. Sa katunayan, isa sa bawat tatlong lalaki na nasa middle

age ang namamatay dahil dito. Inaasahang tataas pa ang bilang na ito sa mga darating na buwan

dahil sa mabilis na paglaganap ng bisyo sa mga kabataan, lalo na sa Pilipinas. Nalagadaan na ni

Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo ang Tobacco Regulation Act of 2003 (RA 9211) na

naglalayong protektahan ang mga mamamayan laban sa masamang epekto ng paninigarilyo. Sa

ilalim ng batas na ito, bawal na ang paninigarilyo sa lahat ng pampublikong lugar gaya ng mga
paaralan, ospital, mga terminal, restawran, at iba. Bawal na rin ang pagbebenta ng yosi sa mga

tindahan na malapit sa mga paaralan, at di napagbibintahan nito ang mga menor de edad.

Required din ang mga kumpanyang gumagawa ng sigarilyo na ilagay ang health warning sa

harapan ng kaha ng yosi. Binan na rin noong 2007 ang mga ads ng mga sigarilyo sa iba’t ibang

media.

Kaugnay na pag-aaral

Internasyonal na pag-aaral

Ayon sa Malakanyang, ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa mundo na pinakaunang

tumupad sa panawagan ng World Health Organization na i-regulate ng mga bansa ang paggamit

ng mga produktong may nikotina. Ayon kay Dr. Lain, ang paninigarilyo ay nakapagpapasaya. Ito

ang lumabas na resulta ng pag-aaral na isinagawa ng Peninsula Medical School sa United

Kingdom sa pangunguna hinggil sa kaugnayan ng paninigarilyo sa Psychological well-being ng

tao. Sa kanilang pagsisiyasat, napag-alaman na ang mga naninigarilyo ay nakararanas ng

mababang antas ng kasiyahan at life satisfaction kumpara sa mga hindi naninigarilyo. Ayon sa

mga pag-aaral ang paninigarilyo ay maaaringmagdulot ng pagtaas ng blood pressure, paglapot ng

dugo, kanser sa baga,bibig, lalamunan, matris at pantog, katarata, pagkabulag at low birth

weightat birth defects ng mga sanggol sa sinapupunan. Isa sa apat na taongnaninigarilyo ay

namamatay sa mga sakit na dulot nito. Ang iba naman aynaghihirap ng maraming taon sa

kanilang kalusugan. Ang tar at CarbonMonoxide na nasa usok ng sigarilyo ay nakakirita at

sumisira sa mga bagatuwing humihinga ang taong naninigarilyo. Ang pangangati ng lalamunan

ay kalaunang magiging ubo. Kapag nagtagal ay magdudulot ito ng paparaming plema. Ang mga

ito ay paraan ng ating mga katawan ng pagprotekta sa usok. Kapag itinuloy pa rin ang
paninigarilyo, maaaring magkaroon ng siponat trangkaso, pati na rin bronchitis, pneumonia at

iba pang malalang sakit sapuso. Sa kalaunan ay maaari pang magkaroon ng emphysema ang

isangtaong naninigarilyo, kung saan nasisira ang ibang bahagi o kabuuan ng mgabaga. Habang

lumalala ang sakit, ay mahihirapan na ito sa paghinga atmaging sa paglakad. Ang paninigarilyo

ay isa sa mga dahilan ng emphysema.

May apat na milyong kabataang Filipino sa pagitan ng edad na 11hanggang 19 ang naninigarilyo

na, ayon sa magkatuwang na pag-aaral ng Department of Health (DoH) at World Health

Organization (WHO). Batay sapag-aaral na pinamagatang “Global Youth Tobacco Survey,"

mahigit 60porsyento o 2.7 milyon mula sa bilang ng mga kabataang naninigarilyo ay pawang

mga lalaki samantalang 1.4 milyon ang mga babae. Isinaad din sapag-aaral na walo mula sa 10

sa mga na sakop ng pag-aaaral ang nakakitang mga patalatastas na tumatangkilik sa sigarilyo

noong 2007. Nagbabala si Dr. Maricar Limpin, executive director ng Framework on Tobacco

Control of the Philippines Alliance, na patuloy na darami ang mga kabataang naninigarilyo

hangga’t hindi ipinagbabawal ang patalatastas sa paggamit ng tabako. Ayon kay Limpin, noong

2005 ay nasa pagitan lamang ng 17 hanggang 18 porsyento ang bilang ng mga kabataang

naninigarilyosamantalang umakyat ang bilang sa 23 porsyento noong 2007.

May apat na milyong kabataang Filipino sa pagitan ng edad na 11hanggang 19 ang naninigarilyo

na, ayon sa magkatuwang na pag-aaral ng Department of Health (DoH) at World Health

Organization (WHO). Batay sa pag-aaral na pinamagatang “Global Youth Tobacco Survey,"

mahigit 60 porsyento o 2.7 milyon mula sa bilang ng mga kabataang naninigarilyo aypawang

mga lalaki samantalang 1.4 milyon ang mga babae. Isinaad din sapag-aaral na walo mula sa 10

sa mga na sakop ng pag-aaaral ang nakakitang mga patalatastas na tumatangkilik sa sigarilyo

noong 2007. Nagbabala si Dr Maricar Limpin, executive director ng Framework on Tobacco


Control of thePhilippines Alliance, na patuloy na darami ang mga kabataang naninigarilyo

hangga’t hindi ipinagbabawal ang patalatastas sa paggamit ngtabako. Ayon kay Limpin (2005),

ay nasa pagitan lamang ng 17 hanggang 18 porsyento ang bilang ng mga kabataang

naninigarilyosamantalang umakyat ang bilang sa 23 porsyento noong 2007.


KABANTA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik

Inilalahad ng kabanatang ito ang deskriptib- analitik na uri ng pag-aaral sa pangangalap

ng mga datos at impormasyon ukol sa epekto ng sigarilyo sa mga kabataang naninigarilyo sa

lungsod ng Sibulan, Negros Oriental.

Mga Respondente

Ang pananaliksik na ito ay kinabibilangan ng mga maninigarilyo na karaniwang makikita

sa pampublikong lugar sa lungsod ng Sibulan, Negros Oriental. Tatlumpo (30) kabataang

maninigarilyo lamang ang kukunan ng datos.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang instrumentong gagamitin sa pagkuha ng datos sa mga maninigarilyo ay ang mga

nakalimbag na mga katanungung hiniram at pinahusay mula kina Kimberly Maneja sa kanyang

pag-aaral na The Effect of Sin Tax and Anti-Smoking Campaign in Regulating Cigarette Smokers

in Davao City, Philippines (2015) at kay Porxch na Masamang Epekto Ng Paninigarilyo Sa Mga

Kabataan Sa Kalusugan, Pag-Aaral, At Pakikipag-Ugnayan (2010). Sa pagsagot sa mga

nakalimbag na mga tanong, ang respondente ay maaring gumamit ng panulat tulad lamang ng

lapis o bolpen. Ang kwestyuneyr na ginamit ay kinabibilangan ng tatalong bahagi. Una, ang

sosyodemograpikong estado ng respodente, pangalawa, ang kasaysayan ng paninigarilyo at ang

panghuli ay ang pattern ng pagkonsumo ng mga maninigarilyo.


Pamamaraan ng Pagkalap ng Datos

Bago pa man kunan ng datos ang mga respondente, humingi ng pahintulot ang mga

mananaliksik sa punong-guro na si Gng. Florencia Campoy upang isagawa ang naturang sarbey

sa loob ng iilang linggo na gagawin sa labas ng campus. Bukod sa liham ng guro, ang mga

nakalimbag na mga katanungan para sa mga respondente ay may nakalakip na liham pahintulot

para sa mga respondenteng kabilang sa gagawing pananaliksik.

Tritment ng mga Datos

Sa pagkolekta ng mga datos, ang mga respondente ay bibigyan ng mga nakalimbag na

mga katanungan na hiram at pinahusay galing kay Kimberly Maneja at Porxch. Pagkatapos

sagutan ang ang mga tanong, pag-aaralan ng mga mananaliksik ang mga nakalap na datos mula

sa ginawang sarbey upang mas maihayag ito nang mahusay.

Ang mga nakalap na mga datos ay susuriin sa pamamagitan ng pagkuha ng bahagdan ng

mga maninigarilyo na kaugnay sa pananliksik na ito sa Sibulan, Negros Oriental.

Narito ang formula sa pagkuha ng bahagdan:

𝑓
P= 𝑛 𝑥100

Kahulugan:

P= percentage (bahagdan)

𝑓= frequency (dalas)
n= number (bilang ng mga respondente)
TALASANGGUNIAN

Official Gazette of the Republic of the Philippines. 2013. Kinuha mula sa


http://www.gov.ph/2012/12/19/republic-act-no-10351/.

Pinoy MD (2013). Kinuha mula sa https://www.facebook.com/ gma7pinoymd/posts/ 45797779


4251222

Tobacco Free Kids, Pilipinas- Campaign for Tobacoo- Free Kids (2009).
http://global.tobaccofreekids.org/files/pdfs/tg/Philippinestobburdentg.pdf.

Scribd (2010). Kinuha mula sa https://www.scribd.com/doc/28841254/Baby-Thesis-in-Filipino

Jovis Malasan (2011). Kinuha mula sa https://www.scribd.com/doc/46321313/Pananaliksik-


ukol-sa-Epekto-Ng-Paninigarilyo-Pananaliksik
APENDIKS
Ika-____ ng _______, 2017

GNG. FLORENCIA D. CAMPOY


Punong guro
Sibulan Science High School
Campaclan, Sibulan,
Negros Oriental

Mahal naming Punong guro,

Magandang araw po!

Kami po ay mga mag-aaral ng baitang 11 sa Sibulan Science Senior High School na


kasalukuyang nagsagawa ng isang pananaliksik na pinamagatang “EPEKTO NG
PANINIGARILYO SA MGA KABATAAN SA LUNGSOD NG SIBULAN, NEGROS
ORIENTAL”. Taos-puso po kaming humihingi sa inyo ng pahintulot na magsagawa ng pag-
aaral sa pamamagitan ng pagsasarbey sa labas po ng kampus ng Sibulan Science High School.

Kalakip sa liham na ito ang mga katanungang ibabahagi sa mga respondente.

Kami po ay nagpapasalamat sa inyong permiso at konsidirasyon.

Lubos na gumagalang,

CAMILLE BIANCA Y. ALVARADO

ADRIAN T. DIVINO

Binibigyang pansin ni:

ARLENE L. DECIPOLO
Tagapayo

Inaprubahan ni:

FLORENCIA DEPOSOY CAMPOY


Punong guro
Sibulan Science High School
Ika-____ ng ________, 2017

Mahal naming respondente,

Magandang araw sa iyo!

Kami po ay mga mag-aaral ng Sibulan Science High School Senior High Department na
kasalukuyang gumagawa ng isang pananaliksik na pinamagatang “EPEKTO NG
PANINIGARILYO SA MGA KABATAAN SA LUNGSOD SIBULAN, NEGROS
ORIENTAL”. Kayo po ay isa sa aming napiling respondente. Nais po naming hingin ang iyong
pahintulot na maging isa sa aming mga respondente sa nasabing pananaliksik. Sasagutan mo
lamang po ang aming inihandang kwestyuneyr na hiniram at isinalin sa wikang Filipino, na
nakalakip sa liham na ito. Sinisigurado po namin sa iyo na ang mga impormasyong iyong
ipinagkatiwala sa amin ay mananatiling kumpidensyal at sa pagitan lamang ng mga mananaliksik
at sa iyo.

Lubos na gumagalang,

CAMILLE BIANCA NEPHERTERI Y. ALVARADO

ADRIAN T. DIVINO
EPEKTO NG PANINIGARILYO SA MGA KABATAAN SA

LUNGSOD NG SIBULAN, NEGROS ORIENTAL

PART I. Sosyodemograpikong estado


Panuto: Sagutin lamang ang mga sumusunod na katanungan at lagyan ng (√) kung
kinakailangan.
1.1 Pangalan ng Respondente (opsyonal): __________________________________________
1.2 Edad: __________
1.3 Kasarian: _________
1.4 Edukasyong natamo (Educational attainment): (lagyan ng tsek (√) ang patlang)
____tapos na
____nag-aaral pa
____huminto (kung huminto, lagyan lamang ng taon ng natamong pag-aaral)
____ mag-aaral pa
1.5 Okupasyon (kung nagtatrabaho na): ____________________________
Buwanang Kita: lagyan ng tsek (√) ang patlang.
_____P200 pababa _____P500-800 _____P1,500-3,000 ______ P 5,000 pataas
_____P200-500 _____P800-1,500 _____P3,000-5,000

PART II. KASAYSAYAN NG PANINIGARILYO

2.1 Bakit ka nanigarilyo? (lagyan ng tsek (√) ang patlang na nasa unahan)

_____ dahil sa impluwensya ng aking mga kaibigan, pamilya, kaklase. Atbp.

______ dahil gumagaan ang aking pakiramdam kapag nakakapagsigarilyo ako.

______dahil ito lang aking paraan sa pagpapalipas ng oras.

Iba pa: __________________________________________________________________

2.2 Ilang taon ka nagsimulang maninigarilyo?

______12 y/o pababa ______14-16 y/o

______12-14 y/o. ______16-18 y/o


2.3 Ilang sigarilyo ang nauubos mo sa isang araw?

_____3 pababa

_____ 3-5

_____ 5-8

_____8-10

_____10 pataas

2.3 Gaano ka kadalas manigarilyo?

_____ Kada oras

_____ Araw-araw

_____lingguhan

Iba pa: _______________________________________________________________

2.4 Noong nagsimula kang manigarilyo, may pagbabago bang nangyari sa aspekto ng iyong
buhay?

_____meron. ______wala.

2.5 Ano ang pagbabago sa aspekto ng iyong buhay noong nagsimula kang manigarilyo?

______ iniiwasan ako ng mga tao

______ kaunti na ang perang nailaan ko sa aking sarili

______ mas dumamai ang kaibigan ko

Iba pa: __________________________________________________________________

2.6 Simula noong gumamit ka ng sigarilyo, may nararamdaman ka bang pagbabago sa iyong
pangangatawan?

____meron. _____ wala

Kung meron ano ang pagbabago o iyong nararamdaman?

______ nagtutubig ang aking mata

______ sumasakit ang aking lalamonan

______ nahihirapan ako sa paghinga


_____ sumsakit ang aking ulo

_____ bumaho ang akong hininga

Iba pa: __________________________________________________

2.7 Nasubukan mo na bang huminto sa paninigarilyo?

____Oo. ______Hindi

Kung Oo, paano mo ito kinontrol?

_____ umiiwas ako sa mga naninigarilyo kong mga kaibigan

_____ hindi ko pinaglaanan ng pera ang aking bisyo

_____ sumasali ako sa mga organisasyon na hindi nauugnay sa paninigarilyo o sa mga


bisyo

Iba pa: _______________________________________________________________


KURIKULUM VITAE

Pangalan: CAMILLE BIANCA NEPHERTERI Y. ALVARADO

Petsa ng Kapanganakan: Abril 9, 1999

Tirahan: Brgy. Agan-an, Sibulan, Negros Oriental

Katayuang Sibil: Walang asawa

Mga Magulang: G. Raul M. Alvarado

Gng. Catherine Y. Alvarado

Mga Kapatid: Diana Frances Ninotchka Y. Alvarado

Eoshua Yzrah Yohann Y. Alvarado

Kursong Natapos:

Mababang Paaralan: Silliman University School of Basic

Education (SUSBE)

Karangalang Natamo: Minor Award at 2nd Honor

Mataas na Paaralan: Sibulan Science High School

Karangalang Natamo: Honor

Higit na Mataas na Paaralan: Sibulan Science Senior High School


KURIKULUM VITAE

Pangalan: ADRIAN T. DIVINO

Petsa ng Kapanganakan: November 16, 1998

Tirahan: Purok 3, Magatas Sibulan, Negros Oriental

Katayuang Sibil: Walang asawa

Mga Magulang: G. Alejandro B. Divino

Gng. Anatalia T. Divino

Mga Kapatid: Sulpicia D. Polio

Pamfila D. Espiritu

Landy T. Divino

Richard T. Divino

Kursong Natapos:

Mababang Paaralan: Sibulan Central Elementary School

Karangalang Natamo: Minor Awards

Mataas na Paaralan: Sibulan National High School

Higit na mataas na paaralan: Sibulan Science Senior High School

You might also like